You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V (Bicol)
Schools Division Office
TABIGUIAN ELEMENTARY SCHOOL
Tabaco City

Unang Sumatibong Pagsusulit


sa ESP V
(IKATLONG MARKAHAN)

PANGALAN___________________________________________ BaitangSeksyon_______________
Isulat ang tama o mali.
1. Tumutulong lamang kung may kapalit na kabayaran.
2. Tumulong nang kusang-loob.
3. Isapuso lagi ang pakikipagtulingan sa kapwa
4. May kagantihang pagpipintay para sa taong matulungin.’
5. Tumulong lang minsan at huwag nang sundan.
6. Tutulong ako sa lahat ng pagkakataon.
7. Pipiliin ko ang taong dapat tulungan.
8. Patutubuan ko ng malaki ang halagang aking naitulog.
9. Tutulong ako ng bukal sa aking puso.
10. Tutulong ako kung maraming taong nakakakita.
11. Tutulong ako kung may kapalit na gantimpala.
12. Magbibigay ako ng walang pag-aalinlangan.

Lagyan ng tsek √ kung ang pangungusap ay naglalarawan ng magiliw na pagtanggap


ng panauhin at ekis × kung hindi.
13. Ipaghanda ng meryenda ang mga panauhin sa inyong tahanan.
14. Paupuin at asikasuhin kapag may panauhin sa tahanan.
15. Pagsarhan ng pinto ang mga panauhin.
16. Kapag may dumating na panauhin ang iyong kapatid, hindi mo na ito
kailangang asikasuhin.
17. Pakitinguhan nang maayos ang mga panauhin sa ating paaralan.
18. Sasabuyan ko ng tubig ang lahat ng dadalaw na panauhin sa aming bahay.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga katanungan.
Itiman ang bilog ng iyong sagot.
19. May nakita kang batang gusgusin sa labas ng McDo habang kayo ay kumakain.
Madami ang pagkaing nakalagay sa inyong mesa dahil natanggap ng nanay
moa ng bonus niya. Hindi ninyo makain lahat ang inorder niya. Ano ang iyong
gagawin?
A. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng sobrang pagkain ang batang
gusgusin sa labas.
B. Iingitin ang bata kung paano ka kumain ng hamburger.
C. Hahayaan lang siya na parang walang nakita.
D. Papaalisin ang batang gusgusin upang hindi mo siya makita.
20. May nakita kang matandang babae na naglalakad. May dala siyang mabigat
na bayong. Hirap na hirap siya sa pagbubuhat papunta sa sakayan ng traysikel.
Ano ang iyong gagawin?
A. Lalampasan ang matanda upang makauwi agad sa bahay.
B. Sisigawan ang matanda dahil naaabala ka sa pag-uwi mo sa bahay.
C. Kakausapin moa ng matanda na ikaw na ang magbubuhat ng dala niyang
bayong hanggang sa sakayan.
D. Babanggain ang matanda hanggang sa matumba siya.
21. Naliligo ang pamilyang Santos sa dagat dahil kaarawan ng anak nilang si
Joshua. Naliligo ang dalawang anak ng mag-asawa. May batang babae na
naliligo malapit sa kanila. Maya-maya nalunod ang batang babe dahil pinulikat
ang paa niya. Ano kaya ang posibleng gagawin ng pamilyang Santos?
A. Hahayaan lang ang bata hanggang sa malunod dahil hindi naman nila
kaano-ano iyon.
B. Sasagipin ang batang nalulunod kahit hindi nila kaano-ano.
C. Tatawagin ang magulang ng bata para sila ang sumagip sa kaniya.
D. Tatawag ng lifeguard na nasa ibang bayan dahil nakaday off sila.
22. Nadapa ang isang bata sa habang siya ay naglalakad. Ikaw lamang an
nakakita kasi hindi matao ang lugar na iyon. Lagi kang may dalang first aid kit sa
iyong bag. Ano ang gagawin mo?
A. Lalampasan lang ang bata dahil gusto mo nang umuwi sa bahay niyo.
B. Aawayin ang bata para umalis sa dinaraanan mo.
C. Lalapitan ang bata at lalapatan ng pangunang lunas ang sugat na natamo
sa pagkadapa.
D. Duduran ang sugat ng bata dahil tatanga tanga siya.
23. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa pagsabog ng tangke. Ang bahay ng
inyong kaibigan ay nadamay sa sunog samantala ang bahay niyo ay hindi
nadamay. Nakiusap ang pamilya ng iyong kaibigan na makikitira muna sila ng
isang buwan sa inyong bahay. Ano ang inyong magiging sagot?
A. Isasarado ang pinto pagkasabi ng iyong kaibigan sa narinig na pakiusap.
B. Sisigawan sila na umalis sila sa tapat ng inyong bahay.
C. Kukuha ka ng tubig at isasaboy sa kanilang pagmumukha.
D. Papatuluyin sila sa bahay hanggang sa makaahon sila sa buhay.
24. May dumating na bisita galing sa ibang bansa.Wala ang iyong nanay dahil
namalengke ito ng ulam at ang iyong tatay ay nasa trabaho pa niya. Ang mga
kapatid mo naman ay nasa paaralan pa para gawin ang proyekto nila. Ano ang
iyong gagawin?
A. Papatuluyin sa bahay at hahainan ng meryenda.
B. Babastusin sila dahil magkakaroon ng pabigat sa bahay.
C. Papalayasin sila dahil hindi wala silang karapatan para tumira.
D. Pagsasalitaan siya ng masama upang umalis sa aking harapan.
25. Kadarating ng nobyo ng iyong ate na nagtratrabaho sa Saudi Arabia. Nanirahan
siya doon ng mahigit 20 taon. Ngayon ikaw ang inatasan ng iyong ate na ipasyal
sa inyong lugar dahil hindi rin masyadong alam ng iyong ate ang mga lugar na
puwedeng pasyalan ng mga turista. Ano ang iyong gagawin?
A. Idadahilan ko na may pagsusulit kami sa susunod na Linggo kaya hindi mo
mapapagbigyan ang hiling ng ate mo.
B. Wala kang gagawin dahil wala ka naming narinig sa sinabi niya.
C. Ipapasyal ko sila pero ililigaw ko ang nobyo ng aking ate para mawala ito sa
aming lugar.
D. Ipapasyal ko siya sa mga magagandang lugar upang malaman niya ang
mga ito.
26. Wala kayong pera sa panahon na may dumating na mga kamag-anak niyo na
galing sa inyong probinsya. Makikituloy muna sila kahit isang Linggo upang
mailakad ang kanilang sadya sa siyudad. Ano ang posibleng gagawin ng iyong
nanay?
A. Papaalisin sila sa bahay dahil nakakasikip sila.
B. Sasabihin na wala kayong maipapakain dahil wala kayong pera.
C. Sasabihan sila na papatuluyin sila pero sila ang bahala sa pagkain nila.
D. Papatuluyin sila at igagawan ng paraan para mapakain sila kahit walang
pera
27. May dumating na misyonaryo sa inyong lugar at ang iyong bahay ay sobrang
laki kaya doon siya titira. Papaano mo pakikitunguhan ang inyong panauhin?
a. Tatanungin kung ano ang ayaw niyang hayop para lalagyan ito sa kaniyang
kwarto para umalis
b. Papalayasin siya sa bahay dahil wala siyang karapatang tumira doon
c. Papatuluyin siya sa bahay at tratratuhin siya ng maayos
d. Bawat umaga paparinggan siya hanggang sa kusa siyang aalis.
28. May napadpad na di kilalang tao sa inyong bahay. Natagpuan ang taong iyon
na sugatan sa may pampang. Pinatuloy siya ng inyong tatay sa inyong bahay
dahil siya ang nakakita. Ano ang iyong gagawin?
A. Pakikisamahan siya ng maayos at gagamutin ang mga sugat na natamo
niya.
B. Papaalisin siya sa bahay dahil hindi siya kabilang sa pamilya.
C. Isusuplong sa pulis para malaman kung sino ang gustong pumatay sa
kaniya.
D. Isusuplong sa pulis para malaman kung sino ang ang pamilya niya.
29. May programa sa paaralan ni Rudy at nangangailangan ang kanilang guro ng
isang awit.Si Rudy ay may talent sa pag-awit ngunit siya ay batang mahiyain. Kung
ikaw si Rudy ano ang dapat niyang gawin?
A. Magtatago dahil ayaw mong ipakita ang iyong kakayahan sap ag-awit.
B. Magkukusa na ipakita ang aking talento sap ag-awit.
C Aawayin ang guro kapag pinilit akong umawit.
D. Papayag pero kapag araw na mismo ng pag-awit ay hindi ako papasok.
30. Ikaw lamang ang may cellphone na may kamera sa iyong pangkat. Kailangan
ng cellphone dahil kukunan ng video ang inyong dula-dulaan na ipapasa kay G.
Sadiri. Kapag walang maipasang proyekto ay walang grado sa asignaturang iyon.
Ano ang iyong gagawin?
A . Hindi ko ipapahiram para damay-damay kami na hindi makakapasa sa
nasabing asignatura.
B. Gagawa ako ng sarili kong video na ipapasa kay G. Sadiri para sila ay
babagsak.
C. Itatago ang cellphone at sasabihing nawala ito para hindi kami
makakapagpasa
D. Ipapahiram ko ang aking cellphone upang lahat kami ay makapagpasa sa
nasabing proyekto kay G. Sadiri.
31. Sa lahat sa inyong klase ikaw lamang ang marunong mag- edit ng larawan at
video gamit ang kompyuter. Kinakailangan na ang kinuhang video ay ma-edit muna
bago ipasa sa inyong guro. Ano ang iyong gagawin?
A. Tuturuan ang bawat pangkat kung paano mag-edit ng larawan at video.
B Ituturo lamang sa inyong kapangkat kung paano iyon gawin.
C Hahayaan sila para hindi sila makapasa.
D. Tuturuan ang bawat pangkat pero mali pala ang ituturo sa kanila.
32. Nagtatanong ang inyong guro kung sino ang marunong gumawa ng
presentation gamit ang MS Powerpoint Presentation. Alam mong marunong si Jest sa
paggawa ng binanggit ng guro. Bilang kaibigan papaano mo maipapalabas ang
pagkamalikhain ng iyong kaibigan?
A. Pagsasalitaan ang kaibigan dahil ayaw ipakita ang kaniyang kakayahan.
B. Sasabihin sa kaibigan na panahon na para ipakita ang kaniyang kakayahan.
C. Isisigaw na ang kaibigan ko ay marunong sa sinasabi ng guro.
D. Sasabihin ko na ako ang marunong kahit ang kaibigan ko ang gagawa nito.
33. May proyekto kayo sa paggawa ng isang paper folding. Hindi ipinaliwanag ng
inyong guro kung paano gawin ito. Ano ang puwede ninyong gawin para magawa
ito?
A. Walang gagawin para magawa ito kasi proyekto lang naman iyon.
B. Bibigyan na lamang ang guro ng tsokolate upang magkaroon ng grado sa
asignaturang iyon.
C. Magsasaliksik sa internet kung papaano gawin ang paper folding upang
makapasa sa nasabing asignatura.
D. Lalabas na lang sa nasabing asugnatura kasi hindi naman importante iyon.
34. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagkamalikhain?
A. pagguhit lang ng hindi na kinukulauyan
B. babaguhin ang mga formation sa sayaw
C. magsasaliksik sa internet kung paano inawit ang aaawitin
D. pagandahin ang iginuhit sa pamamagitan ng pagkulay nito.
35. May bisita sa inyong paaralan at naatasan ang inyong pangkat na maging
usherette sa pagsalubong ng mga panauhin. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita na magiliw ang pagtanggap sa kanila?
A. Ituturo sa kanila ang maling daan kung saan gaganapin ang pagtanggap sa
kanila.
B. Hindi sila babatiin nang maayos.
C. Ituturo kung saan gaganapin ang pagsalubong sa kanila nang at gagamit ng
magagalang na pananalita
D. Sisigawan sila upang sila ay umalis.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V (Bicol)
Schools Division Office
TABIGUIAN ELEMENTARY SCHOOL
Tabaco City

Talaan ng Ispesipikasyon sa ESP V


Unang Sumatibong Pagsusulit
(IKATLONG MARKAHAN)

LAYUNIN BILANG NG BAHAGDAN KINALALAGYAN


AYTEM NG AYTEM
1. Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang 17 49% 1-12,19-23
Pilipino EsP5PPP-llla-23
19.2 Tumulong/lumalahok sa kabayanihan at palusong
19.3Magiliw na pagtanggap ng mga panauhin 12 34.28% 13-18,24-28,35

2. Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng 6 17.142857 29-34


mga sayaw, awit, at sining gamit ang anumang
%
multimedia o teknolohiya EsP5PPP-lllb-24
KABUUAN 35 100% 1-35

Inihanda:

MA. EFRIL G. DELA


CRUZ
Guro I

You might also like