You are on page 1of 5

Kulturang Popular: Salamin ng Ugnayan ng wika, Lipunan at Kultura

KABANATA 1

Introduksyon

Sa patuloy na pag-iral ng globalisasyon sa ating bansa, patuloy rin ang pag-


usbong ng kulturang popular. Karamihan at kalimitan pa sa mga ito ay nagmumula sa ibang
bansa, sa kasalukuyan nangunguna sa bansang South Korea.

Ang kulturang Popular ay ang pagtangkilik ng marami sa isang partikular na


aspeto; musika, pananamit o fashion, pagkain, palabas o pelikula at marami pang iba. Ito ang
tinatawag na “uso” sa karamihan na minsang nagiging batayan ng pagiging “cool” o maangas na
salin sa Filipino.

Sa Kulturang Popular, makikita ang salitang kultura. At ang kultura ay tumutukoy


sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang tao. Kabilang din sa kultura ang usapin ng mga
paniniwala at mga kaugalian ng mamamayan sa iisang lipunan. Ayon kay Fedorak (w.t), “culture
is a powerful and dynamic force constantly changing in response to internal and external forces”
(p.1898). Gaya ng wika, ang kultura ay nagkakaroon ng pagbabago na sumasabay sa pagbabago
ng isang lipunan sa paglipas ng panahon.

Ayon kay Kidd (2007, sipi ni Fedorak, w.t), “Pop Culture provides the shared
experiences and creates the social solidarity that is the basis for all society”. Nagiging batayan
ang kulturang popular ng kalagayang sosyal at antas o lebel ng katayuan ng isang indibidwal sa
isang lipunan. Hindi maitatangging ang kulturang popular ay pinagmumulan ng kita kung kaya’t
masasabing malaki ang bahagi o papel nito sa kapitalismo.

Maraming kulturang popular ang umiiral sa ating bansa. Mula noon pa man ay
hayag na ang ganitong penomena. Ito ang epekto ng kolonyalismo na naganap sa ating bansa.
Isang halimbawa na lamang ay ang pagkahilig ng mga Pilipino sa mga pagkaing kanluranin,
tulad ng burger, fries at iba pa na matatagpuan sa iba’t ibang food chain tulad ng Jollibee,
McDonalds, Wendy’s at iba pa. Naging bahagi na ng ating kultura ang mga pagkaing kanluranin,
at ang pagtangkilik nito at pananatiling pagiging uso ang dahilan kung kaya’t kabilang ito sa
kulturang popular. At dahil sa patuloy na pagtangkilik ng mga Pilipino, nagtatayo na rin ang mga
Pilipino ng kanilang maliliit na kainan na may ganitong uri ng pagkain. Sa kasalukuyan, marami
pang pagkain ang bahagi ng kulturang popular na umiiral sa bansa; (1) milktea, isang inumin na
nagmula sa mga tsino, at; (2) Ramen o Ramyun, isang noodles na nagmula naman sa bansang
Japan o South Korea.

Hindi lamang pagkain ang nagiging popular sa bansa, maging ang estilo ng
pananamit na nakukuha sa mga iniidolong mga sikat na personalidad sa ibang bansa, musika na
mula sa ibang bansa o lokal, at iba pa.

Hindi lahat ng nagiging popular o umuuso sa kasalukuyan ay bago. Karamihan o


ang ilan ay kuha sa mga nagdaan nang kultura. Nagkaroon lang ng konting pagbabago o bihis
ngunit nakaangkla pa rin ito sa nagdaang panahon. Dahil kakabit pa rin nito ang sinasabing
panlasa, nagkakaroon lamang ng kaunting pagbabago upang makatugon din sa pagbabagong
nagaganap sa paligid.

Nakaangkla ang kulturang popular sa mga tao sa isang lipunan.

Maging ang mga teknolohiyang ginagamit natin sa kasalukuyan ay bahagi ng


kulturang popular. Marami ang tumatangkilik ng mga ito dahil marami na rin ang tumatangkilik.
Malaking epekto ang bilang ng tumatangkilik sa lalo pang pagiging popular nito. Isa sa
kaugalian ng mga Pilipino ang sumabay sa umiiral at inihahain ng sistema. Kaya marami sa mga
Pilipino ang kahit mabaon sa utang basta magkaroon lamang ng nauuso o ng bago ay ayos
lamang.

Sa patuloy na pag-usbong ng kulturang popular ay nakakaya na nitong kontrolin


ang mga tao sa lipunan. Sa kabila ng Kulturang Popular ay ang pag-iral din ng kapitalismo.
Nakikitang mabilis na susi ito ng kapitalismo upang makahamig ng malaking kita. Sa patuloy
nilang paghahain sa mamamayan, ng inaakala ng marami na bago ngunit ito ay recycled lamang
naman,ay patuloy silang tinatangkilik ng masa kung saan lumalaki ang kanilang kita. At dahil
nga sa pagkakaroon ng kaibhan sa antas o lebel ng katayuan ay umuusbong din ang kulturang
popular para sa magkakaibang ito. Minsan, kung ano pa ang kaya lamang na bilhin ng masa ay
ito ang nagiging kulturang popular dahil ito ang abot-kaya ng nakararami.
Layunin

Layunin ng papel na ito na maipakita ang papel ng Wika, Lipunan at Kultura sa


pagyabong ng Kulturang Popular. Nilalayon din ng papel na maipakita ang kahalagahan ng
bawat isa tungo sa pag-unlad ng bansa. Inaasahan ng mananaliksik na matugunan ang mga
sumusunod na suliranin:

1. Ano ang papel ng Wika, Lipunan at Kultura sa Kulturang Popular?

2. Bakit mahalaga ang Wika, Lipunan at Kultura bilang mga elemento tungo sa pag-unlad?

3. Mahalaga ba ng pagkakaugnay-ugnay ng Wika, Lipunan at Kultura?

Kahalagahan ng Pag-aaral

https://books.google.com.ph/books?
id=TC6ShLRgJR0C&pg=PT2&source=kp_read_button&redir_esc=y#v=onepage&q&f=false
https://books.google.com.ph/books?
hl=en&lr=&id=LqFtRaN6mUsC&oi=fnd&pg=PA1895&dq=pop+culture&ots=5ZGdS6Vx4_&s
ig=jMetWFVNWV9w5npDqtHT5Dr7Ef8&redir_esc=y#v=onepage&q=pop%20culture&f=false

You might also like