You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
LANGILAN DISTRICT
PATEL ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

Pangalan:__________________________________Seksyon:________________
Paaralan:___________________________________Iskor:___________________

I. Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Naiwala mo ang gunting na bagong bili ni Nanay. Hinahanap na niya ito


dahil gagamitin sana sa pagtatahi. Ano ang dapat mong gawin?
A. Lalabas agad ng bahay upang hindi ako mapagbintangan.
B. Hindi ako magsasalita tungkol sa nawawalang gunting.
C. Aamin ako sa aking Nanay na naiwala ko ito at hihingi ako ng tawad.
D. Ipaako sa aking nakababatang kapatid na siya ang nakawala ng gunting upang
siya ang mapagalitan ng Nanay.

2. Palabas na kayo ng bahay ng ate mo papunta sa paaralan nang mapansin


niyang marumi ang suot mong medyas. Pinayuhan ka niya na magpalit ng
malinis na medyas upang maiwasan ang panunukso sa klase. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Susundin ko ang payo ni ate at magpapalit agad ng medyas.
B. Magagalit ako sa pakikialam ni ate ngunit magpapalit pa rin ng medyas.
C. Pakikinggan ko ang sasabihin ni ate pero hindi ako magpapalit.
D. Hindi na lamang ako papasok sa klase.

3. “Kailangan mo pang pagandahin ang iyong gawa.” Ito ang sabi sa akin ng
kaibigan ko nang ipasilip ko sa kanya ang nagawa kong proyekto sa EPP. Ano
ang dapat kong gawin?
A. Hindi ko na siya kakausapin dahil hindi naman niya nagustuhan ito.
B. Pasasalamatan ko siya pero hindi ko babaguhin ang aking gawa.
C. Pasasalamatan ko siya at susundin ang kanyang payo.
D. Hindi ko papansinin ang puna niya sa proyekto.

4. Bumagsak ka sa pagsusulit dahil mas inuna mo ang paglalaro kaysa pag-aaral


ng leksiyon. Kaya naman nagalit ang iyong nanay at napagsabihan ka. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Malulungkot ako sa maliit na marka pero maglalaro pa rin ako.
B. Makikinig ako sa payo ni Nanay pero mag-aral ako ng leksyion paminsan- minsan
lang.
C. Makikinig ako sa payo ni Nanay at mag-aral nang mabuti upang tumaas ang
marka.
D. Makikinig ako sa payo ni Nanay at mag-aral ng leksiyon kung nakatingin siya sa
akin.
5. Nalaman mong palaging tinutukso ang iyong kapatid dahil sa kaniyang
kapansanan. Bilang nakakatandang kapatid, ano ang maari mong gawin?
A. Hayaan na lamang ito upang wala ng gulo.
B. Tuturuan ko ang aking kapatid kung paano sila sasagutin.
C. Pagsasabihan at sisigawan ko sila dahil sa kanilang masamang asal.
D. Pagsasabihan ko sila na tigilan na ang panunukso at pahalagahan ang respeto
at pag-unawa sa kapwa.

6. Nangako sa iyo ang kaibigan mong si Justin na ililibre ka niya sa kantina dahil
tinulungan mo siya sa pag- aaral ng inyong leksiyon ngunit napag-alaman
ninyong nawala ang kaniyang pera. Ano ang maari mong gawin?
A. Bibili pa rin kami ng pagkain sa kantina at ako na lang muna ang manlilibre sa kanya.
B. Ililibre ko siya ng pagkain at sasabihan na bayaran niya lamang ito sa susunod na
araw.
C. Hahayaan ko na lang siya at huwag ng bumili ng pagkain.
D. Hindi ko na siya papansinin dahil hindi siya tumutupad sa usapan.

7. Nakasalubong mo sa daan ang inyong guro na si Bb. Reyes at nakita mong


may marami siyang bitbit na mga gamit. Ano ang dapat mong gawin?
A. Babatiin ko ang aming guro at agad na aalis.
B. Babatiin ko ang aming guro at tutulungan ko siya.
C. Babatiin ko ang aming guro at maghihintay kung humingi siya ng tulong.
D. Maghahanap ako ng ibang daan upang makaiwas sa aming guro.

8. Nalaman mong may Clean-up Drive sa inyong paaralan upang maging malinis
at maaliwalas ito. Paano ka makakatulong sa mahalagang gawain na ito?
A. Ipagsasawalang bahala ko ang nalaman at hahayaan ang tagapag-linis ng paaralan na
gumawa nito.
B. Hihikayatin ko ang aking mga kaibigan na sumali upang sisikat kami sa
paaralan.
C. Ipapaalam ko ito sa aming klase upang sila na lamang ang tumulong habang
makikipaglaro ako sa aking kaibigan.
D. Ipapaalam ko ito sa aming klase at hihikayatin ko silang sumali upang marami
kaming makatulong sa paglilinis.

9. Ipinaalam sa inyo ng inyong guro na si Gng. Sanchez na maaari kayong


magdala ng damit, pagkain at iba pang gamit na maaring makatulong sa mga
kapatid nating katutubo na nasalanta ng bagyo. Ano ang maaari mong gawin?
A. Hindi ko papansinin ang sinabi ng aming guro.
B. Magdadala ako ng mga damit na hindi na magagamit.
C. Tutulong ako ngunit pipiliin ko lamang ang aking ibibigay sa kanila.
D. Magbibigay ako ng mga pagkain at mapapakinabangan na damit.

10. Nasa labas kayo ng mall ng iyong Tatay ng biglang lumapit sa iyo ang isang
batang pulubi at humingi sa iyo ng pagkain. Bitbit mo ang hindi mo nakain na
waffle dahil busog ka na. Ano ang maaari mong gawin?
A. Hindi ko siya papansinin at lalayo sa bata.
B. Ibibigay ko sa kanya ang aking dalang pagkain.
C. Bibigyan ko siya ng pagkain at paaalisin agad.
D. Hindi ako magbibigay ng pagkain at isusumbong kay tatay.
11. May kaklase kang nahihirapang maglakad dahil sa kapansanan. Nakita
mongnatisod siya at nadapa. Paano mo matutulungan ang iyong kaklase?
A. Papakiusapan ko ang aking kaklase na tulungan siya.
B. Tutulungan ko siyang makatayo pero dapat siyang magpasalamat.
C. Agad ko siyang tulungan na makatayo nang walang anumang kapalit.
D. Hahayaan ko siya na tutulungan ng iba kong kaklase.

12. Nagkaroon ng sunog sa inyong lugar at isa sa mga biktima nito ay


ang pamilya ng kaibigan mong si Ronald. Paano mo matutulungan ang
iyong kaibigan?
A. Magbibigay agad ako ng mga mapapakinabangan na gamit para sa kanila.
B. Bibisitahin ko at kukumustahin ang kalagayan ng aking kaibigan.
C. Hihingi ako ng tulong sa social media upang makakuha ng suporta sa iba.
D. Kakausapin ko si Ronald kung ano ang aming maitutulong sa kanila.

13. Mahimbing na natutulog ang iyong Nanay ng dumating ka sa inyong


bahay at nais mo sana siyang kausapin tungkol sa ipapabili mong
materyales na gagamitin mo sa proyekto sa paaralan. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Gigisingin ko si Nanay upang magawa ako ang aking proyekto at hindi mahuli sa
pagsumite nito.
B. Hindi ko na lamang gagawin ang aking proyekto upang hindi maistorbo si Nanay
sa pagtulog.
C. Magdadabog ako kay Nanay dahil hindi ko agad nabili ang mga materyales at
nagawa ang aking proyekto.
D. Gagamit na lang muna ako ng ibang materyales sa aking proyekto habang
naghihintay na magising si nanay.

14. Ano ang gagawin mo kung nag-aaral ang mga kapatid mo at nais
mong manood ng telebisyon?
A. Lalakasan ko ang telebisyon upang maengganyo rin silang manood.
B. Kakausapin ko sila na itigil muna ang kanilang pag-aaral.
C. Pagsabihan ko aking mga kapatid na dapat sumabay sila sa aking oras ng pag-
aaral.
D. Maghihintay ako na matapos ang kanilang pag-aral bago manood ng
telebisyon.

15. Alam ni Aileen na magkakaroon ng hulihang pagsusulit sa internet ang


kanyang nakakatandang kapatid ngunit kailangan niyang magpatugtog upang
mag ensayo para sa kanilang Zumba performance. Ano ang nararapat niyang
gawin?
A. Isasawalang bahala ang hulihang pagsusulit ng kaniyang kapatid at
magpatugtog ng malakas upang makapag-ensayo.
B. Humiling sa kanyang kapatid na gawin ang pagsusulit mamaya upang makapag
ensayo muna sya.
C. Mag-ensayo sa ibang lugar na lamang nang hindi makagulo sa kapatid.
D. Huwag nalang mag-ensayo dahil magaling ka naman sa mga galaw nito.

16. Ang iyong kaklase ay nag uulat tungkol sa inyong aralin. May nabanggit siya
na hindi mo naunawaan at ng iba mo pang kaklase. Ano ang nararapat na
paraan upang maitanong mo ito?
A. Maghintay hanggang matapos ang klase at tanungin siyang palihim.
B. Itaas ang iyong kamay at hintayin na ikaw ay tatawagin.
C. Puntahan ang guro sa likod at itanong sa kanya ang hindi naunawaan.
D. Tumayo bigla at magtanong ukol sa hindi naunawaan.

17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng disiplina sa pangangalaga sa


kalikasan kahit walang nakakakita?
A. Sa daan ay pasimple mong inihuhulog ang iyong basura galing sa paaralan.
B. Sa parke ay pinipitas mo ang mga magagandang bulaklak upang ibigay sa iyong guro.
C. Sa palaruan ay itinatapon mo ang iyong pinagkainan sa ilalim ng slide dahil may
tagalinis naman dito.
D. Sa palikuran ay ipina-flush mo ang kubeta, at tinatapon ang ginamit mong tissue sa
basurahan.

18. Alin sa mga sumusunod na paggamit ng pasilidad ang nagpapakita ng pag-


aalala sa kapakanan ng kapwa?
A. Hinayaan ni Daniel ang mga nahulog na libro sa silid-aklatan.
B. Iniwanan ni Rhian ang palikuran pagkatapos niyang gumamit.
C. Isinaayos ni Camille ang mga basurang nagkalat upang ‘di maapakan ng iba.
D. Isinawalang bahala lamang ni Noah ang gripong tumutulo sa kusina.

19. Naghahabulan kayo ng iyong kapatid nang aksidente mong nasagi ang plorera
sa lamesa, dahilan para mahulog ito at mabasag. Narinig ng inyong ina ang
pagkabasag nito. Nang makita nya ang plorera, nagtanong siya kung sino ang
may kagagawan nito. Ano ang iyong nararapat na gawin?
A. Tumakbo at magkulong sa kwarto upang hindi mapagalitan ng ina.
B. Sisihin ang iyong kapatid dahil sa pagkabasag ng plorera.
C. Aminin ang kasalanan at humingi ng tawad sa iyong ina.
D. Umamin nalang para matapos na ang galit ng ina.

20. Nagbibiruan kayo ng mga kaibigan mo gamit ang mga “pick up lines”.
Napansin ng iyong ina na masasakit na biro na lumalabas sa bibig mo, kaya ikaw
ay napagsabihan. Paliwanag niya, “Hindi masama na aliwin niyo ang isa’t isa
gamit ang mga biro. Kaya lamang ay dapat ninyong piliin ang mga sitwasyon at
salitang gagamitin sa pagbibiro.” Ano ang nararapat mong sabihin?
A. Magalit at sabihin sa iyong nanay na, “Huwag mo na akong pagsabihan dahil alam ko na
iyan.”
B. Sasabihin mo sa iyong mga kaibigan na, “Ito ang masusunod dahil ito ang gusto ko!”
C. Pagsabihan ang iyong mga kaibigan na, “Hindi ko kailangan mga puna ninyo dahil tama
naman ako.”
D. Makinig sa payo ng iyong ina at humingi ng paumanhin sa kaibigan sa nasabing
masasakit na biro.

21. “Dapat mong maunawaan na ang pagtanggap sa iyong pagkakamali ay hindi


isang kahinaan bagkus ito ay nagpapakita ng pagpapakumbaba.” Batay sa
pahayag, alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI sumasang-ayon
dito?
A. Huwag mong isisi sa iba ang iyong mga nagawang pagkakamali.
B. Maging bukas ang pag-iisip sa iyong kamalian at tanggapin ng maluwag sa kalooban
ang puna ng iyong kapwa.
C. Maging mapagpasalamat sa mga kapaki-pakinabang na puna ng iyong kapwa.
D. Sarili mo lamang ang may alam kong ikaw ay nagkamali at walang sinuman ang may
karapatan na punain ka ng iba.

22. Isang umaga, ikaw ay nakasakay sa unahan ng tricycle papuntang


paaralan. May pumara na isang batang pilay na iyong kamag-aral. Alam mo
na mas madali sa kanya na sumakay kung siya ang nasa puwesto mo. Ano
ang gagawin mo?
A. Ipagsawalang-bahala lamang ito.
B. Sasabihan ko ang drayber na huwag itong pasakayin.
C. Aalalayan ko siya sa kanyang pagsakay at lumipat sa likuran.
D. Lumipat ng pwesto ngunit siya ang iyong pagbabayarin sa iyong pamasahe.

23. Pumunta ka sa isang restaurant upang bumili ng makakain at nakita


mo ang isang alkansya sa iyong harapan na may nakalagay “Barya mo
para sa kinabukasan ko”. Ano ang magandang gawin sa iyong sobrang
barya? A. Ipagsawalang-bahala lamang ang alkansya.
B. Ibili na lamang ng kendi ang iyong barya.
C. Maglagay ng barya upang makatulong kahit sa maliit na halaga.
D. Mas mainam na ilagay ko nalang sa sarili kong alkansya para pambili ng laruan.

24. “Bawat tao ay maaaring magkaroon ng oras na siya ay masayang-masaya,


ngunit may mga panahon din na siya ay malungkot dahil sa problema. Sa
ganitong pagkakataon, kakailanganin niya ng taong puwedeng dumamay sa
kaniya.” Batay sa pahayag anong halimbawa sa mga sumusunod ang HINDI
nagpapakita ng pagdamay?
A. Nagalit ang mga kagrupo ni Diane sa kanya dahil wala ito sa kanilang
presentasyon dahil sa pag-aalaga nito sa kanyang inang may sakit.
B. Nagkibit balikat lamang si Ace nang humingi ng tulong si Calixto dahil sa gutom sa
panahon ng kalamidad pero kalaunan ay tinulungan niya pa rin ito.
C. Tinuruan ni Joel ang kanyang kaibigang si Kris upang makahabol sa mga aralin dahil
nagkasakit ito.
D. Pinakinggan ni Gerald ang pagsusumamo ni Irene na tulungan siya sa kanyang malubhang
kalagayan.

25. Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng bukal sa iyong loob na walang hinihintay
na anumang kapalit. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
A. Laging binibigyan ni Rolando si Juan ng pagkain sapagkat binibigyan din siya nito.
B. Sumama si Joy sa pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo upang magkaroon ng
malaking marka sa kanilang guro.
C. Masayang ibinahagi ni Luisa ang kanyang mga punit-punit na mga damit sa mga
nasalanta ng bagyo upang lumuwag ang kanyang aparador.
D. Araw-araw nagtitira ng barya si Ana galing sa kanyang baon upang ilaan ito sa pagbili ng
mga regalo para sa mga bata sa bahay-ampunan.

26. Isa sa mga halimbawa ng pagiging bukas-palad ay ang mga munting gawa o small
acts of kindness. Ang mga sumusunod na gawain ay halimbawa nito, MALIBAN sa isa.
A. Pagbabahagi sa pulubi ng pagkain nakalaan para sa iyo.
B. Pag-alalay sa matanda sa pagtawid sa daan.
C. Pamamahagi ng iyong laruan sa mga batang nasunugan.
D. Pagbibigay ng delata sa paaralan upang makakuha ng dagdag na marka.

27. Kasapi si Jon sa isang organisasyong naglalayong magbibigay ng tulong sa mga


biktima ng kalamidad. Kaya nagdala siya ng mga noodles at delata upang ibigay sa
kanilang samahan. Anong damdamin ang ipinapakita nito?
A. Nakigaya lamang sa iba
B. Nagbigay ng bukal sa loob
C. Nagbigay ayon sa batas ng samahan
D. Nagbigay ng mga gamit na hindi na kailangan

28. Matagal niyo nang napagkasunduan ng iyong mga kagrupo na mag-eensayo kayo sa
inyong pagsasadula sa iyong tahanan. Ngunit dumating ang iyong lola na may
karamdaman sa araw na iyon. Ipagpapatuloy mo pa ba ng inyong napagkasunduan?
A. Oo, dahil matagal na namin itong napagkasunduan.
B. Oo, dahil malapit na ang araw ng presentasyon at magagalit sila.
C. Hindi, dahil nagpapahinga ang aking lola at maari naman kaming mag ensayo sa ibang lugar.
D. Hindi, dahil magagalit ang aking mga magulang na magagambala ang pagpahinga ng
aking lola at takot akong mapagalitan.

29. Ipinag-uutos sa inyong pamayanan na ang mga basura sa inyong bahay ay ilalabas
lang kung daraan na ang trak na nangongolekta ng basura. Puno na ang inyong
basurahan pero sa susunod na araw pa daraan ang trak. Ano ang dapat mong gawin?
A. Dadalhin ko na sa kanto ang aming basura.
B. Itatapon ko muna sa ilog ang aming mga basura.
C. Susunugin ko nalang muna ang aming mga basura.
D. Ilalagay ko muna sa isang bahagi ng bahay ang aming basura.

30. Napag-usapan ng iyong mga kagrupo na mag ensayo sa inyong presentasyong sayaw
sa parke na kadalasan ninyong pinupuntahan. Ngunit pagkarating niyo roon mayroon
nang grupo ng mga kabataan na nag-aaral para sa kanilang exam. Ano ang nararapat
mong gawin?

A. Pagtulungan silang takutin upang kusang umalis.


B. Hihingi ng pahintulot sa kanila na makapag-ensayo at lalakasan na lamang ang inyong
musika.
C. Pagsabihan sila na lumipat ng ibang lugar dahil kayo ang madalas doon.
D. Humanap na lamang ng ibang lugar na pwedeng pag-ensayuhan nang hindi makadisturbo sa
mga nag-aaral.
ANSWER KEY

1. C
2. A
3. C
4. C
5. D
6. A
7. B
8. D
9. D
10. B
11. C
12. A
13. D
14. D
15. C
16. B
17. D
18. C
19. C
20. D
21. D
22. C
23. C
24. A
25. D
26. D
27. B
28. C
29. D
30. D

You might also like