You are on page 1of 5

READHIS

INDIBIDWALISMO AT REHIYONALISMO SA BANSANG PILIPINAS AT ANG

KAHALAGAHAN NG KASAYSAYAN

Ang bansang Pilipinas ay isang napakayamang bansa hindi lamang sa likas na yaman

kundi pati na rin sa kasaysayan. Ang bansang ito ay isa sa pinaka kilalang bansa sa buong mundo

sapagkat ito ay dumaan sa iba’t-ibang uri ng pananakop na nagresulta sa ating pagkakakilanlan.

Sa pagdaan ng panahon, tulad din ng iba pang mga bansa, ang Pilipinas ay dumaan din sa iba’t

ibang problemang pangpolitikal, pang-ekonomiya, sosyal at kultural. Naging malaking

katanungan din sa bawat isa kung ano nga ba talaga ang naging ganap ng indibidwalismo at

rehiyonalismo sa bansang Pilipinas. Kung pag-uusapan ang indibidwalismo at rehiyonalismo sa

ating bansa, ito ay isang malaking usapin na dapat talakayin. Maraming bagay ang dapat bigyang

pansin sa ganitong uri ng talakayin. Tulad na lamang sa indibidwalismo, isa ito sa problemang

mayroon ang Pilipinas sa ngayon. Sa hindi pa lamang pagkakapantay-pantay ng bawat Pilipino

ay isa na rin sa dahilan kung bakit patuloy na lumalaganap ang indibidwalismong problema ng

ating bansa. Mas binibigyang prayoridad ng iilan ang kanilang pansariling kapakanan na hindi

man lang iniisip ang patutunguhan nito kung ito nga ba ay talagang nakabubuti para sa bansa.

May mga taong nais bigyang lebel ang bawat isa kung sila nga ba ay “individualist” o

“collectivist”. Ngunit sa aking palagay, ito lamang ay isang ideolohiyang pilit itinatatak ng iilan

sa bawat tao. Hindi kailan man kailangan ng isang tao na maging bahagi ng isang sosyal o

politikong ideolohiya. Ang indibidwalismo sa aking palagay ay dapat nagtataguyod ng


eksperimentasyon at ng pansariling kabutihan na nagreresulta din ng pangkabutihan ng kanyang

bansa. Ito ay nararapat lamang na magbigay ng isang magandang resulta sa kanyang bansa upang

makamit natin ang nagkakaisang lipunan. Maituturing man bilang isang “collectivist” ang mga

Pilipino sapagkat mayroong kolektibong control ang pamahalaan sa bawat indibidwal,

maituturing pa ding napakahalaga ng karapatan ng bawat isa na sya namang nirerespeto ng

pamahalaan at nagbibigay ng kalayaang sibil.

Kung pag-uusapan naman ang rehiyonalismo dito sa ating bansa, ang rehiyonalismo sa

Pilipinas ay hindi ganoon kalaganap sapagkat pantay-pantay ang distribusyon ng kapangyarihan

at mga tungkulin ng bawat rehiyon dito sa atin. Ayon sa pangpulitikang pangangahulugan, ang

rehiyonalismo ay isang ideolohiyang pangpolitika na nakapokus hinggil sa mga interes ng isang

partikular na pangkat o rehiyon. Tinitignan nito kung ito nga ba ay nasa isang antas na

tradisyunal o pormal (Political division, Administrative division, Subnational units). Ang mga

rehiyon na napaiilalim sa rehiyonalistikong estado ay naglalayon o mayroong hangaring tumaas

ang kanilang impluwensiya sa kanilang mga rehiyon at madagdagan ang kanilang

kapangyahirang pampulitika, ito ay alinman sa pamamagitan ng paggalaw o pagkilos para sa

kabutihan ng limitadong anyo ng awtonomiya tulad na lamang ng desentralisasyon, o sa

pamamagitan ng mas malawak at mas malakas na panuntunan at panukala para sa isang mas

mataas na antas ng awtonomiya tulad na lamang ng soberanya, pagsasarili at separatismo. Kung

tutuusin, pantay-pantay man ang distribusyon ng kapangyarihan sa bawat rehiyon sa ating bansa,

hindi pa rin maiiwasan na may iilang nagiging superyor ang dating sapagkat sa laki ng sakop ng

kanilang rehiyon, inaakala ng iba na sila ang mas nakatataas sa lahat ngunit ito ay isang maling

mentalidad sapagkat tulad ng aking nabanggit, pantay-pantay ang katayuan ng bawat rehiyon sa

Pilipinas.
Wala mang konkretong sagot kung paano mabibigyang solusyon ang problema pagdating

sa indibidwalismo at rehiyonalismo. Sa aking palagay, ito pa rin ay dapat binibigyang pansin

sapagkat ito rin naman ay para sa kabutihan ng bansa. Kung patuloy na magkakaroon ng hindi

pagkakaintindihan sa bawat indibidwal, ito ay maghahain ng hindi magandang resulta sa lipunan

dahil kung sa bawat indibidwal pa nga lang ay mayroon nang problema, paano pa kaya sa

mismong namamahala ng lipunan. Isa ang rehiyonalismo sa paraan kung paano mas mapauunlad

ang isang lugar, nararapat lamang na ito ay pagtuunan ng pansin at hindi maging balakid sa pag-

unlad ng lipunan. Nararapat lamang na sa pag-unlad ng bansa, kasama din dapat sa pag-unlad

ang bawat rehiyon. Sapat na alokasyon ng kapangyarihan at pantay-pantay na trato sa bawat

rehiyon ay nararapat lamang din na obserbahan. Hindi madaling magpa-unlad ng isang estado.

Ito ay dadaan sa masusing proseso at panahon. Sa aking palagay, makakamit naman ng bansang

Pilipinas ang kaunlaran kung pagtutuunan lamang ng pansin ng gobyerno ang maliliit na

problema nito tulad na lamang ng indibidwalismo. Isang malaking parte ang kayang ibahagi ng

isang indibidwal sa kanyang bansa. Kung patuloy na lalaganap ang isyu hinggil sa

indibidwalismo, mahihirapang komunekta ang gobyerno sa bawat isa sapagkat papaniwalaan

lamang nito ang kanilang pansariling kabutihan. Sapagkat ang kalayaang indibidwal ay malakas

at malaki ang tulong sa isang sentralisadong gobyerno. Ito ay isa lamang uri ng sistemang “Give

and take.” Sa konseptong separatismo naman ng bawat rehiyon, sa ganitong paraan ay mas

nabibigyang solusyon ng bawat namumuno ng rehiyon ang kani-kanilang hinaharap na hamon.

Lubos na makatutulong ang rehiyonalismo sa bansa kung mas pag-aaralan pang mabuti ang

implementasyon nito.

Kasaysayan ang isa sa humuhubog kung ano man ang isang bansa ngayon. Ito ang

nagiging basehan kung paano mas palalawigin ang estado ng isang lipunan. Dito rin bumabase
kung ano ang dapat gawin sa hinaharap. Naniniwala akong malaking tulong ang pagkakaroon ng

pag-aaral hinggil sa kasaysayan ng ating bansa tulad na lamang nitong kursong Selected

Readings in Philippine History. Sapagkat ito ay nagsisilbing gabay sa kamulatan ng bawat

kabataan patungkol sa mga makasaysayang kaganapan na nangyari sa Pilipinas at sa ating mga

ninuno . Sa pagkakaroon ng ganitong pag-aaral, mas nagiging bukas ang isipan ng bawat

kabataang Pilipino sa kung ano nga bang pinagmulan ng ating kasaysayan. Ito rin ay nagsisilbi

bilang pagpapatibay ng ating pagka-Pilipino at pagiging makabansa. Sapagkat hindi lamang ito

nalilimitahan sa ating pagtira dito sa ating bansang Pilipinas, ngunit tayo ay dapat maging bukas

ang isipan sa kung ano nga ba talagang estado ng ating bansa at kung ano ang ating kayang

maiambag sa ating pagiging Pilipino. Sa kadahilanang ito, mas pinagtitibay nito ang ating

pagkakakilanlan at naiiwasan ang pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad lalo na sa mga

kabataan o ang ating bagong herasyon ng mga Pilipino. Sa pag-aaral din ng ating kasaysayan, ito

ay nagiging daan upang ipaalam sa bawat mag-aaral kung gaano nga ba talaga kayaman ang

Pilipinas hindi lamang sa kasaysayan kundi pati sa pinagkukunang mga likas na yaman. Kung

ating susumain, naging malaking tulong ang kasaysayan sapagkat natuto tayong mga Pilipino

kung paano lumaban, hindi lamang sa paraan ng dahas kung hindi pati na rin sa paraan ng

pagsulat at pagmulat sa kamalayan. Natuto tayong bigyang pansin at protektahan ang ating

teritoryo sa mga dahuyang nais sakupin ang ating bansa. Sa makabagong panahon naman,

naniniwala akong ang pagiging mulat ng bawat kabataan at Pilipino ay dahil na rin sa ating mga

bayaning naging bahagi ng ating kasaysayan na paulit-ulit na itinuturo at sa atin ay ipinakikilala.

Ang paglaban ng mga tao sa karapatan ng bawat isa ay naging inspirasyon mula sa ating mga

magigiting na bayani. Ito na marahil ang isa sa simpleng paraan kung paano natin sila

mapapasalamatan at bilang ganti na rin sa kanilang kagitingan at pagmamahal sa ating bayan,


ang maging mulat din sa tunay na kalagayan ng ating bansa ay isang aspetong naging resulta ng

kasaysayan. Kaakibat ng bawat hinaharap ang ating kasaysayan, hindi mabubuo ang isang

“kinabukasan” kung hindi ito manggagaling sa kasaysayan. Parte na ito ng buhay ng bawat tao.

Isa rin sa pinaka naging tulong nang kasaysayan ay nagiging daan ito upang ipagbuklod-buklod

tayong mga Pilipino. Pinagkakaisa tayo nito hindi lamang sa hangarin kundi pati na rin ating

ipinaglalaban. Magkakaiba man tayo ng opinyon, perspektibo at paniniwala, ngunit alam kong sa

bawat taong may ipinaglalaban, ito ay para sa kabutihan ng bawat Pilipino at ng ating bansa. Isa

din sa aking palagay kung bakit malaking tulong ang pagkakaron ng aralin hinggil sa kasaysayan

ay dahil ito ay nakatutulong upang malaman natin ang mahahalagang perspektibo ng mga

problemang kasalukuyang kinakaharap ng ating modernong lipunan.

Bilang konklusyon, ang indibidwalismo at rehiyonalismo ay walang direktang sagot kung

paano ito mabibigyan ng solusyon. Kung mayroon man sa aking palagay ay baka maging isang

diktatorya lamang ito at puno ng pagmamanipula sa bawat isa. Tungkol naman sa usapin sap ag-

aaral ng kasaysayan, ako bilang isang mag-aaral, ay naninindigan na dapat ay patuloy lamang na

pagyabungin ng ating pamahalaan ang pag-aaral sa kasaysayan. Palawigin pa sana ng

Kagawaran ng Edukasyon ang pokus ng pag-aaral na ito. Sapagkat lulan ng bawat kasaysayan at

bawat kwento ang mangyayari sa ating kinabukasan. Maraming bagay ang maaaring gawin ng

kasaysayan. Kahit tayong mga nasa kasalukuyang panahon ay hinubog lamang din ng

kasaysayan. Sabi nga ni Martin Luther King, Jr. “We are not makers of history. We are made by

history.”

You might also like