You are on page 1of 1

YUSI, Catherine May D.

2021-14615-MN-1 Unang Gawain - FPK

I. Sa mga nagdaang panahon ay lubos na makikita ang pagbabago sa mga nakagawian ng mga

Pilipino. Lalo na ang mga layunin at isipan ng bawat mamamayan. Ito ay dahil sa impluwensiya

ng mga ibang lahi sa ating bansa. Kasabay nito ang pagusbong ng makabagong teknolohiya sa

ating bansa nitong mga nagdaang taon.

Nabanggit sa sulatin ni Prof. Renato Constantino, ang edukasyon ng Pilipino ay dapat sa

pamamaraang Pilipino. Dahil sa mga nagdaang taon, ang ibang mga pag-aaral sa bansa ay

nahaluan na ng ibang kultura at pamamaraan.

Sa makatuwid, ang pagbabagong ito ay lubos na nagdulot ng impluwensiya sa ating bansa at sa

mga mamamayan nito. Upang maging maka-pilipino ang ating isipan at layunin, maaari nating

magamit ang makabagong teknolohiya sa pagpapahayag o pagpapalaganap ng kulturang

Pilipino. Halimbawa na lamang ng paggamit ng sosyal midya sa pagpapahayag ng ating opinyon

o saloobin sa mga balita na nababasa. Atin paring isipin na bilang isang Pilipino, isa sa ating

karapatan ang magpahayag ng saloobin lalo na kung ito ay para sa karamihan.

II. Masasabing malaki ang impluwensiya ng mga banyaga sa ating bansa. Hindi na rin maiiwasan

ang pagusbong nito kung kaya’t ito ay naging instrumento sa ibang larangan. Kagaya na lang ng

pagkalakalan. Dahil ang ingles ay isa sa pinakamadalas na nagagamit na salita sa iba’t ibang

bansa, ito ay itinuturo sa eskwelahan. Maaari nating magamit ang impluwensiyang kolonyal sa

mga bagay na makakatulong sa ating bansa. Kagaya na lamang ng mga pagpapa-unlad sa ating

ekonomiya. Sapagkat tayo’y nahuhuli pa rin sa usaping ekonomiya. Kahit na ang ating bansa ay

may likas na yaman.

You might also like