You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education

Region III – Central Luzon

Schools Division of Tarlac Province

Paniqui West District

MABILANG ELEMENTARY SCHOOL

Paniqui, Tarlac

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT – EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3


S.Y 2023-2024

Pangalan: ________________________________________________ Iskor: __________________


Bilugan ang titik ng tamang sagot:
1. Alin ang mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may karamdaman.
a. Pagtulong sa pagpapainom ng gamot. b. Hindi pagbisita sa taong may sakit
c. Pagtawanan ang taong may karamdaman. d. Pang –bubully sa taong may sakit.
2. Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa tindi ng sakit ng kanyang ngipin. Ano ang dapat mong gawin?
a. Pabayaan lamang siyang umiyak.
b. Pagtawanan ang kaklaseng masakit ang ngipin
c. Samahan siyang nagpunta sa dentist upang magamot ang sumasakit na ngipin.
d. Bigyan ng tsokolate ang kaklase upang lalo pang sumakit ang ngipin.
3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mong maitulong sa iyong kaklase na may sakit?
a. Pagtawanan ang kaklaseng may sakit
b. Pagdalaw at pagbibigay ng prutas sa kaklaseng may sakit
c. Pag –aaya sa kaklaseng ay sakit na maligo at maglaro sa ulan.
d. Wala kang gagawin.
4. May sakit ang nanay ni Michael kaya hindi ito makagawa ng gawain sa bahay. Ano ang dapat gawin ni
Michael?
a. Umalis ng bahay b. Manood ng sine at mamasyal sa mall.
c. Makipag laro sa kapitbahay. d. Gawa ng gawaing bahay at alagaan ng nanay.
5. Nagpapakita ng malasakit sa taong may karamdaman o kapansanan.
a. Paminsan-insan b. Palagi c. Hindid. Pagmay nakakakitang guro.
6. Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagpapakita ka ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan?
a. Nahihiya b. Nalulungkot c. Masaya d. Wala sa nabanggit
7. Alin ang dapat mong gawin kapag nabalitaan mong may sakit ang iyong guro.
a. Mag-iingay at mang-gugulo sa klase
b. Pupulungin ang buong klase at sasbihing dalawin ninyo ang guro.
c. Hindi na lang papasok sa klase.
d. Hihintayin na lamang na pumasok ang guro.
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat gawin kung nabalitaan mong nagkasakit ang kaibigan mong nasa
malayong lugar.
a. Papadalhan ng get-well soon card.
b. Dadalawin siya sa kanilang lugar.
c. Ipagdarasal ko siya sa madali niyang paggaling.
d. Wala kang gagawin.
9. May sakit ang iyong nakababatang kapatid, Ano ang dapat mong gawin upang mapagaan ang kanyang
pakiramdam?
a. Babasahan ng nakakatakot na kwento.
b. Iiwan ang kapatid at makikipaglaro sa mga kaibigan.
c. Kukwentuhan ng nakaka-aliw ang kapatid.
d. Manood ng T.V. at hahayaag mag-isa sa kwarto ang kapatid.
10. May sakit ang iyong lolo at lola sa probinsya, sinabihan ka ng nanay mo na dadalawin nyo sila sa araw ng
Sabado. Ano ang gagawin mo?
a. Sasama sa nanay sa pagdalaw sa mga lolo at lola.
b. Magdadahilan na marami kayong gagawin sa paaralan.
c. Sasama sa nanay ngunit masama ang loob
d. Hindi na lang sasama.
11. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong paaralan. Nakita mo na ang kaklase mong
pilay ay nakatayo lamang sa may unahan ng bulwagan dahil wala ng bakanteng upuan. Ano ang gagawin mo?
a. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil wala siyang upuan.
b. Lalapitan ko siya upang ibigay ang aking upuan.
c. Mananatili ako sa aking upuan at hahayan ko siyang nakatayo hanggang matapos ang palatuntunan.
d. Nagpapanggap akong di ko siya nakita.
12. Palabas ka na ng paaralan para umuwi na ng makita mo ang iyong kamag-aral na pilay na nahihirapan sa
pagtayo sa upuan . Ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan na lamang na mag-isa itong tumayo
b. Aalis na parang walang nakita. c. Lalapitan ko siya at pagtatawanan.
d. Lalapitan ko siya at tutulungang tumayo.
13. Nakasakay si Tricia sa sasakyan. Sa isang kanto,umakyat ang isang matandang babae. Wala ng bakanteng
upuan. Ano kaya ang maaring gawin ni Tricia?
a. Hayaan niyang nakatayo ang matanda.
b. Pababain na lamang niya ang matanda.
c. Ibigay niya ang kanyang upuan sa matanda.
d. Hintaying may bumaba saka paupuin ang matanda.
14. Anong ugali ang ipinakikita mo sa pagtulong sa mga matatanda na may kapansanan sa pagtawid sa daan?
a. Pagkamagalang b. Pagkamatulungin c. Kagandahang-loob d. Katapatang-loob
15. May paligsahan sa pagsayaw ang inyong paaralan,alam mong marunong sumayaw ang kaibigan mong si
Roy .Ano ang sasabihin mo sa kanya?
a. Huwag na lamang siyang sasali dahil siya ay may kapansanan.
b. Hihikayatin kong sumali si Roy dahil alam kong mahusay siyang sumayaw.
c. Hindi ko sasabihin kay Roy na may paligsahan sa pagsayaw sa paaralan.
d. Wala akong gagawin.
16. Nagbigay ng wheel chair ang balik-bayang kapitbahay sa batang may kapansanan . Ito ba ay nagpapakita ng
malasakit sa taong may kapansanan?
a. Oo b.Hindi c. Ewan d.Wala sa nabanggit
17. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi ninyo masyadong naunawaan
ang kanyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin?
a. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko.
b. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong kaklase.
c. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot.
d. Pagtatawanan ko siya dahil hindi maintindihan ng buong klase ang sinabi niya.
18. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang nagpakita ng
kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang
tula nang bigla niyang makalimutan ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga manonood,ano ang dapat
mong gawin?
a. Tatawanan ko si Jano. b. Tatawagin ko na siya para umupo na.
c. Tahimik akong mananalangin n asana ay maalala niya ang nalimutang linya.
d. Sisisihin ko siya at sasabihan n asana hindi na lang sumali sa palatuntunan.
19. Simbang gabi. Siksikan ang mga tao sa loob ng simbahan . Isang babaeng pilay ang nakasandal sa dingding.
Ano ang nararapat mong gawin kung isa ka sa mga nakaupo.?
a. Palabasin ang babae. b. Magpapanggap na hindi nakita ang babaeng pilay.
c. Hayaang nakatayo ang babaeng pilay.d. Ibibigay ang upuan sa babaeng pilay.
20. Pumasyal si Aling Meding sa paaralan upang dumalo sa isang pulong. Paano mo maipapakita ang iyong
kabutihang –loob?
a. Yayayain siyang lumabas c. Hahayaang nakatayo.
b. Bigyan siya ng upuan. d. Itago ang mga upuan.
21. Mayroon kayong pagsusulit sa Filipino. Napansin mo ang bago mong
kaklase na Aeta hindi mapakali sa kanyang upuan,dahil wala itong lapis at papel. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hindi papansinin ang bagong kaklase.
b. Lalapitan ko ang kaklase kong Aeta at papahiramin ng lapis at papel.
c. Tutuksuhin ko ang kaklase ko.
d. Pagtatawanan ko siya dahil sa siya ay Aeta at walang gamit.
22. Sinabi ng inyong guro na ang kamag-aral ninyong Tausug ay nasunugan,at kinakailangan ninyong
tumulong.Ano ang dapat mong gawin?
a. Hindi papansinin ang ibinalita ng guro.
b. Magbibigay ako ng mga lumang damit na pwede pang pakinabangan, upang makatulong sa aking kamag-
aral.
c. Sasabihan ang mga kamag-aral na hindi dapat tumulong dahil hindi nila ito kauri.
d. Makikinig sa guro ngunit hindi tutulong.
23. May outreach program ang inyong barangay nagpapadala ng pagkain at mga damit sa mga batang nasa
malalayong lugar.Ano ang dapat mong gawin?
a. Sasama ako,ngunit hindi tutulong
b. Hindi ako sasama at magkukulong na lamang sa aming bahay.
c. Sasama ako at buong pusong tutulong.
d. Wala sa nabanggit.
24. Alin ang dapat mong gawin kung nakakita ka ng batang nagugutom?
a. Pagtatawanan ang batang gutom.
b. Hindi papansinin ang batang gutom.
c. Bibigyan ng panis na pagkain
d. Lalapitan ko at pakakainin ang batang gutom.
25. Nakita mong naglalaro ang batang punit-punit ang damit, ano ang dapat mong gawin?

a. Lalapitan ko siya ,bibigyan ng damit na di ko na ginagamit at makikipaglaro.


b. Paaalisin ko siya sa lugar naming.
c. Ipapahabol ko sa aso naming.
d. Pagtatawanan ang bata.
26. May isang batang nakatingin sa inyo habang kumakain kayo sa isang restawran ,Ano ang gagawin mo?
a. Itutuloy pa rin ang pagkain, habang nakatingin ang bata sa amin.
b. Hindi papansini ang bata at magkukunwaring walang nakita
c. Pagtatawanan at iingitin ang bata.
d. Lalapitan ang bata at bibigyan ng pagkain.
27. Nakita mo ang isang batang katutubo na putol ang isang kamay at hindi kayang dalhin ang kanyang gamit. Ano
ang dapat mong gawin?
a. Hindi ko papansinin ang bata.
b. Magkukunwaring hindi nakita ang bata.
c. Tutulungan ang bata na dalhin ang kanyang gamit.
d. Walang gagawin.
28. Ilang araw ng hindi pumapasok ang kamag-aral mong Bicolano,nalaman mo na sila pala ay kasama sa mga nag
evacuate dahil sa masamang lagay ng bulkang Mayon.Ano ang dapat mong gawin?
a. Hahayaan na lamang dahil malayo na siya sa inyo.
b. Magkukunwaring hindi alam ang nangyari sa kamag-aral.
c. Magbibigay ng tulong sa abot ng aking makakaya.
d. Wala sa nabanggit.
29. Marami kang laruan sa bahay ninyo na hindi mo na ginagamit. Hinimok kayo ng inyong guro na mag donate ng
mga gamit para sa mga biktima ng bagyo. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin sa guro na mag dodonate ngunit hindi magbibigay.
b. Hindi papansinin ang sinabi ng guro.
c. Buong pusong i- dodonate ang mga laruan, para mapakinabangan ng ibang bata.
d. Magbibigay ngunit hindi na maaring pakinabangan.
30. May palatuntunan sa inyong paaralan, nakita mong ang isang batang Aeta ay sumali, bilang manonood ano ang
gagawin mo?
a. Panonoorin ko siya at susuportahan sa kanyang talent.
b. Lalapitan ko siya at sasabihang huwag na siyang sumali.
c. Pagtatawanan ko siya dahil sumali siya sa palatuntunan.
d. Hindi ko na lamang siya papansinin.
Prepared by:
GINA M. DOMINGO
Noted: Teacher III
FREDERICK C. EUGENIO, EdD
Principal I

ANSWER KEY
SECOND PERIODICAL TEST ESP III

1. A 16. A
2. C 17. A
3. B 18. C
4. D 19 D
5. B 20. C
6. C 21. B
7. B 22. B
8. D 23. C
9. C 24. D
10. A 25. A
11. B 26. D
12. D 27. B
13. C 28. C
14. B 29. C
15. B 30. A

You might also like