You are on page 1of 2

Jennizl Dae Canas PUP-OUS

BSBAMMOUM 1-11 GEED 032 Ricardo Carpio


Panimulang Gawain

Batay sa iyong mga dating napag-aralan, magbigay ng mga halimbawa ng impluwensya ng mga dayuhan
sa Kulturang Filipino. Magbigay rin ng isang maikling paliwanag hinggil sa nakikita mong
pangkalahatang epekto nito.

1. Kahalagahan ng Edukasyon
2. Pag babago sa mga sining at panitikan
3. Iba’t ibang uri ng Relihiyon
4. Sa pag suot ng mga damit o pananamit
5. Pag diriwang ng mga pista
6. Mga Musika
7. Mga pamahiin
8. Iba’t ibang uri ng mga dayuhang pagkain
9. Pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon
10. Pag gamit ng salitang Ingles

Ito ang ilang paraan kung paano naapektuhan ng mga tao mula sa ibang bansa ang kulturang Pilipino.
Ang ilan sa kanilang mga impluwensya ay maganda, tulad ng kung paano nila ginawang mahalaga ang
edukasyon sa Pilipinas. Nakakatulong ito sa mga Pilipino na mamuhay ng mas magandang buhay at
magkaroon ng mas maraming pagkakataon para sa mga trabaho. Ngunit mayroon ding ilang negatibo
epekto, tulad ng kung paano ang ilang mga tao ay nakakalimutan ang kanilang sariling kultura o
masyadong nakatuon sa mga dayuhang kultura, pagsa walang bahala sa ating nakasanayan lalo na dahil sa
teknolohiya at internet. Kung bibigyan ng pansin, maraming kabataan ang mas nauunang matutunan ang
salitang Ingles kaysa ang sariling wika. Napakaraming pang maaraing maging epekto ang mga ito kaya't
napakahalaga para sa atin na panatilihing matatag ang ating sariling kultura at hindi ang kultura ng ibang
dayuhan.

Gawain 1:

Basahin ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino ni Renato Constantino at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1.Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino?

Pagdating ng ibang bansa sa ating bansa, dinala rin nila ang kanilang mga ideya kung paano magturo at
matuto. Isa sa mga bansang ito ay ang Amerika. Tinuruan nila ang mga Pilipino at binigyan sila ng
libreng pag-aaral, ngunit ang layunin nila ay hindi lamang turuan tayo ng mga bagay-bagay. Nais nilang
baguhin ang paraan ng ating pag-iisip at pagkilos upang maging higit na katulad nila.

2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sitemang pang-edukasyon mula sa kasalukuyang


panahon at ipaliwanag.
Jennizl Dae Canas PUP-OUS
BSBAMMOUM 1-11 GEED 032 Ricardo Carpio

Malaki ang impluwensya ng mga Amerikano sa kung paano natututo ang mga bata sa Pilipinas sa
paaralan. Gumagamit sila ng mga salitang Ingles upang ituro ang ilang mga paksa at nanonood din kami
ng mga pelikula at balita mula sa ibang mga bansa sa Ingles. Mabuti ito dahil nakakatulong ito sa atin na
matuto tungkol sa mundo, ngunit maaari rin itong maging masama dahil baka makalimutan natin kung
gaano kahalaga ang ating sariling wika. Gayunpaman, mas naniniwala ako na ang paggamit ng sariling
wika ang mas epektibong paraan para maintindihan natin ang mga bagay bagay at mas malaya nating
maipapahayag at mapapalawak ang ating ideya sapagkat gamit natin ang wika komportable para sa atin sa
kadahilanang ito ay sariling atin.

3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang edukasyon ng mga Filipino?

Ang lisya ng edukasyon ay maaaring bigyan ng solusyon sa pamamagitan ng paglikha ng mga samahan o
ng saligan na nagla-layon na gumawa ng makabayang kilos upang maging mulat sa mga kaganapan ang
mga filipino. Marami sa atin ang patuloy na mas tinatangkilik ang mga banyagang kaugalian, mga aral at
kultura. Ngunit ang sariling atin ay unti unti ng nakakalimutan lalo na ng mga makabagong henerasyon.
Mararapat lang na mas pagtuonan ng pansin ang pagpapalago ng mithiin at interes na ang makikinabang
ay ang atin sarili mismong sistema ng edukasyon. Ang solusyon upang mapabuti ang sistema ng
edukasyon sa Pilipinas ay ang pagtuunan ng pansin ang paglinang ng mga mamamayang Pilipino na may
malasakit sa ating sariling bansa. Ang edukasyon ay huhubog sa mga mag-aaral upang maunawaan ang
mga pangangailangan ng Pilipinas at lumikha mga Pilipinong mayroong mataas na pangarap para sa sarili
nitong bansa

You might also like