You are on page 1of 5

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 5

IKATLONG MARKAHAN
SY. 2023-2024
Pangalan : _____________________ Petsa : _______________________
Baitang – Pangkat: ______________Lagda ng magulang: ____________
1. Ikaw ay isang guro sa inyong barangay. Ngayon kailangan ka nila sa darating na pista upang
maging hurado sa isang patimpalak sa pagsayaw. May lakad ka ng umaga at sa gabi gaganapin
ang nasabing programa. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasabihin na hindi ka makakadalo dahil may lakad ka sa ara na iyon.
b. Sasabihin na may papalit na lang o representative para sa programa.
c. Dadalo sa programa na labag sa kalooban.
d. Dadalo sa programa sa barangay dahil gabi lang naman iyon gaganapin.
2. Si Maria ay isang guro kaya nagbibigay lamang siya ng pera sa barangay bilang kabayaran sa
hindi pagdalo sa programa ng barangay na maglinis sa naibigay na lugar na lilinisin. Si Joey ay
nagtratrabaho sa isang kompanya. Wala siyang pasok tuwing Sabado at Linggo.Ano kaya ang
mabuti niyang gagawin?
a. Maglilinis sa naibigay sa kaniya dahil wala naman siyang pasok ng Sabado.
b. Aawayin ang taong may pakana ng panukalang iyon.
c. Maglilinis nang labag sa kalooban.
d. Magbibigay na lang ng pera sa barangay.
3. Nasabi sa pagpupulong sa inyong barangay na ang “pagkakaisa ay susi sa pag-unlad.” May
katabi ka na hindi naniniwala ditto. Papaano mo makukumbinsi ang taong iyon na tama ang
sinabi ng inyong kapitan?
a. Sasabihin na maniwala siya dahil kapitan ang nagsabi.
b. Sasabihin na walang kwenta ang sinabi ng kapitan.
c. Sasabihin na walng katotohanan ang pinagsasabi niya.
d. Sasabihin na tama ang sinabi ng kapitan dahil kung ang isang tao ay naglilinis at ang ilan ay
hindi di wala ring silbi ang paglilinis ng isang tao.
4. Naisakatuparan na bawat mamamatay sa inyong barangay ay kailangan na magbigay ng abuloy.
Nagkataon na pumunta sa inyong bahay ang taga-singil ng inyong barangay. Ano ang iyong
gagawin?
a. Hindi magbibigay dahil hindi ko naman kaano-ano ang namatay.
b. Magbibigay nang labag sa kalooban.
c. Aawayin ang taga-singil upang umalis sa inyong bahay.
d. Magbibigay ng tulong kahit kaunti o kung ano ang mayroon.
15. Narinig mo sa isang talakayan na maraming mga Pilipino sa ibang lugar ang di gumagawa ng
mabuti. Bilang kabataan, Papaano mo maiaangat ang iyong bansa sa mga balitang ito na di
kalugud-lugod sa pagiging Pilipino?
a. Gagawa ng kaaya-aya at huwag tutularan ang mga di-mabuting gawi ng mga ibang Pilipino.
b. Tutularan ang masamang gawi ng mga ibang Pilipino.
c. Ipapangalandakan pa sa ibang bansa na ang ibang Pilipino ay may mga masasamang gawi.
d. Huwag na lang makialam na lang sa isyu.
6. Naiwan kayo sa bahay kasama ang iyong bunsong kapatid at ang iyong tiyahin dahil may
pupuntahan ang iyong magulang na napakahalaga. Umali sang iyong tiyahin upang mamili ng
inyong pagkain sa palengke. Habang wala ang inyong tiyahin, ang iyong kapatid ay may nakitang
posporo sa may upuan. Kinuha niya ito at kaniyang nilalaro malapit sa may tangke ng gasul.
Eksaktong magluluto ka na sana ng meryenda, nakita moa ng kaniyang ginagawa. Ano ang
gagawin mo?
a. Sasamahan ang aking kapatid sa paglalaro ng posporo.
b. Sasawayin ko ang aking kapatid sa paglalaro nito at aking ipapaliwanag ang
puwedeng mangyari kapag ginawa iyon.
c. Aawayin ko ang aking kapatid sa kaniyang ginagawa.
d. Hahayaan ko siya kasi may isip na naman siya.
7. Habang naglalaro ang iyong kapatid ay may nadampot na kutsilyo sa kaniyang lagayan ng
laruan. Hinahawakan niya ito at ipinakita sa iyo. Akala kasi ng kapatid mo ay laruan ang hawak
niya. Ano ang gagawin mo kung ikaw lang ang nakakita nito?
a. Kukunin ang kutsilyong hawak at sasabihin sa kaniya na hindi iyon laruan. Sasabihin din na
iyon ay nakakamatay at nakaksugat sa katawan ng tao.
b. Pabayaan na lang siya na laruin iyon dahil hindi naman ikaw ang masusugatan at mamatay.
c. Aawayin ang kapatid hanggang sa magalit ito.
d. Sisigawan siya upang siya ay matakot.
8. Nasa loob kayo ng mall ng iyong kapatid nang biglang lumindol nang pagkalakas-lakas. Ano
ang iyong gagawin?
a. Tatalon malapit sa bintana.
b. Lalapit sa may hagdanan.
c. Magtatago sa ilalim ng mesa.
d. Ipagpapatuloy ang paglalakad.
9. Ang iyong lugar ay nasa state of calamity na,pinapalipat na ang lahat ng mga tao sa evacuation
center. Ano ang iyong gagawin?
a. Lilipat na sa evacuation center upang maging ligtas.
b. Hindi ako aalis dahil ayaw kong iwanan ang mga ari-arian na iniwan sa akin.
c. Hindi ako maniniwala sa balita na magkakaroon ng bagyo dahil maayos naman ang
panahon.
d. Pupunta kunwari doon upang makakuha ng relief goods saka uuwi pagkakuha nito.
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita nang pagiging matalino sa pagdedesisyon?
a. Si Martha ay naglalaro ng mga matutulis na bagay kasama ang kaniyang mga kaibigan.
b. Ang mga bagay na nakakagawa ng apoy gaya ng lighter at posporo ay nasa tamang
lagayan.
c. Laging nakikinig sa radio si G. Rafael sa telebisyon o radio kapag may paparating na bagyo.
d. Nagtatago sa ilalim ng mesa kapag lumilindol.
11. Habang kayo ay papunta ng Tagaytay City, kumakain kayong magpipinsan ng sitsirya. Nang kayo
ay nasa tapat ng GSP Training Center, ubos na ang mga pagkain ninyo. Isa sa mga pinsan moa ng
magtatapon ng balat ng sitsirya sa labas ng sasakyan. Ano ang gagawin mo?
a. Pabayaan lang siya sa kaniyang ginagawa.
b. Sasawayin siya sa kaniyang ginagawa dahil nakakasira iyon sa kalikasan.
c. Aawayin siya dahil mali ang kaniyang ginawa.
d. Sasabunutan sa kaniyang ginawa.
12. Nang papunta ka sa iyong klasrum, may nakita kang nagkalat na mga papel sa pasilyo. Wala
kahit ni isa ang namumulot nito. Wala pang guro kahit ni isa sa oras na iyon. Ano ang gagawin mo?
a. Pupulutin lamang iyon kapag may nakakakitang guro.
b. Pupulutin ito kahit walang nakakita ni isa.
c. Dadagdagan ko ang kalat para mas dumami ito.
d. Papagalitan ko ang taong nagtapon ng mga kalat na iyon.
13. Nakita mo ang mga naggagandahang bulaklak sa may parke. Nakalagay doon na bawal
mamitas ng mga bulaklak. Ano ang gagawin mo?
a. Mamimitas ako dahil wala naming nakakakita.
b. Mag-uutos ako ng ibang tao upang mamitas ng nasabing bulaklak.
c. Sisirain ko ang halaman na iyon kapag gabi.
d. Hindi ako mamimitas dahil ang bulaklak ay nakakapandagdag ng kagandahan sa paligid.
14. Nakita mo na ang iyong kaklase ay nagsusulat o nagvavandal sa pader. Mahigpit na
ipinagbabawal ng inyong guro na huwag magsusulat ng kahit na ano sa pader. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong siya sa aming guro kung sino ang nagvandal sa pader.
b. Sasamahan siya sa pagsusulat sa pader.
c. Aawayin siya.
d. Ipagkakalat na siya ang nagsulat sa pader.
15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalikasan?
a. Magtapon ng basura sa tamang basurahan o lalagyan.
b. Magsunog ng mga plastik o goma.
c. Hindi magsusulat ng kahit saan.
d. Hindi sisirain ang mga halaman.
16. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kasakiman?
a. Gumagamit ng dinamita sa pangingisda upang maraming makukuhang isda.
b. Pinuputol ang puno sa kagubatan nang walang permiso sa DENR.
c. Gumagamit ng baso kapag nagsisipilyo ng ngipin.
d. Sinusunog ang mga goma at plastic.
17. Nakita mo na ang sasakyang sinusundan mo ay nagbubunga ng usok. Saang ahensiya
pupwedeng isumbong?
a. DepEd(Depeartment of Education) c. DOLE (Department of Labor and Employment)
b. BIR(Bureau of Internal Revenue) d. LTO (Land Transportation Office)
18. Nakita mo na ang bata ay magtatapon ng basura sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasabihin ko sa bata na huwag magtapon ng basura dahil namamatay ang mga isda.
b. Sasabihin ko sa bata na dagdagan pa ang pagtatapon ng basura sa ilog upang may pagkain
ang mga isda.
c. Sasabihin ko sa bata na maganda ang kaniyang ginagawa dahil nagiging malinis ang ilog
kapag nagtatapon ng basura.
d. Sasabihin ko sa bata na ipagpatuloy lang ang kaniyang ginagawa dahil wala naming
nakakakita.
29. Kung ikaw ang kapitan sa isang lugar, papaano mo malalagpasan ang problema tungkol sa illegal
na Gawain sa inyong lugar.
a. Sa pamamagitan ng paggamit ng marahas na pamamaraan
b. Sa pamamagitan ng pagpupulong, pagpapaliwaanag at panonood ng video na may
kinalaman dito.
c. Sa pamamagitan ng pagpapakulong sa mga taong gumagawa ng illegal
d. Sa pamamagitan ng pagpapataw ng parusa
30. Ang iyong kapatid ay nagsisipilyo ng kaniyang ngipin. Nakalimutan niyang bukas ang gripo kahit
hindi niya gingagamit. Ano ang iyong gagawin?
a. Aawayin ko ang aking kapatid sa kaniyang ginawa.
b. Paparusahan siya sa pamamagitan ng hindi paggamit ng tubig sa isang araw.
c. Pagsasabihan siya na mali ang kaniyang ginawa.
d. Sisigawan ko ang aking kapatid.

21. May nakita kang batang gusgusin sa labas ng McDo habang kayo ay kumakain. Madami ang
pagkaing nakalagay sa inyong mesa dahil natanggap ng nanay moa ng bonus niya. Hindi ninyo
makain lahat ang inorder niya. Ano ang iyong gagawin?
a. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng sobrang pagkain ang batang gusgusin sa labas.
b. Iingitin ang bata kung paano ka kumain ng hamburger.
c. Hahayaan lang siya na parang walang nakita.
d. Papaalisin ang batang gusgusin upang hindi mo siya makita.
22. May nakita kang matandang babae na naglalakad. May dala siyang mabigat na bayong.
Hirap na hirap siya sa pagbubuhat papunta sa sakayan ng traysikel. Ano ang iyong gagawin?
a. Lalampasan ang matanda upang makauwi agad sa bahay.
b. Sisigawan ang matanda dahil naaabala ka sa pag-uwi mo sa bahay.
c. Kakausapin moa ng matanda na ikaw na ang magbubuhat ng dala niyang bayong hanggang
sa sakayan.
d. Babanggain ang matanda hanggang sa matumba siya.
23. Naliligo ang pamilyang Santos sa dagat dahil kaarawan ng anak nilang si Joshua. Naliligo
ang dalawang anak ng mag-asawa. May batang babae na naliligo malapit sa kanila. Maya-maya
nalunod ang batang babe dahil pinulikat ang paa niya. Ano kaya ang posibleng gagawin ng
pamilyang Santos?
a. Hahayaan lang ang bata hanggang sa malunod dahil hindi naman nila kaano-ano iyon.
b. Sasagipin ang batang nalulunod kahit hindi nila kaano-ano.
c. Tatawagin ang magulang ng bata para sila ang sumagip sa kaniya.
d. Tatawag ng lifeguard na nasa ibang bayan dahil nakaday off sila.
24. Nadapa ang isang bata sa habang siya ay naglalakad. Ikaw lamang an nakakita kasi hindi
matao ang lugar na iyon. Lagi kang may dalang first aid kit sa iyong bag. Ano ang gagawin mo?
a.Lalampasan lang ang bata dahil gusto mo nang umuwi sa bahay niyo.
b. Aawayin ang bata para umalis sa dinaraanan mo.
c. Lalapitan ang bata at lalapatan ng pangunang lunas ang sugat na natamo sa pagkadapa.
d. Duduran ang sugat ng bata dahil tatanga tanga siya.
25. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa pagsabog ng tangke. Ang bahay ng inyong kaibigan
ay nadamay sa sunog samantala ang bahay niyo ay hindi nadamay. Nakiusap ang pamilya ng
iyong kaibigan na makikitira muna sila ng isang buwan sa inyong bahay. Ano ang inyong
magiging sagot?
a. sasarado ang pinto pagkasabi ng iyong kaibigan sa narinig na pakiusap.
b. Sisigawan sila na umalis sila sa tapat ng inyong bahay.
c. Kukuha ka ng tubig at isasaboy sa kanilang pagmumukha.
d. Papatuluyin sila sa bahay hanggang sa makaahon sila sa buhay.
26. May dumating na bisita galing sa ibang bansa.Wala ang iyong nanay dahil namalengke ito ng
ulam at ang iyong tatay ay nasa trabaho pa niya. Ang mga kapatid mo naman ay nasa paaralan
pa para gawin ang proyekto nila. Ano ang iyong gagawin?
a. Papatuluyin sa bahay at hahainan ng meryenda.
b. Babastusin sila dahil magkakaroon ng pabigat sa bahay.
c. Papalayasin sila dahil hindi wala silang karapatan para tumira.
d. Pagsasalitaan siya ng masama upang umalis sa aking harapan.
27.Kadarating ng nobyo ng iyong ate na nagtratrabaho sa Saudi Arabia. Nanirahan siya doon ng
mahigit 20 taon. Ngayon ikaw ang inatasan ng iyong ate na ipasyal sa inyong lugar dahil hindi rin
masyadong alam ng iyong ate ang mga lugar na puwedeng pasyalan ng mga turista. Ano ang
iyong gagawin?
a. Idadahilan ko na may pagsusulit kami sa susunod na Linggo kaya hindi mo mapapagbigyan
ang hiling ng ate mo.
b. Wala kang gagawin dahil wala ka naming narinig sa sinabi niya.
c. Ipapasyal ko sila pero ililigaw ko ang nobyo ng aking ate para mawala ito sa aming lugar.
d. Ipapasyal ko siya sa mga magagandang lugar upang malaman niya ang mga ito.
28. Wala kayong pera sa panahon na may dumating na mga kamag-anak niyo na galing sa
inyong probinsya.
29. Makikituloy muna sila kahit isang Linggo upang mailakad ang kanilang sadya sa siyudad. Ano
ang posibleng gagawin ng iyong nanay?
a. Papaalisin sila sa bahay dahil nakakasikip sila.
b. Sasabihin na wala kayong maipapakain dahil wala kayong pera.
c. Sasabihan sila na papatuluyin sila pero sila ang bahala sa pagkain nila.
d. Papatuluyin sila at igagawan ng paraan para mapakain sila kahit walang pera
30. May dumating na misyonaryo sa inyong lugar at ang iyong bahay ay sobrang laki kaya doon
siya titira. Paano mo pakikitunguhan ang inyong panauhin?
a. Tatanungin kung ano ang ayaw niyang hayop para lalagyan ito sa kaniyang kwarto para
umalis
b. Papalayasin siya sa bahay dahil wala siyang karapatang tumira doon
c. Papatuluyin siya sa bahay at tratratuhin siya ng maayos
d. Bawat umaga paparinggan siya hanggang sa kusa siyang aalis.
31. May napadpad na di kilalang tao sa inyong bahay. Natagpuan ang taong iyon na sugatan sa
may pampang. Pinatuloy siya ng inyong tatay sa inyong bahay dahil siya ang nakakita. Ano
ang iyong gagawin?
a. Pakikisamahan siya ng maayos at gagamutin ang mga sugat na natamo niya.
b. Papaalisin siya sa bahay dahil hindi siya kabilang sa pamilya.
c. Isusuplong sa pulis para malaman kung sino ang gustong pumatay sa kaniya.
d. Isusuplong sa pulis para malaman kung sino ang ang pamilya niya.
32. May programa sa paaralan ni Rudy at nangangailangan ang kanilang guro ng isang awit.Si
Rudy ay may talent sa pag-awit ngunit siya ay batang mahiyain. Kung ikaw si Rudy ano ang
dapat niyang gawin?
a. Magtatago dahil ayaw mong ipakita ang iyong kakayahan sap ag-awit.
b. Magkukusa na ipakita ang aking talento sap ag-awit.
c. Aawayin ang guro kapag pinilit akong umawit.
d. Papayag pero kapag araw na mismo ng pag-awit ay hindi ako papasok.
33.Ikaw lamang ang may cellphone na may kamera sa iyong pangkat. Kailangan ng cellphone
dahil kukunan ng video ang inyong dula-dulaan na ipapasa kay G. Sadiri. Kapag walang
maipasang proyekto ay walang grado sa asignaturang iyon. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko ipapahiram para damay-damay kami na hindi makakapasa sa nasabing asignatura.
b. Gagawa ako ng sarili kong video na ipapasa kay G. Sadiri para sila ay babagsak.
c. Itatago ang cellphone at sasabihing nawala ito para hindi kami makakapagpasa
d. Ipapahiram ko ang aking cellphone upang lahat kami ay makapagpasa sa nasabing
proyekto kay
G. Sadiri.
34. Sa lahat sa inyong klase ikaw lamang ang marunong mag- edit ng larawan at video gamit ang
kompyuter. Kinakailangan na ang kinuhang video ay ma-edit muna bago ipasa sa inyong guro.
Ano ang iyong gagawin?
a. Tuturuan ang bawat pangkat kung paano mag-edit ng larawan at video.
b. Ituturo lamang sa inyong kapangkat kung paano iyon gawin.
c. Hahayaan sila para hindi sila makapasa.
d. Tuturuan ang bawat pangkat pero mali pala ang ituturo sa kanila.
35. Nagtatanong ang inyong guro kung sino ang marunong gumawa ng presentation gamit ang
MS Powerpoint Presentation. Alam mong marunong si Jest sa paggawa ng binanggit ng guro.
Bilang kaibigan papaano mo maipapalabas ang pagkamalikhain ng iyong kaibigan?
a. Pagsasalitaan ang kaibigan dahil ayaw ipakita ang kaniyang kakayahan.
b. Sasabihin sa kaibigan na panahon na para ipakita ang kaniyang kakayahan.
c. Isisigaw na ang kaibigan ko ay marunong sa sinasabi ng guro.
d. Sasabihin ko na ako ang marunong kahit ang kaibigan ko ang gagawa nito.
36. May proyekto kayo sa paggawa ng isang paper folding. Hindi ipinaliwanag ng inyong guro
kung paano gawin ito. Ano ang puwede ninyong gawin para magawa ito?
a. Walang gagawin para magawa ito kasi proyekto lang naman iyon.
b. Bibigyan na lamang ang guro ng tsokolate upang magkaroon ng grado sa
asignaturang iyon.
c. Magsasaliksik sa internet kung papaano gawin ang paper folding upang makapasa sa
nasabing asignatura.
d. Lalabas na lang sa nasabing asugnatura kasi hindi naman importante iyon.
37. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagkamalikhain?
a. pagguhit lang ng hindi na kinukulauyan c. magsasaliksik sa internet kung
paano inawit ang aaawitin
b. babaguhin ang mga formation sa sayaw d. pagandahin ang iginuhit sa
pamamagitan ng pagkulay nito.
38. May bisita sa inyong paaralan at naatasan ang inyong pangkat na maging usherette sa
pagsalubong ng mga panauhin. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na magiliw ang
pagtanggap sa kanila?
a. Ituturo sa kanila ang maling daan kung saan gaganapin ang pagtanggap sa kanila.
b. Hindi sila babatiin nang maayos.
c. Ituturo kung saan gaganapin ang pagsalubong sa kanila nang at gagamit ng magagalang na
pananalita
d. Sisigawan sila upang sila ay umalis.
39. Likas na ugali ng mga Pilipino tungkol sa pagsalubong sa bisita.
a. matulungin b. hospitable c. bayanihan d. masayahin
40. Ito ay tumutukoy sa mga taong galing sa ibang lugar.
a. kalaban b. panauhin c.kaaway d. magnanakaw
41. Alin sa mga magandang katangian ng mga Pilipino ang tinataglay sa isang bayanihan?
a. matulungin b. masiyahin c. maasikaso d. malikhain
42. Paryentes; mga taong isa ang dugo ay nasa iisang pamilya.
a. kapitbahay b. kababayan c. kamag-anak d. kasamahan
43. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin kapag may humihingi ng pagkain?
a. hindi pansinin b. sabihing pumunta sa kapitbahay c. ayain siyang makisukob
d. iwanan siya
44. Ano ang mabuting gawin kapag nakaaway mo ang iyong kapatid?
a. kampihan b.hayaan silang mag-away c.ayusin sila d. isumbong sa pulis.
45. Ano ang mabuting gawin bilang pasasalamat sa Panginoon sa buhay na kanyang ibinigay?
a. maging mabuting bata b. magsimba araw-araw c. kumain ng marami d. mgmukmok sa
buong araw.
47. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin kapag may humihingi ng pagkain?
a. hindi pansinin b. sabihing pumunta sa kapitbahay c. ayain siyang makisukob
d. iwanan siya
48. May isang Muslim na nabugbog at humingi ng tulong sa daan. Ano ang nararapat mong
gawin.
a. hayaan siya dahil hindi kilala b. tulungan siya c. takbuhan siya d. humanap ng ibang Muslim
49. Ito ay tumutukoy sa mga taong galing sa ibang lugar.
a. kalaban b. panauhin c.kaaway d. magnanakaw
50. Alin ang isang bati halimbawa ng pagdiriwang ng kaarawan?
a. mamili ng maraming kagamitan b. mamasyal sa parke c. magpaparty buong araw d.
magsimba

You might also like