You are on page 1of 4

SALIKSIK-WIKA

SALIKSIK-KULTURA
SALIKSIK-FILIPINO

(pumili lamang ng isa sa tatlo)

Mga Miyembro ng Grupo: (2-3 lamang)


Apelyido, Pangalan, Inisyal (paalpabeto)
- Vidamo Danna jen D.
-
-

Tentatibong Pamagat ng Paksa:

Paksang Pampananaliksik 1. Kaugalian ng Pilipino na nagpapayabong ng ating Kultura

Paksang Pampananaliksik 2.Pagpapaigting ng Wikang Filipino sa Modernong panahon

Mga Tiyak na Suliranin:

Paksang Pampananaliksik 1

1. Ano ang kaugaliang Pilipino na maituturing na natatangi sa ibang bansa?

2. Importante pa ba ang kinaugaliang pagmamano sa nakatatanda sa modernong panahon?

3. Ano ang kaugaliang Pilipino na nagpapairal noong kasagsagan ng covid-19 virus?

Paksang Pampananaliksik 2

1. Mapapaunlad ba ang gating bansa sa pagpapaigting ng wika ngayon modernisasyong


panahon

2. Epekto ba ng Modernisasyon panahon ang tuluyang pagkalimot sa pagpapa-iigting ng


Wikang Filipino

3. Nakaka epekto ba ang pag-aaral ng wikang banyaga sa pagpapaigting ng Wikang Filipino


bilang isang indibidwal
DRAFT NG INTRODUKSIYON (1 pahina, 3-4 talata)

Ang kultura ay ang pagsasalin-salin ng tradisyon ng isang tao o komunidad. Ito ay


pinaghalong tradisyon ng mga bansang sumakop at mga katutubo. Malalaman mo ang
mayamang kasaysayan ng Pilipinas sa nakaraan, at hindi lang ito matatanaw sa mga sikat na
museo sa bansa dahil kung iyong susuriing mabuti, ang Kulturang Pilipino ay sumasalamin at
nakadadagdag ng ganda sa bansang Pilipinas.

Saang man sulok ng mundo, kilala ang Pilipinas hindi lang sa natatanging hiwagang
pangkalikasan kundi maging sa magagandang kaugalian ng mga Pilipino. Sa totoo lamang
itinuturing ng mga banyaga na “Most Hospitable” locals ang mga Pilipino dahil sa magagandang
kaugalian nito. Dito mo matatanto na lubos na pinag-iingatan ng mga Pilipino ang kahalagahan
ng kultura.

Sa pagsusuring ito ating mapag-aaralan ang kaugaliang umiiral sa modernong


panahon. . Halimbawa nito ay ang pag "MANO", isa sa mga tanda ng paggalang ngunit sa ating
mga pilipino ito ay isang tradisyon.

Ngunit sa aking pagsusuri, unti-unti ng nakakalimutan ang isa sa mga kultura ng mga
pilipino. Ito ay ang pag "MANO" sa nakatatanda sa atin. Ang pag "MANO" ay isa sa mga tanda'
ng paggalang ngunit sa ating mga pilipino ito ay isang tradisyon. Nagsimula ang pagmamano sa
nakatatanda noong panahon ng mga Prayleng Katoliko na sumakop sa bansang Plilipinas. Ang
salitang ugat na “MANO” ay nagmula pa sa wikang Espanyol na ang ibig sabihin nito ay
“KAMAY”. Gayunpaman, ang hindi naalis sa ating mga pilipino ay ang paggamit ng "PO at
OPO" tanda ng paggalang sa nakatatanda sa atin.

Maaring napakapamilyar para Bayanihansa ating mga Pilipino ang diwa ng larawang ito.
Ang “bayanihan” na isang bahagi ng ating kultura na masasabing makaluma o tradisyunal, dahil
sa panahong nagsimula ito. Ang konsepto ng pagbabayanihan ay ang sama-samang
pagtutulungan ng mga magkakapitbahay o mga magkakabaranggay sa pagbuhat at karaniwang
paglipat ng isang bahay, na noon ay kubo na gawa sa nipa at iba pang magagaan na
materyales, ng kanilang kasamahan patungo sa isang bagong pwesto.

Sinasalamin ng tradisyong ito ang pagkakabuklod-buklod at mapayapang pagsasama at


sistema ng tulungan sa isang pamayanan. Likas na matulungin at may malasakit sa kapwa ang
mga Pilipino na nagpapalakas ng kaisipang ideyal na pamumuhay noon. Hindi mapagkakaila na
ang mga Pilipino ay may pagpapahalaga sa isang lipunang may pagtutulungan at pagkakapit-
bisig sa mga panahon ng kaginhawaan at kahirapan. May kaakibat na responsibilidad sa kapwa
ang pagiging Pilipino na isa nang manipestasyon hanggang sa mga kapanahunan ngayon
Kahit na hindi na kapareho ng kubo at pagbubuhat nito ang pamumuhay ngayon, ang
diwa ng bayanihan ay isa pa ring pangunahing tradisyon at identidad ng mga mamamayan ng
bansa. Sa pagtulong sa mga nangangailangan, na mas naipamalas sa mga nagdaang
kalamidad, makikitang buhay parin ang bayanihan. Sa paglipas ng panahon, ang mga tradisyon
tulad nito ay unti-unting nababago at naiaakma sa panahon, ngunit ang kabutihan at intensyon
nito ay nagiging mas versatibo at dinamiko. Isang patunay na ang bayanihan ng bayang
Pilipinas ay magpapatuloy sa pag-iral nito sa ating mga buhay.

Ang "BAYANIHAN" ay matagal ng kultura sa bansang pilipinas na hanggang ngayon ay


nanatili na isinasagawa sa iba't ibang probinsya sa pilipinas. Ang "bayanihan" ay ang
pagtutulong tulong ng mga tao ng kusang loob na hindi humihingi ng kahit anung kapalit.
Datapuwat ang tinulungan ay kusang loob din na maghahanda ng anumang makakain at
maiinom na tubig sa kanyang kakayanan sa buhay. Nagmula ang salitang "bayanihan" ng
gamitin ito ng mga pilipino upang tumulong sa pagbubuhat o paglilipat ng mga gamit ng isang
pamilya na naninirahan sa ibang lugar. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paglagay ng kawayan
sa gilid ng bahay kubo hanggang sa maiangat ito patungo sa ibang lugar na ligtas paglagyan.
MGA PANIMULANG SANGGUNIAN:

(1-3 patunay na may sangguniang magagamit kaugnay sa paksang napili, dadagdagan pa ito
sa mga susunod; APA Pormat at paalpabeto)

https://steemit.com/philippines/@kennyroy/20-ang-kaugalian-at-kulturang-pilipino-english-and-
tagalog-1st-attempt-ni-kenneth-castro-divina

https://markadongpilipino.wordpress.com/2012/08/22/usaping-tradisyunal-bayanihan/

Elcomblus Contributor (2020) Kahalagahan at Kabuluhan ng Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino

Pangalan at Pirma ng mga Mananaliksik: VIDAMO DANNA JEN D.

You might also like