You are on page 1of 85

QUARTER 3

SUMMATIVE
TEST 5
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
(ESP)
Basahin ang bawat pahayag.
Isulat ang titik ng tamang sagot
sa inyong sagutang papel.
1. Si Michael ay batang malinis. Kinagigiliwan siya ng
kanyang mga magulang. Bakit kaya kinagigiliwan si
Michael?
A. Hinahalikan at nagmamano siya kina lolo at lola.
B. Binabalik niya ang sobrang sukli.
C. Nilalagay niya ang kanyang kalat sa tamang basurahan.
D. Maghapon siya naglalaro sa kapitbahay kahit may
pandemya.
 
2. Ang malinis na pamayanan ay kaaya-ayang
tingnan. Bakit kailangang linisin ang ating tahanan
at kapaligiran?
A. Para maging sikat sa ibang barangay.
B. Para ligtas sa sakit ang mga mamamayan.
C. Para magkaroon ng parangal sa inyong
pamayanan.
D. Para maging matalino ang mga tao.
3. Ang malinis na tahanan ay nagpapakita ng kasipagan
ng mga taong nakatira sa isang tahanan. Anong pahayag
ang nagpapakita ng pagiging masipag sa paglilinis?
A. “Mamaya na nanay. Nanonood pa ako.”
B. “ Nanay, tulungan na po kita na maglampaso.”
C. “ Abala ako sa paglalaro ng video games.”
D. “ Bahala ka na diyan. Matutulog na muna ako.”
4. Ang single-used plastic ay nakasisira sa ating
kalikasan. Ano-ano ang mga single-used plastic
na dapat natin iwasang gamitin?
A. karton, dahon, papel
B. straw, plastic cups, supot
C. dumi ng hayop, buto, lata
D. lapis, pambura, bag
 
5. Nakita mong kumakain ng saging si Eliza.
Itinapon lamang niya ang balat ng saging sa daan.
Ano ang gagawin mo?
A. Gagayahin ko si Eliza.
B. Pagsasabihan ko siya na dapat itapon niya ang
basura sa tamang lalagyan.
C. Itatapon ko ang basura sa kaklase namin.
D. Isusumbong ko siya sa aming guro.
6. Ang mga mamamayan ay may
responsibilidad sa kalinisan ng pamayanan.
Saan dapat magtapon ng basura ang bawat tao
sa komunidad?
A. sa kalsada
B. sa kanal
C. sa tamang basurahan
D. sa kapitbahay
 7. Ang batang katulad mo ay may magagawa upang
mapanatiling malinis ang ating kapaligiran. Anong
pahayag ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating
kapaligiran?
A. Gumagamit ako ng reusable container katulad ng
water bottle para sa aking inumin.
B. Tinatapon ko ang dumi ng hayop sa tabing-ilog.
C. Iniiwasan kong maglinis ng bahay.
D. inilalagay ko ang lahat ng basura sa isang lalagyan
lamang.
8. Ang maruming kapaligiran ay
nagdudulot ng sakit. Anong sakit ang
nakukuha mula sa lamok?
A. Sipon
B. Dengue
C. Covid19
D. Rabies
9. Ako ay ginagamit mo kapag ikaw ay
naglilinis. Kasama ko ang pandakot upang
maipon ang mga dumi at basura. Ano ako?
A. basahan
B. walis
C. sabon
D. tubig
 
10. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng
pangangalaga sa kapaligiran maliban sa isa. Alin
ito?
A. Magtanim tayo ng mga puno.
B. Iwasang linisin ang mga kanal.
C. Ihiwalay ang mga basura sa tamang basurahan.
D. Sunugin ang mga dahon sa bakuran.
MTB
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Magkaibigan
Enelyn T. Badillo
Naglalaro sina Len at Zen sa seesaw. Taas- baba sila at
masayang-masaya. Maya-maya ay nakarinig si Len ng malakas
na boses, “Len! Len!” Ang malakas na tawag ng kanyang ina.
Opo! Uuwi na po ako.. “Kaagad na tumigil sa paglalaro ang
magkaibigan at umuwi na si Len. “Anak, maaari mo ba akong
tulungang ihanda ang sahog na sitaw at sili para maluto ko na
ang sinigang para sa hapunan? “Opo , Inay” Nagmamadaling
tinulungan ni Len ang kanyang ina.
1. Bakit kaya tinawag si Len ng kanyang ina?
A. para matulog
B. para kumain
C. para tumulong

2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


A. Len at Zen
B. Ben at Ven
C. Jon at Bon
3. Anong ginawa ni Len nang tinawag sila ng kanyang
nanay?
A. nag-aaral B. naglalaro C. nagluluto

4. Saan naglalaro sina Len at Zen?


A. sa palaruan
B. sa seesaw
C. sa likod ng bahay
 
5. Paano sumagot si Len sa kanyang ina?
A. magalang
B. mahina
C. walang galang
6. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama ang
pagkagamit ng malaking titik at bantas nito.
A. mahal ko ang pilipinas.
B. Malinis ang Kapaligiran
C. Wow! Ang ganda ng bulaklak ng rosas.
D. Ano ang pangalan mo.
7. Alin sa mga sumusunod ang wasto ang
pagkagamit ng bantas sa pangungusap?
A. Sino ang tahimik na bata.
B. Ano ang paborito mong pagkain?
C. Kailan ka sasayaw ng Galaw Pilipinas.
D. Bakit ka nahuli sa klase.
8. Ano ang wastong bantas sa
pangungusap?
Naku__ Nanalo ang bata.
A. tandang pananong
B. tandang padamdam
C. tuldok
D. kuwit
9. Anong bantas ang ginagamit sa
pangungusap na nagkukuwento?
A. tuldok
B. tandang pananong
C. Kuwit
D. tandang padamdam
10. Anong bantas ang gingamit sa
pangungusap na nagtatanong?
A. kuwit
B. Tuldok
C. tandang pananong
D. tandang padamdam
ARALING
PANLIPUNAN
(AP)
1. Gutom na gutom si Analiza kaya nagmamadali siyang
pumunta sa kantina upang bumili ng kanyang pagkain pero,
pagdating niya doon maraming nakapila. Ano ang dapat niyang
gawin ?
A. Paalisin ang mga kamag-aral sa pila.
B. Pupunta sa unahan ng pila para makabili siya agad.
C. Pipila nang maayos at maghintay ng pagkakataon.
D. Makipila siya at itulak ang mga bata na nasa harapan.
2. Bago dumating ang mga mag-aaral sa paaralan, maagang
naglinis ang dyanitor. Ano ang maaaring gawin ng isang mag-
aaral na tulad mo?
A. Iwasang magkalat sa paaralan.
B. Ikalat ang mga basura na nasa basurahan.
C. Itapon kung saan-saan ang mga kalat na nasa loob ng iyong
bag.
B. Sabihin sa mga kaklase na huwag itapon ang basura sa
basurahan.
3. Kasalukuyang nagtuturo si Bb. Arlene Gomez sa
kaniyang klase sa Araling Panlipunan. Alin ang
nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin habang
nagtuturo ang guro?
A. Si Gena ay kumakain.
B. Nakikinig nang mabuti si Amelita.
C. Naglalaro sina Donna at Sunshine.
D. Nag-uusap at nagtatawanan ang magkaklase.
4. Araw ng Lunes, maagang gumising si Rhoda para
maghanda sa pagpasok sa paaralan.Nagmamadali
siyang pumasok sa paaralan. Bakit kaya siya
nagmamadali?
A. Upang makapasok sa takdang- oras
B. Upang makipaglaro sa mga kaibigan
C. Upang makabili ng pagkain sa kantina
D. Upang makapunta sa bahay ng kaklase
5. Mahalagang sumunod ang mga mag-aaral sa
mga alituntunin upang mapanatili ang
kaayusan at katahimikan sa paaralan. Ano ang
maaaring mangyari sa mga batang sumusunod
sa mga alituntunin?
A. Ikinahihiya C. kinamumuhian
B. Ikinararangal D. kinababaliwan
6. Pumila nang ___________ sa kantina tuwing
rises.
A. magalang C. masunurin
B. maayos D. mabait

7. ___________ ang mga upuan bago umalis ng


silid-aralan.
A. Ikalat C. Sulatan
B. Tumbahin D. Ayusin
8. Pumasok nang ____________ sa paaralan.
A. mabuti C. Maaga
B. maayos D. paminsan- minsan

9. ___________ ang pinagkainan pagkatapos ng


rises.
A. Kinakalat C. Kinakain
B. Inililigpit D. Binubulsa
10. __________ ang guro kung siya ay
nakasalubong.
A. Binabangga C. Iniiwasan
B. Binabati D. Tinatalikuran
MATH
1. Alin sa mga sumusunod na hugis ang dapat
ilagay sa patlang?

______

A. B. C. D.
2. Ang mga hugis, kulay, bilang o
oryentasyon ay maaaring inuulit ng
maraming beses.Ano ang tawag sa paraan na
ito_____?

A.Pattern C. Bagay
B. Larawan D. Hugis
3. Alin sa mga larawan ang Repeating
pattern ?
4.Alin ang kasunod ng AA BBB CCCC
________upang mabuo ang pattern?
A.DDD
B. DDDD
C. DDDDD
D. DDDDDD
5. Pag-aralan ang pattern. Alin ang
kasunod na bagay. Iguhit mo.

_______
6.Ang mga hugis, linya, kulay na patuloy
sa disenyo ng mga kasuotan, kagamitan
at istruktura ay tinatawag nating
_______
A.Repeating pattern
B. Continuous pattern
C. Bagay
D. Larawan
7.Ang pattern na 2-4-6-8-10 ay patuloy na
numero.Anong uri ng pattern ito?
A.Repeating pattern
B. Continuous pattern
C. Pattern
D. Larawan
8. Nagkakaroon ng _______ kung may
bagay na inuulit ng maraming beses ;
maaring itong hugis, kulay, bilang o
oryentasyon.
A. Larawan
B. Pattern
C. Hugis
D. Bagay
9. Anong uri ng pattern ang kalendaryo?

A.Repeating pattern
B. Continuous pattern
C. Pattern
D. Larawan
10 .Ang pattern na
ay inuulit. Anong uri ng
pattern ito?
A.Repeating pattern
B. Continuous pattern
C. Hugis
D. Larawan
FILIPIN
O
1. Ang pangngalang di-tiyak ay
tumutukoy sa ngalan ng babae o
lalaki. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI kabilang dito?
A. guro C. reyna
B. nars D. pangulo
 
2. Kung ang kasarian ng madre ay
pambabae, ano naman ang kasarian ng
bola?
A. Pambabae C. Panlalaki
B. Di-tiyak D. Walang kasarian
 
3. Kung ang kasarian ng pangngalang pulis
ay Di-Tiyak, ano naman ang kasarian ng
hari?
A. Pambabae C. Panlalaki
B. Di-tiyak D. Walang kasarian
4. Ilan lahat ang kasarian ng pangngalan?
A. 2 C. 4
B. 3 D. 5
 
5. Ang pangngalang panlalaki ay tumutukoy sa
ngalan ng lalaki. Alin sa mga sumusunod ang
halimbawa nito?
A. Ninang C. pambura
B. kalabaw D. ninong
6-10 Basahin ang kuwento at sagutin ng wasto ang mga
tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Ang Batang Malinis


Si Pepa ay isang batang malinis. Naghuhugas siya
lagi ng kamay bago kumain. Laging nagsisipilyo
tuwing matatapos kumain. Araw-araw naliligo at
laging naglilinis ng katawan tuwing matatapos
maglaro. Kaya naman si Pepa ay hindi nagkakasakit.
6. Sino ang batang malinis?
A. Si Pepe C. Si Popo
B. Si Pepa D. Si Pepang
 
7. Ano ang ginagawa ni Pepa bago
kumain?
A. Siya ay naghuhugas ng plato.
B. Siya ay naghuhugas ng kamay
C. Naglalaro muna siya.
D. Sumasayaw si Pepa.
 
8. Ano ang ginagawa ni Pepa pagkatapos
kumain?
A. Naglalaro siya.
B. Kumakanta siya.
C. Nanonood siya.
D. Nagsisipilyo siya ng ngipin.
 
9. Bakit hindi nagkakasakit si Pepa?
A. Siya ay mahilig sa tsokolate
B. Siya ay hindi naliligo.
C. Paborito niya ang sorbetes.
D. Siya ay naliligo araw araw at laging
malinis sa katawan.
 
10. Ginagawa mo din ba ang ginagawa ni Pepa?
A. Hindi, dahil gusto kong nagkakasakit.
B. Hindi, dahil ayaw kong maligo.
C. Oo, dahil ayaw kong magkasakit.
D. Oo, dahil mataas ang grado ko.
 
ENGLIS
H
Read each sentence carefully.
Encircle the letter of the
correct answer in your
notebook.
1. Dara got a perfect score in their exams. What is
the cause why she got a perfect score?
A. She sleep all day.
B. She study hard.
C. She ate a lot.
D. She went to the mall.
2. Kids are wearing scary costumes because
___________________.
A. It is Halloween.
B. It is Christmas day.
C. It is Valentine’s day.
D. It is Mother’s day.
3. with the farmers?
A. because he was sleepy
B. because he was bored
C. because he was hungry
D. because he was sad
4. What was the effect of the boy’s playing
tricks with the farmers?
A. The farmers were happy.
B. The farmers thanked the boy.
C. The farmers got angry.
D. The farmers were afraid.
Study the pictures, then choose the most accurate effect for each.
Write only the letter of the correct answer.

5. A boy falls off his bike


A. He reads a book.
B. He skins his knee.
C. He claps his hands.
D. He stomps his foot.
6. Jen studied hard for the test.
A. She played basketball after lunch.
B. She got high frades.
C. She stops studying.
D. She gets absent often.
7. It snowed and rained all night.
A. Classes were suspended.
B. Children went to the beach.
C. Children went to the mall.
D. Animals played under the rain.
8. If a tire goes flat, what is the
possible solution for it?
A. Put air in it.
B. Throw the tire.
C. Leave the vehicle.
D. Go home right away.
9. What is the problem if a girl uses her
umbrella?
A. It is cold outside.
B. It is raining outside.
C. It is dark outside.
D. There are many stars up the sky.
 
10. If you do not know your homework,
what is the best solution?
A. Forget your homework.
B. Ask the help of parents.
C. Sleep early.
D. Go to the beach.
MUSIC
1. Ang kilos ng mga hayop ay maihahalintulad sa
dynamics. Ano ang dynamiks ng kilos ng daga?
A. malakas C. malaki
B. mahina D. maliit
2. Anong salita ang bubuo sa pahayag na, “Ang
malaking kilos ay may ____________ na
dynamiks.”
A. malakas C. maliit
B. mahina D. malaki
3. Alin sa mga sumusunod na larawan
ang nagpapakita ng malaking kilos?

A. B. C. D.
4. Kung ang paruparo ay may maliit na kilos, sa
anong dynamiks mo ito maihahalintulad?
A. malakas C. maliit
B. mahina D. malaki
 

5. Anong hayop ang nagpapakita ng mahinang


dynamiks?
A. elepante C. gagamba
B. kabayo D. baka
ARTS
Panuto: Pagmasdan ang bawat
larawan. Ikonek ang mga larawan
sa Hanay A sa tamang tekstura na
tinutukoy nito sa hanay B. Isulat
ang titik ng tamang sagot.
1. A. makinis
2. B. matigas
3. C. malambot
4. D. magaspang
5.
PE
1. Nakalalakad at nakatatakbo tayo ng mabilis
at mabagal depende sa ating mga gawain. Alin
sa mga sumusunod na kilos ang naaayon kung
tayo ay makikipaghabulan?
A. mabilis na pagtakbo
B. mabagal na pagtakbo
C. dahan-dahan na paglakad
D. dahan-dahan na pagtakbo
2. Alin ang naaayon na kilos kung
ikaw ay nasa pamilihan?
A. tumakbo habang namimili
B. lumakad ng katamtaman
C. mabilis na lumakad
D. tumakbo nang dahan-dahan
3. Inutusan ka ni Nanay na kunin ang
pitsel na puno ng tubig, paano ka
maglalakad?
A. mabagal
B. tumakbo
C. Mabilis
D. huwag kunin ang pitsel
4. Alin ang nagpapakita ng
galaw na mabilis?

A. B. C. D.
5. Alin ang nagpapakita ng galaw na
mabagal?

A. B. C. D.
HEALTH
1. Masipag na bata si Pilo. Araw – araw ay
tumutulong siya sa paglilinis ng kanilang bahay
upang makalanghap sila ng sariwang hangin Alin
sa mga sumusunod ang kaniyang ginagawa?
A. Pinapasok sa loob ang mga alagang aso
B. Nagwawalis at inilalabas ang mga basura.
C. Sinasara ang mga bintana at pintuan.
2. Laging sarado ang mga bintana at pintuan
ng inyong kapitbahay. Ano kaya ang maaring
dulot nito?
A. Magiging mabango ang loob ng bahay.
B. Mangangamoy ang loob ng bahay.
C. Magiging maaliwalas ang pakiramdam ng
nakatira.
3. Bumisita ka sa iyong kaibigan.Nakita mo na
napakalinis ng kanilang bahay.Ano ang
maaring dulot nito sa iyong kaibigan?
A. Magiging sakitin si Nene.
B. Babahoang loob ng kanilang bahay.
C. Magiging maaliwalas ang kanilang
pakiramdam.
4. Laging naninigarilyo sa loob ng
bahay ang iyong kapatid. Ano ang
dapat mong gawin?
A. pagalitan
B. pagsabihan
C. sigawan
5. Ang polusyon sa panloob na hangin ay
maaring magdulot ng ____________?
A. sakit
B. kasiyahan
C. Sariwang hangin
 
Thank You!

You might also like