You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

Ika-apat na Markahang Pagsusulit


Sa EsP V

Pangalan: __________________________________ Iskor: _________________

Petsa: _____________________ Lagda ng Magulang: ___________________

I.PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang


titik ng tamang sagot.

1.Pumunta kayo sa kamag-anak ninyo sa kabilang bayan. Sa bus stop, kahit wala ng
upuan, pinasakay pa rin ng tsuper ang isang babaeng buntis. Inialok mo ang iyong
upuan sa kanya dahil sa nakikita mong hirap na hirap siya sa kanyang pagkakatayo.
Ano ang magandang kaugalian ang iyong ipinamalas?
A. Pagiging maka-Dyos
B. Pagiging makatao
C.Pagmamapuri
D.Pagtulong sa kapwa

2.Ang iyong kapitbahay ay isa sa naging biktima ng bagyong nagdaan. Nasira ang
kanilang mga pananim sa bukid pati ang kanilang bahay. Tinulungan mo sila sa
pagdarasal para sa kanilang muling pagbangon. Ikaw ay nagpapakita ng
ugaling____________.
A. Matapat
B. Nakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
C.Nakikipagbayanihan
D.Pagtulong sa mga nangangailangan

3.Ano ang maaaring gawin ng isang may-ari ng kumpanya upang malutas ang sigalot
sa pagitan ng kanyang mga manggagawa?
A. Alamin ang sanhi ng sigalot at magdesisyon ukol sa ikalulutas nito
B. Hayaang lumala ang sigalot
C.Huwag na lamang pansinin ang pangyayari
D.Tumawag ng isang pulong at alamin ang sanhi ng sigalot.

4.Sa pagsakay mo ng bus ay may isang matandang nakatayo na maraming dala-


dalahan. Ang lahat ay nakaupo na nang maayos. Ano ang iyong gagawin?
A. Magkukunwari na wala akong nakita
B. Pababayaan sya
C.Pagtatawanan
D.Tatayo at siya’y pauupuin

5.Ang dalawa ninyong kapitbahay ay matinding magkaaway. Walang sinuman ang


makapag-ayos ng kanilang sigalot. Bilang kapitbahay, paano mo sila matutulungang
magkasundo?
A. Ipagdarasal ko na maliwanagan ang kanilang pag iisip na hindi na dapat nag
aaay-away ang mga tao.

Page 1 of 11

(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

B. Isusumbong ko sila sa pulis


C.Panonoorin kong lalo ang kanilang pag-aaway
D.Tatakutin ko sila

6.Nagkaroon ng malaking pagbaha sa inyong barangay dahil sa mga baradong kanal


sa inyong kalye. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi ako makikialam sa mga suliranin ng mga matatanda.
B. Imumungkahi ko sa aming kapitan ng barangay na magkaroon ng proyektong
pangkalikasan na kasali ang mga bata at matatanda.
C.Sasabihan ko ang mga nakatatanda na linisan nila ang mga kanal
D.Wala akong gagawin.

7.Marami kang inimbak na tubig. Nagkataong nasira ang poso at walang mapagkunan
ng tubig ang iyong kapitbahay. Humingi siya sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Bibigyan mo siya ng tama lamang sa pangangailangan niya
B. Hindi mo sya bibigyan dahil naging pabaya siya at nararapat na mabigyan
siya ng aral.
C.Pababayaran mo sa kanya ang tubig
D.Wala rito ang tamang sagot

8.Plano ng inyong samahan ang mangampanya laban sa polusyon at


napagkasunduang gumuhit ng poster tungkol dito. Ano ang dapat maging desisyon mo?
A. Hindi ka na lang kikibo kahit ayaw mo
B. Makikiisa ka sa plano ng samahan
C.Sasalungat ka sa plano dahil iniisip mo ang pagod at gagastusin sa pag gawa
ng poster
D.Wala rito ang tamang sagot

9.Nagulat ka nang malaman mong itinuloy pa rin ni Harvey ang kanyang planong
paglalayas. Tinawagan ka niya at sinabi sa iyo kung saan siya naroroon. Dumating ang
mga magulang niya at tinanong ka sa kinaroroonan ni Harvey.Alin sa mga sumusunod
ang nararapat mong gawin?
A. Hahayaan mong mamroblema ang mga magulang ni Harvey.
B. Hindi mo sasabihin sa kanila na kunwari ay hindi mo alam
C.Sasabihin mo sa mga magulang niya kung bakit ginawa iyon ni Harvey at
ituturo ang kinaroroonan nito
D.Susumbatan ang mga magulang ni Harvey

10. Bukas na ang piyesta sa inyong lugar. Ang mga opisyales ay abalang abala sa pag-
aayos ng kapilya. Sa dami ng inihanda sa kapilya ay hindi na magkaintindihan ang mga
opisyales kung ano ang uunahing gawin. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagdarasal na lamang na matapos na ang kanilang gawain
B. Makikipaglaro sa mga batang nasa kapilya
C.Magkukunwaring abala ka sa inyong bahay
D.Tutulungan sila

Page 2 of 11

(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

11.Kumakain ka ng tanghalian sa kantina. Nagkataong may batang lumapit sa iyo na


humihingi ng pagkain. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hahatian ko siya ng pagkain
B. Ibibigay ko sa bata ang lahat ng aking pagkain
C.Sasabihan ko ang bata na humingi na lang sa iba.
D.Itataboy ko siya

12. Pumunta ka sa tahanan ni Mang Kanor na iyong kapitbahay upang humiram ng


martilyo. Nadatnan mo namatindi ang atake ng kanyang asma. Nagkataon na wala na
siyang kasama sa kanilang bahay. Ano ang iyong gagawin?
A. Hintayin na lamang na dumating ang kamag-anak ni mang Kanor
B. Huwag na lamang siyang pansinin.
C.Tatawag ng tulong sa kapitbahay.
D. Iwanan na lang si Mang Kanor.

13. Tunay na magaling sa Matematika si Dorothy. Isang araw ay humingi ng tulong ang
kaklase niyang si Faith. Nahihirapan daw siya sa fraction. Ano ang dapat gawin ni
Dorothy?
A. Huwag pansinin si Faith.
B. Tumanggi at sabihing hindi din niya alam.
C. Sabihing sa guro magpaturo.
D. Tulungan at turuan ang kaklase upang matuto.

14. Walang tao sa inyong kapitbahay. Naging makulimlim ang panahon na nagbabadya
ng pag-ulan. May sinampay na damit na nakabilad ang iyong kapitbahay na maaring
mabasa ng ulan. Ano ang maari mong gawin?
A. Babalewalain ko na lang
B. Hahayaan kong mabasa
C. Isisilong ko upang di mabasa
D. Hihitayin kong dumating ang kapitbahay

15. Humahanga ka sa isang malinis na pamayanan. Bilang isang mag- aaral, ano ang
maari mong magawang tulong upang mapanatiling malinis ang inyong pamayanan?
A. Pagsusunog ng mga basurang plastik
B. Maghuhukay ng tapunan ng basura
C. Magtatapong ng basura sa bakanteng lote
D. Magtatapon ng basura sa ilog

16.Binigyan kayo ng takdang aralin ng inyong guro na gumawa ng isang panalangin.


Ano ang gagawin mo?
A. Isusulat ko sa aking panalangin ang lahat ng mga kahilingan ko
B. Isusulat ko sa aking gagawing panalangin na bigyan ako ng maraming pera.
C.Isusulat ko sa aking panalangin na magkaroon pa ko ng maraming damit.
D.Isusulat ko sa aking panalangin ang lahat ng pasasalamat sa mga biyayang
tinanggap namin.

Page 3 of 11

(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

17. Bumuo ng isang grupo ng relihiyon ang iyong mga kaibigan dahil mas madali raw
maririnig ng Diyos ang kanilang mga panalangin sa kanilang mga gawain. Hinihikayat
ka nilang sumali sa grupong ito. Ano ang iyong gagawin?
A. Iiwasan mo sila
B. Magtatanong muna sa mga magulang
C. Pagtatawanan ang kanilang ginagawa
D. Hahayaan ko na lamang sila
18.Nabalitaan mong namatay ang iyong tiyo na nasa malayong lugar. Hindi kayo
nakapunta sa kanyang burol dahil kulang ang pera ninyo. Ano ang pinakamainam mong
gawin?
A. Ipagdasal na lamang ang kanyang kaluluwa
B. Ipagwalang bahala ito tutal naman ay patay na siya
C.Magalit sa magulang at piloting makapunta sa burol
D.Matuwa at namatay na siya para wala ng tiyuhin na laging humihingi ng
tulong sa iyong mga magulang

19.Laging nag-aaway ang iyong mga magulang dahil sa pera. Wala ka namang
kakayahan na makatulong sa kanila sapagkat may kapansanan ka sa paa. Ano ang
pinakamainam mong magagawa?
A. Hindi mo na lamang sila papansinin at mamaya naman ay bati na sila ulit
B. Magdarasal at humingi ng tulong sa Diyos na masulusyunan ang problema
C. Magalit sa magulang dahil sa palagi nilang pag-aaway
D. Magtatampo sa Diyos at binigyan ka ng ganoong klaseng magulang

20.Ang inyong lugar ay palaging dinadaanan ng bagyo. Ubos na ang mga pananim at
nakararanas na ng taggutom ang mga naninirahan dito. Ano ang maitutulong mo sa
kanila?
A. Hindi mo sila papansinin kasi marami naman kayong pambili ng pagkain
B. Ibibigay mo sa kanila ang lahat ng pag kain at pera mo
C.Tatawanan mo sila dahil sila ay nagugutom na
D.Tutulungan mo sila at ipagdarasal na sana ay matapos na ang dumating na
paghihirap na ito

21.Inaaanyayahan ang lahat sa parokya ninyo na sumali sa prusisyon ng Santa Maria.


Nagkataong hindi ka Katoliko. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi ka sasali ngunit igagalang mo ang pananampalataya nila
B. Hindi mo na lamang papansinin ang paanyaya.
C. Kukutyain mo ang mga katoliko sa kanilang pananampalataya
D. Makikilahok ka sa prusisyon nang labag sa kalooban
22.Pinag-aaralang awitin ni Dea ang kantang pangsimbahan na kanyang narinig
pagkagaling niya sa pagsimba. Hindi mo nagugustuhan ang kanyang ginagawa
sapagkat naiingayan ka at nalilito sa iyong pinapanood na pelikula. Ano ang gagawin
mo?
A. Pagagalitan mo siya sapagkat naiingayan ka
B. Sasabihin sa kanya na sa kanyang silid-tulugan mag-aral ng pa-awit upang
magkaroon pareho sila ng konsentrasyon
C.Sisigawan siya at palalayasin

Page 4 of 11

(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

D.Tatawanan mo siya sapagkat hindi maganda sa pandinig mo ang kanyang


boses

23. Kasama mo sa pagsisimba ang kapatid mong maliit. Habang nagmimisa ang pari ay
nakita mong naglalaro lamang ang nakababata mong kapatid sa loob ng simbahan. Alin
sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin.
A. Ipagpapatuloy ang pakikinig sa pari
B. Hahayaan mong maglaro ang iyong kapatid
C. Magagalit ka at sisigawan mo ang kapatid mong naglalaro
D. Pasimple kang lalapit sa kapatid mo at sasabihin mo makinig muna sa pari at
pagdating na sa bahay maglaro

24. Si Jonases ay isang manlalaro ng sipa sa kanilang paaralan at palagi silang nanalo
sa kanilang distrito. Isang araw habang sila ay naglalaro, nakita niya na sadyang
binagga ng kanilang ka-team si Peter. Nadapa ito at napasubsob. Tamang-tamang siya
ang sisipa at mananalo sila ngunit sa halip, tinulungan niya si Peter na siyang kinatalo
ng kanilang team. Anong katangian ang pinamalas ni Jonases na siyang pagkakataong
ito?
A. Pagiging isport
B. Pagiging mapagmahal sa kapwa
C.Pagiging patas
D.Lahat ng nabanggit

25. Nagpabili ang kapatid sa nanay mo ng bagong sapatos dahil luma na ito. Alam
mong walang pera ang iyong nanay. May pera kang naipon. Ibinigay mo kaagad sa
iyong kapatid ang pera mo at nang makabili siya. Ikaw ay __________.
A. Mapapagkatiwalaan C. Matulungin
B. Matipid D. Palakaibigan

26. Matalik na magkaibigan sina Rex at Jeric. Sa tuwing magkakaroon sila ng


pangkatang gawain, nais ni Rex na desisyon lamang niya ang dapat masunod. Bilang
kaibigan, paano papayuhan ni Jeric si Rex?
A. Mahinahong kakausapin ang kaibigan at sasabihin na pakinggan ang opinyon
ng lahat.
B. Pagagalitan siya at sasabihin na siya na lamang ang gumawa ng gawain
C. Sasabihin na lilipat na lamang sila sa ibang pangkat.
D. Sasabihan na huwag na lamang pagawain ang pangkat

27.Nag-away ang iyong kamag-aaral dahil nais ng isa na huwag pahiramin ng aklat ang
ibang mag-aaral sa kabilang pangkat. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan na lamang silang mag –away
B. Huwag silang pansinin
C.Panonoorin na lamang ang mangyayari sa kanila
D.Pagsabihan sila sa kanilang ginagawa at sabihin na masama ang pagdadamot
sa kapwa.

Page 5 of 11

(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

28.Ikaw ay panganay sa apat na magkakapatid. Alam mo na kapos kayo sa araw-araw


na gastusin at walang hanapbuhay ang iyong mga magulang. Dahil dito, nais na ng
mga kapatid mo na huminto na sa pag–aaral. Ano ang maari mong maging desisyon?
A. Ako na lamang ang hihinto sa pag-aaral
B. Bilang nakakatanda sasabihin ko sa kanila ang halaga ng edukasyon
C.Hahayaan ko na lamang silang huminto sa pag-aaral
D.Uutusan ko sina nanay at tatay na maghanapbuhay para kami ay makapag-
aral.

29. Oras ng recess, nakita mo ang iyong kamag-aral na walang baong pera o pagkain.
Ikaw ay pinabaunan ng dalawang tinapay ng iyong ina. Ano ang gagawin mo?
A. Ibibigay ang isa sa iyong kamag-aral
B. Huwag na lamang siyang pansinin
C.Kakainin ang dalawang tinapay upang mabusog ka
D.Sabihin sa guro na walang baon ang isa mong kamag-aral

30. Umuulan at naglalakad ka sa kalye. Nasalubong mo ang isang batang basang-basa


sa ulan at mukhang nanginginig sa sobrang lamig. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ihahatid mo ang bata sa isang masisilungan kahit na maabala ka sa pag-uwi.
B. Ipahihiram mo sa kanya ang iyong payong
C. Huhubarin mo ang iyong kamiseta at ibibigay sa kanya
D. Panonoorin mo ang kanyang panginginig sa lamig at tatawanan siya.

31.Kaibigan mong matalik si Jose at batid mo ang kanyang mga suliranin sa mga
magulang. Binalak niyang maglayas. Bilang isang matapat na kaibigan, paano mo siya
papayuhan?
A. Alam mong ito ay ikapapahamak niya kaya’t pipigilan mo
B. Isusumbong mo siya sa kanyang mga kapatid at kaibigan
C. Isusumbong mo siya sa kanyang mga magulang
D.Sasang-ayunan mo siya sa kanyang binabalak

32.Tuwing sasapit ang Pasko ay nakaugalian nang magbigay ng aguinaldo ang mag-
asawang mayaman na sina G. at Gng.Ramirez sa mga pulubing nakikita sa lansangan.
Sa iyong palagay, tama ba ang kanilang ginagawa?
A. Hindi, ang Pasko ay para lamang sa mga may kaya at kilalang tao
B. Hindi, sapagkat ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang dapat sa araw ng
Pasko ginagawa kundi kahit ano pang araw.
C. Oo dahil pasko naman
D. Oo, para naman makapagbigay saya sila sa kanilang kapwa

33.Nakita mo si Ludegario na habang pauwi ng bahay ay tumatakbo. Nadapa siya.


Nagkaroon siya ng maliit na gasgas sa tuhod. Alin sa mga sumusunod ang nararapat
mong gawin?
A. Dalhin siya sa ospital
B. Hindi siya papansinin
C.Pagtawanan siya
D.Tutulungan siyang linisin at gamutin ang sugat kahit maliit lamang ito

Page 6 of 11

(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

34.Ang pamilya nina Dr. Julita Ilagan ay laging sumisimba tuwing araw ng Linggo at
mga Pistang Pangilin.Hindi nila nalilimutan ang magpasalamat sa Diyos sa tuwi-tuwina.
Anong katangian ng pamilya meron sila?
A. Makabansa B.Maka-Diyos
C. Makakalikasan D.Makatao

35. Sa mga sumusunod na pahayag, ano dito ang nagpapakita ng mabuting gawain?
A. Tumulong sa kapwa
B. Magbahagi ng biyaya sa kapwa
C. Mag-aral mabuti
D. Lahat ng nabanggit ay tama

36. Ang ika-apat na utos ng Diyos ay ang pagbibigay galang sa mga magulang. Paano
mo ito maisasagawa?
A. Gagamit ako ng magagalang na salita sa pakikipag-usap sa kanila.
B. Magpapaalam sa kanila sa lahat ng gagawin at pupuntahan
C. Susunod sa kanilang mga utos
D. Tutuparin lahat ng nabanggit mula titik a hanggang titik c

37. Nagkaroon ng sunog sa lugar ninyo. Bilang isang bata ano ang tulong na iyong
magagawa?
A. Wala kang kayang gawin
B. Bigyan ng pera ang mga nasunugan
C. Makipagkuwentuhan sa kapitbahay at alamin kung paano nagkasunog
D. Magbigay ng mga lumang damit na pwede pang gamitin

38. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tamang gawi?


A. Bata lamang ang dapat magtulungan sa paglilinis ng kapaligiran
B. Makipagtulungan sa mga nang-aapi at lalo pa silang udyukan
C.Tumulong sa mga nangangailangan ng tulong sa lahat ng pagkakataon
D.Wala sa nabanggit

39. Anong kaugalian ang ipinapakita ng pagbibigay natin ng upuan sa mga may
kapansanan?
A. Pakikiramay sa mga may kapansanan
B. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
C. Pagmamahal sa Diyos
D. Pagpapakita sa mga tao para hangaan

40. Ang pagdarasal ba bago at pagkatapos kumain ay tama?


A. Hindi B.Hindi alam C.Oo D.Siguro

41. Ang inyong samahan ay laging nagdarasal ng Santo Rosaryo sa inyong kapilya.
Napansin mo na hindi sumasama sa gawaing ito ang iyong matalik na kaibigan. Ano
ang gagawin mo?

Page 7 of 11

(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

A. Aalamin mo kung bakit hindi siya nakikiisa sa gawain at pagagalitan mo siya


B. Hindi mo siya kakausapin
C.Hihikayatin mo siyang sumama sa gawain total naman ay madali lamang ito
D. Isusumbong mo siya sa inyong pari
42.Si Bb. Corazon Banila ay isang mabuting kristiyano at palagi siyang nagsisimba
tuwing araw ng Linggo.Sa kanyang pagsisimba, alin kaya ang tamang kasuotan bilang
pagbibigay galang sa okasyon.
A. damit na pambahay B. kasuotang pormal
C. short at sando D. sumbrero

43. Pagkatapos magdasal ni Endeng ay nakagawian na niya ang magbasa ng Bibliya.


Sa iyong palagay, tama ba na magbasa pa siya ng bibliya?
A. Hindi, dapat ay may ibang oras ang pagbabasa ng bibliya at hindi ito dapat
isinasagawa pagkatapos ng pagdarasal
B. Hindi, sapagkat nakapagdasal na siya at wala itong kaugnayan sa kanyang
pagdarsal.
C. Oo, sapagkat higit niyang mauunawaan ang mga salita ng Diyos
D. Oo, sapagkat pampalipas oras ito

44. Sa ating pagtulong sa ating kapwa. Siya’y laging saksi. Sino ang tinutukoy sa
pahayag?
A. Diyos B. Magulang C. Matalik na Kaibigan D. Mga Kapatid

45. Mayroon kayong maunlad na negosyo at taun-taon limpak-limpak na salapi ang kita
nito. Paano mo ito maibabalik sa Poong Maykapal na siyang nagkaloob nito?
A. Mag-impok sa bangko
B. Tumulong sa kawanggawa
C. Magiging Hermano Mayor ang aming pamilya sa isang Flores de Mayo
D. Magpapatayo ng bagong sangay ng negosyo

46. Ang buhay natin ay biyayang kaloob ng Diyos sa atin. Ano ang gagawin mo sa
iyong sarili para maipakita mo sa ating Diyos ang lubos na pasasalamat sa
pagkakalikha mo?
A. Aalagaan at ingatan ang sarili
B. Magbibigay papuri sa Diyos
C. Magsasaya
D. Magpapaganda

47. Sa tuwing tayo’y nalulumbay, lumalapit tayo sa Panginoong Diyos. Ano ang paraan
ng paglapit natin sa Kanya?
A. Pag-alay
B. Pagdarasal
C. Pagsayaw
D. Pagtawag

48. Bilang isang mabuting mananampalataya, alin sa mga sumusunod ang dapat mong
gawin?

Page 8 of 11

(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

A. Sundin lamang ang mga kautusan kung ibig


B. Sundin ang kautusan ng Diyos
C. Iwasan ang mga kautusan ng relihiyon
D. Balewalain ang utos ng Diyos
49. Mapalad ka at pinagkalooban ka ng Poong Lumikha ng maunlad na pamumuhay.
Ano ang iyong gagawin sa naging estado ng iyong buhay?
A. Magpapakasaya
B. Magpapakasawa
C. Magpapasalamat
D. Maglibang

50. Sa ating pang araw araw na pamumuhay ay marami tayong dapat ipagpasalamat
sa Diyos. Anu-ano ang mag ito.
A. Kaibigan
B. Kakilala
C. Pamilya
D. Lahat ng nabanggit

Page 9 of 11

(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

Talaan ng pagwawasto sa EsP

1.D 26.A

2.B 27.D

3.A 28.B

4.D 29.A

5.A 30.A

6.B 31.A

7.A 32.D

8.B 33.D

9.C 34.B

10.D 35.D

11.A 36.D

12.C 37.D

13.D 38.C

14.C 39.A

15.B 40.C

16.D 41.C

17.B 42.B

18.A 43.C

19.B 44.A

20.D 45.B

21.A 46.A

22.B 47.B

23.D 48.B

24.D 49.C

25.C 50.D

Page 10 of 11

(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

Talahanayan ng Ispesipikasyon

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa ESP V

SY 2018-2019

BILANG BILANG KINALALAGYAN PORSIYENTO


NG NG NG
LAYUNIN ARAW AYTEM AYTEM

1. Nakakapagpapakita nang tunay


na pagmamahal sa kapwa tulad ng
:Pagsasaalang-alang sa kapakanan
25
ng kapwa at kinabibilangang 10 15 1-15
pamayanan.

. 2.Nakapagpapakita nang tunay na


pagmamahal sa kapwa tulad
ng:pakikiisa sa pagdarsal para sa 7 8 16-23 17.5
kabutihan ng lahat.

3.Nakakapagpapakita nang tunay


na pagmamahal sa kapwa tulad ng:
15 16 24-39 37.5
pagkalinga at pagtulong sa kapwa.

4.Nakapagpapakita ng iba’t ibang


paraan ng pasasalamat sa Diyos. 8 11 40-50 20

Kabuuan 40 50 100%

Page 11 of 11

(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org

You might also like