You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao


Ministry of Basic, Higher and Technical Education
Schools Division of Cotabato City
COTABATO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL – MAIN CAMPUS

Learner’s Activity Sheet


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Linggo 4
Ikalawang Semestre
2021-2022
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ________________
Guro: _______________________________________ Petsa:______________________________

Mahal kong mag-aaral,


Magandang araw!
Sa linggong ito, ikaw ay inaasahang matututuhan ang sumusunod na
kasanayan:

Nakakakuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong


isinulat. (F11EP-IIId-36); Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang
teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig. (F11PB-IIId-99)

Sa katiyakan, matututunan mo ang


1. Natatalakay ang kaisipang nakapaloob sa binasang teksto.
2. Nakakakuha ng angkop na datos para sa pagsulat.
3. Naibabahagi ang sariling ideya batay sa kaisipang nakapaloob sa binsang
teksto.

Pangangalap ng Datos; Pag-uugnay ng Kaisipang


Nakapaloob sa Binasang Teksto

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap o pahayag


at isulat ang titik T kung ito ay tama at M naman kung mali. Isulat
ito sa inilaang patlang.
_______1. Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye ng gawain upang
matamo ang inaasahan.
_______ 2. Hindi mahalagang maging malinaw ang pagkakalahad ng mga
hakbang na ito basta nasusundan.
_______ 3. Layunin ng tekstong prosidyural na maialok ang produktong
itinitinda.
_______ 4. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang
kaalaman ng sumusulat tungkol sa ipagagawa.
_______ 5. Kailangang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga

11
hakbang nito upang sa tulong lamang ng pagbabasa, kahit walang
aktuwal na demonstrasyon, ay maisasagawa ito.

1
Gawain 2
4
Isang espesyal na uri ng tekstong espository ang tekstong prosidyural.
Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang
matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang
isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na
dapat isagawa. Sa panahon ngayong maraming mga bagay ang sinasabi
nilang do-it-yourself (DIY) o iyong mga bagay na sa halip na kumuha ng iba
pang gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa. Ang wastong pag-unawa sa
mga prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa ang
isang bagay.

Panuto: Suriin ang kahalagahan ng tekstong prosidyural sa sumusunod na


aspekto. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.
Sarili

Pamilyang Pilipino

Gawain 3
2
Hindi sapat na marunong lang tayong umunawa sa mga tekstong
prosidyural, dapat ding magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang
prosidyur na mauunawaan ng lahat. Sa pagsulat ng tekstong ito, kailangang
malawak ang kaalamn sa paksang tatalakayin. Nararapat ding malinaw ang
pagkakasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi malito o magkamali ang gagawa
nito.
Sa panahon ngayon ay maari tayong makipagkaibigan at makipagtalastasan
sa sinuman, saanmang panig ng mundo basta’t may koneksiyon sa Internet sa
pamamagitan ng pagbubukas ng account sa mga social networking site. Paano ba
ang pagbubukas ng account na ito.
Turuan nating gumamit ng social media networking site ang mga tinaguriang
technophobic at hindi nasanay gumamit ng teknolohiya.

Panuto: Dagdagan ng tamang mga salita o parirala ang sumusunod upang mabuo
ng tekstong prosidyural na gagamitin nilang gabay.

Ganito ang paraan upang makapagbukas ng account sa


___________________________________________ (isulat ang napili mong social
networking site)

1. Magpunta sa _______________________________________________________ site.


2. I-click ang ______________________________________________________________
3. I-type ang iyong__________________________________________________________
4. Pagkatapos ay umisip ng ____________________________________ at i-type sa
kinauukulang kahon.
5. I-type ang araw ng iyong kapanganakan. __________________________________
6. Ang sumusunod ay ang pagpili ng iyong ___________________________________
7. Sa huli ay ______________________________________________
8. Hayan, maaari ka ng gumamit ng _________________________________________

Gawain 4

Panuto: Ano-anong mga hakbang ang gagawin mo upang makatulong sa


pagsugpo sa kumakalat na sakit dulot ng COVID-19. Isulat ang sagot sa kahon .

1. Sa iyong sarili

3
2. Pamilyang Pilipino

3. Komunidad

4. Bansa

5. Daigdig

4
Sanggunian:
1. K to 12 Most Essential Learning Competencies
2. Dayag, A. Del Rosarion, MG., 2016 Pinagyamang Pluma, Makati City,
Philippines Phoenix Publishing House
3. Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Modyul (PIVOT Leaner’s Material)

KATUNAYAN
Ito ay nagpapatunay na ang aking anak ay matagumpay na isinagawa ang lahat ng
mga gawain na nakapaloob sa Learning Activity Sheet.

_______________________________________________ ____________________
Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapangalaga Petsa ng Paglagda

You might also like