You are on page 1of 5

ALABA, ABEGAIL JANE C.

EDELYNDON ENRIQUEZ
BAPHS 2-1 FUNDAMENTAL THEORIES IN
PHILIPPINE STUDIES

Ang mga pananaliksik sa akademya ay karaniwang nakabase sa mga kanluraning metodo

at teorya kabilang dito ay ang pag-aaral ng mga aksyon, kaugalian, kasaysayan, maging ng ating

identidad ay nasa kontekstong kanluranin kung kaya’t hindi ito lapat sa ating mga Pilipino. Ang

Sikolohiyang Pilipino ay ang metodong maari nating gamitin sa mga pananaliksik na ating

gagawin upang mas lubos nating maintindihan ang mga pag-aaral patungkol sa ating bansa at sa

mga Pilipino kinakailangan na ang pagsasa konteksto ay nakabase sa ating oryentasyon at ito ay

malaya at mapagpalaya.

Ang paggamit ng sikolohiyang Pilipino ay makakatulong sa ating pag-aaral upang mas

magkaroon ng malalim na ugnayan sa mga magiging bahagi ng ating pag-aaral. Ang paggamit

ng mga banyagang metodo ay kinakailangan nating iwasan sapagkat ang kanilang karanasan ay

hindi pareho sa danas ng mga Pilipino partikular ng mga nasa laylayan. Alam naman natin na

ang mga nasa laylayan ang yumayakap at sumasalamin sa mga kultura ng mga Pilipino.

Samantala ang ilang mga elit o ang mga naghaharing uri ay tinatangkilik ang mga kanluranin na

oryentasyon buhat na rin ng matagal na pananakop sa atin ng mga dayuhan kung kaya’t

karamihan sa atin ay bihag pa rin ng maka kanluraning kaisipan. Ang paggamit ng sikolohiyang

Pilipino ay makakatulong sa atin upang makapagbigay ng kamalayan sa kung ano ang tunay na

nangyayari sa ating lipunan at kung paano ito bibigyang solusyon na angkop sa ating mga

Pilipino.

Ang sikolohiyang pilipino ay naglalayong gamitin ang mga metodo tulad ng

pakikipanayam, pakikipag-usap, pakikiramdam, at pakikisama sa mga pananaliksik upang mas

maintindihan ang karanasan, damdamin, aksyon, at phenomena na nararanasan ng ating kapwa


Pilipino nararapat lamang na tayo ay gumamit ng mga instrumento sa pananaliksik na mas lapat

sa kultura nating Pilipino. Maraming mga Filipinologist ang gumagamit ng ganitong instrumento

sa pananaliksik at pagbibigay kahulugan sa ating kasaysayan.

Ang ating bayan ay humaharap sa mga malalaking slurinanin na hanggang sa

kasalukuyan ay hindi pa rin nabibigyan ng pansin dahil mas nakabase tayo sa kalinangang

kanluranin na hindi angkop sa ating mga Pilipino maging ang ating wika lalo sa usaping

komersyo at akademya ay nakabasi sa kanluranin o sa Ingles dahil sinasabing ito ay

makakatulong sa atin upang mapaunlad ang ating bansa ngunit kung ating titignan ang mga

karatig nating bansa tulad ng Japan, Thailand at Hong Kong ay napakaunlad ng kanilang bansa

sapagkat para sa kanila mas higit na kailangan nilang pagtuunan ang sariling wika kaysa ang

sambahin at magpaalipin sa wikang Ingles. Sa kabila ng malawakang paggamit natin ng wikang

Ingles ay marami pa rin sa atin ang nasa laylayan, mabagal pa rin ang progreso ng ating bayan

patunay lamang ito na kinakailangan na bigyan natin ng sariling identidad ang ating bansa at ang

mga grupo dito. Magbigay identidad base sa ating sariling kultura at hindi ng mga banyaga.

Para sa akin ang paggamit ng Sikolohiyang Pilipino sa pananaliksik ay mas

makakatulong upang mas magkaroon ng malalim na pang-unawa sa ating inaaral naaangkop ang

agham na to sa lahat ng larangan. Kailangan natin makalaya sa mga kanluraning impluwensiya

dahil hindi natin mapapaunlad ang ating bayan kung lagi tayong nakabatay sa mga karanasan ng

mga malalaking bansa na ito. Madalas nating natatalikuran ang Sikolohiyang Pilipino dahil sa

patuloy na pagtangkilik at pagbibigay kahulugan sa atin gamit ang mka kanluraning oryentasyon.

Bilang isang mag-aaral ng Philippine Studies sa patnubay ng mga propesor na humuhubog sa

kalinangang nakabase sa ating oryentasyon ay nagkakaroon ng adhikain na payabungin ang ating

pagkakakilanlan sa pamamagitan ng mga pananaliksik na hango sa kaisipang Pilipino. Mahirap


sa una sapagkat bago pa lamang ito para sa akin ngunit sa aking mga natutunan mas lubusan

kong minamahal ang bayang aking pinagmulan nawa’y kami ang mga susunod na henerasyon

magtataguyod ng Sikolohiyang Pilipino kasama ng mga kapwa ko mag-aaral ng Araling Pilipino.

ALABA, ABEGAIL JANE C.


BAPHS 2-1
FUNDAMENTAL THEORIES IN
EDELYNDON ENRIQUEZ PHILIPPINE STUDIES

Ang Pilipinolohiya ay isang mahalagang salik sa pagtuklas sa pagtuklas ng ating

kasaysayan at pinagmulan na naaangkop sa ating sariling pananaw gayundin ang Pilipinong

kaisipan, Kultura at Lipunan na nagpapahalaga sa konsepto ng ating kamalayan sa ating bansa at

sa kapilipinuhan. Ang ating bansa ay humaharap sa iba’t-ibang isyung panlipunan upang bigyang

solusyon ang mga ito kinakailangan na maintindihan natin ang pinanggagalingan ng kapwa

Pilipino partikular ng mga nasa laylayan at magbigay kamalayan sa taumbayan sa mga suliraning

ating kinakaharap. Sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsusuri sa Pilipinas gamit ang ating

kasaysayan gayundin ang ating mga nararanasan sa hinaharap ay makakatulong sa pagsugpo ng

mga isyung panlipunan gaya ng tunggalian sa lipunan ng mga naghaharing-uri at ng masa.

Isa sa napapanahong isyu ngayon ay ang pagpapatupad ng modernisasyon ng mga

traditional jeepneys. Isa itong malaking hamon para sa mga jeepney drivers at mga ordinaryong

Pilipino tulad ng mag-aaral, senior citizen, at ng manggagawang Pilipino. Makatarungan nga ba

ang ipinapatupad ng gobyerno na gawing modernisado ang mga traditional jeepney na matagal

ng pinagkakakitaan ng maraming Pilipino.

Ang hermeneutika ay maaari nating magamit sa pag-unawa ng tunggalian ng

pamahalaan/ naghaharing-uri at ng mga maliliit na organisasyon ng jeepney drivers. Ang

modernisasyon na ito ay sinasabing kailangan ipatupad dahil ang mga traditional jeepney ay

lubhang nakakaapekto sa ating polusyon. Ngunit kung ating titignan mina-massacre o pinapatay

nito ang kabuhayan ng mga tsuper ang isang magbebenefit sa programang ito ay ang mga

naghaharing-uri sa mahal ng mga modern jeep na ibinebenta at malaking tubo nito. Ang ganitong

programa ay maganda para sa ating kalikasan pero kung titignan natin ito sa lente ng
Pilipinolohiya at iaanalisa ang programa na ito ay lubhang pahihirapan lang nito ang buhay ng

mga Jeepney drivers at mga pasahero magkakaroon ito ng domino effect dahil ang subsidiya na

ibibgay ng gobyerno ay ¼ lamang ng babayaran ng mga tsuper na nagkakahalagang 1.6 to 2.4

million pesos. Ang unang apektado nito ay ang mga Jeepney drivers susunod ang mga commuter

at karamihan sa mga ito ay mga ordinaryong Pilipino dahil sa taas ng pamasahe at dito na

magkakaroon ng economic crisis dahil sa mataas na cost of living dahilan upang magkaroon ng

maraming pagprotesta mula sa masa. Kung ating babalikan sa ating kasaysayan ang mga

Amerikano naghanap sila ng magpapatakbo ng Tram o Tranvia ito ay katumbas ng Mrt o Lrt ang

kaibahan ay nasa lapag ito. Ang tumugon sa panawagan ng gobyerno noon ay si Charles M.

Swift isang abogado at negosyante na may ari ng Manila Electric Railroad and Light Company

ito ay sagot ng gobyerno upang makapagbigay ng transportasyon sa mga tao noon taliwas sa nais

mangyari ng gobyerno ngayon na pabigatin ang pamumuhay ng mga Tsuper sa pagpapatupad ng

PUV modernization program na walang sapat na subsidiya para sa kanila inilulugmok sila sa

kahirapan ng mga naghaharing-uri sa bansang ito.

Isa lang ito sa mga isyung kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan gamit ang

Pilipinoloohiya ay mas maiintindihan natin ang hinaing ng mga Jeepney drivers at kung paano

natin ito bibigyang solusyon na naaayon sa konteksto at oryentasyon nating mga Pilipino hindi sa

impluwensya ng mga kanluranin dahil ito ay nagdulot ng maraming negatibong epekto sa

kabuuang pagunawa ng mga mamamayang Pilipino tungkol sa sarili at kultura. Kinakailangan na

mas payabungin pa natin ang Pilipinolohiya dahil tinutulungan tayo nito na mamulat at

magkaroon ng kamalayan sa kung anong nagyayari sa ating lipunan. Maganda at mabuti ito

tungo sa pambansang kaunlaran at mapangalagaan ang sining na sasalamin sa ating mga Pilipino

You might also like