You are on page 1of 16

ESP 3 REVIEWER

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa


sagutang papel ang titik ng napiling sagot.

1. Ito ay nararapat nating gamitin at linganin


sapagkat ito ay nakapagbibigay ng atin ng
pagkakakilanlan at biyayang mula sa Diyos.
A. Kakayahan C. Kapahamakan
B. Kagalingan D. Kapakinabangan

2. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita


ng kakayahan nang may pagtitiwala sa sarili?
C. Si Ryan na nahihiyang sumali sa paligsahan
ng chess.
D. Si Eya na buong husay na umawit sa
patimpalak ng barangay
C. Si Bea na natatakot magkali sa pagtula.
D. Si Carl na inuuna ang paglalaro at walang
pakialam sa mga programang pampaaralan.

3. Isa ka sa magaling tumula sa inyong klase


at napili ka ng iyong guro upang lumahok sa
paligsahan na gaganapin sa paaralan,ngunit
ito ang iyong unang beses ng pagsali. Ano ang
iyong gagawin?
A. Hindi kpo pupunta sa araw ng paligsahan.
B. Hindi ko papansinin ang sinasabi ng aking
guro.
C. Magsasanay ako upang mahasa ko ang
aking talento.
D. Hindi ko sasanayin ang aking talento kundi
sa araw ng paligsahan.
4. Nabasag mo ang pinaka paboritong plorera
ng iyong guro ngunit hindi mo ito sinasadya.
Ano ang iyong gagawin?
A. Magkukunwari na hindi mo alam ang
pangyayari.
B. Sasabihin sa guro at aaminin ang totoong
pangyayari.
C. Itatago ang nabasag na plorera sa cabinet
ng guro ko.
D. Itatapon sa basurahan ang nabasag na
plorera upang hindi na mapansin ang iyong
guro.
5. Ano ang isang katangian ng may matatag na
kalooban?
A. Pagiging makasarili
B. Pagsuko sa mga pagsubok o problema
C. Pagiging mapagyabang sa angking taelnto
D. Pagharap sa mga mahirap na suliranin ng
buhay.

6. Ang katawan ay maaaring maging ligtas


mula sa _______ kung nakagagawa ng mga
wastong kilos at gawi tulad ng pagkain ng
wasto,kalinisan sa pangangatawan,pagtulog
ng sapat na oras at pag-inom ng maraming
tubig araw-araw.
A. Sakuna C. Karamdaman
B. Pagsusulit D. Kaguluhan

7. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita


ng paghikayat sa kapwa na gawin ang dapat
para sa sariling kalusugan at kaligtasan.
C. A. Si Mirna na umiiwas sa mga kaklase at
lumalahok mag-isa sa Fun Run.
D. Si Amiel na niyaya ang kaibigan na kumain
ng hotdog at uminom ng softdrinks.
E. Si Jonas na palaging nagpupuyat sa mga
computer shop kasama ang mga kaibigan,
F. Si Leanica na nagkukuwento ng mga
mabuting dulot ng masustansyang pagkain
sa ating katawan.
8. Nakaluto na nang masarap na tanghalian ang
nanay, Ano ang iyong gagawin?
A. Hugasan muna nang mabuti ang kamay gamit
ang sabon at malinis na tubig.
B. Unahan ang kapatid sa pag-upo sa bangko na
malapit sa ulam.
C. Iwanan ang mga sahog na gulay sa plato.
D. Tapusin ang paglalaro bago kumain.

9. Natagalan ang nanay sa pagpila sa grocery.


Ano ang iyong gagawin?
E. Magpapasok ng ibang tao sa bahay.
F. Manood ng paboritong palabas sa telebisyon.
G. Magtungo sa bahay ng kalaro habang wala si
nanay.
H. Bantayan ang mga nakababatang kapatid
upang hindi lumabas ng bahay.
10.Narinig ni Miguel ang busina ng
magbabasura at nakahiga pa siya sa kama. Ano
ang dapat gawin?
A. Pabayaan ito at ipagpapatuloy ang pagtulog.
B. Iutos sa iba ang paglalabas ng basura.
C. Agad na ilabas ang mga basura upang
makolekta ng magbabasura.
D. Hintayin nalang ito dumaan ulit sa susunod
na araw.

11. May sakit ang iyong nanay kung kaya hindi


agad siya nakapaghanda ng almusal. Mahuhuli
ka na sa iyong online class. Ano ang gagawin
mo?
E. Matutulog na lamang muli at huwag nang
mag online class.
B. Magagalit kay nanay dahil agad bumangon
para maghanda ng almusal.
C. Hindi na lamang mag-aalmusal at mag-online
class na kasama ang mga kaklase.
D. Bibilisan ko ang kilos ko at tutulungan ko si
Nanay sa paghahanda ng almusal para hindi ako
mahuli sa klase ko.
12. Ang pandemiya ay laganap ngayon. Marami
nang namatay dahil sa COVID-19. Paano ka
makakatulong upang maiwasan ang pagkalat
nito.
A. Palaging mamasyal sa mall.
B. Maglalaro ako sa labas ng bahay.
C. Sasama kay nanay sa palengke upang
magpabili ng laruan.
D. Huwag munang lumabas ng bahay at
palakasin ang resistensiya.
13. Nabalitaan mong may sakit ang iyong
kaklase subalit hindi mo ito madalaw dahil sa
banta ng COVID-19. Paano mo maipapadama sa
kaniya ang iyong pagmamalasakit?
A. Kakamustahin ko siya sa pamamagitan ng
pag-chat at pagtawag sa kaniyang
messenger upang masabi ko sa kaniya na
magpagaling siya.
B. Pabayaan ko nalang dahil inaalagaan naman
siya ng kaniyang nanay.
C. Huwag na lamang ipaalam na nag-aalala ka
sa kaniyang kalagayan.
D. Kunwari hindi ko alam na nagkasakit siya.
14. Isang hearing impaired child ang sumali sa
paligsahan sa pagtula. Nasa kalagitnaan na siya
ng kaniyang tula nang bigla niyang nakalimutan
ang susunod na linya.Kung ikaw ay isa sa mga
manonood,Ano ang nararapat mo?
A. Hindi na lamang siya papansinin.
B. Tatawagin ko siya at pauupuin na.
C. Pagtatawanan ko ang hearing impaired child.
D. Tahimik akong mananalangin na sana’y
maalala niya ang nalimutan niyang linya.
15. Oras ng recess.Nakita mong walang baon
ang iyong kaklaseng Ifugao.Ano ang HINDI mo
dapat gawin?
A. Bibigyan siya ng pagkain.
B. Hatian siya ng iyong pagkain.
C. Pagtaguan siya ng pagkain
D. Bibilhan ko siya ng pagkain sa kantina.

16. Nais makipagkaibigan at makipaglaro sa iyo


ng batang Mangyan.Ano ang gagawin mo?
E. Iwasan ito at layuan sapagkat baka
pagtawananlamang din ako ng iba kong
kaklase.
F. Makikipagkaibigan at makikipaglaro ako
upang madagdagan pa ang aking mga
kaibigan sa paaralan.
C. Ipagtabuyan ang Mangyan at baka mahawa
pa ako sa kakaiba nitong itsura.
D. Sabihin na ako ko siya maging kaibigan at
kalaro.

17. Nais sumali ng kamag-aral ni Jun na bulag


sa pagbibigay aliw sa mga manunuod gamit ang
gitara ngunit wala itong sariling gitara.Ano ang
dapat gawin?
A. Sabihin sa kamag-aral ni Jun na huwag nang
umasa na makakasali ito.
B. Payuhan ang kamag-aral ni Jun na mag-ipon
upang makabili ng sariling gitara.
C. Pahiramin ang kamag-aral ni Jun ng giatar
upang makasali ito.
D. Sabihing ginagamit mo ito upang hindi
maipahiram.
18. Magaling kang kumanta,kaya ikaw ang
napili ng iyong guro upang sumali sa Awit ng
Lahi. Papayag ka ba?
A. Oo, dahil nais ko ring ibahagi ang aking
talento.
B. Hindi,hayaan na lang ang gurong maghanap
ng iba.
C. Oo, para makita nila kung gaano ako
kagaling kumanta.
D. Hindi,kasi nahihiya ako.

19. Naglalaro kayo kasama ang iyong mga


kaklase,nakita mo si Abby na nanonood lang
nang tahimik.Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko na lang siya,baka ayaw niyang
makipaglaro sa ami.
B. Yayayain ko siya na sumali sa aming laro.
C. Ipagsasabi ko sa ibang kalaro na nanonood si
Abby.
D. Hahayaan na lang sita kasi hindi naman siya
marunong sa laro namin.

20. Ang barangay ninyo ay magsasagawa ng


paligsahan sa pinakamalinis na bakuran at
inaanyayahan ang lahat ng nasasakupan ng
barangay na sumali.Ano ang iyong gagawin
bilang kasapi ng inyong barangay?
A. Sasabihin ko sa aking mga magulang na
lumahok kami at para makapaghanda sa
paligsahan.
B. Magsasara ako ng bahay sa oras na lumibot
na sila sa mga bahay-bahay.
C. Sasabihin ko na lang na hindi kami
makakalahok at maraming ginagawa.
D. Hindi ko iintindihin ang paligsahan sa
barangay.

You might also like