You are on page 1of 3

Lian Louis L.

Garcia PI 10 – T2
2018-06035 June 23,
2020
College of Arts and Sciences

Ang Pilipinas Isang Daang Taon Mula Ngayon

Ang isa sa mga pinaka-dakilang bagay na isinulat ni Dr. Jose Rizal ay ang kanyang

sanaysay na “The Philippines a Century Hence”. Nag-iwan siya ng isang nagtatagal na impresyon

sa ating bansa- kung ano ang Pilipinas noong panahong isinulat niya ito at kung magiging ano

ito sa hinaharap. Pero ang hinaharap na tinukoy ni Rizal ay ang ngayon, at ang ilan sa kanyang

mga prediksyon ay natupad. Ang mga prediksyon ni Rizal ay ginawa noong huling bahagi ng ika-

labinsiyam na siglo. Habang lumilipas ang panahon, ang mundo ay patuloy na umuunlad. Ang

Pilipinas, isang daang taon mula ngayon, ay magiging ibang-iba. Para sa akin, dalawang

posibilidad ang maaaring mangyari sa hinaharap.

Una ay ang kahirapan, tulad ng isang aplikasyon sa mga cellphone at kompyuter, kusa

itong naga-update o nagbabago; maaari ito mas gumanda o bumuti, o di kaya ay bumagal

ngunit umiiral pa rin. Ang basehan ay ang pagiging hindi produktibo at handa ng mga Pilipino sa

pagbabago, at ang kamangmangan sa mga posibilidad ng katiwalian. Ang mga pulubi ay

makikita kung saan-saan. Awa at habag ang mga nararamdaman ng isa kapag nakikita ang mga

namamalimos na humihingi ng pagkain o kaya ay pera. Pero ang katotohanan, hindi natin sila

dapat kunsintihin para hindi nila tanggapin sa kanilang sarili na wala silang magagawa para

guminhawa ang buhay o na habambuhay na silang mahirap. Dapat silang maghanap ng mga

trabaho, kahit simple basta legal; magsimula sa wala pero magsusumikap upang magkaroon ng
isang disenteng pamumuhay. Para sa mga batang pulubi, hindi sila dapat pahintulutan na

magpalaboy-laboy sa lansangan para manghingi dahil parang tinuturuan na rin natin sila na

umasa lang sa limos. Ang mga pampublikong paaralan ay dapat na para sa lahat ng tao,

samakatuwid, ang pamahalaan ay dapat maglaan ng badyet sa pagpapabuti nito. Hindi lamang

ang mga paaralan kundi pati na rin ang mga walang tirahan. Ang bawat Pilipino ay may

karapatang manirahan sa isang bahay at makapag-aral. Ito ay isang karapatang pantao- ito ay

pagiging tao.

Ang isa pa ay ang manipestasyon ng kahirapan, ang aking pangalawang palagay ay ang

Pilipinas ay mas malalantad sa polusyon. Nakalulungkot pero isa lang itong katotohanan. Ang

polusyon, gaya sa ibang mga bansa, ay isa ring pangunahing problema sa Pilipinas. Sa pagdami

ng mga gusali, kotse, armas, pabrika at pagbaba ng bilang ng mga marurunong na taong

nabubuhay pa rin sa kahirapan, hindi maiiwasang magkakaroon ng polusyon.

Pangatlo, maaaring ito ay ideyalistiko lamang ngunit may posibilidad na ang Pilipinas ay

hihiwalay mula sa ibang mga bansa. Sa simula ng “The Philippines a Century Hence” mayroong

isang pahayag: “Then began a new era for the Filipinos. They gradually lost their ancient

traditions, their recollections – they forgot their writings, their songs, their poetry, their laws, to

learn by heart other doctrines, which they did not understand, other ethics, other tastes,

different from those inspired in their race by their climate and their way of thinking”. Naiwala

natin ang lahat ng atin. Naiwala natin ang ating pagkakakilanlan na nagpapakitang tayo ay

natatangi sa iba. Biktima tayo araw-araw ng isang nakawan na nagparamdam sa atin na tayo ay

mas mababa. Lumalago ang kamalayan at mapapagtanto ng mga Pilipino na ang ating bansa ay
isa ring superyor. Interesado pa rin ang Pilipinas sa mga dayuhan ngunit kasabay nito ay lilikha

tayo ng isang hadlang. Lilikha tayo ng isang mas malakas at mas mahusay na lipunan sa

pamamagitan ng pag-alis ng kultura at impluwensiya ng mga dayuhan. Mabubuhay ang Pilipinas

para sa kanyang sarili ngunit pinahahalagahan pa rin ang iba sa kabila ng mga nagawa sa kanya.

Siya ay magiging tulad ng isang bulaklak na kapag nakabukas ay namumulaklak ng mas

matitingkad na kulay pero marahang nagsasara upang maprotektahan ang sarili mula sa

mapanakop na kadiliman; at ang bulaklak na iyon ay lalago at dadami. Isipin ang isang utopia,

na may hangganan, na nakalaan para sa bawat Pilipino umiiral man o hindi.

Sa positibong dako, may posibilidad na ang mga electromagnetic na kotse na

nakakalipad ay naimbento na. Ang mga gadyet na may mataas na teknolohiya at mas advanced

kaysa ngayon ay maaari ding umiral na, tulad ng hologram calls sa mga cellphone, wireless at

portable na teknolohiya, at iba pa. Mas kaunting trapiko at mas malinis na atmospera dahil ang

mga pinanggagalingan o pinagkukunan ng ating mga ginagamit ay organic at solar-powered.

Wala nang mahihirap na walang tirahan, gutom, at namamalimos. Lahat ng mga Pilipino ay

masisiyahan sa pribilehiyo na makapag-aral sa paaralan na kanilang gusto, at masisiyahan sila sa

kanilang mga piniling karera. Maaari nilang ituloy ang kanilang mga pangarap nang walang

paghihirap. Ang ganitong klase ng hinaharap ay posible kung ang ating gobyerno ay

makikipagtulungan sa mga lokal. Mawawala sa bawat Pilipino ang ideya ng katiwalian.

Pagtutuunan at lulutasin ng pamahalaan ang mga isyu ng bansa nang epektibo sa tulong ng

lahat. Kung gayon, walang Pilipino ang magdudusa pa kailanman.

You might also like