You are on page 1of 4

Ikatlong Markahan sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1

Pangalan: _______________________________________________________
Baitang at Pangkat: _____________________________________________
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat
aytem. Bilugan ang titik na tumutugma sa iyong napiling sagot.
1. Sa loob ng bahay at kahit saan man, iwasang ________sapagkat iyon ay
hindi
mabuti.

A. Magkalat
B. Maglinis
C. Matulog
D. Maglaro

2. Likas na sa mga Pilipino ang gumalang sa mga nakatatanda. Si Sabel ang


panganay sa inyong magkakapatid. Ano ang tawag mo sa kanya?

A. Sabel
B. Ate
C. Tita
D. Auntie

3. Ikaw ay masunuring bata at inutusan ka ni tatay na mag-igib ng tubig. Ano


ang isasagot mo sa kanya?

A. Mamaya na Tay naglalaro pa ako.


B. Opo,tatay mag -iigib po ako.
C. Pagod po ako.
D. Ayoko nga!

4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pantahanang alituntunin?

A. Igalang ang guro sa lahat ng oras.


B. Pagpasok sa paaralan sa takdang oras.
C. Huwag makipag –away sa kapatid.
D. Pagpasok sa paaralan sa takdang oras.

5. Ang ating kalusugan ay kayamanan kaya dapat lamang na atin itong


pangalagaan. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng masustansiyang
pagkain na nagbibigay – lakas sa ating katawan?

A. prutas at gulay
B. kendi at biskwit
C. softdrinks at gatas
D. tinapay at junkfoods

6. Bilang isang bata, binibigyan ka ng mga karapatan upang masaya at


maayos kang mamuhay sa mundo. Isa sa mga karapatan na ito ay ang
matuto kang paunlarin ang iyong kakayahan sa larangan ng edukasyon.
Ano ang karapatan na ito?

A. Makaboto
B. Makapag-aral
C. Makapagtrabaho
D. Makapamasyal

7. Nagluluto ng pananghalian ang ina ni Liza na si Aling Nena. Hinahalo nito


sa kawali ang niluluto habang naghihiwa ng karneng ilalagay sa kawali. Ano
ang maibabahagi ni Liza sa kanyang ina?
A. Lalaruin ang hinihiwang karne.
B. Mangungulit sa nanay na maglalaro siya sa labas ng bahay.
C. Magpapahain sa nanay dahil gutom na.
D. Magliligpit ng mga kalat ni nanay na ginamit sa pagluluto

8. Si Ana ay nagtutupi ng mga damit na pinaglabhan ng kanyang ina. Saan


niya dapat ilalagay ang mga ito?
A. Kama
B. Mesa
C. Silya
D. Aparador

9. Masayang ipinagmamalaki ng iyong mga magulang ang iyong kapatid na


nakakuha ng matatas na marka sa kanyang eksamin. Ano ang
mararamdaman mo?
A. Matutuwa
B. Magagalit
C. Magseselos
D. Magtatampo

10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa


utos ng magulang?
A. “Tatay naman. Ako na naman po? Maaari po bang si ate naman ang
inyong utusan? Pagod pa po ako eh.”
B. “Dad, si kuya po. Inuutusan na naman po ako. Pwede naman pong siya
na ang gumawa.”
C. “Opo, inay. Ako na po ang sasama kina Lolo at Lola.”
D. Cge na nga! Ako na ang maghuhugas ng pinggan!

11. Pinagpapala ng Panginoon ang batang masunurin sa kanilang magulang.


Bakit kailangan nating igalang ang ating mga magulang?
A. Sapagkat sila ang nagpapakain sa atin.
B. Dahil matatanda na sila kaya nararapat na sila ay igalang.
C. Sapagkat Bigay sila sa atin ng Maykapal.
D. Dahil sila ang nag-aalaga at nagbibigay sa ating ng maayos na buhay.

12. Alin sa mga sumusunod na larawan ang patapon na bagay na maaari pang
pakinabangan?
A.

B.

C.

D. .

13. Ang mga sumusunod ay mga gawaing nagpapakita ng


mabuting gawain
maliban sa isa:

A. Sinasabi ko sa aking mga magulang na iba na lang ang utusan nila.


B. Sinusunod ko ang ipinagagawa sa akin ng aking magulang nang bukal sa
aking puso.
C. Tutulungan ko ang aking ate sa paglilinis ng bahay.
D. Lagi kong ginagawa ang mga gawaing nkaatas sa akin.

14. Wala kang pasok sa paaralan, paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng


kalinisan at kaayusan ng inyong tahanan?
A. Yayaing maglaro sa loob ng bahay ang mga bata.
B. Ikalat ang mga laruan matapos maglaro
C. Tumulong maglinis kay Ate at ky nanay.
D. Matulog buong maghapon at magtatrabaho kong tapos ng matulog

15. Pinagsabihan ni Lola Sela ang kanyang apo na si Lito na importante ang
pagsisipilyo ng ngipin, ngunit hindi niya ito pinansin. Ano sa tingin mo ang
mangyayari sa kanya?
A. Puputi at gaganda ang ngipin niya.
B. Babaho ang kanyang hininga.
C. Magkakasakit si Lito.
D. Masisira ang kanyang mga ngipin.

16. Naglalaro ang iyong mga nakababatang kapatid, maya-maya ay narinig mo


na nag-aaway sila . Ano ang iyong gagawin?
A. Sisigawan sila at papaluin.
B. Ipapaalam kay Nana yang nangyari para sila ay pagalitan.
C. Makikisali ako sa kanilang away para mas masaya.
D. Kakausapin at pagsasabihan sila na masama ang mag-away.

17. Hindi sinasadyang mauga ng iyong kapatid ang mesa kung saan ka
nagsusulat ng iyong takdang -aralin. Ano ang gagawin mo?

A. Patatawarin ang kapatid dahil hindi naman niya sinasadya.


B. Pagagalitan ang kapatid dahil hindi ito nag -iingat.
C. Kakausapin ang kapatid na mag-iingat.
D. Papaluin ang kapatid para madala.
18. Sabado walang pasok, nakita mo na marumi at maraming kalat sa loob ng
inyong bahay, paano mo maipapakita sa iyong mga magulang na ikaw ay
isang mabuting anak.

A. Hindi papansinin ang mga kalat .


B. Tatawagin ang bunsong kapatid at uutusan na iligpit ang mga kalat.
C. Maglilinis at liligpitin ang mga kalat sa loob ng bahay.
D. Hihintayin na si nanay ang magligpit at maglinis.

19. Ang Reuse ay ang paggamit sa mga bagay na pwede pang mapakinabangan
ulit. Pangkatin ang mga pahayag na nagpapakita ng kahalagahan nito sa
ating kapaligiran.

I. Mababawasan ang basura sa ating kapaligiran.


II. Magdudulot ito ng masamang epekto sa kalusugan
ng tao.
III. Maiiwasan ang paglala ng polusyon na isa sa mga
problemang pangkapaligiran.
IV. Mapapakinabangan ang mga lumang kagamitan at
mababawasan ang kalat sa paligid.
V. Maiiwasan ang pagbara ng mga estero dulot ng
pagtapon ng basura kahit saan.

A. I, II, III, IV,


B. I, III, IV, V
C. I, II, IV, III
D. I, III, IV, II

20. Lumalala ang problemang polusyon sa ating kapaligiran at kung hindi ito
masulosyunan, tuluyan itong masisira at hindi na mapakikinabangan. Kaya
hinihikayat ang lahat ng tao na gumawa ng pagreresiklo (recycle) na kung
saan gamiting muli ang luma o sirang gamit o bagay na galing sa mga basura
sa pagbuo ng bagong kagamitan. Bilang isang bata na may pagmamahal sa
bayan, ano ang maiambag mo upang makatulong sa gawaing ito?
A. Tutulong ako sa paglilinis sa paligid ng aming bahay.
B. Gagawin kong alkansya ang patapong lata.
C. Hihikayatin ko ang aking mga kalaro na magtanim ng mga gulay.
D. Mag-aral ako ng mabuti para sa magandang kinabukasan.

You might also like