You are on page 1of 3

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 5

SY 2023-2024
Pangalan: _________________________________________________ Iskor:
Petsa: _____________________
I. Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang bago ang bilang kung ang pahayag ay nagpapakita ng mapanuring pag-
iisip at MALI naman kung hindi.

___________1. Naniniwala ako sa balitang aking nabasa tungkol sa mga dahilan ng pagpapasara sa ABS- CBN.
___________2. Paglalaro ng computer games kaysa paggawa ng iyong takdang-aralin.
___________3. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.
___________4. Paniniwala sa patalastas na napanood o narinig.
___________5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.
___________6. Pakikinig ng mga programa sa radyo na nagtuturo ng paggawa nang makabuluhang bagay.
___________7. Naikukumpara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o facebook.
___________8. Pagpapahalaga sa panonood ng mga telenobela kaysa mga balita.
___________9. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kumpletong detalye ang balita ukol sa pamamahagi ng
bigas.
___________10. Pagtimbang ng isyu sa magkabilang panig bago ka gumawa ng pagpapasiya.

II. Panuto: Isulat ang mga programang madalas ninyong panoorin sa telebisyon o mga di malilimutang
pelikula.

11.

12.

13.

14.

15.

III. Panuto: Ipahayag ang iyong pananaw at tamang pagpapasya at magandang saloobin sa mga sumusunod na
sitwasyon o gawain.
16-17.Malapit na ang pagsusulit, ano ang nararapat mong gawin upang maipasa ang lahat ng iyong asignatura at
makakuha ng kasiya-siyang marka?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
18-19. Napansin mong hindi maayos ang pagtatapon ng basura sa paaralan, anong proyekto ang mailulunsad mo
bilang miyembro ng SPG?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
20-21 Nagkakaroon ng gulo sa paglilikom ng pondo para sa inyong pangkat sa TLE dahil sa hindi
pagkakaunawaan ng dalawang miyembro. Ano ang iyong imumungkahing solusyon upang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
22-23. Niyaya ka ng matalik mong kaibigan na dumaan muna kayo sa palaruan bago pumasok sa paaralan. Sa
kapipilit ay sumama ka sa kaniya dahilan para mahuli kayo sa klase. Tinanong kayo ng inyong guro kung bakit
nahuli kayo sa pagdating. Ano ang sasabihin mo?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
24-25. Nawawala ang pitaka ni Jenny, nakita mong napulot ito ni Sam. Nang magtanong ang inyong guro kung
sino ang nakapulot ay walang umiimik. Ano ang iyong gagawin?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

III. Panuto: Suriing mabuti ang larawan. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

26. Ano ang ginagawa ng mga mag-aaral sa larawan?


A. Nagkakasiyahan sa paglalaro
B. Pinag-uusapan ang ibang kaklase
C. Nagtutulungan sa pangkatang gawain
D. Masusing nag-uusap tungkol sa kahit anong bagay
27. Ano ang ipinapakita ng bawat miyembro ng pangkat sa kanilang ginagawa?
A. Nagtutulungan ang bawat miyembro
B. Nakikinig ang bawat isa sa ideya ng iba
C. Nakikiisa ang bawat isa sa gawain
D. Lahat ng nabanggit
28. Sa iyong palagay, ano ang dapat tandaan ng bawat miyembro ng pangkat upang maging mabilis at maayos
ang gawain?
A. Ipaubaya sa ibang miyembro ang gawain dahil sa tingin mo mas magaling sila sa iyo.
B. Makikilahok ang bawat miyembro upang mapadali ang gawain.
C. Hindi sasali sa gawain dahil walang ibabahaging ideya.
D. Ipagpilitan ang nabuong ideya tungkol sa gawain.
29. Ano ang iyong gagawin kung hindi mo naintindihan ang ipinapagawa sa iyo ng guro?
A. Hayaan na lamang sapagkat nakakahiya.
B. Magtatanong sa katabi kung anong gagawin.
C. Hindi na lamang iintindihin ang sinasabi ng guro.
D. Mahinahon na tatanungin ang guro tungkol sa gawain.
30. Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag may ginagawang proyekto ang iyong pangkat?
A. Upang maintindihan ang ideya ng bawat isa nang mapabilis ang ginagawang proyekto
B. Upang lalong mapatagal ang ginagawang proyekto
C. Upang bigyan ng malaking marka ng guro
D. Upang purihin ng guro
IV. Panuto: Isulat ang salitang Matapat kung ang diwang ipinapahayag ng pangungusap ay nagpapakita nang
matapat na paggawa sa proyektong pampaaralan at katapatan sa saloobin sa pamilya at paaralan at Di-Matapat
kung hindi.
____________31. Dinadala mo ang mga gamit ninyo sa bahay para sa proyekto nang hindi nagpaalam sa iyong
mga magulang.
____________32. Pag-iwas sa tsismis o kuwentong walang katotohanan.
____________33. Paglalaan ng libreng panahon sa proyekto kapag walang gaanong pinagkakaabalahan.
____________34. Pagtatago ng lihim na ipinagkatiwala ng iba.
____________35. Dumadalo sa pagpupulong ng pangkat sa tamang oras.
____________36. Pagbibigay ng puri na mula sa puso.
____________37. Ginagawa ang takdang-aralin at ginagawa ang proyekto pagkatapos.
____________38. Nagsisinungaling upang hindi mapagalitan.
____________39. Hinihikayat ang mga kapangkat na magtulong-tulong mula umpisa hanggang matapos.
____________40. Nangongopya sa oras ng pagsusulit dahil hindi nakapag- aral.

V. Panuto: Paano mo mapatutunayan na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain? Punan ang bawat
patlang upang mabuo ang tamang salita.
Ang anomang gawain basta may 41.(_________isa) ay madaling matapos. Kapag namamayani ang diwa
ng 42.(______tu_______) sa pangkat, gumagaan ang gawain. Mapagtatagumpayan ang proyekto o gawain sa
43. (paki______________) sa pagtamo ng layunin nito. Dapat mong mabatid na ang bawat miyembro ay may
mahalagang 44.(___________lin) na dapat gampanan. Ang 45. (_____ku________ ) o bolunterismo sa
paggawa ng isang proyekto ay nagpapalalim sa kahulugan ng diwa ng pakikiisa.

VI. Panuto: Gamitin mo ang worksheet na ito upang maipamalas mo na ikaw ay instrumento o daan sa
pagpapahayag ng katotohanan. Gumawa ka ng isang plano kung paano mo ipapakita ang iyong pagmamahal sa
katotohanan sa panahong nahaharap sa isang sitwasyon na kailangan mong manindigan nang buong tapang
gaano man ito kasakit para sa iyo at sa kapwa mo. (46-50)
Ako si ___________________________________________________, ay magsisilbing instrumento ng
katotohanan sa sitwasyong ito _______________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.
Ang gagawin ko ay ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.
Ang sasabihin ko sa kanya ay ________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.
Lagi kong iisipin na ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.

Inihanda ni:

APRIL JOY S. VILLANUEVA


Guro

You might also like