You are on page 1of 1

Hillary Diane Andales: Utak-Tibay na tatak Pinoy!

Sinong mag-aakalang may ipagmamalaki tayong Pilipina sa larangan ng agham?

Oo. Meron at ang mas kapana-panabik pa ay nakipagsabayan lang naman sa pandaigdigang


kompetesyon kung saan siya ang nagwagi. Nakakamangha at namamayagpag nga ang galing ng Pinoy.
Saang lupalop man siya tangayin, di nito nakakalimutang ibandila ating bansa. Ang galing mo, Hillary!

Mula sa tanyag na paaraan ng Philippine Science High School- Eastern Visayas Campus, hindi
inaakala ni Hillary na magiging kasingbantog din siya ng sariling paaralan. Ito ay matapos nagwagi siya sa
noong 2017 Breakthrough Junior Challenge, isang palighasan ng mga kabataan edad 13 hanggang 18 na
ipamalas ang kanilang galing sa pag-intindi sa pinakakomplikadong aralin sa agham sa pinakamadaling
paraan na maiintindihan ng simpleng mag-aaral gamit ang video presentation, laban sa 11,000 sumali
mula 178 na bansa. Naisip niyang gawin paksa ang Relativity at Reference Frames ni Albert Einstein.
Nag-uwi siya ng $250000 o higit 12 milyong piso at tropeyo a kanyang pagkapanalo. Kaagapay ang
kanyang tagasanay sa parangal na kanyang natanggap.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, naging hindi nakaiwas si Hillary sa panganib na dala ng
bagyong Yolanda. Isa siya sa mga nakaligtas sa hagupit ng delubyo. Di niya malilimutan kung gaano ang
kagimbal-gimbal na delubyo ay muntik siyang padapain. Ngunit tulad ng isang tunay na Pinoy, pinagtibay
si Hillary ng kanyang karanasan. At nais niyang tumayo sa mga pang minsan ay nangatog, ngunit hindi
pinatumba ng kalamidad.

Ngayon ay naging communicator si Hillary na lumilibot sa paaralan sa iba’t ibang panig ng


daigdig tulad sa America na tumatalakay ng paksang agham. Binigyang siya ng scholarship ng iba’t ibang
paaralan di lamang sa bansa, maging sa iba pa, at mapagdesisyonan niyang kunin ang Massachusetts
Institute of Technology Scholarship sa USA sa kursong physics, isang hakbang sa kanyang pangarap na
maging astrophysicist.

Hinimok ni Hillary sa kanyang talumpati sa pagkakataong makuha ang gantimpala na maging


aktibo ang kabataang Pinoy sa agham. Maraming opurtunidad ang naghihintay sa kanila sa ganitong
larangan. Nawa’y magsilbi siyang inspirasyon sa mga kabataang Juan na abutin ang kanilang pangarap
gaano man yan kaimposible.

Tunay ngang kamangha-manghang maging Pinoy. Saan man sa mundo, saan mang larangan ay
kilala sa angkin nitong galing. Sinubok man ng napakaraming pagsubok, dahil sa utak at tibay na tatak
Pinoy, matik na walang panama yan sa anong kaya nating gawin. Galing mo, Hillary! Ang sarap tuloy
maging Pinoy!

You might also like