You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DEL NORTE
Langilan District
PATEL ELEMENTARY SCHOOL

Unang Panahunang Pagsusulit sa ESP V

Pangalan:_________________________________ Petsa:_________________________

Paaralan:__________________________________ Iskor:_________________________

I.PANUTO: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang titik nang napili
mong sagot.

1. Narinig mo sa iyong kapitbahay na mayroong darating na malakas na lindol sa inyong


lugar. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ibalita kaagad ang narinig.
B. Suriin muna kung totoo ang balita.
C. Maghanda kaagad sa paparating na lindol.
D. Aalis kaagad sa inyong lugar.

2. Ano ang dapat gawin kung makarinig ng balita sa telebisyon man o pahayagan?
A. Maniwala kaagad.
B. Isangguni sa kainauukulan ang narinig.
C. Ipagkalat kaagad ang balita.
D. Balewalain ang balita.

3. Narinig mo sa radyo ang balita na mayroong asong ulol na nangangagat ng mga bata na
nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay dahil sa rabies. Paano mo ito ibabahagi?
A. Ipaalam ang balita sa punong barangay.
B. Balewalain ang narinig na balita.
C. Hayaan lang ang balita.
D. Hayaan ang iba na makaalam nito.

4. Alin sa mga sumusunod ang magandang balita?


A. Ang alitan ng pangulo at mga kinatawan ng Senado.
B. Ang pag-aagawan ng teritoryo.
C. Ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Ang lindol na naganap sa Batangas.

5. Sa pagbabalita pawang ______ lamang ang dapat manaig upang magkaroon nang
maayos na pamayanan.
A. katotohanan
B. kasinungalingan
C. katapangan
D. karangyaan
II.PANUTO: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang OO kung
nagpapakita ang pangungusap nang mapanuring pag-iisip, HINDI naman kung
wala.

_______6. Nagbabasa ng aklat at magasin na nakadaragdag sa iyong kaalaman at


kakayahan.
_______7. Naniniwala kaagad sa patalastas na napanood o narinig.
_______8. Inihahambing ang balita o mensaheng nabasa sa facebook at sa pahayagan.
_______9. Napipili ang mga pelikula at programang hatid ay kaalaman at aral sa buhay.
_______10. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang-aralin.

III.A.PANUTO: Isulat ang tsek ( ✓ ) sa patlang kung ang pahayag ay nagpapakita


ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral at ekis ( X ) kung hindi
nagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral.

_______11. Nakikipag-usap sa katabi sa oras ng talakayan ng guro.


_______12. Aktibong nakikilahok sa pangkatang gawain.
_______13. Nagtatanong kung mayroong hindi naintindihan sa aralin.
_______14. Inuuna ang paglalaro kaysa sa paggawa ng proyekto.
_______15. Maagang tinatapos ang takdang aralin.

B.PANUTO:Suriing mabuti ang larawan. Sagutin ang mga sumusunod na


katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

16. Ano ang ginagawa ng mga mag-aaral sa larawan?


A. Nagkakasiyahan sa paglalaro
B. Pinag-uusapan ang ibang kaklase
C. Nagtutulungan sa pangkatang gawain
D. Masusing nag-uusap tungkol sa kahit anong bagay

17. Ano ang ipinapakita ng bawat miyembro ng pangkat sa kanilang ginagawa?


A. Nagtutulungan ang bawat miyembro
B. Nakikinig ang bawat isa sa ideya ng iba
C. Nakikiisa ang bawat isa sa gawain
D. Lahat ng nabanggit

18. Sa iyong palagay, ano ang dapat tandaan ng bawat miyembro ng pangkat upang
maging mabilis at maayos ang gawain?
A. Ipaubaya sa ibang miyembro ang gawain dahil sa tingin mo mas magaling sila sa iyo.
B. Makikilahok ang bawat miyembro upang mapadali ang gawain.
C. Hindi sasali sa gawain dahil walang ibabahaging ideya.
D. Ipagpilitan ang nabuong ideya tungkol sa gawain.

19. Ano ang iyong gagawin kung hindi mo naintindihan ang ipinapagawa sa iyo ng guro?
A. Hayaan na lang kasi nakakahiya.
B. Magtatanong sa katabi kung anong gagawin.
C. Hindi na lang iintindihin ang sinasabi ng guro.
D. Mahinahon na tatanungin ang guro tungkol sa gawain.

20. Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag may ginagawang proyekto ang iyong
pangkat?
A. Upang maintindihan ang ideya ng bawat isa nang mapabilis ang ginagawang proyekto
B. Upang lalong mapatagal ang ginagawang proyekto
C. Upang bigyan ng malaking marka ng guro
D. Upang purihin ng guro

IV.PANUTO: Piliin sa Kolum B ang ibig sabihin ng pahayag na nasa Kolum A.


Isulat sa patlang ang iyong sagot. (Bilang 21-30)

KOLUM A KOLUM B
_______21. Paggawa ng di inuutusan a. tungkulin

_______22. nakatakdang proyekto b. pagtutulungan

_______23. kooperasyon sa gawain c. pagkukusa

_______24. samahan d. pagkakaisa

_______25. pagtatapos ng gawain e. gawain

_______26. inaasahang gampanin f. katarungan

_______27. nais na makamtan sa paggawa g. pangkat

_______28. sama-samang paggawa h. tagumpay

_______29. Pahayag ng pagmamalasakit i. layunin

_______30. Pagbibigay sa kapwa sa nararapat j. pakikilahok


V.PANUTO: Hanapin ang limang mga salita sa kahon na nakatutulong upang
makakuha ng mga kinakailangan at bagong impormasyon. Isulat ito sa sagutang
papel.

Ang limang mapagkukunan ng mga kailangan at bagong impormasyon ay:

31. _______________________

32. _______________________

33. _______________________

34. _______________________

35. _______________________

VI. PANUTO: Para sa bilang 36-40, magbigay ng 5 salita o pariralang nauugnay


sa salitang nakapaloob sa ibaba.

Inihanda ni:

Rose Marie D. Tadle


Guro

You might also like