You are on page 1of 14

BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA

_________________________________________________________________________________________________________________

Kalagayan ng Wikang Filipino sa mga Kabataan


sa Kasalukuyang Panahon

Escriba, Portuguez, Dionisio, Garcia, Jacob,


David, Robles, Santiago, Villaseñor, Daza

Bataan National High School Senior High School

ajescriba2006@gmail.com russelcyrus24@gmail.com janinasarah05@gmail.com dodongdaza1979@gmail.com


jemestelle.2@gmail.com joshuarobles0613@gmail.com villassamanthanicole13@gmail.com jarainejacob@gmail.com
euel.portuguez@gmail.com

PANIMULA pagkatuto ng ating wikang pambansa. Samakatuwid,


Ang wika ay sumasalamin sa isang mayaman na ayon sa isinagawang sarbey, masasabing ang wikang
kultura ng isang bansa, at nakatutulong sa paglalahad Ingles ay bahagyang mas nakaaangat sa paglaganap at
ng mga saloobin at pananaw sa ating kapwa para sa paggamit ng mga kabataan sa ating bansa kaysa sa
isang epektibong komunikasyon. Sa ating bansang wikang Filipino; na salungat sa inisyal na kaalaman ng
Pilipinas, ay maituturing na ang wikang Filipino ang mga mananaliksik, dahil ang wikang Ingles ay hindi na
pambansang wika dahil sa dami ng bilang ng mga lamang kasabayan ng wikang Filipino, bagkus, ay naging
Pilipinong gumagamit nito. Ngunit, sa paglipas ng mas angat pa ito kaysa sa ating sariling wika.
panahon, ay nagkaroon ng impluwensya ang mga Samantala, wikang Ingles ang tila mas ginagamit
dayuhan sa ating mga kababayan, na nag-ugat sa ng mga kabataang mag-aaral sa panahon ngayon, lalo
madalas na paggamit ng wikang Ingles sa halos lahat ng na sa paggamit ng social media, dahil sa malakas at
bagay. Kaya’t, hindi maipagkakaila na ang paglawak ng malaking epekto ng teknolohiya at modernong panahon
wikang Ingles ay nagiging kasabayan na ang wikang lalo na sa mga tinedyer na entusyastiko ng Facebook,
Filipino sa impluwensya na dulot nito sa ating bansa, Instagram, Twitter, at marami pang iba. Ito ay isang
lalo na sa modernong panahon sa kasalukuyan. negatibong bagay, dahil ating napabayaan ang estado
Sa sampung mag-aaral na aming ng wikang Filipino sa panahon ng modernisasyon kung
napagtanungan mula sa gulang na 13-19 na galing sa saan samut’saring bagong selpon, kompyuter, at iba pa
loob at labas ng Bataan, ay kapansin-pansin na marami ang nilikha.
ang gumagamit ng wikang Ingles sa panonood ng Ayon kay Charles Magtibay (2015), “Bagama’t
telebisyon, pelikula, bidyo, at marami pang ibang uri ng malaki ang epekto ng mga social media sites tulad ng
media. Ngunit, karamihan din sa kanila ay wikang Facebook sa mga tao, ito ay hindi nagkaroon ng
Filipino ang ginagamit sa maliit na porsyento ng magandang epekto sa ating wika,” dahil sa rasong
komunikasyon tulad na lamang ng pagpapadala ng malaki ang naging papel nito sa pagpapalago ng mainam
mensahe gamit ang SMS at pakikipag-usap sa bahay. na komunikasyon sa mga kaibigan at mahal sa buhay,
Ngunit, may isang natatanging resulta sa sarbey na saan dako man ng mundo dahil sa teknolohiya; ngunit,
nakakaagaw-pansin dahil ang respondente ay dahil din dito ay mas na-impluwensiyahan ang mga
nagsasabing hindi mahalaga na matutunan ang wikang kabataan upang laging gamitin ang wikang Ingles.
Filipino, kahit na ito ay kanyang gamit sa tahanan, dahil Kapansin-pansin rin na kadalasang ang mga orihinal at
kanyang iniisip na ito ay hindi na kailangang aralin. tamang baybay ng salita ay napapalitan, dahil sa
Dagdag pa dito na, sa kanyang pananaw ay mahalagang- kakulangan ng pagkasanay ng paggamit nito. Bukod pa
mahalagang pag-aralan ang wikang Ingles; na dito, ang bandwagon effect na dulot ng mga banyagang
kabaliktaran sa kanyang hindi pagpapahalaga sa salita ay nagkaroon din ng malaking epekto sa
www.bataannationalhighschoolshs.com | bnhs.shsbalangacity@gmail.com
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA
_________________________________________________________________________________________________________________

pagbabago ng wikang Filipino (Albay, n.d.); tunay na kanilang malaman ang kalagayan ng wikang pambansa
nakakalungkot dahil ang kabataan ngayon ay mas sa modernong panahon ngayon, at mas mapapadali ang
komportableng gamitin ang wikang Ingles sa kanilang pagsusuri sa kanilang mga sarili kung ano ang
pagpapahayag ng kanilang saloobin at opinyon sa kanilang mga maaring gawin upang mas mapaunlad pa
kanilang social media accounts, kumpara sa paggamit ng ito.
sarili nating wika. Samantala, batay sa artikulo ni Mga Guro. Ito ay partikular na
Japheth Dinglasan (2016), nakapagtataka ang patuloy na mapakikinabangan ng mga gurong nagtuturo ng
pagbabalewala ng ating mga kapwa-Pilipino sa ating asignaturang Filipino, dahil makikita sa resulta ng sarbey
sariling wika, at unti-unting pagkalimot sa kulturuang na ito ang mga salik na nakaka-apekto sa paglago ng
inalagaan ng ating mga ninuno. At, ang lubos na wikang pambansa. At, ang mga guro ay makakapag-isip
pagmamahal sa wikang Ingles ay maaring magdulot ng ng mga paraan upang ito ay malutasan sa pamamagitan
kawalan ng interes sa ating pagkakakilanlan bilang ng pagtuturo ng importansya ng wikang Filipino.
Pilipino lalo na sa panahon ngayon kung saan patuloy na Mga Mamamayan. Sa pamamagitan ng sarbey
kinakalimutan ang wikang kinagisnan dahil sa lubusang na ito, magkakaroon ang mga mamamayang Pilipino ng
paggamit ng mga makabagong teknolohiya tulad ng mga makabagong impormasyon tungkol sa sitwasyon at
kompyuter, at selpon. Hindi rin maitatanggi na ang kahalagahan ng wikang Filipino sa kasalukuyang
ibang Pilipino ay mayroong mababang pagtingin sa panahon. Ito ay maaaring gamitin upang pagbutihin ang
wikang Filipino kumpara sa wikang banyaga, dahil para paggamit ng wikang pambansa, at makakapagbigay ng
sa kanila ay wikang Ingles ang mas laganap na makikita suporta sa mga gawaing makakapagpahubog sa
sa paggamit ng social media partikular sa Twitter at kaalaman ng mga kabataan ukol sa pagpapalago ng
Facebook posts (Tomas Santos, 2016). Ipinahayag rin ni wikang Filipino.
Gallego (2016) na, “Ang mga pagbabago Mga Susunod na Mananaliksik. Ang sarbey na
sa wikang Filipino ay dulot ng interaksyon ng mga ito ay makapagbibigay ng impormasyon sa mga susunod
kapwa-Pilipino sa ibang wika, partikular na sa wikang na mananaliksik, kung saan maari nila itong gamitin
Ingles, dahil sa kanilang napapanood na internasyonal bilang sanggunian at gabay sa paghahanap ng datos sa
na bidyo at mga pelikula.” At, hindi maitatago ang kanilang pagsasaliksik.
katunayang malaki ang impluwensya ng mga
napapanood ng mga mamamayang Pilipino sa SAKOP AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
pagkalimot ng wikang pambansa lalo na kung ito ay Ang sarbey na ito ay tungkol sa Sitwasyon ng
internasyonal at nasa wikang banyaga. Wikang Filipino sa Kabataan sa Moderno at
Kasalukuyang Panahon. Ito ay sinagutan ng sampung
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Pilipinong respondente na nagmula sa loob at labas ng
Ang sarbey na ito ay tungkol sa Sitwasyon ng Bataan na may may edad mula 13 hanggang 19, kung
Wikang Filipino sa Kabataan sa Kasalukuyang Panahon. saan sila ay nagsilbing sampol sa pananaliksik upang
Layunin nitong malaman ang iba’t-ibang salik na ipahayag ang kanilang kaalaman at saloobin patungkol
nakaaapekto sa pagtangkilik at paggamit ng kabataan sa sa kahalagahan ng wika sa kasalukuyan sa pamamagitan
kanilang wikang pambansa. Gayundin, ang sarbey na ito ng labing-anim na katanungan.
ay mapakikinabangan ng mga sumusunod: . Ang labing-anim na katanungan na siyang
sumasaklaw sa ginawang pag-aaral ang nagsilbing daan
Mga Mag-aaral. Ang sarbey na ito ay nakapokus upang mapabatid ng mga mananaliksik ang mga bagay
sa mga kabataang nag-aaral na nasa edad 13-19 taong na kanilang gustong malaman upang makakalap ng
gulang. Ang resulta nito ay magsisilbing gabay upang sapat na impormasyon na nagmula sa sariling karanasan

2
www.bataannationalhighschoolshs.com | bnhs.shsbalangacity@gmail.com
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA
_________________________________________________________________________________________________________________

bilang isang kabataan ng mga mag-aaral. Ang sarbey na


ito ay isinagawa ng mga mananaliksik mula BNHS-SHS
(Bataan National High School-Senior High School) noong
ika-15 ng Nobyembre 2022, sa pamamagitan ng
pahinaryang Google Forms.

PANGANGALAP NG DATOS
Ang datos na nakalap ng mga mananaliksik mula
sa Bataan National High School-Senior High School ay
nagmula sa mga sagot at opinyon ng 10 Pilipinong Batay sa grap, ibinibigay nito ang datos na; sa
respondente mula sa loob at labas ng Bataan na nasa loob ng 10 respondente ay mas malaki ang porsyento ng
13-19 taong gulang. Ang mga impormasyon ay nagmula mga kababaihan na lumahok sa sarbey; kung saan
sa ginawang kwestunaryo ng mga mananaliksik sa mayroong 60% na respondenteng may kasarian na
pamamagitan ng Google Forms, at naglalayon na babae, at 40% naman ang porsyento ng mga kalalakihan
matuklasan ang kalagayan ng wikang Filipino sa mga na sumagot sa sarbey.
kabataan sa kasalukuyang panahon.
Grap 3. Baitang ng mga Respondente
Grap 1. Edad ng mga Respondente

Ipinapakita ng grap sa itaas ang mga porsyento Batay sa grap sa itaas, ang mga mag-aaral na
ng edad na lumahok at nagbigay ng kasagutan sa nasa ika-11 baitang ang may pinakamaraming sumagot
sarbey. Mula sa 10 respondente, 10% rito ay may edad sa aming sarbey, na mayroong 50%. Sinundan naman
na 13 taong gulang, 10% ang may edad na 15 taong nito ng mga mag-aaral na nasa ika-12 baitang na
gulang, 40% ang nasa edad na 16 taong gulang, 20% ang nakakuha ng 20%. Habang ang mga mag-aaral sa ika-8,
may edad na 17 taong gulang, 10% ang 18 taong gulang, ika-9, at ikalawang taon sa kolehiyo ay nakapagtala ng
at 10% para sa may edad na 19 taong gulang. Batay sa tig-10% mula sa 10 respondente na aming nakalap.
datos, ipinapakitang mula sa mga kabataan na may
edad na 13-19 gulang; pinakamalaking porsyentong Grap 4. Paaralan ng mga Respondent
nakilahok ang mga kabataang Pilipino na may edad 16
na gulang para sa aming sarbey.

Grap 2. Kasarian ng mga Respondente

3
www.bataannationalhighschoolshs.com | bnhs.shsbalangacity@gmail.com
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA
_________________________________________________________________________________________________________________

Makikita sa grap sa itaas, 30% ng mga sumagot isang linggo bago ang Nobyembre 15, 2022, at 10 %
na respondente ay galing sa Senior High School ng respondente ay nagpadala ng huling mensahe ilang
paaralang Bataan National High School. Samantala, ang linggo na ang nakakaraan (April 23, 2022). Ipinapakita
mga sumusunod na paaralan ay nakapagtala lamang ng ng datos na ito na pinakamalaking porsyento ng mga
tig-10% respondente sa survey: Blessed Regina respondente ay nakapagpadala ng mensahe sa mismong
Protmann, Bataan Heroes College, Colegio de San Juan araw ng pagpapasagot ng sarbey noong ika-15 ng
de Letrán, Gen. Pantaleon Garcia Senior High School, Nobyembre ngayong taon.
National University, Tuguegarao City Science High
School, Bataan Christian College Inc. Grap 6. Bilang ng Salita sa Huling Mensahe na
Ipinadala
Grap 5. Huling Oras ng Pagpapadala ng Mensahe o
SMS

Ayon sa grap na nasa itaas, pinakamaraming


respondente ay nakapagpadala ng kanilang mensahe na
mayroon lamang isang salita, ito ay 40% ng kabuuang
sumagot ng sarbey. Ang 30% o 3 sa mga respondente ay
dalawa hanggang tatlo ang bilang ng mga salita sa
kanilang huling ipinadalang mensahe. At, 10% o 1
respondente ay nakapagpadala ng may 4-5 salita sa
kanyang mensahe na huling ipinadala; 2 respondente
naman o 20% ng respondente ay nakapagpadala ng may
higit sa limang salita sa kanilang huling ipinadalang
Ipinapakita ng grap sa itaas ang mga datos kung mensahe. Ang mga ipinadalang mensahe ng bawat
kailan huling nakapagpadala ng mensahe o SMS ang respondente ay sari-sari, at may iba't-ibang tema o
mga respondente. Mula sa 10 respondente, binubuo ng paksa
70% sa kanila ay nakapagpadala ng mensahe o SMS
noong mismong araw ng pagpapasagot ng sarbey
Grap 7. Uri ng Wika sa Huling Mensahe o SMS na
(Nobyembre 15, 2022). At, 10 % sa respondente ay
Ipinadala
huling nakapagpadala ng mensahe, ilang araw bago ang
mismong araw ng pagpapasagot ng sarbey (Nobyembre
13, 2022); 10 % ay may huling mensahe na naipadala

4
www.bataannationalhighschoolshs.com | bnhs.shsbalangacity@gmail.com
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA
_________________________________________________________________________________________________________________

Ibinibigay ng grap na nasa itaas ang mga datos


na kung saan 50% o 5 mula sa 10 respondente ay
mayroong huling post noong mismong linggo ng
pagpapasagot ng sarbey (Nobyembre 15, 2022), 50% o 5
ng respondente ang may post ilang linggo na ang
nakalilipas. Mula sa datos ay makikitang pareho lamang
ng porsyento ng dalawa.

Grap 9. Nilalaman ng Huling Post sa Facebook o


Ayon sa datos na nasa grap, ipinapakita na ang
Instagram
wikang Filipino ang pinaka nangungunang wika na
ginagamit sa pagpapadala ng mga SMS kung saan ito ay
may 60% mula sa 10 na kabuuang tumugon sa sarbey.
Sumunod naman dito ang pantay na paggamit ng
wikang Ingles at Taglish kung saan ito ay parehong may
20% mula sa 10 na kabuuang tumugon sa sarbey.

Grap 8. Huling araw na nagpost sa Facebook o


Instagram

Ang grap na nasa itaas ay nagbibigay ng datos


na ipinapakitang ang tungkol sa pag-ibig o sariling
interes ang may pinakamalaking porsyentong nilalaman
ng huling post ng mga respondente na nagtala ng 60%.
Sumunod dito ay pagkakaroon ng 40% na respondente
kung saan ang kanilang huling post ay litrato.

Grap 10. Uri ng Wikang ginamit sa Huling Post sa


Facebook o Instagram

5
www.bataannationalhighschoolshs.com | bnhs.shsbalangacity@gmail.com
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA
_________________________________________________________________________________________________________________

Ayon sa datos na nasa grap, ipinapakita na ang Ayon sa grap na nasa itaas, ipinapakitang
wikang Ingles ang pinaka nangungunang wika na wikang Filipino ang pangunahing wikang ginamit sa
ginagamit sa pag-post ng status sa social media kung pinakahuling palabas pantebelisyong pinanood ng mga
saan ito ay may 40% mula sa 10 na kabuuang tumugon respondente. Mula sa 10 respondente, 30% ay wikang
sa sarbey. Sumunod naman dito ang pantay na Filipino ang wikang gamit sa pinakahuling palabas
paggamit ng wikang Filipino at Taglish sa social media, pantelebisyong napanood, pantay na 20% naman ang
kung saan ito ay parehong may 30% mula sa 10 na wikang Ingles at Taglish na ginamit sa huling palabas
kabuuang tumugon sa sarbey. pantelebisyon. Habang, ang isang 20% ay ang datos ng
mga hindi nanonood o hindi maalala kaya naman hindi
Grap 11. Pinakahuling Palabas Pantelebisyong mabigyan ng lenggwaheng ginagamit. At, ang natitirang
Napanood 10% ay para sa ibang lenggwahe ang gamit sa
pinakahuling palabas pantelebisyong napanood na hindi
Ingles, Filipino, at Taglish.

Grap 13. Uri ng Wikang Ginagamit sa Palabas


Pantelebisyong Madalas Pinapanood

Batay sa grap na nasa itaas, ipinapakita rito na


50% o 5 mula sa kabuuang 10 respondente ay lokal na
palabas pantelebisyon ang pinakahuling napanood. Ang
mga lokal na palabas na ito ay ang mga Darna, 2 Good 2
Be True, Maria Clara at Ibarra, at It’s Showtime. Habang
ang 30% o 3 mula sa mga respondente ay internasyonal
na mga palabas pantelebisyong huling napanood, ang Ayon sa datos na nasa grap, ipinapakita na ang
mga ito ay ang Gilmore Girls at Alchemy of Souls. Ang wikang Ingles ang naririnig na wika sa mga palabas na
natitirang 20% o 2 respondente ay walang napapanood madalas pinapanood ng respondente sa telebisyon kung
o hindi hilig ang panonood ng palabas pantelebisyon. saan ito ay may 60% mula sa 10 na kabuuang tumugon
sa sarbey. Sumunod naman dito ang wikang Filipino
Grap 12. Uri ng Wikang Ginamit sa Pinakahuling kung saan ito ay may 40% mula sa 10 na kabuuang
Palabas Pantelebisyong Napanood tumugon sa sarbey.

Grap 14. Pinakahuling Pelikulang Napanood

6
www.bataannationalhighschoolshs.com | bnhs.shsbalangacity@gmail.com
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA
_________________________________________________________________________________________________________________

Batay sa datos na nasa itaas, ipinapakita na ang


Ayon sa datos na aming isinalin sa grap, wikang Ingles ang pinakagamiting wika sa pinakahuling
ipinapakita nito na karamihan sa mga huling napanood pelikulang napanood ng mga respondente na siyang
ng mga respondente ay mga internasyonal na pelikula nakapagtala ng 50%. Nakakuha naman ng 20% ang
na siyang nakapagtala ng 60%. Samantalang, 20% Filipino, 10% ang Hangugeo at 20% naman ang hindi na
lamang ng respondente ang may pinakahuling maalala ang wikang ginamit sa pelikulang napanood.
napanood na pelikulang lokal at kaparehong 20 %
naman nito ang hindi makaalala ng mga pelikulang na Grap 16. Uri ng Wikang Ginagamit sa Pelikulang
kanilang napanood. Madalas Pinapanood

Grap 15. Uri ng Wikang Ginamit sa Pinakahuling


Pelikula na Napanood

Ayon sa datos na nasa grap, ipinapakita na ang


wikang Ingles ang naririnig na wika sa mga pelikulang
madalas na pinapanood ng respondente kung saan ito
ay may 90% mula sa 10 na kabuuang tumugon sa
sarbey. Sumunod naman dito ang wikang Filipino kung
saan ito ay may 10% mula sa 10 na kabuuang tumugon
sa sarbey.

Grap 17. Pinakahuling Bidyo sa Youtube na


Pinanood

7
www.bataannationalhighschoolshs.com | bnhs.shsbalangacity@gmail.com
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA
_________________________________________________________________________________________________________________

Batay sa mga datos na nasa grap, mapapansin


na 80% ng mga bidyong napanood ng mga respondente Batay sa datos na aming nakuha, nakakuha ng
ay mula sa ibang bansa o internasyonal. Samantalang, pinakamalaking porsyento ang blog na gawa sa ibang
20% lamang ng mga responente ang nanood ng lokal na bansa o internasyonal na siyang nakapagtala ng 80% na
bidyo mula sa Youtube. sagot mula sa aming mga respondente. At, 20% lamang
ng mga respondente ang nagbasa ng gawang lokal para
sa kanilang huling blog na binasa.
Grap 18. Uri ng Wikang Ginamit sa Pinakahuling
Bidyo sa Youtube na Napanood
Grap 20. Uri ng Wikang Ginagamit sa Pinakahuling
Blog na Binasa

Batay sa mga datos na nasa grap, makikita na


80% ng mga respondente ay nasa wikang Ingles ang
huling pinanood na bidyo. Pantay naman na 10% ang
Batay sa mga datos na nasa grap, ating makikita
wikang Filipino at Taglish na ginamit sa mga bidyong
na 80% ng mga blog na binasa ng mga respondente ay
napanood naman ng iba pang mga respondente.
nasa wikang Ingles, at 20% naman ang nasa wikang
Taglish. Samantala, walang respondente ang nakabasa
Grap 19. Blog na Huling Nabasa ng blog na nakasulat sa wikang Filipino.

Grap 21. Huling Panahon ng Pagbabasa ng Diyaryo


o Magasin

8
www.bataannationalhighschoolshs.com | bnhs.shsbalangacity@gmail.com
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA
_________________________________________________________________________________________________________________

Ipinapakita sa grap na ito na 50% ng mga


respondente ay nasa wikang Ingles ang kanilang huling
binasang magasin o dyaryo, 30% naman para sa wikang
Taglish at 20% naman para sa wikang Filipino.

Grap 23. Uri ng Wikang Madalas Gamitin sa


Tahanan

Ang grap sa itaas ay nagpapakita ng huling


panahon ng pagbasa ng dyaryo o magasin ng mga
respondente. Ang mayroong pinakamababang Sa grap naman na ito ay pinapakita na ang
porsyento ng sagot ay ang mga respondenteng madalas na ginagamit na wika ng mga respondente sa
nakapagbasa ng mismong araw ng sarbey (Nobyembre kanilang tahanan ay wikang Filipino na binubuo ng 80%
15, 2022) na may 10%. Sinundan naman ito ng pantay at 20% naman ng respondente ang gumagamit ng
na porsyento ng mga respondenteng nakapagbasa wikang Taglish sa kanilang bahay.
noong nakaraang linggo ng ika-15 ng Nobyembre at 1-3
buwan na ang nakalipas na mayroong 20% ng mga Grap 24. Lugar na Nagagamit ang Wikang Filipino
estudyanteng tumugon. Habang, pinakamalaking
porsyento naman ang may matagal na panahon na ang
lumipas mula ng kanilang huling pagbasa ng dyaryo o
magasin na may kabuuang 50% ng mga respondente.

Grap 22. Uri ng Wika sa Huling Diyaryo o Magasin


na Binasa

9
www.bataannationalhighschoolshs.com | bnhs.shsbalangacity@gmail.com
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA
_________________________________________________________________________________________________________________

Batay sa mga sagot ng mga respondente, 100%


sa kanila ang nagagamit ang wikang Filipino sa lahat ng
lugar ngunit sa loob lamang ng Pilipinas ng paaralan,
tahanan, mga pampublikong lugar at marami pang iba.

Grap 25. Kahalagahan ng Pagkatuto at Pagsasalita


ng Wikang Filipino

Batay sa mga datos na aming nakuha, nalaman


Batay sa datos mula sa grap, 60% ng mga taong namin ang mga dahilan kung ano nga ba ang
sumagot sa sarbey ay nagsasabing mahalagang- kahalagahan ng wikang Filipino sa pagkatuto at
mahalaga para sa kanila ang pagkatuto at ang pagsasalita nito. Aming nabatid na mataas ang naitala
pagsasalita ng wikang Filipino. Samantalang, 30% na porsyento ng dahilang; ito ang ating sariling wika, na
naman ay nagsasabing mahalaga ito, at 10% ang siyang nakakuha ng 50%. 30% naman ng respondente ay
nagsasabing ito’y hindi gaanong mahalaga. nagsabi na para ito sa pakikipag-komunika sa ating
kapwa. Habang parehong 10% ng mga respondente ay
naniniwalang hindi ito gaanong mahalaga sa pag-aaral
Grap 26. Antas ng Kahalagahan sa Pagkatuto at
at hindi lubusang alam ang dahilan kung ano nga ba ang
Pagsasalita ng Wikang Filipino
kahalagahan nito.

Grap 27. Kahusayan sa Pagsasalita ng Wikang


Filipino

Batay sa datos mula sa grap, 70% ng mga taong


sumagot sa sarbey ay nagsasabing mahusay sila sa
pagsasalita ng wikang Filipino, samantalang 30% naman
ay nagsasabing sila ay mahusay na mahusay.

Grap 28. Lugar na Nagagamit ang Wikang Ingles

10
www.bataannationalhighschoolshs.com | bnhs.shsbalangacity@gmail.com
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA
_________________________________________________________________________________________________________________

Makikita sa grap na nasa itaas, na nakapagtala


ng 70% ng mga respondente ay naniniwalang sa
paaralan madalas nagagamit ang wikang Ingles. At, 10% Makikita sa grap na nasa itaas ang mga dahilan
naman ng respondente ay nagsabing higit niyang kung ano ang kahalagahan ng pagkatuto ng wikang
nagamit ito sa bansang Singapore; 20% naman ang Ingles. Nakapagtala ng 80% ang dahilang, dahil ito ay
nagsabing nagagamit ito sa pakikipag-usap sa mga taong itinuturing na universal language at upang tayo’y
gumagamit ng wikang Ingles. makipagkomunika sa iba. Nakakuha naman ng 20% ang
dahilang ginagamit ito sa pag-aaral, sa trabaho at mga
Grap 29. Kahalagahan ng Pagkatuto at Pagsasalita propesyonal na bagay.
ng Wikang Ingles
Grap 31. Kahusayan sa Pagsasalita ng Wikang
Ingles

Batay sa datos mula sa grap, 80% ng mga taong


sumagot sa sarbey ay nagsasabing mahalagang-
mahalaga para sa kanila ang pagkatuto at ang Batay sa datos mula sa grap, 60% ng mga taong
pagsasalita ng wikang Ingles, samantalang 20% naman sumagot sa sarbey ay nagsasabing mahusay sila sa
ay nagsasabing ito ay mahalaga. pagsasalita ng wikang Ingles, samantalang 30% naman
ay nagsasabing sila ay mahusay na mahusay, at 10% ay
Grap 30: Antas ng Kahalagahan sa Pagkatuto at nagsasabing sila’y hindi gaanong mahusay.
Pagsasalita ng Wikang Ingles
Grap 32. Sitwasyon o Kalagayan ng Wikang
Filipino sa Kasalukuyang Panahon

11
www.bataannationalhighschoolshs.com | bnhs.shsbalangacity@gmail.com
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA
_________________________________________________________________________________________________________________

tahanan. 70% ng mga respondente ang nagsasabing


maganda ang kalagayan ng wikang Ingles sa sarili at
tahanan, at napansin din ng iba na mas may kasanayan
pa ang mga kabataan sa wikang Ingles kaysa sa wikang
Filipino. At, 20% naman ng mga respondente ang
nagsabing maganda ang kalagayan ng wikang Ingles sa
kanilang sarili ngunit hindi sa kanilang tahanan. Habang,
10% naman ang nagsabi na hindi nila alam ang
kasalukuyang kalagayan ng wikang Ingles sa kanilang
sarili o sa tahanan.

KONKLUSYON
Ang wika ay mahalaga dahil ito ang
Ayon grap sa itaas, 40% ng mga respondente
pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng
ay nagsasabing hindi maganda ang kalagayan ng wikang
maayos na pagkakaintindihan at komunikasyon ang mga
Filipino dahil ito raw ay bunga ng pagkahilig at mas
mamamayan sa isang bansa. Ngunit, sa pamamagitan ng
pagtangkilik ng nakararami wikang banyaga kaya
isinagawa na sarbey ng mga estudyanteng mananaliksik
nama’y unti-unti nang nalilimutan o hindi nabibigyan ng
mula sa Bataan National High School-Senior High
pansin ang wikang atin. Sa kabilang banda, 50% naman
School, ay natuklasan ang tunay na kalagayan ng
ng mga respondente ang nagsasabi na maganda pa ang
Wikang Filipino kumpara sa Wikang Ingles sa
kalagayan ng wikang Filipino sa kanilang sarili at
kasalukuyang panahon kung saan tayo ay napapaligiran
tahanan. Habang 10% naman ng respondente ay
na ng makabagong teknolohiya.
nagsasabing hindi alam o hindi niya sigurado ang
Para sa unang salik, madalas at laging ginagawa
kalagayan ng wika sa kaniyang sarili at tahanan.
ng mga respondente ang pagpapadala ng mensahe o
SMS kung saan ay umabot ng 70% ang pagpapadala nito
Grap 33. Sitwasyon o Kalagayan ng Wikang Ingles
sa mismong araw ng ginawang sarbey noong ika-15 ng
sa Kasalukuyang Panahon
Nobyembre ngayong taon. Nagtala rin ng 60% ng mga
respondente ay gumagamit ng Wikang Filipino sa
pakikipag-usap sa mensahe, kung saan ang karamihan
ay isang salita lamang ang kanilang huling mensaheng
ipinadala.
Pangalawa, pareho lamang ang porsyento ng
mga respondente na nag-post sa mismong linggo ng
ginawa ng sarbey at ng matagal na panahon na ang
lumipas sa Facebook o Instagram, kung saan ang
karamihan ay ukol sa pag-ibig ang nilalaman ng kanilang
post, at 40% ng respondente ay nasa Wikang Ingles ang
kanilang post.
Sunod, ay mas lamang ang lokal na palabas
Batay sa mga datos na aming nakuha, pantelebisyon bilang huling pinanood ng mga
nakatanggap kami ng samu’t saring pananaw ukol sa respondente at nasa wikang Filipino ito, ngunit
kasalukuyang kalagayan ng wikang Ingles sa sarili at nagsasabi rin na 60% ng mga respondente ay nasa

12
www.bataannationalhighschoolshs.com | bnhs.shsbalangacity@gmail.com
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA
_________________________________________________________________________________________________________________

Wikang Ingles ang kanilang madalas panoorin sa palabas pinipiling gamitin ng mga kabataan sa panahon ngayon,
pantelebisyon. Mas malaki naman ang lamang ng dahil sa malakas na epekto ng makabagong teknolohiya.
internasyonal na pelikula kaysa sa lokal na pelikula para Ang iba’t-ibang uri ng medya tulad na lamang ng
sa huling pinanood ng mga respondente, at ito ay nasa telebisyon, pelikula, bidyo, blog, dyaryo, at marami
wikang Ingles; 90 % ng mga estudyanteng sumagot sa pang iba ay ilan sa mga salik na nakakapagpahina ng
sarbey ay nagsabi na mas pinipili nilang manood ng kaunlaran ng Wikang Filipino; dahil kahit mayroong
pelikulang nasa wikang Ingles rin, tulad lamang ng sagot lokal na mga medya, patuloy pa rin na tinatangkilik ng
sa palabas pantelebisyon. mga mamamayang Pilipino ang mga gawang
Ang bidyo at blog ay parehong may 80 % ng internasyonal. Bukod pa rito, nakakalungkot isipin na
respondente na nagsasabing internasyonal o nasa mas angat pa ang bilang ng mga respondente na
Wikang Ingles ang kanilang huling pinanood na bidyo sa nagsasabing maganda ang kalagayan ng Wikang Ingles
Youtube at binasang blog. Sumunod, ang karamihan sa sa kanilang sarili at tahanan kaysa sa ating sariling wika
respondente ay matagal na ang panahon na nagdaan na Filipino.
magmula ng sila ay magbasa ng dyaryo o magasin, sa Batay sa mga natuklasan ng mga mananaliksik,
kabila nito, 50 % ng respondente ay nagsabi na nasa ay nararapat na magkaroon ng hakbang upang
Wikang Ingles ang kanilang midyum na ginamit sa mapaunlad pa ang ating Wikang Filipino tulad na
paglibang o pangangalap ng impormasyon. lamang ng pagtuturo ng importansya nito upang
Samantala, karamihan sa mga respondente ay mapangalagaan ang kulturang iningatan ng ating mga
wikang Filipino ang ginagamit sa kanilang tahanan at sila ninuno.
ay naniniwalang ginagamit ito sa lahat ng bagay. Para
rin sa kanila ay mahalagang-mahalaga ito upang SANGGUNIAN
matutunan dahil ito ay ating sariling wika; 70 % sa  Magtibay, Charles. “Ang Epekto ng Social
respondente ay nagsabing sila ay mahusay lamang sa
pagsasalita ng ating sariling wika; at hindi mahusay na Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng
mahusay. PNTC sa Unang Antas.”Scribd, Mar. 2015,
At, sinabi naman ng 80 % ng mga respondente
na mahalagang-mahalagang pag-aralan ang Wikang www.scribd.com/docAng-Epekto-Ng-Social-
Ingles dahil ito ay isang universal language at ginagamit
Media-Sa-Wikang-Filipino-Sa-Mga-Mag-Aaral-
sa mga lugar tulad ng paaralan; 60% sa mga
estudyanteng nagsagot sa sarbey ay nagsasabing sila ay Ng-PNTC-Sa-Unang-Antas
mahusay sa paggamit nito.
Bukod pa rito, 50% ng mga respondente ay  Albay, Jonalyn. “Epekto ng Modernisasyon ng
nasabing maganda ang kalagayan ng wikang Filipino sa
Wikang Filipino sa Pag-aaral ng mga Senior
kanilang sarili at sa tahanan; at kapansin-pansin na mas
mataas ang bilang ng respondenteng nagsabi na mas High School sa Unibersidad Ng Pangasinan.”
maganda ang kalagayan ng wikang Ingles sa kanilang
sarili at tahanan dahil ito ay nasa 70% ng mga Academia.edu,
estudyanteng tumugon sa mga tanong.
www.academia.edu/33470031/EpektoNgModern
Bilang pagtatapos, ang Wikang Filipino ay patuloy pa
ring ginagamit sa pang-araw-araw na buhay ng mga isasyonNgWikangFilipinoSaPagaaralNgMgaSen
kabataan ngayon ngunit hindi maipagkakaila na ang
Wikang Ingles o ang mga internasyonal na medya ang

13
www.bataannationalhighschoolshs.com | bnhs.shsbalangacity@gmail.com
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SITWASYONG PANGWIKA
_________________________________________________________________________________________________________________

iorHighSchoolsaUnibersidadNgPangasinan. Varsitarian, 25 Aug. 2016,

Accessed 19 Nov. 2016 ww.varsitarian.net/20160825/pagtatangi_sa_ingl

 Dinglasan, Japheth. “Paglimot sa Sariling Wika, es_at_pagmamaliit_sa_wika_hadlang_sa_intelek

Makikita sa Social Media.”Wordpress, 13 Nov. tuwalisasiyon_ng_filipino

2016,  Gallego, Kristina. “Isang pagsusuri sa korpus

www.pahayagan101.wordpress.com/2016/11/13/ ukol sa pagbabago ng Wikang Filipino sa taong

paano-ginagamit-ang-wika-sa-social-media 1923-2013.” ResearchGate, Jan. 2016,

 Santos, Tomas. “Pagtatangi sa Ingles at www.researchgate.net/pub/GallegoIsangpagsusu

Pagmamaliit sa Wika, Hadlang sa risakorpusukolsapagbabagongWikangFilipino19

Intelektwalisasyon ng Filipino.” The 23-2013

14

You might also like