You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San Fernando
Unang Markahang Pagsusulit sa ESP 6
School Year 2019-2020

Pangalan:____________________________________________________ Score:__________

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Malapit na ang pasukan, sinabihan ka ng nanay mo na hindi ka na ibibili ng bagong uniporme dahil
magtatapos ka na sa taong ito, bagkus ang kapatid mo na lamang ang kanyang ibibili. Ano ang
sasabihin mo?
1. Hindi ka na lang kikibo.
2. Nanay, maaari po ibili po ninyo ako kahit isang blusa po.
3. Opo nanay, pero masama ang loob mo.
4. Pinagsabi mo na paborito ng nanay mo ang iyong kapatid.

2. Lima kayong magkakapatid, magsasaka ang iyong ama kaya nahihirapan siyang itaguyod kayo sa
inyong pag-aaral. Ano ang gagawin mo?
A. Humiram na lang sa mga kaklase sa mga ibang kailangan.
B. Huwag bumili ng mga bagay na hindi kailangan.
C. Liliban ka sa klase.
D. Titigil sa pag-aaral.

3. May paligsahan sa inyong paaralan, sinasali ka ng iyong guro ngunit inaalala mo na wala kang
pambili ng damit. Ano ang gagawin mo?
A. Maghihiram ka na lang kung may mahihiram ka.
B. Sasabihin ang totoo sa guro.
C. Sasabihin mo sa nanay.
D. Sasali ka pa rin sa paligsahan

4. Sinabihan ka ng guro na magsanay na kayo para sa palaro ng paaralan, ngunit magagalit ang
kaklase dahil siya ang gustong maglaro. Ano ang gagawin mo?
A. Huwag isali ang kaklase.
B. Pabayaang magalit ang kaklase.
C. Pag-usapan ninyong mabuti sa harapan ng guro.
D. Sabihin na lahat sila maglalaro.

5. Ipinatawag ka ng guro mo dahil sa kapatid mong babae na nadulas sa harapan ng gusali ng punong-
guro. Natakot ang kapatid dahil papagalitan siya sa nanay ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Kakausapin ang mga kasama ng madulas ang kapatid.
B. Pagagalitan ang kapatid.
C. Sasabihin sa guro na iuuwi mo siya.
D. Tatawagan kaagad ang magulang.

6. Naimbitahan kayong mga limang nangunguna sa klase upang dumalo sa pulong sa barangay ngunit
may narinig kang hindi maganda sa mga kaklase mo. Ano ang gagawin mo?
A. Dadalo ka dahil marami kang matututuhan.
B. Hindi ka na lang dadalo.
C. Huwag mo silang pakinggan.
D. Sabihin mo na sasama sila.
7. Binigyan kayo ng proyekto ng inyong guro, ngunit mayroon kayong kailangan bilhin at tama lamang
ang pera mo sa iyong gastusin sa araw-araw na baon. Ano ang gagawin mo?
A. Gagawa ka ng paraan upang magawa ang proyekto.
B. Hindi ka gagawa ng proyekto
C. Lumiban ka sa klase
D. Sabihin sa guro na wala kang pambili dahil tama lamang baon mo.

8. Mayroon kayong kailangan bilhin na damit para sa palatuntunan sa paaralan ngunit pag-uwi mo
narinig mo ang nanay na kulang ang pera niya sa isang linggong pagkain. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ka na sasali sa programa.
B. Hindi mo na sasabihin sa nanay dahil baka magalit lamang.
C. Manghiram ka nalamang para makasali ka sa programa.
D. Sasabihin sa nanay, “Bahala na!”.

9. Narinig mo na may padating na malakas sa bagyo, ngunit may pupuntahan kang kaarawan ng
kaibigan mo, sinabihan ka ng nanay mo na huwag kang lumabas ng bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Aalis ka, padating pa naman ang bagyo.
B. Hindi papansinin ang sinabi ng nanay.
C. Pakikinggan ang nanay.
D. Pupunta ka sa kaarawan ng kaibigan mo.

10. Pagdating mo ng paaralan may sinabi ang kaklase mo na ikinagalit mo sa kaibigan mo dahil
itinuturing mo siyang parang kapatid. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ka na sasama sa kanya.
B. Hindi mo na siya kakausapin.
C. Paniwalaan ang kaklase sa sinabi.
D. Tatanungin muna ang kaibigan bago ka magalit.

11. Sinabihan ka ng guro mo na mamuno sa pagandahan ng hardin sa inyong paaralan, kailangan mong
pangkatin ang mga kaklase ngunit ang kaibigan mo ay gustong mamuno sa isang grupo pero alam
mo hindi niya kaya. Ano ang gagawin mo?
A. Huwag ka ng sumali, sasabihin saguro na hindi mo rin kaya.
B. Kakampihan ang kaibigan kahit hindi niya kaya.
C. Sabihin mo sa kanya na hindi niya kaya.
D. Sabihin na kailangan mong magpasiya ng tama para sa inyong hardin.

12. Pinatawag ka sa paaralan dahil dinala sa ospital ang nanay mo, may kapatid ka pang nasa ika-apat
na baitang. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi mo papansinin ang tumawag sa iyo.
B. Iiyak ka na lang.
C. Sasabihin na ipaaalam muna sa iyong kapatid
D. Uuwi ka kaagad.

13. Tumawag ng pulong ang guro para sa nalalapit na field trip ng inyong klase, ikaw ang tinatanong ng
mga kaklase kung sasama kayo dahil ikaw pangulo dahil iyong iba walang pera. Ano ang gagawin
mo?
A. Bahala kayo!
B. Humingi kayo ng pera.
C. Huwag na kayong sumama.
D. Ipapaliwanag sa mga kaklase kung ano ang matutuhanan at makikita na makakatulong sa
inyong aralin.

14. Nagbakasyon ka sa Maynila ngunit isang araw isinama kang mamasyal ngunit sa dami ng tao,
nahiwalay ka sa pinsan mo. Ano ang gagawin mo?
A. Hanapin mo ang pinsan mo.
B. Iiyak ka sa daan.
C. Pagalitan ang pinsan mo.
D. Puntahan mo ang pulis na nasa daan, sabihin mo naligaw ka pero alam mo ang tirahan ng
pinsan mo.
15. Lumiban ka sa klase kaya pinatawag ka ng guro dahil may nagsabi na namasyal ka lang daw. Ano
ang sasabihin mo?
A. Aawayin ang mga kaklase.
B. Ipaliwanag sa guro kaya nasa daan ka dahil bumili ka ng gamot ng nanay.
C. Magagalit ka sa mga nagsumbong.
D. Aawayin ang mga kaklase.

16. Niyaya kang manood ng sine, ngunit kulang ang pera mo, kaya sinabi ng kaklase mo na hindi ka na
lang sasama. Ano ang gagawin mo?
A. Guguluhin ang nanay para humingi ng pera.
B. Magagalit ka sa kaklase.
C. Maghihiram ka ng pera.
D. Sabihin na hindi ka sasama dahil nag-iipon ka.

17. Magkakaroon ng patimpalak sa pagguhit, sinabihan ka na sasali ka ngunit gusto ng kaklase na siya
ang sumali. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin siya.
B. Ipaliwanag sa kanya na maari naman kayon sumali pareho.
C. Isusumbong sa guro.
D. Sabihin na siya ang sumali ngunit ililibre ka niya.

18. Maraming gawain sa loob ng silid-aralan, pagkatapos ng klase, nag-iisa lamang si Gng. Miranda.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Maglalaro na lang kayo.
B. Sasabihin sa kaibigan mo sa klase na tumulong muna kayo sa guro para matapos siya
kaagad.
C. Sasama ka sa kaklase sa kanilang bahay.
D. Uuwi ka na kaagad.

19. Madalas na nakikita mo ng mga halaman sa harap ng inyong silid na hindi nadidiligan at
naaalagaaan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Daanan moang kaklase para maglaro.
B. Makikipaglaro ka na lang.
C. Pabayaan mo sila.
D. Sasabihin sa nanay na maaga kang papasok dahil may gagawin ka sa paaralan.

20. Tatlo kayong magkakapatid, kaya maraming gastusin ang mga magulang dahil dito sila ay
nahihirapan sa paggawa ng inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Bumili ng hindi naman kailangan.
B. Humingi ng pera kahit na walang bibilhin proyekto.
C. Pumunta sa computer shop.
D. Sasabihin sa mga kapatid na maghigpit ng sinturon para makatulong.

21. Sinabihan ka ng ate mo na may pagsusulit siya at hindi maaaring gambalain ngunit may nakatokang
trabaho para sa kanya.Ano ang gagawin mo?
A. Isumbong siya sa nanay.
B. Gabayan siya sa kanyang gawain.
C. Sabihin siya na gawin muna ang trabaho.
D. Sasabihin sa ate na ikaw na muna ang gagawa sa trabaho niya.

22. Nagtitinda ng prutas si Lota paglabas niya ng paaralan, siya ay nagtitiyaga upang matustusan ang
pangangailangan sa mga proyekto kaya niyayaya ka niya para kumita rin. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ka sasama.
B. Makikipaglaro pagkalabas sa paaralan.
C. Magpapaalam ka sa mga magulang at sabihin ang dahilan mo.
D. Sabihin na marami kang gagawin.
23. May proyektong ibinigay ang guro tungkol sa mga bayaning nagtiyaga upang makamit ang
tagumpay na magiging halimbawa sa inyo. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi mo papansinin ang sinabi ng guro.
B. Kakausapin ang mga kaklase upang magawa ang proyekto.
C. Sabihin sa guro na wala kayong pera para sa proyekto.
D. Sabihin sa mga kaklase na huwag gumawa.

24. May hilig kang mag-abogado, sinabi sa mga magulang mo ang pangarap mong ito ngunit sinabihan
ka niyang wala kayong pera at sapat lamang ito. Ano ang gagawin mo?
A. Babaliwalain ang pangarap.
B. Magtatampo ka sa nanay.
C. Sasabihin mo na gagawa ka ng paraan gawa ng pagtitiyaga upang makaipon para
matulungan ang mga magulang.
D. Sasabihin na hindi na iyon ang kukunin kurso.

25. Tuwang-tuwa si Norma kapag binibigyan siya ng pagkain ng iba. Napakaramot naman niya at ayaw
niyang magbigay sa kanyang kapwa. Tama ba iyon? Ano ang gagawin mo?
A. Bibigyan siya ng pagkain.
B. Hikayatin ang mga kaklase na awayin ni Norma.
C. Kausapin siya upang maintindihan na hindi tama ang ginagawa.
D. Makikisama ka sa kanya.

26. Nabalitaan mong nasunugan ang kaibigan mo, halos maubos ang kanilang kabahayan. Ano ang
gagawin mo?
A. Humingi ka ng tulong ngunit para sa iyo naman.
B. Pabayaan ang balita.
C. Puntahan kaagad at tumulong sa abot ng iyong makakaya.
D. Sabihin na lumapit sa barangay.

27. Lumiban sa klase ang kaibigan mo, nagalit ang inyong guro dahil naglalakwatsa lamang ito. Ano ang
gagawin mo?
A. Aawayin ang mga kaklase.
B. Pabayaan siya dahil gusto niya iyon.
C. Puntahan ito at sabihin na pumasok.
D. Samahan siya at liliban ka rin sa klase.

28. Inanyayahan kang pumasok sa simbahan na sa palagay mo ay iba ang relihiyon sa iyo. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Awayin mo siya.
B. Bawal ang pumasok sa simbahan na iba ang relihiyon.
C. Pumasok ka dahil wala naman masama.
D. Sabihin na ipinagbabawal iyon.

29. Ang isa mong kamag – aral ay ayaw magtaas ng kanang kamay habang binibigkas ang Panatang
Makabayan. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin siya
B. Isumbong sa guro
C. Kakausapi ko siya ng masinsinan at tanungin.
D. Kakausapin siya sa kanyang relihiyon.

30. Kalahok ka sa ibat -ibang paligsahan. Ibig mong magwagi sa mga paligsahang ito, ano ang dapat
mong gawin?
A. Magdasal ka dahil mananalo ka .
B. Magtiyaga sa pag- aaral ng aralin.
C. Makipagkwento sa mga kaklase.
D. Makipaglaro ka pagkalabas sa paaralan.
31. Hindi mo makita ang may-ari ng napulot mong bag. Ano ang dapat mong gawin?
A. Dalhin ito sa guro para ipaalam sa buong paaralan
B. Ibigay sa kaklase
C. Itago ito sa bahay
D. Kunin ang laman at itapon ito.

32. Si Blessie ay isang batang mainggitin. Ayaw niyang tumutulong sa klase. Kaibigan mo siya at nais
mong tulungan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Aawayin mo siya.
B. Ipaliwanang mo sa kanya ang buting idudulot ng pagtulong.
C. Isumbong sa guro.
D. Pagsabihan ang mga kaklase na huwag siyang pakisamahan.

33. Iniwan ka ng iyong guro upang magbantay ng silid sapagkat may seremonya sa Watawat. May ilang
kaibigan ka na nais pumasok at mag-iwan ng bag. Papayagan mo ba sila?
A. Ipaiwan ang bag sa labas ng silid aralan.
B. Ipadala ang bag sa pila.
C. Isusumbong sila sa guro.
D. Kakausapin ko sila sa susunod maaga silang dumating.

34. Isang araw nagising ka na may lagnat ang nanay mo, paano mo maipapakita ang iyong paggalang
at pagmamahal. Ano ang gagawin mo?
A. Aalis ka ng bahay nang hindi nagpapaalam.
B. Nakikipaglaro ka sa labas ng inyong bahay.
C. Sabihin na kailangan mong pumasok dahil may pagsusulit ka.
D. Sabihin sa nanay na hindi ka papasok para mabantayan siya.

35. Dumating ang araw na matanda na ang mga magulang mo. Nakapagtapos ka naman ng pag-aaral
paano mo sila paglilingkuran?
A. Hindi sila papansinin.
B. Ibibigay ko sa kanila kung ano ang kanilang pangangailangan.
C. Ilalagay sila sa mga nag-aalaga ng mga matatanda.
D. Pabayaan sila, dahil matanda na.

36. Mahirap ang iyong pamilya. Pilit na naghahanapbuhay ng paggastos ang iyong mga magulang
upang ikaw ay makapag-aral. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Magtatrabaho ako.
B. Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral upang ako ay makapagtapos.
C. Papasok ako kung sapat lamang ang aking baon.
D. Sasama ako sa mga barkadang masasaya.

37. Pagkatapos ng paligsahan at ipinahayag ang nagwagi ngunit hindi ka kasali roon, ano ang iyong
gagawin?
A. Hindi ka na sasali sa susunod.
B. Hindi narunong ang mga hurado.
C. Magagalit ka sa mga hurado.
D. Sabihin na hindi mo pa suwerti sa susunod mag-aaral kang mabuti.

38. Ibig mong lumakad sa may damuhan ngunit may nakita kung babala na bawal tumawid. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Hikayatin ang mga kaibigan para maglakad sa damuhan.
B. Hindi ka maglalakad dahil nirerespeto moang babala.
C. Huwag pansinin ang babala.
D. Hikayatin ang mga kaibigan para maglakad sa damuhan.
39. Siksikan sa bus ngunit may matanda pang nais sumakay. Ano ang gagawin mo?
A. Bababa ka at tutulungan ang matanda para makasakay.
B. Hindi ka tatabi para padaanan ang matanda.
C. Pabayaan ang matanda.
D. Sabihin sa mga kasama na iwanan na ang matanda.

40. Malaki ang kita ng iyong mga magulang. Lagi ka nila binibigyan ng labis na baon. Ano ang iyong
gagawin?
A. Bibili ng mamahaling gamit.
B. Ililibre ko ang mga kaibigan
C. Itatabi ko ang labis napera
D. Mamimili ako ng hindi ko kailangan.

41. Nadaan mo ang nakakatang kapatid na humihingi ng tinapay sa isa mo pang kapatid ngunit iniwan
ito. Ano ang gagawin mo?
A. Ibibigay mo na lang ang para sa iyo.
B. Iiwan din ang nakakabatang kapatid.
C. Isusumbong mo sa nanay.
D. Pagagalitan ang kapatid.

42. May hindi pagkakaintindihan ang mga kaklase mo dahil sa kanilang proyekto, ano ang gagawin mo?
A. Isumbong sila sa inyong guro.
B. Kakampihan ang isang panig.
C. Pabayaan mo sila.
D. Sabihin sa kanila na maging mahinahon sila.

43. May batang tumatakbo patungong silid-araan para ipaalam sa guro ang nangyaring away sa
kanyang mga kaklase. Hindi siya nagalit kahit na pinagalitan siya dahil sa kanyang pagsumbong sa
guro. Ang bata ay:
A. Mapagpasensiya
B. Masipag
C. Matapang
D. Matulungin

44. Maagang nagigising si Lito para magtinda ng pandesal bago pumasok sa paaralan. SI Lito ay _____.
A. Masipag
B. Matapat
C. Matiisin
D. Tamad

45. Binili si Steven ng damit sa bargain samantalang ang kapatid ay mamahalin ang binili ng nanay,
nagpasalamat siya sa kaniyang nanay. Si Steven ay
A. Mahinahon
B. Mapagpasensiya
C. Masipag
D. Matapang

46. Pagkalabas ng silid-aralan, sinapak ni Rey si Cris, nabigla si Cris, at dumugo ang labi nito, hindi siya
gumanti kay Rey, si Cris ay isang batang may __________________ na pag-uugali.
A. Mapagpasensiya
B. Masipag
C. Matapang
D. Tamad
47. Nadulas sa paaralan si Rico kaya napilayan siya, tinanong siya ng guro ninyo kung masakit ito, hindi
kumibo si Rico, siya ay
A. Magulo
B. Mahinahon
C. Matapang
D. Matiisin

48. Pinatawag ka ng guro dahil ikaw ang itinurong may kasalanan sa away ng mga kaklase mo. Paano
ka haharap sa guro mo?
A. Galit
B. Galit nag alit
C. Mahinahon
D. Matapang

49. Sinabi ng nanay mo na hindi ka muna magpapatuloy ng iyong pag-aaral, dahil ang ate mo muna ang
papasok. Ano ang gagawin mo?
A. Lalayas ka ng bahay
B. Magagalit ka sa ate mo
C. Magagalit ka sa nanay
D. Sasabihin sa nanay na magpapasensiya ka muna.

50. Sumakit ang tiyan mo ngunit alam mong walang pera ang nanay mo kaya tiniis mo ito. Anong
katangian mayroon ka.
A. Mabait
B. Mahinahon
C. Matapang
D. Matiisin
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San Fernando
Unang Markahang Pagsusulit sa ESP 6
School Year 2019-2020

TABLE OF SPECIFICATION

Bilang ng araw Bilang ng aytem Kinalalagyan


Mapanuring Pag-iisip
 Naipapahayag ang
katotohanan at opinion sa 8 8 1-8
bawat pangungusap

Katatagan ng kalooban
 Naipapahayag ang katatagan
ng kalooban sa bawat 9 9 9-16
pangungusap

Pagkatiyaga
 Naipapaliwanang ang sariling
saloobin na tungkol sa
pagiging matiyaga gamit ang
mga salawikain at
nakakangalap ng mga 8 8 17-24
impormasyon tungkol sa mga
bantog na mga Pilipino na
nagpakita ng pagiging
matiyaga

Pagkabukas-isipan
 Naipapahayag ang sariling
damdamin sa bawat 8 8 25-32
sitwasyon.

Pagmamahal sa katotohanan
 Naipapahayag ang
8 8 33-40
kahalagahan ng pagmamahal
sa katotohanan
Pagkamapasensiya/pagkamapagtiis
at pagkamahinahon
 Naipapamalas ang pagiging
9 9 41-50
mapagpasensya o
mapagmahinahon sa bawat
sitwasyon.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San Fernando
Unang Markahang Pagsusulit sa ESP 6
School Year 2019-2020

MGA SAGOT SA ESP 6

26. C
1. B 27. C
2. A 28. C
3. A 29. C
4. C 30. B
5. C 31. A
6. A 32. B
7. A 33. D
8. C 34. D
9. C 35. B
10. D 36. B
11. D 37. D
12. C 38. B
13. D 39. A
14. D 40. C
15. B 41. A
16. D 42. D
17. B 43. A
18. B 44. C
19. D 45. B
20. D 46. A
21. D 47. D
22. C 48. C
23. B 49. D
24. C 50. D
25. C

You might also like