You are on page 1of 6

Posisyong papel

Libreng edukasyon

Ikinataba ng puso ng mga mag-aaral ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa batas na
naglalayong magbigay ng dekalidad na pang-kolehiyong edukasyon para sa mga Pilipino nito lamang
nakaraang Ikalima ng Agosto.Ang edukasyon ay para sa lahat.Sang-ayon sa nakasaad sa 1987
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, Seksyon 1 ‘Dapat pangalagaan at itaguyod ng estado ang
karaptan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay sa edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa
ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ng gayong edukasyon.’ ibig sabihin, obligasyon ng
gobyerno na ibigay ang karapatan at pangangailangan ng mga nasasakupan nito lalo na ang sapat at
pinag-isang sistemang pangedukasyon na naaangkop sa pangangailangan ng sambayanan at lipunan.
Sumakatuwid, nararapat lang na matamasa ng masa ang libreng edukasyon noon pa lamang.Ang
inaasam na libreng matrikula sa kolehiyo ay mistulang naging bato dahil kontradiksyon ng pagsasabatas
ng libreng edukasyon, hindi kasama sa makakatanggap ang mga graduate students, post-graduate
students, delayed students at ang binansagan ni Senador Ralph Recto na ‘Magna-nine years na sa isang
course’ ng libreng matrikula. Kung kaya naman umalma ang ilang mga estudyante ng ilang State
Universities. Sa ganitong konsepto, naniniwala sila na ang lahat ng estudyante ay pantay pantay at dapat
na maranasan ng lahat ang tinatamasa ng isa.Ang edukasyon ay karapatan.Ayon sa International Human
Rights Law, ang edukasyon mula sa primarya hanggang sekundarya ay nararapat na libre. Maging ang
matrikula ng kolehiyo ay libre din. Dagdag pa rito, kinakailangan din na ang bawat estado ang siyang
unang gumawa ng hakbang para sa pagkamit ng libreng matrikula. Bukod pa rito, nakasaad din hindi
dapat ipairal ang konsepto ng kahit anong uri ng diskriminasyon sa larangan ng edukasyon .Ang
pagsasabatas ng libreng edukasyon ay tagumpay ng bawat Pilipinong mag-aaral gaya ng
pagkakakahulugan ng AnakBayan. Ipinahayag naman ng Presidential Spokesperson na si Aquillino
Pimentel III na ito ay isang napakahalagang pangyayari sa lkabila ng opresyong nagaganap sa
Marawi.Sabi nga ‘Education is the mostpowerful waepon that you can use to change the world.’ Ang
pagsasabatas nito ay katumbas ng pag-asa ng ginhawa, katumbas nito ang kinabukasan ng mga kabataan
at ng ating bansa. Ang pagkakaroon ng libreng edukasyon ay malinaw na indikasyon na ang bansa ay may
kakayahang makipagsabayan sa integrasyon at modernisasyon. Ano na lamang ang maiaambag natin sa
mundo kung walang kakayahan ang mga kapos na makapag-aral? Paano tayo makikipagsabayan sa
mundo kung mang-mang ang karamihan sa atin?

Nararapat lang na gawing libre ang edukasyon! Nararapat lang na ilaan ang buwis sa edukasyon!
Nararapat lang na punlaan ng kaalaman at hindi ng kasakiman ang utak ng mga Pilipino.Nararapat lang
na pandayin ang isip ng mga Pilipino sa pamamagitan ng libreng edukasyon.Mabuhay ang bansa!
Mabuhay ang matatalinong Pilipino.

"Ang mga Kabataan Noon at Ngayon"


Sa paglipas ng panahon, maraming bagay ang nagbabago, ngunit paano ba maiiwasan ang mga
pagbabago? Paano ba mapapanatili ang mga nakagawian na? 'di ba't sinasabi na ang kabatan ang pag-
asa ng bayan? Ngunit sa ngayon ay ibang iba na ang mga kabataan.Ang kabataan noon at ngayon ay may
maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang
bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang,masunurin dahil sa iang tingin lang ng
magulang sa kanilang anak tumatahimik na o kaya'y sumusunod na agad at mabait di-tulad ng mga
kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa, mga walang bisyo at
maka-Diyos; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong
masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga
kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal
ay ipinagmamalaki ng lahat.

Noong unang panahon ang mga kabataan ay palaging nasa tahanan. Parating tumutulong sa kanilang
mga magulang sa gawaing bahay. At naiiba pa ang kanilang kasuotan yun bang tinatawag nating "Maria
Klara" ika nga. At mas makapag-aaral pa sila ng mabuti dahill noon wala pa ang tinatawag nilang
"Internet o di kaya ay T.V. at Cellphone at iba pa. hindi pa sila bubulakbol o sumasama sa Kanilang mga
barkada kung wala ang pahintulot ng kanilang mga magulang. Samantalang ngayon, hindi sila natatakot
sa kahit na sino. Sa madaling salita matigasin na talaga ang kanilang mga ulo. Kahit hindi pinapayagan ng
magulang na sumama sa kanilang mga kaibegan ,hindi talaga nila ito sinusunod kaya minsan ang
kadalasang nangyari marami ang nabuntis na mga dalagang binata at marami din ang nalulong sa
masamang bisyo .At nag lalaro narin sila ng online o sa tinatawag nilang internet .At minsan hindi na sila
pumapasok sa skwela para mag-aral imbis na mag-aral sila ay nagtatambay na sila kahit saan. Kaya
mabagal ang pag-usad ng ating ekonomiya dahil sa katamaran nating mga pilipino.

Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa
pangangatwiran na kung magkaminsan ay pabalang na sumagot sa magulang na napagkakamalang
pagwawalang-galang sa kapwa, hindi masunurin dahil ang laging sagot ngayon ay "mamaya na" o "saglit
lang". Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng
mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasimbait at magkasinsipag sa
mga kabataan noon at ngayon.

Kaya kung papipiliin ako, mas gusto ko pa noon kaysa ngayon. Dahil noon simple lang ang ating
pamumuhay at tahimik walang gulo kaysa ngayon masaya nga marami namang gulo.

ULAT
Taxi driver sa Ilocos Norte, nagsoli ng
naiwang pera ng pasahero

Isang taxi driver sa Laoag City, Ilocos Norte ang hinangaan dahil sa kaniyang katapatan.Kuwento ng
drayber na si Arvin Bataan, may naiwang coin purse sa kaniyang taxi Lunes ng hapon.Una itong napansin
ng isang pasahero pero hindi na ito ginalaw ni Bataan at agad niyang dinala sa Laoag City Police
Station.Ang may- ari ng coin purse ay si Bernabeth Tuliao mula Barangay 2, Sarrat, Ilocos Norte.Ayon kay
Tuliao, kasama niya ang kanyang kaanak ng maiwan nito ang coin purse sa taxi.Agad niya itong binalikan
sa isang mall at nang makita si Bataan at dahil dinala na niya ito sa mga pulis, sinamahan niya pa si Tuliao
para kunin ang coin purse.Naglalaman ang coin purse ng higit P18,000. Suweldo umano nila ito ng
kaniyang kaanak bilang tagapag-alaga ng kambal na lola. Kasama din dito ang pambili ng gamot at
pagkain ng kambal.

Tubong Barangay Bayubay Sur sa bayan ng San Vicente, Ilocos Sur si Bataan.Domestic helper ang misis at
may dalawang taong gulang itong anak.Mabuting ehemplo naman kung ituring siya ng kaniyang mga
kapwa taxi driver.

"Kung may mga maiiwan ang mga pasahero, kailangan talagang ibalik para maengganyo ang mga ito na
sumakay," ani Rey Macatulad, taxi driver.
Pagsusuri at presebyu ng The Flor Contemplacion Story

Taon- June 7,1995

Oras- 120 minutes

Pruduksyon- William C.Leary

Direksyon - Joel Lamangan

Sinematograpiya - Romeo Vitug

Disenyo-

Editing- Joyce Bernal, Edgardo Vinarao

Tunog /Musika- Kahit kaunting awa composed by Vehnee Saturno

Magsiganap- Nora Aunor, Amy Austria,Jacklyn Jose

Suri-

Isang pelikulang nagpapakita ng pagkakaisa ng bawat mamamayang Pilipino sa pakikipaglaban sa


karapatang pantao, sa mapang-aping lipunan at sa hindi makatarungang paggamit ng hustisyang
mayroon ang Pilipinas at Singapore. Ang pelikulang ito ay isang hamon para sa gobyerno ng Pilipinas na
magkaroon ng maunlad na estado ang bansa upang mabigyan ng karampatang trabaho ang mga Pilipino
nang hindi na sila napipilitang makipagsapalaran at maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Magkakaiba
ang kultura at pag-uugali ng ibang lahi sa mga Pilipino marahil ay hindi aware ang mga nagtatrabahong
Pilipino sa cultural shift na tinatawag.

Gobyerno ang dapat magtanggol sa mamamayan, kapwa Pilipino ang dapat magtulungan ngunit bakit
nagkaroon ng kaibahan ang depenisyon ng pagka-Pilipino sa tagpong ang ibang Pilipino mismo ang
lumulupig sa kapwa-Pilipino?
Sanaysay

Kung Papipiliin ka sa aling bansa

Gusto mong manirahan ?Bakit

Kung papipilin ako,gusto ko dito sa pilipinas,sa kadahilanang maraming magagandang tanawin ang iyong
matatanaw at masisilayan.Hindi lng tanawin ang iyong makikita kundi dahil rin ay mayaman sa mga
magagandang lupain at karagatan na naglalaman ng ibat ibang uri na pwedeng makain at ito ay
masustansya sa ating kalusugan at makinabangan .Hindi lang sa kayamanan ng kalupaan at karagatan
kundi rin sa pagiging magalang ng mga kabataan sa mga nakakatanda .Mahirap man ang kabuhayan ng
iba ngunit hindi ito dahilan para sumuko sa halip ito ang daan sa pag tatagumpay nang bawat isa.At dahil
na rin Gusto kung tumira dito sa pilipinas ay Dahi nandito ang pamilya ko kaibigan Na laging nandiyan sa
akin kapag akoy nangangailangan Sa kanila at napakaganda ng ibat ibang kultura dito sa pilipinas na
hindi mo makakalimutan .

Wala nang mas maganda pa sa bansang kinalalagyan ko.Dito ako nagsimulang mamuhay at Lumaban ng
paulit-ulit dito ko naranasan ang masasaya at malungkot na karanasan ang masasaya at malungkot na
karanasan .Dito ako tumatag at namuhay kasama ang aking pamilya naging matatag ako dahil sa mga
taong nakapalibot sa akin at yun ang aking pamilya naging matatag ako dahil sa mga taong nakapalibot
sa akin at yun yung ang aking pamilya. Kayat kung papipilin ako kung saang bansa gusto kong manirahan
isa lang ang pipiliin ko at yun ang pilipinas .
Boud

Pelikulang Bloody Crayons

Dumating sa isang isla ang grupo ng mga kabatan para sa shooting ng kanilang film project.Titira sila
pangsamantala sa lumang bahay na pag-aari ng pamilya ni olivia (Jane Oineza).Masaya ang lahat sa
pagdating sa isla, subalit bago magdilim ay magkakaroon ng tensyon dahil sa mga isyu ng love triangle sa
pagitan nina marie (Sofia Andres),kenly (Diego Loyzaga),at Olivia,at ang maapektuhan ang matalik na
pagkakaibigan ng huli kay Eunice (Janella Salvador) dahil sa paglihim nito sa kaibigan .May mabubuo ding
isyu sa sarili ang direktor ng grupo na si kiko (Elmo Magalona) dahil sa makikita nya na pagiging malapit
ni Eunice kay Jhon (Ronnie Alonte).

Hindi nila kaklase si Jhon,isinama lamang nila marahil para makatulong sa project.Sa akalang huhupa ang
nabuong tensyon sa mga kasama ay nag laro sila ng Bloody Crayon kung saan bilang mga manlalaro ay
sasailalim sa confesions, rules at consequence na pag-inom ng pinag halo-halong inumin sa bloody
mug.Sa larong ito unang namAtay ay kanilang kasama na si marie dahil sa pagkalason sa ininom na tubig
pagkatapos uminom ng laman ng parusang Bloody mug .Susunod ang isa -isang pagkamatay ng
magkakasama.malikhain ang kwento ng Bloody Crayons na pinatingkad ng ginawang trato ng direktor
upang mapuno ng suspense mula sa simula hanggang sa resolusyon.

Maayos ang mga komposisyon katulad ng mga eksena ng pagtatampisaw ng mga tauhan sa dagat , pag-
uusap nina Eunice at Jhon sa balkonahe na lihim palang nasasaksihan ni kiko ,ang pag iisa ni jhon sa loob
ng patibong na may daanan palabas sa dalampasigan, atbp.Ang pagsisisi ay palaging nasa huli.Maliban
sa Pagapatay ay lumutang din ang temang pre-marital sex, pagtataksil at paglalasing sa mga ikinumpisal
sa larong Bloody Crayon na siyang pinagmulan ng simbuyo ng mga damdamin sa mga tauhan ng
kwento.maseselan at nangangailangan ng proseso ang mga temang ito at nangangailangan ng hinog na
isipan ng manonood.

You might also like