You are on page 1of 4

Panuto : Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot.

1. Napili ka ng iyong guro na siyang maging tagapagdaloy ng palatuntunan,ano ang iyong


gagawin?
A. Pipilitin ko ang aking kamag-aral na palitan ako.
B. Sasabihan kong ayokong maging tagapagdaloy ng palatuntunan.
C. Lalakasan ko ang aking loob at tatanggapin ang ibinigay na Gawain.
D. Magdadahilan ako na masakit ang aking lalamunan at hirap sa pagsasalita.
2. . Inagawan ng baon ng iyong kaklase sa loob ng silid-aralan. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ko siya
B. Sasabihin kop o sa aking guro na inagaw ang aking baon ng kaklase ko.
C. Hahayaan ko na lang siya
D. Wala sa nabanggit
3. . Itinulak ka ng is among kalaro dahil gusto niyang mauna sa pagkuha ng tubig sa gripo. Ano
ang gagawin mo?
A. Itutulak ko rin siya.
B. Mananahimik na lang ako.
C. Sasabihin ko sa kanya na masama ang nanunulak.
D. Wala sa nabanggit
4. Naatasan ang iyong pangkat na magtanghal sa palatuntunang inihanda para sa mga mag-
aaral mula sa Malaysia upang maipakilala sa kanila ang Kulturang Pilipino. Alin sa sumusunod
ang pipiliin ninyo?
A. Sumayaw ng Pandanggo sa ilaw.
B. Umawit ng nauusong kanta ngayon.
C. Lumikha ng bagong himig at tugtugin sa piano.
D. Sumayaw ng katutubong sayaw ng Malaysia.
5. Hinintay nina Joven at Erika si Renante sa Plasa Mabini kahit na lampas na sa takdang- oras
ng kanilang usapan. Sila ay nagpapakita ng pag-uugaling _______.
A. pagkamatiyaga B. katatagan ng loob
C. pagkamahinahon D. mapanuring pag-iisip

6. . Natapos nang maayos ni James ang kanyang talumpati sa palatuntunan. Siya ay _____.
A. matatag ang loob B. mahinahon
C. mapagpasensiya D. mapanuring pag-iisip
7. Bilang mag-aaral alin sa sumusunod ang paggalang sa karapatan ng may sakit ang kaya
mong gawin?
A. Pagbigay ng prutas at damit
B. Pagbisita sa may sakit
C. Pagbibigay ng payo sa may sakit
D. Pagbibigay ng gamot sa may sakit
8. Kinukulit ka sa silid-aralan ng mga kalaro mo. Ano ang gagawin mo?
A. sasabihin ko mamaya na lang pagkatapos ng klase.
B. Lalabas at makikipaglaro ako.
C.Tatawagin sa loob ng silid-aralan at maglalaro.
D. Wala akong pakialam.
9. Ang iyong guro ay may kausap na magulang ngunit may gusto kang iparating na
mahalagang bagay sa kanya. Ano ang gagawin mo?
A. Makikinig sa usapan ng guro at magulang.
B. Makikisali sa usapan nila.
C. Hihintayin munang matapos ang pag-uusap ng guro at magulang.
D. Patitigilin ko sila sa kanilang pag-uusap.
10. Palagi ninyong nararanasan ang pagbaha sa Metro Manila. Ano kaya ang dahilan kung
bakit nagyari ito?
A. Maling paraan ng pagtatapon ng basura sa ating paligid na bumabara sa mga estero
at kanal.
B. Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon.
C. Masyado nang makapal ang tao sa Metro Manila.
D. Tinatakpan ng mga tao ang mga drainage.
11. Napanood mo sa patalastas sa telebisyon ang isang juice drink na mainam umano sa mga
bata. Ano ang dapat gawin bago maniwala?
A. Tignan ang nutrition facts kung totoong mabuti ito sa mga bata.
B. Paniwalaan kaagad ang sinabi sa patalastas.
C. Pumunta sa palengke at bumili ng juice.
D. Magpabili sa nanay ng juice.
12. Nakita ni Jun ang kanyang kapatid na nanonood ng palabas na may barilan sa telebisyon.
Ano ang dapat
gawin ni Jun?
A. Makinood sa tabi ng kapatid. C. Pabayaan ang kapatid sa pinapanood.
B. Sabihing itigil ang panonood dahil hindi ito pambata. D. Suntukin ang kapatid.
13. May nabasa ka sa facebook na humihingi ng iyong address dahil nanalo ka umano ng isang
gadget. Ano ang dapat mong gawin?
a.Ibigay ang iyong address.
b.Awayin ang humihingi ng address.
c.Makipagkita na lamang sa humihingi ng address.
d. Huwag basta ibibigay ang address kung hindi nasuri ang katotohanan ng sinasabi

14. Mahaba ang pila sa pagbili ng kantina. Ano ang dapat mong gawin?
a. Pumunta sa hulihan at pumila. C. Pumunta sa unahan ng pila.
b. Pumunta sa gitna ng pila. D. Magpasuyo sa kakilala
15. Nagpapaliwanag ang iyong guro pero maingay ang iyong kaklase. Ano ang dapat mong
gawin?
a. Patuloy makinig sa guro kahit na maingay ang mga kaklase.
b.Sigawan ang mga kaklase at sabihing manahimik sila.
c.Lumabas na lamang sa klase.
d.Awayin ang mga kaklase

16. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mahinahon sa kilos at damdamin?


A. Nakikipag-away sa mga ayaw kumampi kapag may ipinaglalaban.
B. Nakikiayon sa sinasabi ng kapuwa para maiwasan ang gulo.
C. Nakikipag-usap ng maayos sa kapuwa upang magkaunawaan.
D. Kumakampi sa mas marami ang umaayon upang hindi mapag-isa.
17.. Nakita ni Jun ang kanyang kapatid na nanonood ng palabas na may barilan sa telebisyon.
Ano ang dapat
gawin ni Jun?
A. Makinood sa tabi ng kapatid. C. Pabayaan ang kapatid sa
pinapanood.
B. Sabihing itigil ang panonood dahil hindi ito pambata. D. Suntukin ang kapatid.
18. Siningitan ka sa pila ng iyong kaklase sa kantina, ano ang gagawin mo?
A. Sisingit din ako
B. Pababayaan ko na lang siyabaka nagmamadali siya.
C. Sasabihin ko sa kanya na bawal sumingit.
D. Susuntukin ko siya.
19. Si Jason ay bagong lipat sa Mababang Paaralan ng Alincaoeg. Sa unang araw ng pasukan ay
tinawag siya ng guro upang ipakilala ang kanyang sarili. Ano ang nararapat gawin ni Jason?
A. Manatiling nakaupo. C. Lumabas sa klase.
B. Tumayo at ipakilala ang sarili. D. Umuwi sa bahay.
20. Nagtatanong ang inyong guro kung sino ang marunong umawit. Alam mong may kakayahan
ka sa pag-awit ngunit sadyang mahiyain ka lamang. Ano ang dapat mong gawin?
a. Huwag pansinin ang sinasabi ng guro.
b. Sabihin ang totoo na marunong kang umawit.
c. Magsinungaling at sabihing hindi ka marunong umawit.
d. Tumayo at ituro ang iyong katabi na siyang magaling umawit kahit hindi
totoo.
21. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matiyaga?
A. Itinapon na lamang ni Jasmine ang punit na damit dahil ayaw niya itong tahiin.
B. Sumingit sa pilahan ng pagkain si Luz dahil nagugutom na siya.
C. Isa-isang pinulot ni Carl ang butil ng bigas na nahulog.
D. Hindi tinapos ni Mara ang kanyang mga takdang-aralin
22. Napanood sa telebisyon ni Steffi na nasalanta ng bagyo ang kanilang lugar. Paano
makakatulong si Steffi?
A. Magbigay ng mga luma niyang damit.
B. Ipagdasal ang kanyang mga kababayan.
C. Magpadala ng kayang halaga ng pera o mga pagkain.
D. A, B, C
23. Namamasyal kayo ng iyong nakababatang kapatid sa mall nang biglang lumindol. Ano ang
gagawin mo?
A Tumakbo palabas sa mall. B.. Huwag pansininang lindol.
C. Humanap ng matibay na mesa at magtago sa ilalim nito .D. Umiyak nang malakas.
24. Ano ang un among gagawin sa mga patalastas na iyong nabasa? Bakit?
a. bibilhin ko kaagad ito b. pagninilayan-nilayan ko ito nang Mabuti
c. paniniwalaan ko ang sinasabi nito d. hihikayatin ko ang aking mga kaibigan upang
bumuli.
25. Ano ang ibinalita ni Jazz kay Ara nang nakasulubong niya ito
papuntang paaralan?
A. Pinauwi na sila ng kanilang punong-guro.
B. Wala ang kanilang guro kaya’t wala silang pasok.
C. Idineklara ng Mayor na walang pasok.
D. Sinabi ng kanilang guro na wala silang pasok.

26. . Ano ang naging tugon ni Ara sa ibinalita ni Jazz ?


A. Nagtanong siya sa iba nilang kamag-aral.
B. Naniwala siya kaagad sa ibinalita ni Jazz.
C. Sinangguni ni Ara ang kanilang punong-guro.
D. Nagtanong sa ibang guro ng kanilang paaralan.

27. . Bakit naisip nilang wala silang pasok sa araw na iyon?


A. Dahil wala pa ang kanilang guro.
B. Dahil sa sinabi ng kanilang punong-guro.
C. Dahil narinig sa anunsiyo ng Presidente.
D. Dahil narinig nilang pinag-uusapan ng mga magulang sa
labas ng paaralan.

28. Upang masigurado ang hinala ni Jazz, ano ang dapat nilang
ginawa ni Ara?
A. Ituloy ang kanilang pagpasyal sa tabing-dagat.
B. Umuwi sa bahay at magsabi sa magulang.
C. Puntahan ang punong-guro upang magtanong.
D. Tipunin ang mga kamag-aral at magdesisyong umuwi.
29. Kung ikaw ay gagawa ng patalastas ng ice cream, ano ang sasabihin mo upang itoy tangkilikin?
a. bili na kayo!
b. mura ito!
c. ice cream po sa mainit na panahon masarap at mura lang! kaya bili na..
d. huwag kayong bumili!
30. Nagmamadali kang umuwi dahil may dadaluhan kang birthday party ng iyong kapitbahay.Paglabas
mo ng silid-aralan, nakita mong umapaw ang basura sa labas. Ikaw na lang ang tao dahil nauna nang
umuwi ang iyong mga kaklase.Ano ang gagawin mo?
A. Pababayaan ang basura dahil baka mahuli sa birthday party na iyong dadaluhan.
B. Mabilisang aayusin ang mga basura sa sako bago umuwi.
C. Magkukunwaring hindi nakita ang umaapaw na basura sa sako.
D. Magkikibit-balikat dahil hindi naman ikaw ang taga-linis sa araw na iyon.

You might also like