You are on page 1of 2

Pangalan: _______________________________________ Iskor: ______________

Pangkat: ________________________ Petsa: _____________

Edukasyon sa Pagpapakatao 5
3rd Summative Test: 1st Quarter

I. Tukuyin kung ang pahayag ay nagpapakita ng matapat na paggawa sa proyektong pam-paaralan.


Isulat ang salitang MATAPAT o DI-MATAPAT.

______________1. Sumasali sa pagbuo ng plano kung paano gagawin ang proyekto.


______________2. Dinadala mo ang mga gamit ninyo sa bahay para sa proyekto nang hindi nagpapaalam sa
iyong mga magulang.
______________3. Paglalaan ng libreng panahon sa proyekto kapag walang gaanong pinagkakaabalahan.
______________4. Dumadalo sa pagpupulong ng pangkat sa tamang oras.
______________5. Ginagawa ang takdang aralin kasabay ng paggawa ng proyekto.
______________6. Hinihikayat ang mga kapangkat na magtulong-tulong mula umpisa hanggang matapos.
______________7. Laging hindi tinatapos ang mga dinadaluhang pagpupulong ng mga miyembro ng
pangkat.
______________8. Inaalam ang bawat detalye ng gagawing proyekto.
______________9. Pantay-pantay ang paghahati sa mga gawain.
______________10. Inuutusan ang ibang miyembro na tulungan ka sa bahagi mo sa proyekto.

II. Sabihin kung ang pahayag sa ibaba ay nagpapakita ng pakikiisa sa paggawa. Isulat kung OO o
HINDI sa patlang.

__________11. Pagdalo sa pagpupulong ng mga miyembro ng pangkat.


__________12. Pakikilahok sa palitan ng opinyon kung paano gagawin ang mga proyekto.
__________13. Pagsasaliksik sa silid-aklatan kung paano higit na mapabubuti ang paggawa.
__________14. Patuloy na paglalaro samantalang gumagawa ng proyekto ang mga kasamahan.
__________15. Pakikinig sa opinyon ng ibang miyembro.
__________16. Hindi pagsunod sa utos ng pinuno ng pangkat.
__________17. Pamimintas sa ideya ng iba.
__________18. Pagtulong sa kasama na tapusin ang bahagi nito sa proyektong ginagawa pagkatapos gawin
ang sariling bahagi.
__________19. Pagtatago ng mga material na kailangan upang hindi magamit ng kasama.
__________20. Pagbati sa mga kasama kapag natapos na ang proyekto.

ESP 3RD SUMMATIVE TEST KEY TO CORRECTION:


1. MATAPAT
2. DI-MATAPAT
3. MATAPAT
4. MATAPAT
5. DI-MATAPAT
6. MATAPAT
7. DI-MATAPAT

File created by DepEd Click.


8. MATAPAT
9. MATAPAT
10. DI-MATAPAT
11. OO
12. OO
13. OO
14. HINDI
15. OO
16. HINDI
17. HINDI
18. OO
19. HINDI
20. OO

File created by DepEd Click.

You might also like