You are on page 1of 4

TALUMPATI TUNGKOL SA KAIBIGAN

Ang kaibigan ay bahagi na ng ating buhay Minsan sila ang basehan


kung sino at kung ano tayo. Sabi nga nila “tell me who your friends are,
and I tell you who you are kung titignan natin ang ating pananaw
masasabing dapat maging mapili sa pagkakaroon ng kaibigan.

LAKBAY SANAYSAY TUNGKOL SA NAKARAAN


Ang aking nakaraan ay puno ng kaalaman at kasiyahan tulad noong
bata ako palagi kaming naglalaro minsan may ginawa kaming mali
kung ikukumpara ang nakaraan ko at ang panahon ngayon mas
maganda ang aking nakaraan dahil puno nag kasiyahan.

SOGIE BILL
Ang sogie bill ay magiging banta ito sa academic freedom at freedom of
speech at hindi magiging patas kung magpapasa ng batas para sa
karapatan ng isang sektor lamang.
Nagsimula kasing umingay muli ang usapin hinggil sa LGBT nang
harangin at hindi papasukin ng janitress ng Farmers Plaza ang
transgender woman na si Gretchen Custodio Diez sa CR ng pambabae
sa nasabing mall.
Ang layunin kasi ng SOGIE BILL ay pigilan ang discrimination laban sa
mga tao kung anoman ang kani-kanilang kasarian o gender identity.
TALUMPATI
Ang edukasyon ay mahalaga para sa mga kabataan dahil dito
magkakaroon ng magandang buhay ang mga kabataan. Ang
edukasyon ang tanging pamana ng mga magulang sa mga anak na di
nananakaw at papakinabangan ng mga anak ng panghabang buhay.
Dahil dito karapatan ng bawat anak na magkaroon ng magandang
edukasyon. At makakamit lamang yan kung merong sapat na ipon at
pinansyal ang pamilya o may katalinuhan na taglay ang mga bata para
maging iskolar ng bayan.
Nakakatulong ang edukasyon sa bawat batang mag-aaral para sa
kanilang magandang kinabukasan o hinaharap. Dapat nating
pagbutihan ang pag-aaral gawin nating inspirasyon ang kahirapan.
Para makamit ang pangarap sa buhay at makatulong sa pamilya na
naghirap sa iyong pag-aaral.

BULLYING
Ang bullying ay isa sa mga problema ngayon na hindi masyadong
binibigyan pansin ng mga otoridad at ng mga magulang. Walang
tuwirang dokumentasyon at estadistika dito sa Pilipinas ang mga kaso
ng bullying. Ang bullying ay isang akto na hindi ginugusto ng
pinapatunguhan ng kilos na ito. Ito ay may karakter na agresibo paulit-
ulit at may hindi pagkapantay ng lakas sa pagitan ng binubully at
nambubully.

You might also like