You are on page 1of 1

Repleksyon sa kasalukuyang nangyayari sa Pilipinas sa larangang Panlipunan, Pampulitika, at

Pangkultura 

Tunay ngang marami na ang nagbago sa Pilipinas sa mga nakalipas


na panahon. Ibang iba kumpara noon. Patunay lamang ito na totoo ang
kasabihan na "Walang permanente sa mundo, kundi ang pagbabago." Ang
mga pagbabagong ito ay may dalang maganda at hindi magandang naidulot
sa mga Pilipino. Unang una, pagdating sa lipunan, niyakap na natin ang
modernong pamumuhay kasama na rito ang benepisyong dala ng
teknolohiya. Tunay ngang napapadali ang pang-araw-araw na buhay ng mga
Pilipino. Mas mabilis na ngayon ang komunikasyon at humanap ng
impormasyon na makakatulong sa pag-aaral ng mga kabataan upang sila ay
maging globally competitive. Pangalawa, pagdating sa ating kultura,
naipapakita naman natin sa buong mundo kung ano ang kultura ng mga
Pilipino. Pero parang may kulang. Tila may pagkakataon na mas minamahal
pa natin ang mga banyagang kultura kaysa sa ating lupang sinilungan. Sanay
wag natin makalimutan ang sinabi ni rizal na “ang hindi marunong magmahal
sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda” sanay ay mas
tangilikin natin ang mga gawang pinoy at mas payamanin ito . Pangatlo,
pagdating sa pulitika tila wala pa ring nagbago narito pa rin ang pangungurakot,
pang-aabuso, at walng pag kakapantaypantay ng mga Pilipino sa mata ating batas. Dumagdag
pa rito ang mga maiitim na propaganda na nagpapakalat ng mga maling impormasyon sa
internet na pinaniniwalaan naman ng milyong Pilipino. Sana ay maging matalino tayo sa pag
sala ng mga impormasyon. At dahil rito, Sana gayahin natin si ginoong dr jose rizal na nagpakita
ng kasipagan, kabutihan, katapangan, at pagmamahal sa bayan.

You might also like