You are on page 1of 2

PACIANO RIZAL ELEMENTARY SCHOOL

ESP IV
WRITTEN TEST 2 (2nd Qtr.)

Name _______________________________
Grade 4 - ____________________________

I. Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang maaari mong gawin sa mga batang nagugutom sa kalye?


a. Ipagwalang bahala ko na lang ang aking nakita.
b. Titigan ko lang sila dahil naaawa ako sa kanila.
c. Tatakbo ako nang mabilis upang hindi nila makita.
d. Ibibigay ko sa kanila ang bahagi ng aking baong pagkain.

2. Nakita mo sa telebisyon na maraming pamilya ang naapektuhan ng bagyo. Ano ang mabuti
mong gawin?

a. Maawa ako sa pinanonood na balita.


b. Manonood lang ako dahil wala namang bagyo sa aming lugar.
c. Sasabihan ko ang mga magulang na magbahagi ng kaunting pagkain, tubig at
damit.
d. Tatawagin ko ang aking kapatid at sabay naming pagtatawanan ang mga taong
umiiyak dahil sa bagyo.

3. Napansin mong araw-araw na naglalakad papuntang paaralan ang iyong kaklaseng mahirap
habang ikaw ay nakasakay sa kotse. Ano ang iyong unang gagawin kung makikita mo siyang
naglalakad ulit?

a. Hahayaan ko siyang maglakad.


b. Hihilain ko siya at ipapasok sa kotse.
c. Bubuksan ko ang bintana ng kotse at pagtatawanan siya.
d. Aalukin ko siya na sumabay na sa akin papuntang paaralan.

4. Si Ana ay palaging tumutulong sa mga nangangailangan. Anong ugali ang mayroon


si Ana?

a. pagkabukas-palad
b. pagkamasipag
c. pagkamatiisin
d. pagkamatiyaga

5. Nasalanta ng baha ang lugar ng iyong kaklase. Ano ang dapat gawin?
a. Hayaan mo silang magdusa.
b. Mamigay ng relief goods tulad pagkain at kasuotan.
c. Kukunan sila ng litrato upang maipakita sa iba.
d. Wala kang gagawin.

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging bukas-palad?

a. Si Chloe ay masayahing bata.


b. Tinatago ni Melay ang kaniyang baon.
c. Si John ay nagbabahagi ng kaniyang baon sa kaniyang kaklase.
d. Ang tatlong magkakapatid ay mahilig manguha ng pagkain ng kani-
kanilang kaklase.

7. Marami kang mayayaman na kaibigan. Napansin mong wala silang pakialam sa mga
mahihirap mong kaklase. Ano kaya ang maitutulong mo?

a. Sasabihan ko ang mga kaibigan ko na pautangin ang kaklase.


b. Pagtatawanan ko sila nang malakas hanggang mapansin ako.
c. Hihikayatin ko ang mga kaibigan ko na magbahagi ng gamit kagaya ng
mga kuwaderno, lapis at papel.
d. Lahat ng nabanggit.

8. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Walang problema ang hindi nasosolusyunan kapag
nagtutulungan”?

a. malulutas ang isa suliranin kung ito ay sama- samang lutasin.


b. Walang magagawa sa isang suliranin kahit marami pa kayong nag
iisip ng paraan.
c. Walang kahihinatnan ang samasamang pagtutulungan.
d. Wala sa mga nabanggit

9. Naagaw ang iyong atensyon nang nakita mo ang iyong nakababatang kapatid na
pinagsasalitaan ng hindi maganda ang batang kalye. Bilang nakatatandang kapatid, ano ang
iyong magiging aksyon?

a. Magwawala ako sa harap nila.


b. Sisimangot lamang ako sa nakita ko.
c. Ipagwawalang bahala ko ang nangyari.
d. Pagsasabihan ko ang aking kapatid na mali ang kaniyang ginagawa at dapat
siyang humingi ng tawad sa bata.

10. Alin sa mga sumusunod ang tamang pag-uugali?


a. Tutulong ako kapag may kapalit.
b. Magkukunwari akong matulungin.
c. Tutulong ako sa nangangailangan ng buong puso.
d. Hindi ako mag-aaksaya ng oras na tumulong sa iba.

You might also like