You are on page 1of 5

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/357477857

The Miseducation of the Filipino

Poster · January 2022

CITATIONS READS
0 476

1 author:

Juri Tullas
Polytechnic University of the Philippines
7 PUBLICATIONS   0 CITATIONS   

SEE PROFILE

Some of the authors of this publication are also working on these related projects:

The Bangsamoro Question and the National Democratic Option by Jun Valila & The State of Mara Armed Conflict in the Philippines Unresolved National Question or
Question of Governance by Rizal Buendia A critical essay by Juri Tullas View project

All content following this page was uploaded by Juri Tullas on 01 January 2022.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Polytechnic University of the Philippines
College of Political Science and Public Administration

The Miseducation of the Filipino


By Renato Constantino
(A Critical Essay by Juri Tullas)
Filipino, Nasa’n ka?

Ilang taon ang nakalipas nang sinakop ang ating bansang Pilipinas na naging dahilan ng
pag-hagkan sa impluwensiyang dayuhan, at patuloy na binibigyang pansin ang konseptong
kolonyal. Dumatal ang maraming taon nawalan nang tuluyan ang tunay na kahulugan salitang
Filipino at Pilipinas. Bunga nito ang mga lisyang edukasyon, na naging batayan ng isang
manunulat na si Renato Constantino, ang pangunahing nilalaman ng akda ang pagtalakay sa
katotohanan, adhika ng awtor na ito ang maturuan, suriin ang kasaysayan, at magkaroon ng
kritikal na pag-iisip na magiging gabay upang matuto mula sa nakaraan. Kung ating susuriin ang
kasaysayang Pilipino hindi ito kumpleto at maraming kulang sa mga detalye, na nagtungo sa
ating bulag na kaalaman. Marami sa ating Pilipino ang hindi tinatanggap ang tunay na naganap
sa nakaraan sapagkat ang nais ng nakakarami ang kanilang sariling pananaw. Sa akda ni Renato
Constantino na “The Miseducation of the Filipino” o sa saling tagalog ay “Ang Lisyang Edukasyon
ng Pilipino”, pinapahayag ni Constantino ang mga kamalian sa turo sa mga Pilipino nang bunga
nito’y ang pagsasawalang bahala sa sariling atin sapagkat tayo ay nilulon ng kulturang ibang
bansa. Ang mga konseptong inililhad tulad na lamang ng sistema ng edukasyon, mga kaugalian,
mga maling pamamalakad sa agrikultura na naging bunga ng piyudalismo, maliitin ang publikong
sektor, suliranin ng wikang Filipino, bagong pamantayan ng lipunan, at ang manipulasyon sa ating
politika at ekonomiya. Sa mga konseptong nabanggit makikita natin ang mga impluwensiya ng
bansang dayuhan.

Sa akdang “The Miseducation of Filipino” o “Ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino”, may


labing-walong paksa ang tumutukoy sa maling pagturo sa mga kaisipang tinatalakay sa mga
paaralan at gobyerno na ang bunga ay pagsang-ayon sa ideyang dayuhan. Ang bansang
Pilipinas ay lagi’t lagi sa mga Filipino, kaya’t labis na nakaka-alarma ang mga ipinahayag ni
Constantino ukol sa mga Amerikanong kolonyal. Ang introduksyon ng akda ay nagsimula sa

1
Polytechnic University of the Philippines
College of Political Science and Public Administration

paalala na nararapat ay kumilos, maging edukado, may pag-unawa, malasakit, at lakas ng loob
upang maisakatuparan ang ating independensya, at makaligtas sa mga kolonyal na pag-iisip.

Sa unang bahagi tinatalakay ang “Nationalism in Education” o “Makabayang Pagkilos sa


Edukasyon”, kung saan nais ipakilala ang bise-militar ng Estados Unidos dito sa bansa at ang
kaugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ating pangkabuhayan, produkto, kultura, at
edukasyon. Kung ating susuriin ay may mga pagbabago rito Sa larangan ng edukasyon wala man
lang lider ang nangunguna sa pagtataguyod ng makabayang edukasyon na naging bunga ng
walang pakialam sa ating bansa. Ang pangalawa ay ang “New Perspective” o “Mga Bagong Pag-
unawa”, iilan sa mga nagdaang lider ng pampulitika at pangekonomiya na nais nilang baguhin
ang kamaliang nagawa na magiging kaayon-ayon lamang sa panahon ng kolonyalismong
Amerikano. Pangatlo, “Capturing Minds” o “Ang Pagbihag sa Kaisipan”, isinasaad na ang
madaling paraan upang maging epektibo ang pananakop ay ang pagkahubog ng kaisipan. Pang-
apat, “Beginnings of Colonial Education” o “Ang mga Ugat ng Edukasyong Kolonyal”, ang
edukasyon sa Pilipinas ay nasa ilalim ng kolonyalismong Amerikano, at nararapat na turuan ang
mga Pilipino kung ano ng aba mayroon ang kaisipanng Amerikano. Pang-lima, “The America
Vice-Governor” o “Ang Amerikanong Bise-Gobernador”, pagkakaloob ng Jones Act na
nangangasiwa ng awtonomiya. Hindi natin ipagkakaila na may positibong dulot din ang mga
Amerikano sa bansa. Pang-anim, “Goals of American Education” o “Ang mga Layunin ng
Edukasyong Amerikano”, hindi kalian man niligtas ng mga Amerikano ang kamangmangan ng
mga Pilipino bagkus ginamit nila ang edukasyon upang isakatuparan ang pagsakop. Pampito,
“An Uprooted Race” o “Isang Bayang Inihiwalay sa Kanyang Kahapon”, tila sa pag-usbong ng
Ingles ay ang pagpatay sa wikang Filipino, at ang pag-iiba sa kasaysayan na nagbunga ng
pagsang-ayon sa mga Kastila. Pang-walo, “Economic Attitudes” o “Mga Pangkabuhayang
Pananaw”, bilang bansang mayaman sa agrikultura, kontento na ang mga Pilipino sa iniluluwas
na hilaw na materyales kesa sa inaangkat. Pang-siyam, “Transplantation of Political Institutions”
o” Pagtatanim ng mga Amerikanong Institusyong Pampulitika”, sa edukasyong Amerikano
umusbong din ang kaisipan pampulitika at nagpatayo ng institusyon. Pangsampu, “Re-
examination Demanded” o “Pangangailangan ng Muling Pagsusuri”, ang muling pagsusuri sa
piloposiya, pangkalahatang oryentasyon, at kaisipan ay isa sa mga Karapatan ng mga Pilipino
lalo na’t sa edukasyon. Pang Labing Isa, “Adoption of western values” o “Pagtataglay ng
Kanluraning Pananaw”, sa pag-impluwensya ng Estados Unidos sa larangan ng pampulitika,
pangkultura at pangkabuhayan ay sadyang napalaki at hindi matutumbasan na kahit na ano pang
bansa. Ang epekto nito ay ang kaisipang internasyonalismo. Pang Labingdalawa,”UnFilipino

2
Polytechnic University of the Philippines
College of Political Science and Public Administration

Filipinos” o “Mga Pilipinong Maka-dayuhan”, ipinagmamalaki pa ng mga Pilipino ang kaisipang


dayuhan, at mas binibigyang pansin ang katiwalaan at kalupitan ng ibang bansa at nagiging bulag
karamihan sa mga Pilipino. Pang Labing Tatlo, “The Language Problem” o “Ang Suliranin ng
Wika”, ang pagtuturo ng wikang Ingles bilang primaryang lenggwahe kaysa sa wikang Filipino.
Pang Labing Apat, “Barrier to Democracy” o “Hadlang sa Demokrasya”, kakulangansa pag-unawa
sa wikang Ingles na ang bunga ay nadala ito sa mga salita na hindi alam ang tunay na kahulugan,
ito’y naging hadlang sa demokrasya. Pang Labing Lima, “Imprediments to Thought” o “Mga
Balakid sa Pag-iisip”, isa sa mga balakid sa pagtuturo ay ang paggamit ng wikang banyaga. Pang
Labing Anim, “The Private Sector” o “Ang Pribadong Sektor”, mayroong nagaganap na ‘di
pagkapantay-pantay sa pagitan ng pribado at publikong sektor. Ang publikong paaralan ay para
sa mga mahihirap lamang at ginagawang Negosyo ang pribadong paaralan. Pang Labimpito,
“Other Educational media” o “Iba pang mga Daluyan ng Edukasyon”, winawasak ng mass media
at iba pang daluyan ng impormasyon ang pagkawala sa mga adhikaing Makabayan. Pang Labing
Walo, “Needed: Filipinos” o “Kailangan: Mga Pilipino”, nararapat na may pagkakaisa rin ang mga
Pilipino isa na rito ang edukasyon ay dapat na maging Pilipinong edukasyon na walang bahid ng
kolonyalistang Amerikano.

Sa mga nabanggit na nilalaman ng akda nagkaroon ng maayos na paglilinaw sa mga


ideyang inilahad na madaling intindihin at unawaan. Ang mga paksa ay madaling unawaan
sapagkat binigyang diin lamang ang mga masamang impluwensiya ng kolonyalistang Amerikano.
Kung ating susuriin walang ginawang hindi kaayon-ayon ang awtor na ito bagkus nagiging totoo
lamang siya mga epekto ng Amerikano sa lahat ng aspeto ng buhay ng mga Pilipino. Kaya’t kung
may kritiko man ay kakaunti o wala dahil naipahayag ito ng buo, walang labis at kulang.
Sumasang-ayon din ako sa mga nabanggit dahil may mga karanasan ang mga Pilipino lalong-
lalo na’t sa pagitan ng publiko at pribadong sektor, dahil kapag ika’y nag-aaral sa pampublikong
paaralan, maraming nagsasabi na mababa lamang ang antas ng kaalamaan, Saka, sa
biyukrationg piyudalismong nagaganap, dahil imbis na tulungan ang kapwa Pilipino ay mas
inuuna ng mga iilang opisyales ng gobyerno ang yaman kaysa solusyonan ang mga problemang
nangyayari. Mas inuuna ang sariling interes kaysa kapakanan ng nakakarami. Dagdag, ang mga
pagpapatayo ng mga monumento ng isang heneral ng militar sa Estados Unidos na si Douglas
McArthur na kasalukuyang nasa Palo, Leyte, kung ating susuriin hindi na dapat binibigyan ng
kahalagahan ang mga ganitong personalidad sapagkat isa sila sa mga kumalaban sa Pilipinong
military noong kasagsagan ng Digmaang Espanyol-Amerikano. Isa lamang ito sa mga katangiang
patuloy na niyayakap ng karamihan sa mga Pilipino. Kung patuloy itong mangyari maaaring

3
Polytechnic University of the Philippines
College of Political Science and Public Administration

mabura na ang pagkaPilipino natin. Nararapat na mas bigyang pansin ang mga bagay na
makakapag-papaunlad sa pagkaPilipino at lagi’t lagi yakapin ang temang Pilipno at Filipino sa
lahat ng bagay at pangyayari. Bakit nga ba may lisyang edukasyon ang mga Pilipino? Sa
kadahilanang ang mga bansang Pilipinas ay bansang sinakop ng mga dayuhan sa loob ng
maraming taon, na ang bunga ay madaling pagbagay sa mga Amerikano. Sa larangan din ng
edukasyon sapagkat limitado ang mga itinuturo sa mga paaralan na naging dahilan upang maging
bulag ang karamihan sa Pilipino.

Sa mga inilathala ng awtor ay labis na nagbibigay bagong kaisipan. Sa akdang ito


tumatakalay na dapat suriin natin ang mga impluwensiya ng mga dayuhan. Sapagkat kung
tutuusin ay maihahalintulad na ang Pilipinas bilang anak ng Amerika, dahil mas nagiging
kapareha na natin ang kanilang kultura. Sadyang nakalulungkot ang ganitong uri ng pangyayaring
inilahad. Nawa’y ang lahat ay sapat na kaalaman at buong pusong itanggi ang mga Amerikano
at magkaroon ng lakas ng loob bilang tumayo sa sarili nating mga paa. Maipagmalaki ang
bansang Pilipinas bilang bansang hindi hinayaan ang mga dayuhan na lalumin ng ibang bansa.

View publication stats

You might also like