You are on page 1of 24

FILIPINO SA PILING LARANGAN-

AKADEMIK
PAGSULAT NG AKADEMIKONG
SULATIN - AGENDA
KUWARTER 2, WEEK 6
PAGSULAT NG AKADEMIKONG SULATIN - AGENDA
Ang Modyul na ito ay tumatalakay sa mga wastong proseso sa
pagsulat ng piling akademikong sulatin at magamit ng wastong format at
teknik sa pagsulat nito.

Iyong matutuhan sa modyul na ito ang:

 Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga


piniling akademikong sulatin (CS_FA11/12PU-0d-f-92)

 Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin


(CS_FA11/12EP-0p-r-40)

 Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin


(CS_FA11/12PU-0p-r-94)

Bago isagawa ang modyul ay


narito ang ilang mga paalala at
dapat mong tandaan:
1. Sagutin nang may katapatan
ang paunang pagsusulit ba-
go isagawa ang mga
Gawain,
2. Isagawa ang mga hinihing-
ing Gawain,
3. Sagutan ang lahat ng Pag-
sasanay
4. Itama ang mga kasagutan
gamit ang mga susing sagot
5. Sagutan ang Pangwakas na
pagsusulit

1
3
Nais kong malaman
kung hanggang saan na ang
iyong nalalaman hinggil sa
ating bagong aralin. Ngayon
naman ay subukin mong
sagutin ang panimulang pag-
susulit..

I. PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang


bilang. Tanging malalaking titik ang gagamitin. Sikaping walang bura.
__________ 1. Naglalaman ng mga puntos na pag-uusapan sa pulong.
A. Bionote B. Agenda C. Talumpati D. Katitikan
__________ 2. Ilang araw dapat ihanda ang agenda bagong ang pulong?
A. 3 araw B. 4 araw C. sa mismong pulong D. 1 araw
__________ 3. Bahagi ng agenda na pag-uusapan sa pulong.
A. Lugar B. Oras C. Puntos D. Araw
__________ 4. Sa anong salita maaaring iugnay ang agenda?
A. Kasaysayan B. Bola C. Hayop D. Mapa
__________ 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang su-
lating agenda?
A. Kalahaok B. Listahan C. Buod D. Direksiyon
__________ 6. Sino ang madalas na sumusulat ng isang Agenda?
A. Pinuno B. Alagad C. Katulong D. Empleyado

2
II. Panuto: Bilugana ng titik ng tamang sagot sa bawat pahayag.(3
puntos)
1. I. Sumulat ng agenda tatlong araw (3) bago ang aktuwal na pagpu
pulong
II. Ilista agad ang layunin at puntos ng pagpupulong.
III. Sikaping sumulat ng mas bababa sa limang paksa sa agenda.
A. tama ang I C. tama ang I, II at III
B. mali ang II at III D. mali lamang ang III
2. I. Saan ang Kailan magaganap ang pagpupulong?
II. Bakit at Paano isasagawa ang pagpupulong?
III. Sino-sino ang mga kasapi sa gagawing pagpupulong?
A. tama ang I C. tama ang I, II at III
B. mali ang II at III D. mali lamang ang II
3. I. Sikaping sumulat ng mas bababa sa sampung paksa sa agenda.
II. Isulat ang oras na nagamit pagkatapos ng pulong.
III. Isulat rin ang mga kaugnay na paksa sa pagpupulong na magpapala-
wak ng usapin.
A. tama ang I C. mali ang I, II at III
B. tama ang II at III D. mali lamang ang II

Sa pagsulat ng isang replektibong sanaysay, napaka-


halaga ng paksang pipiliin at kinakailangang marami kang
kaalamang maibabahagi upang maging kapakipakinabang ang

3
5
Nasubukan mo na bang dumalo sa isang pagpupulong? May-
roon bang sinusundang paksa na kailangang pag-usapan sa pulong?
Ano kaya ito?

Ang AGENDA ay isang sulatin o listahang nagsasaad ng mga


puntos o paksang pag-uusapan o tatalakayin kung saang iikot at bibig-
yang pokus sa isang pagpupulong.

LAYUNIN NG PAGSULAT NG AGENDA


Ito rin ang mga inihandang hangaring masolusyunan,
mabigyang atensiyon o mabigyan ng lunas ng mga kasapi sa pangkat
tulad ng hukbo, departamento, kongregasyon o pamahalaan.
Madalas na ang sumusulat ng agenda ng isang pagpupulong ay
ang mga taong responsable sa pagbubuo nito tulad ng Kapitan, Mana-
ger, CEO, Presidente at lahat ng mga namumuno sa isang pangkat. Sila
rin ay nagkakaroon ng konsultasyon sa kani-kanilang kalihim sa pag-
imprinta nito.

4
MGA NILALAMAN NG ISANG AGENDA

1. Saan ang Kailan magaganap ang pagpupulong? Sa anong oras


magsisimula at matatapos ang pagpupulong?
Layunin nitong makadalo ang lahat ng mga taong inaasahan sa
pagpupulong. Tinitiyak din nito na makararating sila sa tamang oras at
lugar. Sikaping huwag laging huli sa pag-anunsiyo sa bahaging ito ng
isang Agenda. Mahalaga lagi ang oras ng bawat isa.

2. Ano-ano ang mga layunin o puntos na nais matamo sa pagpu-


pulong?
Ang makasasagot sa salitang “bakit” sa isipan ng mga kalahok
sa isasagawang pagpupulong. Tiyaking may kaalaman na ang mga kala-
hok sa mga pag-uusapan bago magsimula ang pulong.
3. Ano-ano ang mga paksa o usapin ang tatalakayin at bibigyang
atensiyon?
Gawing maikli, malinaw at madaling maunawaan ng mga kala-
hok. Maaaring ipadala sa kanila ang kopya sa e-mail o nakalimbag
upang makapagbigay sila ng mga opinion ukol dito.
4. Sino-sino ang mga kasapi sa gagawing pagpupulong?
Tiyaking ang mga kailangang kalahok lamang ang isama sa
listahan na dadalo sa pagpupulong. Sikaping propesyunal ang pagpapa-
halaga sa oras at presensiya ng lahat ng kalahok.

5
7
Mga Paksang Nilalaman ng Isang Agenda

 Mga arawan, lingguhan o buwanang ulat ukol sa kompanya o pama-


halaan

 Mga nakaraang paksa na hindi nabigyang linaw

 Mga bagong puntong pag-uusapan

 Pagtitiyak sa nilalaman ng nasulat na Katitikan ng Pulong

 Mga susunod pang araw ng pagpupulong

Mahusay mo bang
nasundan ang mga hakbang
sa pagsulat ng isang ta-
lumpati? Ngayon naman,
alamin natin ang iyong kahu-
sayan gamit ang naihandang
gawain. Handa Ka na Ba?

6
GAWAIN 1

Panuto : Tukuyin ang mga sumusunod na larawan at iugnay ang mga ito
sa pagsulat ng agenda. Sumulat lamang ng 1-2 payak na
pangungusap ukol dito. Gamitin ang inilaang espasyo para sa
iyong sagot.

1. Larawan:_____________________

_______________________________

_______________________________

_______________________________

_______________________________

2. Larawan:_____________________

_______________________________

_______________________________

_______________________________

_______________________________

3. Larawan:_____________________

_______________________________

_______________________________

_______________________________

_______________________________

7
9
 Sumulat ng agenda tatlong araw (3) bago
ang aktuwal na pagpupulong
 Ilista agad ang layunin at puntos ng pagpu-
pulong.
 Sikaping sumulat ng mas bababa sa limang
paksa sa agenda.
 Isulat ang Target na oras para matapos ang isang paksa.
 Isulat rin ang mga kaugnay na paksa sa pagpupulong.
 Huwag ibibigay sa mga kalahok ang agenda sa araw bago ang pagpu-
pulong. Sikaping lahat ng kalahok ay may kopya ng agenda.

Binabati kita sa
mahusay na pagsagot sa
unang gawain, dali gawin
naman natin ang susunod
na gawain

8
Halimbawa ng Isang Agenda:

Lokasyon: Gusali ng SHS /Rm. 102


Oras: ika-3 ng hapon
Kailan: 3 Hunyo 2020
Kalahok: Kaguruan ng SHS Dept. Kalayaan Nation-
al High School

Panalangin—(Ma’am Jomijea)
Pagtatala ng mga Dumalo (Ma’am Belen)

Mga Agenda ng Pagpupulong:


 Pagpaplano sa Brigada Eskuwela ‘20 (Lahat)
 Iskedyul ng Magiging Klase (Ma’am Mary)
 Plano para sa Enrolment (Sir Clemce)
 Pamimigay ng mga listahan ng hahawa-kang
klase (Sir Philip)
Pangwakas na Pananalita (Sir Markconi)

9
11
GAWAIN 2

Panuto: Sumulat ng isang halimbawa ng agenda na pumapaksa sa


gagawin ng inyong pangkat sa pagtulong na sumunod ang mga
mag-aaral sa tuntunin ng paaralan ukol sa pag-iwas sa pagkalat
ng COVID-19 sa komunidad. Paano mo bubuoin ang agendang
ito? Galingan mo dahil may kaugnayan ang Gawain 2 sa iyong
susunod na gagawin sa Gawain 3.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_____________________________

Rubrik sa Pagwawasto:
Nilalaman - 5 puntos
Estilo - 3 puntos
Gramatika - 2 puntos
10 puntos

10
ALAM MO BA?

“TAPAOJO” - salitang Espanyol na


nangangahulugang “takip sa mata”, o
“Venda,” blindfold sa Ingles. Ito ang
nilalagay sa isang kabayo sa isang
kalesa upang iisa lamang ang
direksiyon na kaniyang makikita. Pang-
iwas rin ito sa maaaring diskrasya sa
kabayo.

ANONG KINALAMAN NG
TAPAOJO SA AGENDA?

Nagsisilbing Tapaojo ang Agenda sa Pagsasagawa ng isang pagpu-


pulong. Nagsisilbi itong pantahak sa tamang direksiyon ng mga mata o
atensiyon ng mga kalahok sa pulong kung ano lamang ang kanilang
pag-uusapan at bibigyang pansin.

Gusto mo rin bang ilagay ito sa Jowa mo para nakatingin lamang


siya sa iyo? Tanungin mo siya kung gusto niya? :)

Wow! Magaling
ang ipinakitang kahusa-
yan sa pagsagot sa Ikala-
wang Gawain, malapit na
tayong matapos sa ating
aralin.

11
13
AGENDA VS KATITIKAN

AGENDA KATITIKAN

Iskedyul at Opisyal na tala


programa at ng mga
listahan ng May lugar,
puntong napag
mga puntos na oras at sino
-usapan sa na-
pag-uusapan sa -sino ang
ganap na
magaganap na dadalo sa
pulong. Tala
pulong. Lista- pulong.
ng mga nang-
han din ng mga Gamit sa
yari sa pulong
dapat dumalo pagpu-
at listahan ng
sa pulong pulong
mga nakadalo.

12
Sa bahaging ito, mag-
sisimula ka ng makagamit ng
modernong teknolohiya sa
pagkakaroon ng pagpupulong!
Tiyak magugustuhan mo!
Handa ka na ba?

GAWAIN 3
Panuto: Gamit ang mga application (app) sa
online, gaya ng Google Meet, Zoom o Group
Messenger Video Call, o Skype bilang miyem-
bro o pinuno ng iyong pangkat, nais kong bumuo
kayo ng isang online na pagpupulong gamit ang
iyong isinulat na Agenda sa Gawain 2. I-record
ang pagpupulong online at sumulat ng Katitikan
ng Pulong na iyong napag-aralan sa mga
naunang modyul. Ipadala ang video ng naganap
na pagpupulong sa e-mail account ko bilang iyong guro sa pagwawasto.

Ipadala ang awtput sa account na ito:

13
15
Paano sumulat ng isang Agenda
para sa Epektibo at Matagumpay na Pagpupulong?

Ayon sa Harvard Business Review mayroong sampung


dapat taglayin ang isang Agenda:

1. Kunin ang input ng mga kasamahan sa mga kailangang pag-


usapan sa pagpupulong.

2. Pumili ng mga puntos na pangkalahatang apekto ang pangkat.

3. Ilista ang mga puntos na maaaring patanong na sasagutin ng mga


kasamahan.

4. Alamin kung ano ang layunin sa pagpapatawag ng pulong.

5. Sikaping maglaan ng tamang oras sa bawat puntos.

6. Lumikha na ng maaaring solusyon sa mga puntos bago ang pag-


pupulong.

7. Ilista ang mga tiyak na kalahok sa pagpupulong.

8. Tapusin ang pulong ng mga kagalakan at katagumpayan.

Nakakabilib! ang
ipinakitang kaga-lingan
sa pang-unawa sa Ikat-
long Gawain, ngayon ay
natitiyak kong handang-
handa ka na upang sagu-
tin ang pangwakas na
pagsusulit. Tara na!

14
I. Panuto: Sumulat ng Agenda ng Pagpupulong. Ipagpalagay natin na ikaw
ang Manager o Tagamapamahala ng isang paaralan o isang kompanya.
Tatalakayin mo ang mga pagbabago sa polisiya dahil sa COVID-19. Paano
mo mailalahad ang nasabing paksa? Ano-ano ang iyong ilalahad na nilala-
man ng iyong agenda? Isulat sa inilaang espasyo sa ibaba. Isaalang-alang
ang iyong mga napag-aralan ukol sa Etika ng pagsulat ng Agenda! Tara
Na!

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

15
17
______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

Sikaping maikli lamang


ang isusulat na Agenda.
Isaalang-alang ang mga
napag-aralan na tinalakay
ng modyul na ito. :)

16
II. SARILING PAHAYAG: Bilang mag-aaral,
gaano kahalaga na malaman mo kung paano su-
mulat ng isang agenda ng pagpupulong?
Makaaapekto ba ito sa iyong magiging trabaho sa
iyong pagtanda?Pangatwiranan ang iyong kasagu-
tan. Gamitin ang inilaang espasyo katabi ng isang
propesyunal. Maligayang pagsusulat!

Rubrik sa Pagwawasto ng Agenda at ng Sariling Pahayag:


Nilalaman - 5 puntos
Estilo - 3 puntos
Gramatika - 2 puntos
10 puntos

17
19
Mga Susing sagot
Gawain 2
Panimulang Pagsusulit
Rubrik sa Pagwawasto:
I. 1. B II. 1. C
Nilalaman - 5 puntos
2. A 2. D
Estilo - 3 puntos
3. C 3. C
Gramatika - 2 puntos
4. D
10 puntos
5. C
6. A
Gawain 3
Gawain 1
(kung nakapagpasa ng video)
(pagwawasto ng Guro ayon sa estilo
ng pag-uugnay ng Agenda sa mga Rubrik sa Pagwawasto:
larawan) Nilalaman - 5 puntos
Rubrik sa Pagwawasto bawat la- Estilo - 3 puntos
rawan:
Gramatika - 2 puntos
Nilalaman - 3 puntos
10 puntos
Gramatika - 2 puntos
5puntos

18
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

( I. Pagsulat ng sariling Talumpati)


Rubrik sa Pagwawasto:
Nilalaman - 5 puntos
Estilo - 3 puntos
Gramatika - 2 puntos
10 puntos

( II. Pagsagot sa pagbuo ng Sariling Pahayag)


Rubrik sa Pagwawasto:
Nilalaman - 5 puntos
Estilo - 3 puntos
Gramatika - 2 puntos
10 puntos

19
21
Aklat:

Villanueva, Bandril. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik


at Sining), Rex Bookstore, 2017.

Filipino sa Piling Larang- Akademik Patnubay ng Guro Unang Limbag


2016 DepEd- BLR

Learning Resource Material:


Deped Learning Portal (Filipino sa Piling Larang—Akademik)

Internet:
https://prezi.com/yl50txuv5w1l/pagsulat-ng-agenda/

https://hbr.org/2015/03/how-to-design-an-agenda-for-an-effective-
meeting

Inihanda ni:

Enrico Lee E. Suarez, MEd


Teacher II
Carael National High School

20
23

You might also like