You are on page 1of 2

SANAYANG PAPEL PAGKATUTO

Pangalan:_______________________ Baitang at Pangkat: IX-____ Iskor:____


Asignatura: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9 Guro______________________
Markahan: Ika-Apat Lingo: 1, LAS 3 MELC CODE: EsP9PK - IVa -13.1

HILIG

A. TUKLASIN:
Ngayong nasa Baitang 9 ka na, may mga kakayahan ka nang mag-isip at may
malayang kilos-loob na gabay mo sa paggawa ng mabuti. Ang iyong isip ay may
kakayahang alamin at tuklasin ang anumang bagay na naisin. Dahil dito, sa
pagkakataon na ikaw ay magpapasiya at may panahong nalilito sa pagpili ng
anumang bagay o solusyon, nararapat na iwasan ang mabilisan at di pinagisipang
kilos. Kaya ating alamin ang iyong mga hilig na siyang makakatulong sa iyo para
magpasiya kung anong track o kurso ang iyong pipiliin.

B.PAGSUSURI:

Hilig. Nasasalamin ito sa mga paboritong Gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto
mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi
nakakaramadam ng pagod o pagkabagot.

Hinati ng Sikolohistang si John Holland sa anim ang mga Jobs/Careers/Work


environment, ito ay ang mga sumusunod.

a. Realistic- Ang taong nasa ganitong interes ay mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga
bagay gamit ang kanilang malikhaing kamay o gamit ang mga kasangkapan kaysa
makihalubilo sa mga tao at makipagpalitan ng opinyon. Ang mga taong realistic ay
matapang at praktikal, at mahilig sa mga gawaing outdoor.

b. Investigative- Ang mga taong nasa ganitong interes ay mas gusting magtrabaho
nang mag-isa kaysa gumawa kasama ang iba. Sila ay mayaman sa ideya at malikhain
sa mga kakayahang pang-agham, isa na rito ang mga pananaliksik

c. Artistic- Ang mga taong may mataas na interes ditto ay mailalarawan bilang
Malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan. Nais nila
ang mga gawaing may kaugnay sa wika, sining, musika, pag-arte, pagsulat at iba pa.

d. Social- Ang mga nasa ganitong grupo ay nakikitaan ng pagiging palakaibigan,


popular, at responsable. Madalas na mas interesado sila sa mga talakayan ng mga
problema o sitwasyon ng iba at mga katulad na Gawain, kung saan mabibigyan sila
ng pagkakataong magturo, magsalita, manggamot, tumulong, at mag-asikaso.

e. Enterprising- Likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging


mapanghikayat, mahusay mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o
target goals.
f. Conventional- Ang mga grupo o pangkat ng mga taong may mataas na interes diro
ay naghahanap ng mga panuntunan at direksiyon; kumikilos sila nang ayon sa tiyak
na inaasahan sa kanila.

C. MGA GAWAIN:
I. Gamit ang kahon sa baba. Tukuyin kung aling interest nabibilingan ang mga
tabrahong mababanggit. Isulat ang sagot sa linya bago ang numero.

REALISTIC INVESTIGATIVE ARTISTIC


SOCIAL ENTERPRISING CONVENTIONAL

_____________________________1. Civil engineer _________________6. Carpenter

_________________2. Science teacher _________________7. Doctor/physician

_________________3. Journalist/reporter _________________8. Furniture designer

_________________4. Librarian _________________9. Business agent

_________________5. Banker _________________10. Office worker

II. Gawin ang tseklist ng mga Kasanayan sa kabilang pahina.

D. PARAAN NG PAGWAWASTO

PAGLALARAWAN/ NATATANGI NATUTUPAD NALILINANG NAGSISIMULA


INTERPRETASYON (10) (8) (6) (4)
Gumawa ng Gumawa ng Gumawa ng Hindi ginawa
Pagtupad ng lahat ng halos lahat ng ilang ang inatas na
tungkulin tungkulin tungkulin tungkulin tungkulin
nang maayos lamang

E: SANGGUNIAN: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral,


pahina 221-224

LAS DEVELOPMENT TEAM

Manunulat: SITTIE FATIMAH D. RUBIN


Editor: ANGEL KAYE M. GALIGAO
Tagasuri: EMILDA E. ANGI
Paaralan: MANIRUB INTEGRATED SCHOOL
Distrito: ESPERANZA III

You might also like