You are on page 1of 2

Pangalan: Gregorio Clave Jr.

Kurso: AB English II

Panimula
Ang wikang Filipino ay mistulang kaluluwa ng ating bansa ito ang dahilan kung bakit
tayo ay nagkakaintindihan at ang dahilan kung bakit tayo nakakabuo ng magandang relasyon o
ugnayan sa ating kapwa ang wikang Filipino rin ay ginagamit natin sa pambansang kaunlaran.
Ngayong araw ay matatalakay namin ang tungkol sa “ Wikang Filipino bilang wika ng
Karunungan at Pananaliksik”.

Pagtatalakay
Sa simulat simula pa lamang ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas ay isang
pamamaraan ng pagpapanahon sa mga mamamayang noo’y nagtatanggol sa kanilang bagong
kamit na kalayaan laban sa mananakop na nagpanggap na kaibigan. Ang edukasyon ng mga
Pilipino sa ilalim ng pananakop ng America ay isang instrumento ng kolonyal na polisiya. Ang
mga Pilipino ay kinailangang turuan bilang mabubuting kolonyal . Ang mga murang isip ay
kinailangang hubugin upang makaayon sa mga ideyang Amerikano. Ang mga katutubong
ideyal na Pilipino ay unti-unting naglaho upang matanggal ang mga huling banta ng pag-aaklas.
Edukasyon ang nagsilbing pang-akit ng mga bagong panginoon at panunaw sa nasyonalismong
ginamit sa pagpapalaya sa mga naunang dayongkapangyarihan.
Sa ilalim ng mga nagdaang rehimeng kolonyal, tiniyak ng edukasyon na ang pag-iisip ng
mga Pilipino ay maging masunrin sa mga panginoon. Kaya, sinamba ng nga Pilipino ang mga
dayong mananakop. Hindi tinuruan ang mga Pilipinong tingnan ang mga dayon ng obhetibo,
ang sipatin ang kanilang mga kabutihan at maging kanilang kasamaan. Ito ang nag-udyok sa
mga mamayang Pilipino upang magkaroon ng baluktot na opinyon hinggil sa mga dayong
mananakopat maging hinggil sa kanilang sarili.

Paliwanag ni Constantino (1966)


Kung paano ang wika ay gumanap ng mahalagang tungkulin sa eduasyon: Ang wika ay
isang kasangkapanng proseso ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika, ang pag-iisip ay
nalilinang, at pag-unlad ng pag-iisip ay humahantong sa lalong pag-unlad ng wika. Ngunit,
kapag ang wika ay nagiging sagabal sa pag-iisip, ang proseso ng pag-iisip ay nahahadlangan o
nababansot at magkaroon tayo ng kultural na pagbabantulot.

Repleksyon
Sa araling ito ipinakita ang klase ng edukasyon na mayroon ang Pilipinas sa loob ng
pananakop ng mga Amerikano, dito Ipinakita sa kanila na ang edukasyon ay ang pagsamba o
pagsunod sa mga dayuhang makapangyarihan kung saan hindi sila maaaring pumuna ng kahit
na anomapamabuti man ito o masama. Ito ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng baluktot
o maling paniniwala ang mga Pilipino sa mga dayuhan maging sa kanilang mga sarili. Katulad
na lamag sa naging paliwanag ni Constantino kung ano ang tungkulin ng wika sa edukasyo
mapapansin o mababatid natin na kung mali ang paraan ng patuturo ng edukasyon sa isang tao,
magiging baluktot o magiging dahilan ito ng maling mga paniniwala katulad na lamang nang
nangyari sa mga Plipino sa pananakop ng mga Amerikano, ngunit sa kabilang banda,
ipinamulat naman sa atin bilang mga mambabasa kung gaano nga ba kahalag ang wika sa
laragang ng edukasyon at sa pananaliksik, na kailangan matuto nating suriin ang isang bagay
bago tayo maniwala dahil ang karunungan ay hindi basta basta, kailangan mong manaliksik
upang magkaroon ng tamang kaalaman.

You might also like