You are on page 1of 4

SUMMATIVE TEST 2

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan ng


Mga Layunin CODE
n Aytem Bilang

makapagbahagi ng pag-unawa sa (Esp4p-IId-


kailangan o pangangailangan ng kapwa 19)
50% 10 1-10

Makapagpapahayag ng iba’t-ibang paraan


ng pagtulong sa kapwa at
(EsP4P- IIe–
b. makapagpapakita ng pagiging bukas- 50% 10 11-20
20);
palad sa mga
nangangailangan.

Kabuuan 100 20 1 – 20
GRADE IV – ESP
Guro Ako Channel

SUMMATIVE TEST 2
GRADE IV – ESP
Guro Ako Channel

I. Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa kalakip na sanayang
papel.

1. Ano ang maaari mong gagawin kapag nakita mo ang iyong kaklase na nanlilimos sa may simbahan?
a. Hindi ko siya papansinin.
b. Maging masaya ako para sa kaniya.
c. Pagtatawanan at kukutyain ko siya.
d. Pupuntahan ko siya para bigyan ng pagkain.

2. Paano mo maipakikita ang pang-uunawa sa damdamin ng iyong kapwa?


a. Sa pamamagitan ng pag-iyak kasama sila
b. Sa pakikipag-usap sa kanila
c. Sa pagbibigay ng sariling kuwento sa kanila
d. Sa pakikinig at pagbibigay ng payo sa oras na may problema

3. May sakit ang iyong kalaro. Ano ang maaaring gawin upang siya ay mapanatiling mahinahon
sa kaniyang nararamdaman?
a. Hindi ko na siya kakaibiganin dahil masakitin siya.
b. Pagsasabihan ko siya na kasalanan niya bakit siya nagkasakit.
c. Pupuntahan ko siya at yayain na maglaro kahit na siya ay maysakit.
d. Bibisitahin ko siya at bibigyan ng masasarap na prutas para lalong bumilis ang
kaniyang paggaling.

4. Napakaraming bata ang nakatira sa ilalim ng tulay. Nakikita mo sila tuwing papasok ka sa paaralan.
Ano ang iyong maitutulong sa kanila?
a. Pagtawanan ko ang kanilang kalagayan.
b. Ipagwalang-bahala ko ang kanilang kalagayan.
c. Hindi ako dadaan sa tulay para hindi ko sila makita.
d. Ipagbibigay alam ko ang kanilang kalagayan sa mga kinauukulan o
ahensiya ng pamahalaan.

5. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pag-unawa sa damdamin ng kapwa?


a. Batang pilay na pinatid ng isang bata
b. Batang lampa na pinagtatawan ng mga kalaro
c. Batang masakitin na ayaw pasamahin sa isang grupo
d. Batang pinayuhan na magpakatatag sa dumarating na pagsubok sa buhay

6. Kapag nakaranas ng matinding kalungkutan ang isang kaibigan, ano ang maaari mong maitulong sa
kaniya?
a. Isumbong siya sa iyong guro.
b. Bigyan ng payo at pakinggan ang kaniyang saloobin.
c. Sisihin ko siya siya kung bakit siya naging malungkot.
d. Pagtawanan siya dahil sa natamong problema.

7. Alin sa mga pahayag ang pinakamabuting paraan upang maipadama ang pagmamahal at pang-
uunawa sa kapwa?
a. Maghintay ng kapalit sa binigay na tulong
b. Maging marahas sa pangangailangan ng kapwa
c. Maging madamot sa oras at panahon para sa kapwa
d. Maging sensitibo sa damdamin at pangangailangan ng kapwa
8. Kapag ikaw ay nagbigay ng tulong sa kapwa, dapat ka bang maghintay ng kapalit o kabayaran?
a. Ewan b. Hindi c. Kung kinakailangan d. Maaari
9. Napagalitan ang iyong nakababatang kapatid dahil sa bumaba ang kaniyang marka. Ano ang maaari
mong sabihin
sa kaniya?
a. Mabuti nga sa iyo, ang bobo mo kasi!
b. Kasalanan mo yan dahil hindi ka nag-aral nang mabuti!
c. Naku! Huwag ka nang mag-aral, dahil hindi mo talaga kaya.
d. Mag-aral ka nang mabuti at bumawi ka na lang sa susunod.

10. Ang bawat tao ay gumagalaw sa isang komunidad. Bakit kailangan nating makibahagi sa ating
kapwa?
a. upang maging mas malapit tayo sa kaguluhan kapag nakikisalamuha tayo sa
kanila.
b. upang makasama tayo sa mga masasayang pangyayari sa kanilang buhay.
c. upang malaman natin ang mga masasamang kuwento ng kanilang buhay.
d. upang matutunan natin ang pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba.

11. Ano ang maaari mong gawin sa mga batang nagugutom sa kalye?
a. Ipagwalang bahala ko na lang ang aking nakita.
b. Titigan ko lang sila dahil naaawa ako sa kanila.
c. Tatakbo ako nang mabilis upang hindi nila makita.
d. Ibibigay ko sa kanila ang bahagi ng aking baong pagkain.

12. Nakita mo sa telebisyon na maraming pamilya ang naapektuhan ng bagyo. Ano ang mabuti mong
gawin?
a. Maawa ako sa pinanonood na balita.
b. Manonood lang ako dahil wala namang bagyo sa aming lugar.
c. Sasabihan ko ang mga magulang na magbahagi ng kaunting pagkain, tubig at
damit.
d. Tatawagin ko ang aking kapatid at sabay naming pagtatawanan ang mga taong
umiiyak dahil sa bagyo.

13. Napansin mong araw-araw na naglalakad papuntang paaralan ang iyong kaklaseng mahirap habang
ikaw ay nakasakay sa kotse. Ano ang iyong unang gagawin kung makikita mo siyang naglalakad ulit?
a. Hahayaan ko siyang maglakad.
b. Hihilain ko siya at ipapasok sa kotse.
c. Bubuksan ko ang bintana ng kotse at pagtatawanan siya.
d. Aalukin ko siya na sumabay na sa akin papuntang paaralan.

14. Si Ana ay palaging tumutulong sa mga nangangailangan. Anong ugali ang mayroon si Ana?
a. pagkabukas-palad
b. pagkamasipag
c. pagkamatiisin
d. pagkamatiyaga

15. Nasalanta ng baha ang lugar ng iyong kaklase. Ano ang dapat gawin?
a. Hayaan mo silang magdusa.
b. Mamigay ng relief goods tulad pagkaon at kasuotan.
c. Kukunan sila ng litrato upang maipakita sa iba.
d. Wala kang gagawin.

16. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging bukas-palad?


a. Si Kloe ay masayahing bata.
b. Tinatago ni Melay ang kaniyang baon.
c. Si John ay nagbabahagi ng kaniyang baon sa kaniyang kaklase.
d. Ang tatlong magkakapatid ay mahilig manguha ng pagkain ng kani-
kanilang kaklase.

17. Marami kang mayayaman na kaibigan. Napansin mong wala silang pakialam sa mga mahihirap
mong kaklase. Ano kaya ang maitutulong mo?
a. Sasabihan ko ang mga kaibigan ko na pautangin ang kaklase.
b. Pagtatawanan ko sila nang malakas hanggang mapansin ako.
c. Hihikayatin ko ang mga kaibigan ko na magbahagi ng gamit kagaya ng mga
kuwaderno, lapis at papel.
d. Lahat ng nabanggit.

18. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Walang problema ang hindi nasosolusyonan kapag
nagtutulungan”?
a. malulutas ang isa suliranin kung ito ay sama- samang lutasin.
b. Walang magagawa sa isang suliranin kahit marami pa kayong nag iisip ng
paraan.
c. Walang kahihinatnan ang samasamang pagtutulungan.
d. Wala sa mga nabanggit

19. Naagaw ang iyong atensyon nang nakita mo ang iyong nakababatang kapatid na pinagsasalitaan ng
hindi maganda ang batang kalye. Bilang nakatatandang kapatid, ano ang iyong magiging aksyon?
a. Magwawala ako sa harap nila.
b. Sisimangot lamang ako sa nakita ko.
c. Ipagwawalang bahala ko ang nangyari.
d. Pagsasabihan ko ang aking kapatid na mali ang kaniyang ginagawa at dapat
siyang humingi ng tawad sa bata.

20. Alin sa mga sumusunod ang tamang pag-uugali?


a. Tutulong ako kapag may kapalit.
b. Magkukunwari akong matulungin.
c. Tutulong ako sa nangangailangan ng buong puso.
d. Hindi ako mag-aaksaya ng oras na tumulong sa iba.

PREPARED BY:
ARCELLE YUAN
GURO AKO CHANNEL

ANSWER KEY:

I.
11. D
1. D
12. C
2. D
13. D
3. D
14. A
4. D
15. B
5. D

You might also like