You are on page 1of 2

ELOISA KHATE B.

BITONG
BSED FIL-3A
SURING PAPEL
FIL 303

MGA LINGGWISTIK NA ILUSYON SA PILIPINAS

ni Ernesto A. Constantino

Ang babasahin na isinulat o nilikha ni Ernesto A. Constantino na

pinamagatang “Mga Linggwistik na Ilusyon sa Pilipinas” ay may organisadong

estilo ng pagsulat kung kaya naman madaling maintindihan ng mambabasa.

Sa pamagat pa lamang ay mapapaisip ka na marahil ay walang katotohanan

ang nilalaman nito, siguro ay walang batayang datos ang mga nakatala sa

loob nito ngunit kung iintindihing mabuti ang ideya ng teksto, maraming aral at

reyalisasyon ang mahihinuha sa babasahing ito. Ang babasahin ay umiikot

lamang sa iba’t-ibang ilusyon na matatanggap ng ating wika sa Pilipinas.

Nariyan ang sinasabing hindi tayo makapagdedebelop ng ating sariling wika,

masasapawan o mamatay ang katutubong wika, hindi maaaring dumebelop

ng sariling wika nang higit sa isang wika, ang ilusyon na dapat ay maging

puro ang wikang pambansa at dapat na maging simbolo lamang ang ating

sariling wika. Batay sa mga nabanggit na ilusyon, inilalarawan lamang nito na

hindi gaanong importante ang sarili nating wika ngunit para sa akin, mali iyon.

Sa kabilang banda, mahalagang basahin at unawain ang sulating ito

upang makadagdag ng karunungan at kaalaman tungkol sa ating wika.

Nailahad nang maayos at mahusay ang ideyang ilusyon tungkol sa ating wika.

Kaniya ring pinasinungalingan ang mga nabanggit na ilusyon sapagkat ang

wika ay tunay na nadedebelop at nagbabago. Maling maliitin ang wikang


sisimbolo sa ating pagkakakilanlan, wikang magpapakita ng ating kaibahan sa

mga dayuhan, wikang pangunahing instrumento natin sa pakikipag-ugnayan

sa ibang tao at wikang dapat nating ipagmalaki sa mga banyaga. Mahihinuha

sa babasahing ito ang tunay na pagmamahal sa ating sariling wika at

salungat sa mga ilusyong nabanggit.

Ang akdang ito ay mainam na mumulat sa maraming tao tungkol sa

usaping pang-wika. Minumulat nito ang bawat isa sa reyalidad na dapat

iwaksi ang mga maling perspektibo at impresyon tungkol sa wika. Binubuksan

ang kamalayan ng bawat isa sa pagpapahalaga ng ating wika. Ang manunulat

ay mayroong motibong gisingin ang mga Pilipino sa pagkikialam upang

hadlangang lumaganap ang mga ilusyong pangwika. Sa bandang huli, tayo

pa rin ang aani ng pagmamalaking ating maiaambag upang lumago pa ang

ating wika.

You might also like