You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

REGIONAL MID-YEAR ASSESSMENT


Edukasyon sa Pagpapakatao 2

Pangalan: ______________________________
Panuto. Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Mahusay tumula ang iyong kamag-aral. Anong larawan ang nagpapakita ng


kanyang talento?

A. B. C. D.

2. Isa ka sa mga mag-aaral na magaling sa Matematika. Paano mo maibabahagi ito sa iba


ng may kagalakan?
A. gagamitin ito upang mahigitan ang iba
B. tuturuan ang mga kamag-aral na nahihirapan sa Matematika
C. ipagyayabang ang mataas na marka sa Matematika
D. sasali sa mga paligsahan upang magkaroon ng karangalan

3. Magaling ka sa pagsasayaw, paano mo mapauunlad ang kakayahang ito?


A. sasayaw nang mag-isa
B. sasali sa mga paligsahan sa pagsayaw
C. sasayaw kasama ang mga kamag-aral
D. magtuturo ng mga bagong hakbang sa pagsasayaw

4. Lagi kang tinutukso ng iyong mga kaklase. Paano mo sila haharapin?


A. magagalit sa kanila
B. magyayaya ng ibang bata upang awayin sila
C. ipaaalam sa guro ang kanilang panunukso
D.uunawain na lamang sila at hindi na lamang papansinin

5. Madalas na matukso ang isa sa iyong mga kamag- aral dahil malabo ang kanyang mga
mata. Paano mo siya tutulungan na harapin ang mga nanunukso sa kanya?
A. magsusumbong sa kaibigan
B.palalakasin ang kanyang loob
C.pagsasabihan siyang umuwi na lamang
D.magsusumbong sa guro upang pagsasabihan ang aking mga kamag-aral na huwag na
siyang tuksuhin

6. Palagi mong hinuhugasan ang iyong mga kamay pagkatapos maglaro at bago
kumain. Ano ang mabuting maidudulot nito sa iyong kalusugan?

A. lumilinis ang iyong mga kamay


B. bumabango ang iyong mga kamay
C. lumalambot ang iyong mga kamay
D.naaalis ang mga duming maaaring magdulot ng sakit

7. Ano ang mas dapat mong kainin upang mapanatiling malusog ang iyong katawan at
makaiwas sa sakit?
A. gulay B.candy C. Hotdog D. sitsirya

8. Ano ang dapat mong gawin upang makaiwas sa sakit?


A. mag ehersisyo
B. maglaro sa ulan
C. maglakad ng nakatapak
D. matulog sa maduming sahig
9. Alin sa mga pagkain sa ibaba ang mas higit na makatutulong sa iyo upang
makaiwas ka sa anumang sakit?

10. Malulusog ang mga mag-aaral sa inyong paaralan, sa iyong palagay paano ninyo
napapanatili ito?
A. ibinabaon sa lupa ang mga kalat na plastik
B. inilalagay ang mga basura sa iisang lalagyan
C. nililinis mabuti ang loob at labas ng paaralan
D. nagsusunog ng basura sa bakanteng lugar

11. Nagmamadali kang pumasok sa paaralan ngunit kailangan mong kumain ng agahan.
Ano ang iyong gagawin sa iyong pinagkainan?
A. pahuhugasan sa kapatid
B. iiwan ang platong pinagkainan
C.huhugasan ang pinagkainan pagtapos kumain
D. huhugasan na lamang ito pagbalik mula sa paaralan

12. Kailangan mo ng puting damit sa paaralan ngunit wala ka nito. Nakita mong
mayroon ang iyong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?
A. kukuhanin ko sa kanyang damitan
B. hihiramin sa aking kapatid
C. palihim na itatago sa kanya
D. ipakukuha ito sa aming nanay

13. Mayroon kayong bagong lipat na kapit-bahay. Nais mo siyang maging kaibigan, ano
ang dapat mong gawin?
A. pagmamasdan ko lamang siya
B. hihintayin ko siyang kausapin ako
C.pupunta ako sa kanilang bahay at makikipagkilala
D.uutusan ko ang aking kapatid upang alamin ang kanyang pangalan
14. May dumating na hindi kilalang panauhin ang iyong nanay habang siya ay nasa pamilihan. Ano ang dapat mong
gawin?
A.paaalisin ang panauhin
B.paghihintayin sa labas ng bahay
C.papatuluyin at pauupuin ang panauhin sa loob ng bahay
D.magalang na sasabihin na wala ang iyong nanay at bumalik nalang sa ibang araw

15. Madalas ay pumapasok ang isa sa iyong mga kaibigan na walang baon. Paano mo siya matutulungan?
A. pabibilhan ng pagkain sa aming guro
B. sasamahan siya na hindi na nalang din kakain
C. ihihingi siya ng pagkain sa inyong mga kamag- aral
D. ibabahagi ang iyong baon na pagkain para sa kanya

16. Nakasabay mo sa pagpasok sa paaralan ang isang batang may kapansanan sa paglalakad. Anong tulong ang
maaari mong gawin para sa kanya?
A. aalalayan siya B. sasabayan siya
C. pagmamasdan siya D. hahayaan siyang mag-isa sa paglalakad
17. Nakasalubong mo ang iyong guro isang umaga. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. kamusta ka? B. magandang gabi po
C. magandang umaga po D. magandang tanghali po

18.Bumaba ka ng hagdan at nakiraan ka sa dalawang taong nag-uusap. Anong katangian ang ipinakita mo?
A. mapagpamahal B. mapagmalasakit
C. pagkamasayahin D. pagiging magalang

19.Gutom ka na at mahaba pa ang pila sa kantina, Ano ang pagkilos na dapat mong gawin?
A.magpapabili sa batang nauuna sa pila B.sisingit sa kakilala na nauuna sa pila
C. pipila at maghihintay na makabili ng pagkain D. sisigawan at mamadaliin ang mga nakapila

20.Masaya kayong naglalaro ng iyong kaibigan sa silid- aralan at nakita ninyong nagbabasa ang inyong kamag-aral.
Paano ninyo maipapakita ang paggalang sa kanya?
A. patuloy na maglalaro B. aayain ko siyang makipaglaro
C. sa labas na lamang maglalaro D. hihinto na lamang sa paglalaro
21.Marunong kang gumuhit, gustong magpaturo sa iyo ng iyong kamag-aral kung paano gumuhit ng bulaklak. Ano
ang dapat mong gawin?
A. hindi ko siya tuturuan B. sasabihin ko na magpaturo sa iba
C. tuturuan ko siya sa abot ng aking makakaya D.ako nalang ang guguhit ng bulaklak para sa kanya

22. Masayang ipinamahagi ni Karen ang iba niyang laruan sa kanyang mga kalaro. Anong katangian mayroon si Karen?
A. masayahin B. maunawain C. matulungin D. mapagbigay

23. Ang paggawa ng kabutihan para sa iba ay mabuting gawain. Ito rin ay mabuti sa iyong sarili dahil nagpapakita
ito ng?
A. pagyayabang sa sarili B. pagmamahal sa sarili
C.pagyayabang sa ibang tao D. pagpapahalaga sa ibang tao

24.Paano naipapakita ang pagmamalasakit sa mga kasapi ng pamayanan?


A. paglilinis sa bakuran B. pagtatapon ng basura sa daan
C. pagsusunog ng basura sa likod bahay D.pagbibigay ng lahat ng aming damit sa nagangailangan

25. Humihingi ng pinansyal na tulong ang isa sa iyong mga kamag-aral para sa pambili ng gamot ng kanyang tatay
na may sakit. Subalit sapat lang ang iyong baong pera na pambili ng iyong pagkain. Ano ang dapat mong gawin?
A. huwag magbigay ng pera
B. sabihin na wala kang sobrang pera
C. huwag na lang pansinin ang humihingi ng tulong.
D. magbigay ng buong kayang halaga mula sa iyong baon

You might also like