You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST NO.

2
GRADE V – ESP
Pangalan:_________________________________________________ Grade and Section:_________

I. Piliin at bilugan ang titik ng nararapat na gawain sa bawat sitwasyon.

1. Habang ikaw ay naglalakad sa gilid ng Ilog ng Marikina, may napansin kang isang bata na nagtatapon ng basura
rito. Ano ang iyong gagawin ?
A. Pagsasabihan ang bata.
B. Hindi na lamang papansinin.
C. Isusumbong sa barangay ang nakitang pagtatapon ng bata.
D. Kakausapin ang bata at ipaliliwanag sa kaniya ang hindi magandang dulot ng pagtatapon ng basura sa ilog.

2. Magkakaroon ng isang clean-up drive sa inyong lugar at nangangailangan ang inyong barangay ng ilang
boluntaryong tutulong sa paglilinis. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ako makikiisa dahil mapapagod lamang ako.
B. Sasabihin ko ito sa iba upang sila na lamang ang sumali.
C. Magdadahilan na lamang ako na masakit ang aking ulo upang hindi makasali.
D. Makikilahok ako sa proyekto ng aming barangay at hihikayatin ko ang mga
kapwa ko kabataan na sumali rin.

3. Naglagay ang inyong barangay ng isang drop box ng mga suhestiyon para sa ikagaganda ng takbo ng inyong
pamayanan. Ano ang iyong gagawin?
A. Babalewalain lamang ito.
B. Magbibigay ng ilang opinyon tungkol sa mga proyektong maaaring gawin.
C. Ipauubaya na lamang ang pagbibigay ng suhestiyon sa mga nakatatanda.
D. Hindi na lamang ito papansinin dahil ang mga nasa katungkulan lamang
ang may kakayahang magbigay ng suhestiyon tungkol dito.

4. Nakita mong maraming nakakalat na papel sa inyong silid-aralan. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasabihin ito sa guro.
B. Magkukusang–loob na linisin ito.
C. Hahayaan ang cleaners na maglinis nito.
D. Magkukunwaring hindi na lamang ito nakita.

5. Dahil sa dumaraming kaso ng Covid-19 sa ating bansa, ipinagbabawal na ng pamahalaan ang paglabas ng bahay
lalo na kung hindi naman mahalaga ang pupuntahan. Sang-ayon ka ba rito?
A.Opo, dahil ito ang sinabi ng pamahalaan.
B. Hindi po, dahil wala akong gagawin sa loob ng aming bahay.
C. Opo, upang makatulong sa pagsugpo ng Covid-19 at hindi na ito kumalat pa.
D. Hindi po, dahil malusog naman ang aking katawan at hindi ako tatablan ng
kahit na anong virus.

6. Nabasa mo sa Facebook na may malakas na bagyong tatama sa inyong bayan.


Anong paghahanda ang dapat mong gawin?
A. Hindi ko papansinin ang post na nabasa ko sa Facebook.
B. Itatago ko ang mga emergency lights sakaling mawalan ng kuryente.
C. Ibabahagi ko ang post na nabasa ko sa aking timeline para malaman ng iba.
D. Sasabihin ko agad ang aking nalaman sa aking mga magulang para
makapaghanda kami para sa aming mga kakailanganin.
7. Pataas nang pataas na ang lebel ng tubig sa inyong lugar at malapit na pumasok
ito sa loob ng inyong bahay. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Maglalaro ako sa tubig-baha dahil nakaaaliw ang magtampisaw rito.
B. Ipagmamalaki kong malapit nang pumasok sa aming bahay ang tubig.
C. Isasarado ko ang pinto ng aming bahay para hindi makapasok ang tubig.
D. Itataas ko ang mahahalagang gamit sa aming bahay at yayayain ko ang aking
pamilya na magtungo na kami sa mas ligtas na lugar.

8. Napag-alaman mo na ang dahilan ng sunog sa kabilang kalye ay ang pagsabog ng


naiwang bukas na tangke ng gas. Ano ang dapat mong gawin sa nalaman mo?
A. Titiyakin kong laging naisasarang mabuti ang tangke ng aming gas.
B. Ipagwawalang-bahala ko ito dahil si nanay lang naman ang gumagalaw nito.
C. Sasabihin ko kay nanay na laging isarado ang tangke ng gas matapos magluto.
D. Sasabihin ko kay nanay na electric stove na lamang ang gamitin sa pagluluto.

9. Inanunsiyo ng inyong guro na may isasagawang earthquake drill bukas sa inyong paaralan. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Liliban ako sa klase dahil ayaw kong makisali sa earthquake drill.
B. Magtatago ako sa CR para hindi ako makasama sa paglabas ng klase.
C. Yayayain ko ang aking kaklase na pumunta sa kantina bago tumunog ang bell.
D. Makikiisa ako sa pagsasagawa ng earthquake drill para alam ko ang gagawin sakaling magkaroon ng lindol.

10. Napanood mo sa telebisyon ang nangyaring pagputok ng Bulkang Taal. Ano ang
dapat mong gawing sa mga paalaalang pangkaligtasang natutunan mo?
A. Magsusuot ako ng facemask para hindi malanghap ang abo.
B. Lalabas ako ng bahay ay titignan ko ang paligid kung maraming abo.
C. Hahayaan kong maglaro sa labas ang aking kapatid kahit maraming abo.
D. Magwawalis akong ng paligid para mawala ang abo at di ko malanghap ito.

II.Iguhit ang masayang mukha ( ☺ ) sa patlang kung tama ang isinasaad


ng pangungusap at malungkot na mukha (  ) naman kung hindi.

_________ 11. Pitasin at sirain ang mga halaman sa parke.


__________12. Gamiting paso ang mga lumang gulong na hindi na ginagamit.
__________13. Ilagay ang basura kung saan-saan dahil may taga-kuha naman nito.
__________14. Iwasan ang pagsusulat o pagbabandal sa pader sa kahit na saang lugar.
__________15. Gamiting maayos ang mga pampublikong palikuran bilang paggalang
sa susunod na gagamit nito.
__________16. Inaayos ni Mang Idel ang kanilang bubong dahil napanood niya sa balita
na may paparating na bagyo sa kanilang lugar.
__________17. Inaalam ni Jim ang mga numerong maaaring tawagan sa panahon ng kalamidad at ibinabahagi rin
niya ang kaalamang ito sa iba pang kasapi
ng pamilya.
__________18. Iniiwasan ni Gerald na makiisa sa isinasagawang earthquake drill sa
kanilang paaralan dahil napapagod siya at nabibilad sa araw.
__________19. Inuunawang mabuti ni Princess ang balita sa radyo ukol sa napipintong
pagbaha dahil batid niyang maaaring apektado sila nito.
__________20. Pinaglalaruan ni James ang flashlight habang inihahanda ang mga
kailangan para sa paglikas nila sa ligtas na lugar.

You might also like