You are on page 1of 3

EDUKALIDAD ang PUHUNAN, sa KAUNLARANG PANG MATAGALAN

Ni Romy Dave M. Pabico

ANONG NABAGO SA DATING KAISIPAN UKOL SA SISTEMA NG EDUKASYON SA


BANSA?
PAHAYAG MULA sa ARTIKULO:
Ang pahayag ng artikulo ni Renato Constantino ay nakakapanlumong isispin na naging anino na
lamang tayo ng mga mananakop na amerikano mula noon hanggang sa kasalukuyan. Nabanggit nga
sa artikulo na ang edukasyon sana na naging daan upang tayo ay umunlad at tumayo sa ating sariling
paa ay ang naging mitsa pa upang tayo ay makulong sa ideya ng mga Amerikano. Kung iisipin ay
mahusay ang naging pamamaraan nila ng pananakop sa atin. Di tulad ng naging pamamaraan ng mga
Kastila, sinubukan tayong sakupin ng mga Amerikano tungo sa paghuhubog sa ating kaisipan. Tayo
ay nilinang nila sa pamamaraang tila walang bahid ng kung anong balakin. Ang malaking
pagkakamali natin ay ang maluwag na pagtanggap sa lahat ng mga ito. Hindi lamang nila tayo
nasakop sa ating kaugalian kundi pati ang ating kultura at mga paniniwalang ekonomiko ay nabahiran
na nila ng kanilang mga ideya. Pinaniwala nila tayo sa mga bagay at pangyayaring hindi lubos na
kailangan ng ating sambayanan. Sa pamanang edukasyon ng mga mananakop na Amerikano, unti-unti
na din nating nakakalimutan kung sa paanong paraang wastong gamitin ang ating sariling wika.
SARILING PALIWANAG:
Ang artikulong “Miseducation of the Filipino People” ni Renato Constantino ay naglalahad ng isang
mainam na halimbawa kung paano tayo naging mangmang sa mga naging pangyayari sa ilang bahagi
ng ating kasaysayan. Hindi kataka-taka na ang mga naging ideya at pagsusuri niya ukol sa naging
pananakop ng mga Amerikano ay isang patunay na hindi naging malinis ang motibo ng mga
mananakop na puti sa ating Inang bayan. Sa katunayan, sumasang-ayon ako sa mga naging paratang
at pagsusuri niya sa kadahilanang hanggang sa kasalukuyan ay patuloy tayong nagiging buhay na
ibedensya sa iniwang lamat ng mga Amerikano. Batid ko ang bakas ng kahapong tila kay ganda sa
mata ng mga Pilipinong walang alam, ngunit sa isang kritikal na perspektiba ay malinaw na malinaw
ang di kaayusang iniwan nila sa sistema ng ating pangkalahatang pamumuhay.
Bakit mal, mis, o may mali sa sistema ng edukasyon sa bansa?
PAHAYAG MULA sa ARTIKULO:
Bakit nga ba mal, mi sang Sistema ng edulasyon sa bansang Pilipinas gaya ng nabanggit ko kanina, ay
ang paano tayo nagging mangmang sa mga nagging pangyayari sa ating kasaysayan at dahil dito ang
bawat Pilipino ay nahuhumaling sa mga binibigay ng mga banyaga. Ang “benevolent assimilation” ay
isa sa mga layunin ay panghabangbuhay na pananakop at kurapsyon ng isip at puso ng bawat Pilipino,
gagawin lahat ng mga banyaga para lang maimpluwensiyahan lamang ang mga Pilipino.
SARILING PALIWANAG:
Ang edukasyon ay isang susi patungo sa direksyon ng tagumpay. Ito ay napakahalaga sa ating buhay
sapagkat ito ay nagsisilbing nagbibigay ng kaalaman. Tinutulungan tayo nito upang mapahusay ang
ating kakayahan sa iba’t-ibang aspekto at upang matutong umitindi sa ating kapaligiran. Bilang isang
estudyante, malinaw sa akin kung gaano kahalaga ang edukasyon sa mga mag-aaral. Napakahalaga
nito sapagkat ito ay isang tool na magagamit natin sa ating pang-araw-araw na buhay. Dahil sa
edukasyon, natututo tayong hindi lang tingnan ang mga problema at ating kapaligiran, kundi makita at
suriin ng lubusan ang mga epekto at ang mga sanhi nito.Gayunpaman, bagaman gaano ito kapaki-
pakinabang, maaaring magdulot ang edukasyon ng masamang asal sa ating mga Pilipino. Nang aking
binasa ang artikulo ni Renato Constantino ang Miseducation of the Filipino, lumawak ang aking
isipan at napagtanto ko ang mga iba’t-ibang uri ng suliranin ng pang-edukasyon.
SPEAKING IN ENGLISH ZONE

MISEDUCATION o MALEDUCATION:

Ang awiting, Speak in English Zone ay nagpapakita ng tunay na kaganapan sa ating bansa. Bagaman
tayo ay maituturing na isang malayang bansa matapos natin malagpasan ang mga manlulupig na
Espanyol, Amerikano at mga Hapon, tila ay para padin tayong napapasailalim ng mga banyagang mga
ito. May mga biro madalas na ang Wikang Filipino ay salitang pang kubeta lamang dahil sa
kaganapang nangyayari sa ating kapanahunan ngayon. Ngunit para sa akin ito ay misedukasyon. Una
sa lahat atyo ay mga Filipino at ang sari nating wika ang dapat na gamitin sa pakikipagtalastasn.
Walang masama kung gamitin din natin ang banyagang wikang English ngunit mas pahalagahan sana
natin ang paggamit ng Filipino. Isang misedukasyon ang pagpilit sa atin na gamitin ang banyagang
wika. Lalo’t kasabay nito ay pagbura na rin ng kulturang Pilipino. Bigyan pansin sana ng mga
mamamayang Filipino ang kahalagahan ng wikang Filipino. Huwag nating limitahan kung kalian ito
gagamitin. Sa mga paaralan, pagyamanin sana nating ituro ang sarili nating pagkakakilanlan.

KASAYSAYAN ng EDUKASYON:
Nang hindi pa dumating ang mga banyagang sumakop sa Pilipinas, ang mga bata ay tinuturuan sa
mga tahanan kasama ang mga magulang. Nagsimula ang pormal na edukasyon sa Pilipinas ng
dumating ang mga Espanyolsa pamamagitan ng mga prayle. Sila ang nagtatag ng unang paaralan sa
bansa. Itinuro nila ang Kristiyanismo gamit ang Espanyol. Maraming paaralan ang itinatag ng mga
misyonaryo. Ang mga prayle ang nagturo sa mga Pilipino ng pagsusulat, pagbabasa, aritmetika,
musika at sining.
WIKA at EDUKASYON:
Sinundan ng mga Thomasites, ang mga unang gurong nagturo sa mga Pilipino sa panahon ng mga
Amerikano. Sa panahong ito nagtayo ng mga mataas na paaralan, paaralan para sa sining, komersiyo,
at pagsasaka. Noong 1908, itinatag ang Unibersidad ng Pilipinas na siyang naging pambansang
pamantasan ng Pilipinas. Ginamit ang wikang English sa mga paaralan at sapilitan ang pagpasok sa
paaralan. Maraming Pilipinong natutong bumasa at sumulat.
KASALUKUYANG EDUKASYON:
Sumunod ang mga Hapon, nakasentro ang pag-aaral sa kulturang Pilipino, wikang Nippongo, kultura
ng Japan, at ang kahalagahan ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Binigyang-diin din ang
kahalagahan ng paggawa at edukasyong pangbokasyonal. Hanggang tinatag ni dating Pangulong
Manuel Roxas ang Kagawaran ng Edukasyon na siyang namahala sa pagsubaybay sa lahat ng
paaralang pampubliko at pribado. Simula noong 1945 hanggang 2011, ang pag-aaral ng pangunahing
edukasyon ay binubuo ng sampung taon: anim na taon sa elementarya at apat na taon sa mataas na
paaralan.
PAGSUSURI SA UGNAYAN NG AWIT AT MISEDUKASYON:
Ang edukasyon ay nangangahulugabg “pagkamulat”. Paano matatawag na edukado ang marami sa
ating kung binubulag tayo ng sistemang paggaya o paggamit ng banyagang pagpapaunlad ng sarili
tulad ng paggamit ng Inglish sa pagkamit ng edukasyon? Nakakalimutan ng marami sa atin na
mayroon tayong sarili paraan ng pag-aaral o mayroon tayong sinusundang Sistema sa sarili nating
bansa na ang ugat ay nagsimula sa kulturang Pilipino.
Marami kasi sa atin na ang batayan ng karunungan ay ang katatasan sa Ingles. Malaking salik ang
wik sa misedukasyong ito. Bagama’t Filipino ang wikang pambansa, Inglishang gamit ng karamihan
lao na ang mga opisyal sa goyerno at sa paaralan. Karamihan sa mga aralin ng mga bata sa paaralan
ay itinuturo sa wikang Inglish. Nagiging hadlang ito sa pagkatuto. Hindi na tuloy makasabay ang
ilang Pilipinong di bihasa sa pagsasalita ng Ingles.

You might also like