You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
District of South Isulan
MAREMCO ELEMENTARY SCHOOL
School ID: 131017
IKATATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP-V
Marso 25-26,2024

Pangalan :___________________________ __ Petsa: ______________________


Baitang/Seksyon: __________________ _____ Iskor : __________________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1.Ang iyong kapitbahay ay isa sa naging biktima ng bagyong nagdaan.Nasira ang kanilang mga pananim
sa bukid at bahay.Tinulungan mo sila sa pagdarasal para sa kanilang muling pagbangon.Ikaw ay
nagpapakita ng ugaling____________.
A.Matapat
B.Nakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
C.Nakikipagbayanihan
D.Pagtulong sa mga nangangailangan
2.Ano ang maaaring gawin ng isang may-ari ng kumpanya upang malutas ang sigalot sa pagitan ng
kanyang mga manggagawa?
A.Alamin ang sanhi ng sigalot at magdesisyon ukol sa ikalulutas nito
B.Hayaang lumala ang sigalot
C.Huwag na lamang pansinin ang pangyayari
D.Tumawag ng isang pulong at alamin ang sanhi ng sigalot
3.Pupunta kayo sa kamag-anak ninyo sa kabilang bayan.Sa isang hintuan ng bus,kahit wala ng upuan,
pinsakay parin ng tsuper ang isang babaing buntis.Inialok moa ng iyong upuan sa kanya dahil sa
nakikita mong hirap na hirap siya sa kanyang pagkakatayo.Ano ang magandang kaugalian ang iyong
pinamalas
A.Pagiging maka-Dyos
B.Pagiging makatao
C.Pagmamapuri
D.Pagtulong sa kapwa
4.Sa pagsakay mo ng bus ay may isang matandang nakatayo na mraming dala-dalahan.Ang lahat ay
nakaupo nang maayos.Ano ang iyong gagawin?
A.Magkukunwari na wala akong nakita
B. Pababayaan sya
C.Pagtatawanan
D.Tatayo at siya’y papaupuin
5.Ang dalawa ninyong kapitbahay ay matinding magkaaway.Walang sino mang makapag-ayos ng
kanilang sigalot.Bilang kapitbahay,paano mo sila matutulungang magkasundo?
A.Ipagdarsal ko na maliwanagan ang kanilang pag iisip na hindi na dapat nag aaay-away ang mga tao.
B.Isusumbong ko sila sa pulis
C.Panonoorin kong lalo ang kanilang pag-aaway
D.Tatakutin ko sila
6.Nagkaroon ng malaking pagbaha sa inyong barangay dahil sa mga baradong kanal sa inyong kalye.Ano ang nararapat
mong gawin ?
A.Hindi ako makikialam sa mga suliranin ng mga matatanda.
B.Imumungkahi ko sa aming kapitan ng barangay na magkaroon ng proyektong pangkalikasan na kasali
ang mga bata at matatanda.
C.Sasabihan ko anf mfa nakakatanda na linisan nila ang mga kanal
D.Wala akong gagawin.
7.Marami kang inimbak na tubig.nagkataong nasira ang poso at walang mapagkunan ng tubig ang iyong
kapitbahay.Humingi siya sa iyo.Ano ang nararapat mong gawin?
A.Bibigyan mo siya ng tama lamang sa pangangailangan niya
B.Hindi mo sya bibigyan dahil naging pabaya siya at nararapat na mabigyan siyang aral.
C.Pababayaran mo sa kanya ang tubig
D.Wala rito ang tamang sagot
8.Plano ng inyong samahan ang mangampanya laban sa polusyon at napagkasunduan ninyong gunuhit ng postr tungkol
dito .Ano ang dapat maging desisyon mo?
A.Hindi ka na lang kikibo kahit ayaw mo
B.Makikiisa ka sa plano ng samahan
C.Sasalungat ka sa plano dahil iniisip m ang pagod at gagastusin sa pag gawa ng poster
D.Wala rito ang tamang sagot
9.Nagulat ka ng malaman mong itinuloy pa rin ni Harvey ang kanyang planong paglalayas.Tinawagan ka niya
at sinabing sa iyo kung saan siya naroroon. Dumating ang mga magulang niya at tinanong ka sa
kinaroroonan ni Harvey.Alin ang nararapat.
A.Hahayaan mong mamroblema ang mga magulang ni Harvey.
B.Hindi mo sasabihin sa kanila kunwari hindi moa lam
C.Sasabihin mo sa mga magulang niya kung bakit ginawa iyon ni Harvey at ituturo ang kinaroroonan nito
D.Susumbatan ang mga magulang ni Harvey
10.Bukas na ang pyesta sa inyong lugar.Ang mga opisyales ay abalang abala sap ag-aayos ng kapilya.Sa
dami ng inihanda sa kapilya ay hindi na magkaintindihan ang mga opisyales kung ano ang uunahing
gawin.Ano ang gagawin mo?
A.Ipagdarasal na lamang na matapos na ang kanilang gawain
B.Makikipaglaro sa mga batang nasa kapilya
C.Magkukunwaring abala ka sa inyong bahay
D.Tutulungan sila
11.Binigyan kayo ng takdang aralin ng inyong guro na gumawa ng isang panalangin.Ano ang gagawin mo
A.Isusulat ko sa aking panalangin ang lahat ng mg kahilingan ko
B.Isusulat ko sa aking gagawing panalangin na bigyan ako ng maraming pera.
C.Isusulat ko sa aking panalangin na magkaroon pa ko ng maraming damit.
D.Isusulat ko sa aking panalangin ang lahat ng pasasalamat sa mga biyayang tinanggap naming.
12.Bumuo ng isang grupo ng relihiyon ang iyong mga kaibigan dahil mas madali raw maririnig ng Diyos ang
kanilang mga panalangin sa kanilang mga gawain.Hinihikayat ka nilang sumali sa grupong ito.Ano ang iyong
gagawin?
A.Iiwas sila
B. Magtatanong muna sa mga magulang
C.Pagtatawanan ang kanilang ginagawa
D.Titingnan ang tunay na layunin ng kanilang grupo kung bakit nila ito binuo
13.Nabalitaan mong namatay ang iyong tiyo na nasa malayong lugar.Hindi kayo nakapunta sa kanyang burol
dahil kulang ang pera ninyo.Ano ang pinakamainam mong gawin ?
A.Ipagdasal na lamang ang kanyang kaluluwa
B.Ipagwalang bahala ito tutal naman ay patay na siya
C.Magalit sa magulang at piloting makapunta sa burol
D.Matuwa at namatay na siya para wala ng tiyuhin na laging humihingi ng tulong sa iyong mga magulang
14.Laging nag-aaway ang iyong mga magulang dahil sa pera.Wala ka namang kakayahan na makatulong sa
kanila sapagkat may kapansanan ka sa paa. Ano ang pinakamainam mong magagawa?
A.Hindi mo na lamang sila papansinin at mamaya naman ay bati na sila ulit
B.Magdarasal at humingi ng tulong sa Diyos na masulusyonan ang problema
C.Magalit sa magulang dahil sa palagi nilang pag-aaway
D.Magtatampo sa Diyos at binigyan ka ng ganoong klaseng magulang
15.Ang inyong lugar ay palaging dinadaanan ng bagyo.ubos na ang mga pananim at nakakaranas na ng tag
gutom ang mga naninirahan ditto.Ano ang maitutulong mo sa kanila?
A. Hindi mo sila papansinin kasi marami naman kayong pambili ng pagkain
B. Ibibigay mo sa kanila ang lahat ng pag kain at pera mo
C.Tatawanan mo sila dahil sila ay nagugutom na
D.Tutulungan mo sila at ipagdarasal na sana ay matapos na ang dumating na paghihirap na ito
16.Inaaanyayahan ang lahat sa parokya ninyo na sumali sa prusisyon ng Santa Maria.nagkataong hindi ka
katoliko.Ano ang nararapat mog gawin?
A.Hindi ka sasali ngunit igagalang moa ng pananampalataya nila
B.Hindi mo na lamang papansinin ang paanyaya.
C.Kukutyain mo ang mga katoliko sa kanilang pananampalataya
D.Makikilahok ka sa prusisyon alang-alang sa pakikisama sa barangay
17.Pinag-aaralang awitin ni Dea ang kantang pangsimbahan na kanyang narinig pagkagaling niya sa
pagsimba.Hindi mo nagugustuhan ang kanyang ginagawa sapagkat naiingayan ka at nalilito ka sa iyong
pinapanood na pelikula.Ano ang gagawin mo?
A.Pagagalitan mo siya sapagkat naiingayan ka
B.Sasabihin sa kanya na sa kanyang silid-tulugan mag-aral ng pa-awit upang magkaroon pareho sila ng
konsentrasyon
C.Sisigawan siya at palalayasin
D.Tatawanan mo siya sapagkat hindi maganda sa pandinig mo ang kanyang boses
18.Kasama mo sapag sisimba ang kapatid mong maliit.habang nagmimisa ang pari ay nakita mong naglalaro
lamang ang kapatid mo sa loob ng simbahan.Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin.
A.Ipagpapatuloy ang pakikinig sa pari
B.Hahayaan mong maglaro ang iyong kapatid
C.Magagalit ka at sisigawan mo ang kapatid mong naglalaro
D.Pasimple kang lalapit sa kapatid mo at sasabihin mo makinig muna sa pari at pagdating na sa bahay
maglaro
19.Si Jonases ay isa manlalaro ng sipa sa kanilang paaralan at palagi silang nanalo sa kanilang distrito. Isang
araw habang sila ay naglalaro,nakita niya na sadyang binagga ng kanilang ka-team si Peter.Nadapa ito at
napasubsob.Tamang-tamang siya ang sisipa at mananalo sila ngunit sa halip,tinulungan niya si Peter na
siyang kinatalo ng kanilang team.Anong katangian ang pinamalas ni Jonases na siyang pagkakataong ito?
A.Pagiging isport
B.Pagiging mapagmahal sa kapwa
C.Pagiging patas
D.Lahat ay maaaring maging sagot
20.Nagpabili ang kapatid mo sa nanay mo ng bagong sapatos dahil luma na ito.Alam mong walang pera ang
iyong nanay.may pera kang naipon.Ibinigay mo kaagad sa iyong kapatid ang pera mo at nang makabili
siya.Ikw ay __________.
A.Mapagkatiwalaan C.Matulungin
B.Matipid D.Palakaibigan
21.Matalik na kaibigan ni Rex si Jec.Sa tuwing magkakaroon sila ng pangkatang gawain,nais ni Rex na
desisyon lamang niya ang dapat masunod.Bilang kaibigan,paano papayuhan ni Jeric si Rex?
A.Mahinahong kakausapin ang kaibigan at sasabihin na pakinggan ang opinion ng lahat.
B.Pagagalitan siya at sasabihin na siya na lamang ang gumawa ng gawain
C.Sasabihin na lilipat na lamang sila sa ibang pangkat.
D.Sasabihan na huwag na lamang pagawain ang pangkat
22.Nag-away ang iyong kamag-aral dahil nais ng isa na huwag pahiramin ng aklat ang ibang mag-aaral sa
kabilang pangkat.Ano ang dapat mong gawin?
A.Hayaan na lamang silang mag –away
B.Huwag silang pansinin
C.Panonoorin na lamang ang mangyayari sa kanila
D.Pagsabihan sila sa kanilang ginagawa at sabihin na masama ang pagdadamot sa kapwa.
23.Ikaw ay panganay sa apat na magkakapatid.Alam mo na kapos kayo sa araw-araw na gastusin at walang
hanapbuhay ang iyong mga magulang.Dahil dito , nais na ng mga kapatid mon a huminto na sa pag–
aaral.Ano ang maari mong maging desisyon?
A.Ako na lamang ang hihinto sa pag-aaral
B.Bilang nakakatanda sasabihin ko sa kanila ang halaga ng edukasyon
C.Hahayaan ko na lamang silang huminto sap ag-aaral
D.Uutusan ko sina nanay at tatay na maghanapbuhay para kami ay makapag- aral.
24.Oras ng recess,nakita moa ng iyong kamag-aral na walang baong pera o pagkain.Ikaw ay pinabaunan ng
dalawang tinapay ng iyong ina.Ano ang gagawin mo?
A.Ibibigay ang isa sa iyong kamag-aral
B.Huwag na lamang siyang pansinin
C.Kakainin ang dalawang tinapay upang mabusog ka
D.Sabihin sa guro na walang baon ang is among kamag-aral
25.Umuulan at naglalakad ka sa kalye.Nasalubong mo ng isang batang basing-basa sa ulan at mukhang
nanginginig sa sobrang lamig.Ano ang nararapat mong gawin?
A.Ihahatid mo ang bata sa isang masisilungan kahit na maabala ka sa pag-uwi.
B.Ipahihiram mo sa kanya ang iyong paying
C.Huhubarin moa ng iyong kamiseta at ibibigay sa kanya
D.Panonoorin mo ang kanyang panginginig sa lamig at tatawanan siya.
26.Kaibigan mong matalik si Jose at batid moa ng kanyang mga suliranin sa mga magulang.Binalak niyang
maglayas.Bilang isang matapat na kaibigan ,paano mo siya papayuhan?
A.Alam mong ito ay ikapapahamak niya kaya’t pipigilan mo
B.Isusumbong mo siya sa kanyang mga kapatid at kaibigan
C. Isusumbong mo siya sa kanyang mga magulang
D.Sasang-ayunan mo siya sa kanyang binabalak
27.Tuwing sasapit ang Pasko ay nakaugalian nang magbigay ng aguinaldo ang mag asawang mayaman na
sina G at Gng.Ramirez sa mga pulubing nakikita sa lansangan.Sa iyong palagay,tama baa ng kanilang
ginagawa?
A.Hindi,ang Pasko ay para lamang sa mga may kaya at kilalang tao
B.Hindi,sapagkat ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang dapat sa araw ng Pasko ginagawa kundi kahit
ano pang araw.
C.Oo dahil pasko naman
D.Oo,para naman makita ng tao na sila ay matulungin
28.Nakita mo si Ludegario na habang pauwi ng bahay ay tumatakbo.Nadapa siya.Nagkaroon siya ng maliit na
gasgas sa tuhod.Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin?
A.Dalhin siya sa ospital
B.Hindi siya papansinin
C.Pagtawanan siya
D.Tutulungan siyang linisin at gamutin ang sugat kahit maliit lamang ito
29. Ang pagdarasal ba bago at pagkatapos kumain ay tama?
A.Hindi B.Hindi alam C.Oo D.Siguro
30.Ang inyong samahan ay lagging nagdarasal ng Santo Rosaryo sa inyong kapilya.Napansin mon a hindi
sumasama sa gawaing ito ang iyong matalik na kaibigan.Ano ang gagawin mo?
A.Aalamin mo kung bakit hindi siya nakikiisa sa gawain at pagagalitan mo siya
B.Hindi mo siya kakausapin
C.Hihikayatin mo siyang sumama sa gawain total naman ay madali lamang ito
D. Isusumbong mo siya sa inyong pari
31.Si Bb.Corazon Banila ay isang mabuting kristiyano at palagi siyang nagsisimba tuwing araw ng Linggo.Sa
kanyang pagsisimba,siya ay nagsuot ng ____ bilang pagbibigay galang sa okasyon.
A.Damit na pambahay C.Kasuotang pormal
B.Short at sando D.sumbrero
32.Pagkatapos magdasal ni Endeng ay nakagawian na niya ang magbasa ng bibliya.Sa iyong palagay,tama
ban a magbasa pa siya ng bibliya?
A.Hindi,dapat ay may ibang oras ang pagbabasa ng bibliya at hindi ito dapat isinasagawa pagkatapos ng
pagdarasal
B.Hindi,sapagkat nakapagdasal na siya at wala itong kaugnayan sa kanyang pagdarsal.
C.Oo,sapagkat higit niyang mauunawaan ang mga salita ng Diyos
D.Oo,sapagkat pampalipas oras ito
33. Sa ating pagtulong sa ating kapwa. Siya’y laging saksi. Sino ang tinutukoy sa pahayag?
A.Diyos B. Magulang C. Matalik na Kaibigan D. Mga Kapatid
34. Mayroon kayong maunlad na negosyo at taun-taon limpak-limpak na salapi ang kita nito. Paano mo ito
maibabalik sa Poong Maykapal na siyang nagkaloob nito?
A.Iiimpok sa bangko
B.Ilalagak sa kawanggawa
C.Magiging Hermano Mayor ang aming pamilya sa isang Flores de Mayo
D.Magpapatayo ng bagong sangay ng negosyo
35. Ang buhay natin ay biyayang kaloob ng Diyos sa atin. Ano ang gagawin mo sa iyong sarili para maipakita
mo sa ating Diyos ang lubos na pasasalamat sa pagkakalikha mo?
A.Aalagaan
B. Magbibigay papuri sa Diyos
C. Magsasaya
D. Magpapaganda
36. Sa tuwing tayo’y nalulumbay, lumalapit tayo sa Panginoong Diyos. Ano ang paraan ng paglapit natin sa
Kanya?
A.Pag-alay
B. Pagdasal
C. Pagsayaw
D.Pagtawag
37. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
A.Sundin lamang ang mga kautusan kung ibig
B.Sundin ang Sampung Utos ng Diyos
C. Iwasan ang mga kautusan ng relihiyon
D. Balewalain ang utos ng Diyos
38. Mapalad ka at pinagkalooban ka ng Poong Lumikha ng maunlad na pamumuhay. Ano ang iyong gagawin
sa naging estado ng iyong buhay?
A.Magpapakasaya
B. Magpapakasawa
C. Magpapasalamat
D. Maglibang
39.Tumutukoy sa mga nakapaligid sa atin na dapat nating ipagpasalamat sa Diyos.
A.Kaibigan
B. Kakilala
C. Pamilya
D. Lahat ng nabanggit
40. Gumawa ng panalangin na pinagpapasalamat sa diyos.

Prepared by: Checked by:


RODELY A. BENIERA LOTIS D. PALINGUBA
Teacher III Master Teacher I

Noted by:
LENITH C. LINDA
Principal I
Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
District of South Isulan
MAREMCO ELEMENTARY SCHOOL
School ID: 131017

IKATLONG MARKAHAN
TALAAN NG ISPISIPIKASYON SA ESP-V
Marso 25-26, 2024
BILANG BILANG NG KINALALAG PORSIYENTO
NG AYTEM
LAYUNIN ARAW YAN NG

AYTEM

1. Nakakapagpapakita nang tunay na


pagmamahal sa kapwa tulad ng :

1.1. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng


1-10
kapwa at kinabibilangang pamayanan. 25%
15 15 1-15
1.2.Palagiang paggawa ng mabuti sa lahat.
EsP5PPP-IIIa-23

2.Nakapagpapakita nang tunay na


pagmamahal sa kapwa tulad ng:

1.1Mailalarawan ang mga batang 16-23


nagmamahal sa kapwa at 7 8 17.5%
11-18
1.2. diyos EsP5PPP-IIIb-24

3.Nakakapagpapakita nang tunay na


pagmamahal sa kapwa tulad ng:
24-39 37.5%
1.1 pagkalinga sa kapwa 15 16
19-28
1.2 pagtulong sa kapwa. EsP5PPP-IIIb-24

4.Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng


pasasalamat sa Diyos.

1.1 Naipapaliwanag kung paanong ang


pagmamahal sa Diyos ay pagpapakita ng
pasasalamat sa kanya. 8 11 29-39 20%
1.2 Natutukoy ang paraan ng pagpapailalim
ng pananampalataya sa Diyos. EsP5PPP-
IIIb-25

5. Nakakagawa ng panalangin tungkol sa


pasasalamat sa Diyos.EsP5PPP-IIIb-24 1 1 40

Kabuuan 40 50 100%

Prepared by: Checked by:


RODELY A. BENIERA LOTIS D. PALINGUBA
Teacher III Master Teacher I

Noted by:
LENITH C. LINDA
Principal I
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
District of South Isulan
MAREMCO ELEMENTARY SCHOOL
School ID: 131017

IKAAPAT NA MARKAHAN

TALAAN NG ISPISIPIKASYON
ESP-V

Bilang ng % Bilang ng Kinalalagyan ng


Araw Aytem Aytem
LAYUNIN

1. Nakakapagpapakita nang tunay na


pagmamahal sa kapwa tulad ng :
3
1.1. Pagiging makatao 1-3
3
Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at 7.5 %
3
kinabibilangang pamayanan. 4-6
3
1.2. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa 7.5 %
4
at kinabibilangang pamayanan 7-10
4
1.3.Palagiang paggawa ng mabuti sa lahat. 10 %
EsP5PD - IVa-d – 14
2.Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal
sa kapwa tulad ng: 4 10 % 4 11-14
1.1Mailalarawan ang mga batang nagmamahal sa
kapwa at 4 10 % 4 15-18
1.2. diyos EsP5PD - IVa-d – 14
3.Nakakapagpapakita nang tunay na pagmamahal
sa kapwa tulad ng: 3 7.5% 19-21
3
1.1 mapagbigay sa kapwa
1.2 pagtulong sa kapwa 3 7.5% 22-24
3
1.2 paggalang sa paniniwala ng kapwa.
EsP5PD - IVa-d – 14 4 10%
4
25-28

4.Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng 4 29-32


pasasalamat sa Diyos. 4 10%
1.1 Naipapaliwanag kung paanong ang 3 33-35
pagmamahal sa Diyos ay pagpapakita ng 3 7.5%
pasasalamat sa kanya. 4 36-39
1.2 natutukoy ang paraan ng pagpapailalim ng 4 10%
pananampalataya sa Diyos
EsP5PD - IVe-i – 15

5. Nakakagawa ng panalangin tungkol sa


pasasalamat sa Diyos. 1 2.5 % 1 40
EsP5PD - IVe-i – 15
Kabuuan 40 100% 40 40

Prepared by:

VICTORIA E. RUEGA
Teacher III

Checked by: Noted by:


LOTIS D. PALINGUBA DELIA D. LAMA
Master Teacher I Principal I

You might also like