You are on page 1of 2

Llanillo, Marynele G.

Filipino 2-1

Takdang aralin #2

Basahin ang tekstong 'Paputian ng Kamalayan: Pananaliksik ay ang Limot na Kasaysayan ng


Pagiging Filipino' ni Joseph Salazar

1. Ano ang ipinapakahulugan ni Joseph Salazar sa metaporang 'kaputian'? Paano niya ito inuugnay sa
usapin ng kasaysayan at pagiging Filipino?

Sa aking nahinuha, ang unang pagpapakahulugan ni G. Salazar sa "kaputian" ay ang mga lahi ng
Amerikano at maging etnisidad nito o tinatawag nating pagkakakilanlan ng isang lahi. Isa sila sa mga
kanluraning bansa na sumakop sa Pilipinas. Ang ating bansa sa kasaysayan ay naikulong sa prosesong
kolonyal. Bukod pa rito, sinasalamin din nito ang pribilehiyo na natatamo ng mga puti o nakatataas na uri.
Sila ay hindi pinipilit ng lipunan na ipaliwanag ang kanilang mga sarili sapagkat mayroon silang
kapangyarihan na pinanghahawakan. Gayunman, kung ano ang ginhawang natatamo ng mga puti ay
siyang inaasam-asam ng mga mababang uri. Samakatwid, maihahalintulad natin ito sa pagiging Pilipino
kung saan nagkakaroon ng hindi pantay na pagtanaw at pagtrato sa bawat miyembro ng lipunan. May
nasa tuktok at may nasa ilalim.

2. Kumusta ang kalagayan at suliranin ng edukasyon at maging ng iba't ibang disiplina sa Pilipinas ngayon?
Isa-isahin ang mga umiiral na sitwasyon.

Ang edukasyon ay nananatiling isa sa mga problema ng Pilipinas. Madaling sabihin na ang
kalidad na Edukasyon ay bukas para sa lahat ngunit sarado ang pinto ng mga mahihirap upang pasukin at
tahakin ang Edukasyon na kanilang pinapangarap. Lubusang hindi maipagkakaloob sa lahat, tanging mga
Pilipinong may pribilehiyo lamang ang may kakayahang makapag-aral. Dagdag pa, ang mga Pilipino ay
naibibilanggo sa impluwensya ng edukasyong hegemoniya. Ito ay ang kaisipan ng mga mahihirap na mag-
asal mayaman nang sa gayon ay makasabay sa mga nakatataas nang hindi namamalayang sila mismo ay
nagiging kapitalista. Sila ay nabubulag sa sistemang mapagsamantala at mapang-api sapagkat nakatatak
sa kanilang isip na parte ng kahirapan ang maghirap.

Sa kabilang banda, umiiral din dito ang pagiging rasista ng mga tao. Nagkakaroon ng
diskriminasyon at pagtatangi sa magkaibang uri at lahi.

3. Ano ang nabubuong potensyal ng pananaliksik sa iba't ibang larangan upang hamunin ang
kaalamang kanluranin at suliraning panlipunan sa kasalukuyan? Pangatwiranan mo kung sinasangayunan
mo ang ideya o hindi.

Isa sa nabubuong potensyal ng pananaliksik na ito ay kung bakit mas pinaniniwalaang mas
malakas ang lalaki kaysa sa babae sapagkat ang umuusbong na sistema sa kanluraning bansa, tulad ng
Amerika at sa Pilipinas ay ang patriyarkal. Kung ating babalikan, ang nakaraang eleksyon ay naging
matunog sa buong Pilipinas. Hindi maipagkakait na mas maraming umanib sa ating kasalukuyang
Pangulong si Ferdinand Marcos dahil ang mga Pilipinong bumoto sa kaniya ay naniniwalang mas kaya
niyang hawakan at pangalagaan ang Pilipinas at maging mamamayan nito. Para sa kanila, ang katulad ni
Leni Robredo ay isang mahina. Ang babae ay babae lamang. Bagama't ganito ang mentalidad ng ibang
mga Pilipino, mangyaring may manatiling tumataliwas sa ganitong pag-iisip. Mainam at mabuti na parehas
na naisasaalang-alang ang magkaibang kasarian nang walang ibinababa. Maging bukas sa kung ano ang
kakayahan na mayroon ang mga kababaihan dahil ang katapangan, kahusayan, kalakasan, at katalinuhan
ay hindi lamang tinataglay ng kalalakihan bagkus maging ang kababaihan.

You might also like