You are on page 1of 9

ESP 4

Second Periodical Examination


SY 2023-2024

Pangalan: Pangkat: ___________ Petsa:_____________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon at tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.
1. Nagalit ka sa iyong kaklase at sinabihan mo siyang baboy. Tama ba ang iyong
ginawa?

A. Hindi B. Oo C. Marahil D. Ewan


2. Nagbibiruan kayo ng mga kaibigan mo habang naglalaro. Sa pagbibiro,
napagsabihan mo ang iyong kaklase na mukhang unggoy. Sa iyong palagay, ano ang
mararamdaman ng iyong kalaro?

A. Masaya C. Matatakot
B. Malulungkot D. magugulat

3. Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kaya sumasali ka sa mga


paligsahan sa inyong paaralan at komunidad. Gayunpaman, madalas mong marinig na
may pumipintas sa iyo. Ano ang iyong gagawin?

A. Aawayin ko sila dahil inaaway din nila ako.


B. Hindi ko sila papansinin dahil alam kong naiinggit lang sila.
C. Pipintasan ko rin sila kagaya ng mga panlalait nila sa akin.
D. Tatanggapin ko ang mga pintas nila at pagbubutihin ko ang aking ginagawa.

4. May bago kayong kaklase galing sa malayong probinsya. Nalaman mong


pinipintasan ito ng mga kaklase mo. Ano ang gagawin mo?

A. Hindi ko sila papansinin.


B. Gagayahin ko rin ang aking mga kaklase.
C.Pagsasabihan ko ang aking mga kaklase na huwag siyang pintasan.
D.Wala akong pakialam sa ginagawa nilang panloloko sa kanya.
5. Binabatikos ka dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo.
Paano mo haharapin ang mga pumupuna sa iyo?
A.Babatikusin ko rin siya.
B.Hahamunin ko siya ng away.
C.Hindi ko na lang siya papansinin.
D.Kakausapin ko siya nang mahinahon at hihingi ng tawad.

6. Napansin ka ng isang guro na maingay ka sa koridor habang may klase. Pinuna ka


sa iyong maling ginawa. Ano ang gagawin mo?

A.Hindi ko siya papansinin.


B.Hihingi ako ng sorry sa aking maling ginawa.
C.Patuloy pa rin ako sa pag-iingay sa koridor
D.Sisimangot ako sa kanya buong araw.

7. Nakita mo na masayang nagtatawanan ang mga nagbibiro mong kaklase subalit


ang iyong kaklase ay tila gusto nang umiyak. Nasasaktan na siya sa mga biro ng ibang mag-
aaral. Ano ang iyong gagawin?

A. Aawayin ko ang aking mga mag-aaral.


B. Hindi ko sila papansinin at aalis na lang agad.
C. Pagsasabihan ko sila na nakakasakit na ang kanilang biro.
D. Sasali din ako sa kanilang pagbibiro sa aming kaklase.

8. Kayo ay naglalaro ng mga kasama mo nang biglang nasagi mo ang mga gamit ng
isang batang palakad-lakad. Ano ang gagawin mo?
A.Hindi ko siya papansinin
B.Hihingi ako ng paumanhin at tutulungan ko siya
C.Papagalitan ko siya dahil paharang-harang siya sa daan.
D.Sisigawan ko siya dahil humaharang siya sa dadaanan ko.

9. Hiniram mo ang laruan ng iyong kapatid. Nasira ito nang hindi mo sinasadya.
Ano ang iyong gagawin?

A. Itatago ko ang kanyang laruan.


B. Itatapon ko agad ito para hindi niya mapansin.
C.Pagbibintangan ko na lang ang isa ko pang kapatid.
D.Sasabihin ko ang totoo at hihingi ako ng sorry sa aking kapatid.

10. Nagtampo sa iyo ang kaibigan mo dahil hindi ka sumipot sa kanyang kaarawan.
Ano ang dapat mong gawin?
A.Hindi ko na lang siya papansinin.
B.Hahanap na lang ako ng ibang kaibigan.
C. Hihingi ng pasensya sa hindi pagpunta sa kaarawan niya.
D.Wala akong pakialam sa kanya kung ayaw niya sa akin.
11. May nakita kang umiiyak na bata kasi siya ay nawawala.
Maaari mong maitulong sa kanya ang mga sumusunod MALIBAN sa:
A. Dadalhin ko siya sa barangay para matulungan siya.
B.Tatanungin ko siya kung anong pangalan niya at kung saan siya nakatira.
C. Hindi ko siya papansinin at hahayaan siyang umiyak mag-isa.
D. Tutulungan ko siyang makabalik siya sa kanyang pamilya.

12. Napansin mong nasa isang sulok at malungkot ang iyong kaklase. Ano ang
pwede mong gawin?
A.Hindi ko na lang din siya papansinin.
B.Lalapitan at dadamayan ko siya kung bakit siya malungkot.
C.Pagtatawanan ko siya dahil lalo siyang napangit sa itsura niya.
D.Sasabihan ko sya na dapat lang na maging malungkot siya palagi.

13.Napagalitan si Mico ng kanyang magulang sapagkat bumaba ang kaniyang


marka. Hindi na siya kasama sa mga nangunguna sa klase. Ano ang maaari mong
sabihin kay Mico?
A.Bumawi ka na lang sa susunod Mico.
B.Hayaan mo na Mico. Wala namang silbi yan.
C.Hayaan mo na yan Mico, maglaro na lang tayo.
D.Huwag mo na lang pansinin ang mga marka mo, Mico.

14. Sino sa mga sumusunod na mga bata ang nagpapakita ng pagiging


maunawain sa kalagayan ng kanyang kapwa?
A.Si Anton na palaging nang-aaway ng kaklase
B.Si Diether na sariling baon lang ang kanyang iniintindi.
C.Si Francine na binibigyan ng payo ang kanyang mga kaklase.
D.Si Belle na pinagtatawanan ang mga batang may kapansanan.
15. Nakita ni Alliyah na umiiyak ang kanyang kaklase dahil
nawawala ang bag nito. Tinulungan nya ito upang mahanap ang nawawala nitong
gamit. Tama ba ang kanyang ginawa? Bakit? Bakit hindi?

A. Oo, dahil ipinapakita ni Alliyah ang pagiging maunawain sa kapwa.


B. Oo, dahil pagkatapos nilang mahanap ay hihingi si Aliyah ng kapalit.
C. Hindi, dahil mapapagod lang siya sa kakahanap ng gamit ng kaklase niya.
D. Hindi, dahil wala dapat siyang pakialam sa problema ng kaklase niya

16. Si Leo ay nagtatabi ng dalawang piso sa isang araw upang makatulong siya
sa mga nangangailangan. Anong katangian ang kanyang ipinakita?

A. Pagiging bukas-palad C.Pagiging malungkot


B. Pagiging masayahin D.Pagiging magagalitin

17. Anong kalamidad ang may malakas na hanging kumikilos ng paikot na


madalas ay may kasamang malakas at matagal na pag- ulan?
A. bagyo B. lindol C. pandemya D. sunog
18. Ito ay isang uri ng sakuna kung saan mabilisang kumakalat ang apoy sa isang
gusali o lugar.

A. baha B. lindol C. pandemya D. sunog


19. Sino sa mga sumusunod na mga bata ang nagpapakita ng pagiging
matulungin?

A. Si Dino na nang-iinggit sa kanyang mga kaklaseng walang makain.


B. Si Fely na tinatago ang dala niyang pagkain upang walang makahingi.
C. Si Rhian na nagbibigay ng mga damit sa mga nasalanta ng bagyo at baha.
D. Si Tonyo na natutuwa tuwing may napapanood na apektado ng mga sakuna.
20. Bilang bata, sa paanong paraan ka maaaring makatulong
sa kaklase mong nasunugan ng bahay?

A. Huwag pansinin ang nangyari sa kaklase dahil bata ka pa.


B. Ipagkalat sa lahat ng kakilala na nasunugan ng bahay ang iyong kaklase.
C. Matutuwa dahil hindi makakapasok ang iyong kaklase ng ilang araw sa
paaralan.
D. Magdadasal para sa kanila at bibigyan ng mga damit na maaari nilang
magamit.

21. Nakita mong umiiyak ang iyong kaklase dahil nagugutom na siya at naiwan
niya ang baon niyang pagkain sa bahay. Ano ang iyong dapat gawin?

A. Papabayaan ko lang siyang umiyak sa isang tabi.


B. Hahatian ko siya sa baon kong pagkain para di siya magutom.
C. Tatawagin ko ang aking mga kaklase upang lokohin pa siya lalo.
D. Wala akong gagawin dahil hindi naman ako ang magulang niya.

22. Bakit kailangan mong magpakita ng pagiging matulungin sa iyong kapwa?

A. Dahil ito ang gusto ng aking guro para tumaas ang marka.
B. Dahil ito ang sabi ng iyong mga magulang para sa aktibidad sa paaralan
C. Dahil ang pagiging bukas-palad ay katangian ng isang mabuting bata
D. Wala sa mga nabanggit na pamimilian.

23. Binagyo ang lugar nila Jose na iyong kaibigan. Halos naanod lahat ang mga
kagamitan niya sa pag-aaral. Ang mga sumusunod ay maaari mong maitulong
MALIBAN sa:

A. Bibigyan ko siya ng mga luma kong kagamitan sa pag- aaral na pwede


pang gamitin.
B. Hihikayatin ko ang iba ko pang kaibigan at kaklase na magbigay ng
tulong sa kanya.
C. Dadamayan siya sa nangyaring kalamidad sa kanila.
D. Hindi na lang ako makikialam dahil hindi naman ako nasalanta.
24. Nasunugan ang isa mong kaklase. Halos walang naiwan na
gamit sa kanila. Ano ang maaari mong maitulong?

A. Bibigyan ko sila ng bahay.


B. Irereport ko sa pulisya kahit di ko alam ang sasabihin ko.
C. Magbibigay ako ng mga lumang damit na pwede pang gamitin.
D. Wala akong pakialam kasi hindi naman ako ang nasunugan ng bahay.

25. Ang mga sumusunod na mga gawain ay nagpapakita ng pagiging bukas-


palad MALIBAN sa .

A. Panonood lamang sa mga nasalanta ng iba’t ibang kalamidad


B. Pagbibigay ng pagkain at inumin sa mga pulubi sa lansangan
C. Pag-iipon ng mga maaayos na lumang damit para sa mga nasunugan
D. Pagbibigay ng delata at tulong pinansyal sa mga biktima ng kalamidad.

26. Ito ay isang lugar sa paaralan kung saan makikita ang iba’t ibang mga aklat at
babasahin
A.kantina B. parke C. silid-aralan D. silid-aklatan
27. Bilang isang mag-aaral, kailangan bang makipagtulungan sa pagpapanatili ng
kalinisan ng palikuran?
A.Hindi B. Oo C. Marahil D. Ewan
28. Si Elsa ay hindi nag-iingay sa kanilang bahay dahil alam niyang nag-aaral
para sa isang mahalagang pagsusulit ang kanyang ate. Ano ang katangiang ipinakita
niya?

A. Paggalang sa taong may sakit


B. Paggalang sa taong nag-aaral
C. Paggalang sa oras ng pamamahinga
D. Paggalang sa taong nagsasalita sa unahan

29. Palaging nakikinig si John Rain sa kanyang guro lalo na kapag tinatalakay
ang kanilang mga aralin. Alin sa mga sumusunod na paggalang ang kanyang ipinakita?
A. Paggalang sa taong may sakit
B. Paggalang sa taong nag-aaral
C. Paggalang sa oras ng pamamahinga
D. Paggalang sa taong nagsasalita sa unahan
30. Ang mga kagamitan at pasilidad ng paaralan ay kailangan
gamitin nang maayos. Paano mo maipakikita ang maayos na
paggamit ng mga pasilidad na ito?
A. Pabayaang nakakalat ang mga kagamitan.
B. Hayaan ang tagalinis ang pumulot sa mga kalat mo.
C. Isauli sa tamang lalagyan ang mga aklat pagkatapos ito gamitin.
D. Susulatan ng hindi magaganda ang mga pintuan at upuan para lalo
ka pang makilala sa paaralan.

31. Sa anong paraan mapanatili ang kalinisan ng palikuran sa loob ng silid-


aralan?

A. Itapon ang tisyung nagamit na kahit saan.


B. Ilagay sa loob ng kubeta ang tisyung nagamit na.
C. Iwasang gumamit ng palikuran sa loob ng silid-aralan.
D. Buhusan kaagad ng tubig ang kubeta pagkatapos gumamit nito.

32. Bakit kinakailangan na maayos ang paggamit ng mga pasilidad?


A. Hindi na ito alalahanin pa kasi may tagapag-ayos naman nito.
B. Para ito ay masira kaagad at hindi na magamit pa ng mga susunod sa amin.
C. Pabayaan na lang at bibili na lang nang bagong kagamitan ang
pamahalaan.
D. Upang makakaiwas sa sakit, makakatipid sa pera, at
mapakinabangan pa ng mga susunod na kabataan.

33. Kahit luma ang pintura at maliit lamang ang aming palikuran maayos at
malinis ang pagkakagawa nito. Tama ba ang pag-aayos at paglilinis nito?
A. Hindi dahil maliit lang ang kanyang espasyo.
B. Pwede na rin kasi ang mahalaga mayroon kayong palikuran.
C. Tama dahil kapag malinis at maayos ang kalagayan nito, nalalayo sa
sakit ang mga gagamit dito.
D. Nagsasayang lang kayo ng panahon sa paglilinis nito dahil luma na at
maliit pa ang espasyo nito.
34. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng maayos at
tahimik na kapaligiran MALIBAN sa:
A. Sumusunod sa “curfew” ang mga mamamayan sa Lungsod ng Tayabas.
B. Masaya at may pagkakaunawaan ang magkakapitbahay sa Barangay Potol.
C. Walang maririnig na ingay ng videoke kapag sumapit ang alas onse ng
gabi sa Barangay Anos.
D. May pag-aalala ang mga mamamayan ng Barangay Bukal dahil sa
lumalaganap na akyat-bahay sa kanilang lugar.

35. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang kaaya- ayang kapaligiran
MALIBAN sa:
A. Makalat na kalye.
B. Luntiang kapaligiran.
C. Maayos at malinis na drainage system.
D. Pagsunod sa “No Parking Area, No Car Policy”

36. Magkapatid sina Ara at Donna at iisa ang kanilang silid- tulugan. Maayos si
Ara sa gamit samantalang si Donna ay magulo sa kaniyang mga kagamitan. Minsan,
naiinis na si Ara dahil hindi siya mapakali sa tuwing makalat ang kanilang silid. Kung
ikaw si Ara, ano ang iyong gagawin?

A. Aawayin si Donna dahil ang kalat niya.


B. Hahayaan lang ito na maging makalat.
C. Isusumbong si Donna sa nanay ninyo dahil nakakainis siya.
D. Kakausapin si Donna na tumulong mag-ayos ng kanilang silid-tulugan.

37. Paano ka makatutulong para makamit ang pagkakaroon ng isang kaaya-


ayang kapaligiran ?

A. Huwag pansinin ang itinakdang curfew hour.


B. Makibahagi sa Clean and Green Program ng barangay.
C. Magkunwaring hindi nakita ang tambak na basura sa kusina.
D. Makipagkaibigan sa mga tambay na naninigarilyo at nag-iinuman.
38. Narinig mong nakikipag-away ang kaibigan mong si
Richard. Dali-dali kang tumakbo papunta sa kanya at nakita mong binabato niya ang
isang bata. Ano ang iyong gagawin?
A. Sisigawan ko ang bata para matakot.
B.Tutulungan ko siya upang matalo ang bata.
C. Sasawayin ko at pagsasabihan ang kaibigan ko.
D. Pababayaan ko lang hanggang sa huminto ang kanilang pag-aaway.

39. Narinig ni Ken na may tumatawag sa telepono nila. Alam niyang natutulog
ang kanyang nanay at tatay kaya agad-agad niya itong sinagot upang hindi na sila
maabala. Tama ba ang ginawa ni Ken? Bakit? Bakit hindi?
A. Tama, dahil pagpapakita ito ng paggalang sa pamamahinga ng iba.
B. Tama, dahil para sa kanya naman talaga ang tawag na iyon.
C. Mali, dahil para sa nanay at tatay niya ang tawag na iyon.
D. Mali, dahil bawal siyang makipag-usap kung kani- kanino.

40. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang


MALIBAN sa .
A. Paglalaro nang maingay malapit sa isang taong namamahinga
B. Maingat na isinasara ang pinto kapag may natutulog
C. Tahimik na nag-aalay ng panalangin sa kaibigang maysakit.
D. Iniiwasan ang pamamasyal sa bahay ng kaibigan sa oras ng kanilang
pamamahinga

You might also like