You are on page 1of 3

ESP 3

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong.

____1. Magkakaroon ng paligsahan sa pag-awit at nagkataon na magaling kang umawit. Ano ang
gagawin mo?
a. ipakita ang kakayahan ng matamlay c. Sumali ng buong husay
b. Sumali at ipakita ang kakayahan d. Sumali sa paligsahan ng maayos

____2. Lahat ng iyong kamag-aral ay marunong sumayaw maliban sa iyo. Nagkataong


kailangang magpakita ng talento ang inyong section. Ano ang gagawin mo?
a. magsasabi sa guro na hindi na lang sasai
b. Sasali kahit di marunong
c. Sasayaw at pupwesto sa likod
d. Magsasabi ng tunay sa guro at sasabihin ko din ang taglay kong kakayahan.

____3. Kinukutya ka ng kamag-aaral mo na bingot at lampa? Hindi mo siya pinatulan. Anong


damdamin ang meron ka?
a. magpagpesensya b. pagtitimpi c. masaya d. tahimik

____4. Kung ikaw ay nagpapakita ng katatagan ng loob, alin sa mga sumusunod ang DAPAT
mong ginagawa?
a. Sasagot ka sa mahirap na tanong ng guro.
b. Sasawayin mo ang mga maling ginagawa ng iba.
c. Gagawin mo lahat ng nabanggit.
d. Matutulog ka nang mag-isa kung gabi kahit wala kang katabi.

____5. Ano ang maaaring mangyari sa batang kumakain sa tamang oras at nag-eehersisyo
arawaraw?
a. Magiging masigla
b. Magkakaroon ng malusog na pangangatawan
c. Hahangaan ng ibang magulang dahil magaling kumain
d. Hindi magiging sakitin

____6. Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan?


a. Kumain ng mga masustansyang pagkain na gusto mo lang
b. Ang tanging bilhin tuwing recess ay tsitsirya
c. Piliin ang mga pagkaing masarap lamang sa panlasa
d. Ugaliing kumain ng masusustansyang pagkain araw-araw.

____7. Tapos ka na ng iyong tungkulin sa paghuhugas ng pinggan. Nakita mo ang kuya mo na


hindi pa nangangalahati sa pagdidilig ng mga halaman. Ano ang dapat mong gawin?
a. Kakausapin ko siya. c. Papanoorin ko siya.
b. Tutulong ako sa pagdidilig. d. sasamahan ko sya sa hardin

_____8. Alin sa sumusunod ang tamang gawi kapag inuutusan?


a. Masayang gawin ng buong kaya ang iniuutos
b. Iuutos sa kapatid
c. Ipagawa sa iba ang iniuutos ng magulang
d. Magpapatulong sa nakababatang kapatid
_____9.Kung laging sinusunod ng mga anak ang utos at tagubilin ng mga magulang, ano ang
maidudulot nito sa kanilang pamilya?
a. Pagkakaisa, pagkakasundo ng masayang pamilya
b. Pagmamahalan sa pamilya
c. Pagkakasundo ng magkakapatid
d. Masayang pamilya

_____10.Paano mo mapapanatiling malinis ang inyong tahanan?


a. Iligpit ang gamit sa tamang lalagyan at itapon ang mga basura sa tamang tapunan
b. Hayaan na si nanay ang magligpit ng mga kalat sa bahay
c. Maglinis ng kuwarto at saka na ang iba
d. Si ate at si kuya na ang utusan na maglinis

11-14. Basahin at unawain ang kwento upang masagot ang mga sumusunod na tanong.

May plano ang mga kaibigan ni Jayden na maglaro pagkatapos ng klase. Nang makauwi,
nagpaalam siya sa kanyang ama ngunit hindi siya pinayagan sapagkat may sakit ang kanyang
ina. Nais talagang sumama ni Jayden ngunit mas pinili niyang manatili na lamang sa bahay
upang tumulong sa pag-aasikaso sa kanyang inang may sakit

11. Ano ang masasabi mo sa ginawa ni Jayden ? Sumasang-ayon ka ba sa kanyang naging


desisyon? Bakit?
a. Tama ang desisyon ni Jayden dahil inuna niya ang pangangailangan ng kanyang inang
may sakit,
b. Tama ang tatay ni Jayden na hindi siya pinayagan upang maalagaan ni Arby ang kanyang
ina.
c. Mali ang ginawa ni Jayden dahil hindi siya sumipot sa usapan nilang magkakaibigan
d. Mali ang tatay ni Jayden dahil hindi nito pinagbigyan ang kahilingan ng anak

12. Sa iyong palagay, ano ang mararamdaman ng ama at ina ni Jayden sa kanyang naging
desisyon
a.Magagalak b. Malulungkot c. Matutuwa d. Maaawa

13. Ano ang magiging bunga ng ginawa ni Jayden na pagtulong sa inang maysakit at pagsunod
sa kanyang ama?
a. Magiging masaya ang kaniyang mga magulang
b. Mabilis na gagaling ang kanyang ina
c. masaya ang kanyang ina
d. Matutuwa ang kanyang ama
14 Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa inyong paaralan. Nakita mo na ang iyong
kaklaseng pilay ay nakatayo lang dahil wala ng bakanteng upuan. Ano ang dapat mong gawin?

a. Titingnan ko lang siya


b. Pagtatawanan ko siya dahil wala siyang upuan
c. Lalapitan ko siya upang ibigay ang aking upuan
d. Hahayaan ko lang siyang nakatayo hanggang matapos ang paltuntunan
15. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin kung nabalitaan mong nagkasakit ang kaibigan
mong nasa malayong lugar.
a. Papadalhan ng get-well soon card.
b. Dadalawin siya sa kanilang lugar.
c. pagdarasal ko siya sa madali niyang paggaling.
d. Gagawin ang lahat ng nabanggit

16. Naputulan ng kanang paa ang kaklase mo kung kaya siya ay mabagal maglakad. Ano ang
gagawin mo sakaling makasabay mo siya sa pag-uwi?

a. Makikipag unahan ako sa kanya


b. Sasabayan ko siya sa paglalakad
c. Tutulungan ko siyang magdala ng kanyang gamit
d. Pagtatawanan ko siya kasama ng iba ko pang kaklase

17-20.Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ag titik ng
wastong sagot
Ang Matulunging Bata
Sa loob ng silid aralan, tahimik na gumagawa ang mga bata sa ESP. Napansin ni Lita si
Lawaan, ang bago nilang kaklaseng Aeta na hindi mapakali sa upuan. Wala kasi siyang lapis at
papel na gagamitin. Dali daling kinuha ni Lita an gang iba pa niyang lapis at papel sa bag at
ibinigay kay Lawaan. Laking gulat at pasasalamat ng bata kay Lita. Masaya niyang tinaggap ang
tulong ni Lita at sila ay naging mabuting magkaibigan.

17. Ano ang kaibahan ni Lawaan kay Lita?


a. Si Lita ay mayaman at si Lawaan ay mahirap
b. Kulot ang buhok ni Lawaan tuwid naman ang kay Lita
c. Kabilang sa pangkat etniko si Lawaan
d. Mas bata si Lawaan kaysa kay Lita

18. Bakit hindi mapakali si Lawaan sa kaniyang upuan?


a. May sakit si Lawaan
b. Nahihiya siya sa mga bago niyang kamag-aral
c. Walang nakikipagkaibigan sa kanya
d. Wala siyang lapis at papel na gagamitin

19. Paano ipinakita ni Lita ang pagmamalasakit sab ago niyang kaklaseng kabilang sa pangkat
etniko?
a. Ibinigay niya ang iba niyang gamit kay Lawaan gaya ng lapis at papel para may magamit
ito.
b. Ipinakilala ni Lita si Lawaan sa iba pa niyang kamag-aral
c. Inilibre niya ng pagkain si Lawaan noong recess
d. Ipinagtanggol niya si Lawaan sa mga nanunukso sa kanya.

20 Anong ugali ang ipinakita ni Lita?


a. Pagsasa-alang alang sa katayuan o kalagayan sa buhay ng kapwa
b. Pagpapakitang tao
c. Pagiging maramot
d. Pagbibigay nang may hinihintay na kapalit

You might also like