You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Panrehiyong Pagtatasa para sa Kalagitnaang Taon sa


Edukasyon sa Pagpapakatao 2

Pangalan: Iskor:
Baitang at pangkat: Petsa:

Panuto. Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang


letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Mahusay tumula ang iyong kamag-aral. Anong


larawan ang nagpapakita ng kanyang talento?
A. B. C. D.

2. Isa ka sa mga mag-aaral na magaling sa Matematika.


Paano mo maibabahagi ito sa iba ng may kagalakan?
A. gagamitin ito upang mahigitan ang iba
B. tuturuan ang mga kamag-aral na nahihirapan sa
Matematika
C. ipagyayabang ang mataas na marka sa
Matematika
D. sasali sa mga paligsahan upang magkaroon ng
karangalan

3. Magaling ka sa pagsasayaw, paano mo mapauunlad


ang kakayahang ito?
A. sasayaw nang mag-isa
B. sasali sa mga paligsahan sa pagsayaw
C. sasayaw kasama ang mga kamag-aral
D.magtuturo ng mga bagong hakbang sa
pagsasayaw

4. Lagi kang tinutukso ng iyong mga kaklase. Paano mo


sila haharapin?
A. magagalit sa kanila
B. magyayaya ng ibang bata upang awayin sila
C.ipaaalam sa guro ang kanilang panunukso
D.uunawain na lamang sila at hindi na lamang
papansinin

5. Madalas na matukso ang isa sa iyong mga kamag-


aral dahil malabo ang kanyang mga mata. Paano mo
siya tutulungan na harapin ang mga nanunukso sa
kanya?
A. magsusumbong sa kaibigan
B.palalakasin ang kanyang loob
C.pagsasabihan siyang umuwi na lamang
D.magsusumbong sa guro upang pagsasabihan ang
aking mga kamag-aral na huwag na siyang
tuksuhin
6. Palagi mong hinuhugasan ang iyong mga kamay
pagkatapos maglaro at bago kumain. Ano ang
mabuting maidudulot nito sa iyong kalusugan?
A. lumilinis ang iyong mga kamay
B.bumabango ang iyong mga kamay
C.lumalambot ang iyong mga kamay
D.naaalis ang mga duming maaaring magdulot ng
sakit

7. Ano ang mas dapat mong kainin upang mapanatiling


malusog ang iyong katawan at makaiwas sa sakit?
A. gulay
B.candy
C. hotdog
D.sitsirya

8. Ano ang dapat mong gawin upang makaiwas sa


sakit?
A. mag ehersisyo
B. maglaro sa ulan
C. maglakad ng nakatapak
D. matulog sa maduming sahig

9. Alin sa mga pagkain sa ibaba ang mas higit na


makatutulong sa iyo upang makaiwas ka sa
anumang sakit?
B
10. Malulusog ang mga mag-aaral sa inyong paaralan, sa
iyong palagay paano ninyo napapanatili ito?
A. ibinabaon sa lupa ang mga kalat na plastik
B.inilalagay ang mga basura sa iisang lalagyan
C.nililinis mabuti ang loob at labas ng paaralan
D.nagsusunog ng basura sa bakanteng lugar

11. Nagmamadali kang pumasok sa paaralan ngunit


kailangan mong kumain ng agahan. Ano ang iyong
gagawin sa iyong pinagkainan?
A. pahuhugasan sa kapatid
B.iiwan ang platong pinagkainan
C.huhugasan ang pinagkainan pagtapos kumain
D.huhugasan na lamang ito pagbalik mula sa
paaralan

12. Kailangan mo ng puting damit sa paaralan ngunit


wala ka nito. Nakita mong mayroon ang iyong
kapatid. Ano ang dapat mong gawin?
A. kukuhanin ko sa kanyang damitan
B.hihiramin sa aking kapatid
C.palihim na itatago sa kanya
D. ipakukuha ito sa aming nanay

13. Mayroon kayong bagong lipat na kapit-bahay. Nais


mo siyang maging kaibigan, ano ang dapat mong
gawin?
A. pagmamasdan ko lamang siya
B.hihintayin ko siyang kausapin ako
C.pupunta ako sa kanilang bahay at
makikipagkilala
D.uutusan ko ang aking kapatid upang alamin ang
kanyang pangalan

14. May dumating na hindi kilalang panauhin ang iyong


nanay habang siya ay nasa pamilihan. Ano ang
dapat mong gawin?
A. paaalisin ang panauhin
B.paghihintayin sa labas ng bahay
C.papatuluyin at pauupuin ang panauhin sa loob
ng bahay
D.magalang na sasabihin na wala ang iyong nanay
at bumalik nalang sa ibang araw

15. Madalas ay pumapasok ang isa sa iyong mga


kaibigan na walang baon. Paano mo siya
matutulungan?
A. pabibilhan ng pagkain sa aming guro
B. sasamahan siya na hindi na nalang din kakain
C. ihihingi siya ng pagkain sa inyong mga kamag-
aral
D. ibabahagi ang iyong baon na pagkain para sa
kanya

16. Nakasabay mo sa pagpasok sa paaralan ang isang


batang may kapansanan sa paglalakad. Anong
tulong ang maaari mong gawin para sa kanya?
A. aalalayan siya
B. sasabayan siya
C. pagmamasdan siya
D. hahayaan siyang mag-isa sa paglalakad
17. Nakasalubong mo ang iyong guro isang umaga. Ano
ang sasabihin mo sa kanya?
A. kamusta ka?
B. magandang gabi po
C. magandang umaga po
D. magandang tanghali po

18. Bumaba ka ng hagdan at nakiraan ka sa dalawang


taong nag-uusap. Anong katangian ang ipinakita
mo?
A. mapagpamahal
B. mapagmalasakit
C. pagkamasayahin
D. pagiging magalang

19. Gutom ka na at mahaba pa ang pila sa


kantina, Ano ang pagkilos na dapat mong
gawin?
A. magpapabili sa batang nauuna sa pila
B. sisingit sa kakilala na nauuna sa pila
C. pipila at maghihintay na makabili ng pagkain
D. sisigawan at mamadaliin ang mga nakapila

20. Masaya kayong naglalaro ng iyong kaibigan sa silid-


aralan at nakita ninyong nagbabasa ang inyong
kamag-aral. Paano ninyo maipapakita ang
paggalang sa kanya?
A. patuloy na maglalaro
B. aayain ko siyang makipaglaro
C. sa labas na lamang maglalaro
D. hihinto na lamang sa paglalaro
21. Marunong kang gumuhit, gustong magpaturo sa iyo
ng iyong kamag-aral kung paano gumuhit ng
bulaklak. Ano ang dapat mong gawin?
A. hindi ko siya tuturuan
B. sasabihin ko na magpaturo sa iba
C. tuturuan ko siya sa abot ng aking makakaya
D. ako nalang ang guguhit ng bulaklak para sa
kanya

22. Masayang ipinamahagi ni Karen ang iba niyang


laruan sa kanyang mga kalaro. Anong katangian
mayroon si Karen?
A. masayahin
B. maunawain
C. matulungin
D. mapagbigay

23. Ang paggawa ng kabutihan para sa iba ay mabuting


gawain. Ito rin ay mabuti sa iyong sarili dahil
nagpapakita ito ng?
A. pagyayabang sa sarili
B. pagmamahal sa sarili
C. pagyayabang sa ibang tao
D. pagpapahalaga sa ibang tao

24. Paano naipapakita ang pagmamalasakit sa mga


kasapi ng pamayanan?
A. paglilinis sa bakuran
B. pagtatapon ng basura sa daan
C. pagsusunog ng basura sa likod bahay
D. pagbibigay ng lahat ng aming damit sa
nagangailangan
25. Humihingi ng pinansyal na tulong ang isa sa iyong
mga kamag-aral para sa pambili ng gamot ng
kanyang tatay na may sakit. Subalit sapat lang ang
iyong baong pera na pambili ng iyong pagkain. Ano
ang dapat mong gawin?
A. huwag magbigay ng pera
B. sabihin na wala kang sobrang pera
C. huwag na lang pansinin ang humihingi ng tulong.
D. magbigay ng buong kayang halaga mula sa iyong
baon

You might also like