You are on page 1of 22

Ponemang

Suprasegmental
Inihanda ni G. Ryan V. Balolot, MAPF
• Ang ponemang suprasegmental ay may kinalaman sa kung paano binibigkas ang
mga ponemang segmental na nakatutukoy upang ang mga pahayag ay maging
malinaw, tiyak at mabisa. Ayon kay Santiago (1994), ang mga ponemang
suprasegmental ay mga sangkap bilang pampalasa sa ating pakikipagkomunikasyon.

• Nakapagdudulot ng kagandahan at bisa ang suprasegmental sa pagbibigay ng tiyak at


malinaw na kahulugan sa komunikasyon.

• Kasama naman ng mga tunog segmental ang mga kaakibat na tunog upang lalong
maintindihan ang isang salita o pahayag.

• Mahalagang may kakayanang iinterpret ng isang nakikinig ang mga ponemang


suprasegmental sapagkat may iba’t ibang kahulugan ang mga ito. Sa mga nagsasalita
naman, dapat ay maging maingat sila upang maging angkop ang kasamang ponemang
suprasegmental ng mga pahayag na kanilang ibinabahagi.
DIIN (STRESS)
• Tumutukoy sa emphasis ng salita o pahayag. Sa kaso ng mga salitang Filipino,
maaaring magbago ang kahulugan kung iibahin ang diin nito.

Halimbawa: (salita)

tulugan (isang pandiwang nagsasaad na pag-iwan sa kasama sa pamamagitan ng


pagtulog)

tulugan (pangngalan ito na tumutukoy sa lugar o bagay na tinulugan)

Halimbawa: (pahayag)

Si Maria ay maganda. (si Maria at hindi ibang babae ang maganda)

Si Maria ay maganda. (kagandahan ni Maria at hindi ang kanyang ibang


katangian tulad ng kabaitan o katalinuhan)
APAT NA PRINSIPAL na URI ng DIIN sa wikang Filipino
1. Malumay – sa pantig na penultima o ikalawang pantig mula sa huli ang diin. Dahil sa ang
karamihan sa mga salitang likas sa katutubo ay malumay, ang mga salitang malumay ay
hindi tinutuldikan.
Halimbawa: Sáya dalága haláman
2. Malumi – tulad din ng malumay kung bigkasin ngunit ang ipinagkaiba lamang ay nagtatapos
sa impit na tunog o glottal na pasara ang mga salitang may diing malumi. Sa pagsulat,
kinakatawan ang impit na tunog ng tuldik na paiwa (`).
Halimbawa: Batà malayà lupà
3. Mabilis – bibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Kinatawan ang diin
ng tuldik na pahilis (´).
Halimbawa: Alís daán malakás
4. Maragsa – tulad din ng mga salitang may diing mabilis subalit nagtatapos sa impit na tunog.
Kinakatawan ang diing mabilis na may impit ng tuldik na pakupya (^) sa mga salitang may
diing maragsa.
Halimbawa: Dugô bahâ palakâ
• Ang palatandaang accent (diin) na (‘) sa ibabaw ng bawat pantig sa mga salitang
pinapantig ay nagpapakita nang higit na gamit ng diin kaysa ibang pantig.

• Ang haba (length) o (:) naman ay nagpapakita ng tagal ng bigkas ng unahang pantig
na nagpapabago sa kahulugan ng salita.

Halimbawa:

Berdeng bahay ‘ang bahay ay may berdeng pintura’


Berdeng bahay ‘ang bahay na puno ng halamanan’
Dalubgurong Filipino ‘gurong nagpapakadaludhasa sa Filipino’
Dalubgurong Filipino ‘gurong nagtuturo ng Filipino’
Halimbawa:
Binoto mo ba siyang pangulo?
Binoto mo ba siyang pangulo?
Binoto mo ba siyang pangulo?
• Ito ay tumutukoy sa
lakas ng bigkas sa
pantig ng salita.
• Isinusulat sa pagitan
ng // ang mga
transkripsyon ng
ponema. Kalimitan sa
pagsulat ng ibang
tono na nailalarawan
ng ating ponema ay
hindi naisasagisag
tulad ng impit /?/ at
haba /:/ at ang letrang
ng na may tunog /ŋ/ at
/./.
TONO (PITCH)
• Tumutukoy sa damdamin ng pahayag. Napasasama sa tono ang iba pang paktor
gaya ng lakas o hina ng boses, gaspang o kinis nito at iba pa. Mahalaga ang tono sa
pagpapahayag sapagkat may mga mas malalim pang kahulugan na maaaring nais
ipahiwatig depende sa tono ng pananalita. Ang totoo, mas madaling makuha ang
mensahe sa pamamagitan ng tono sa mga pasalitang komunikasyon at lubhang
mahirap naman sa mga pasulat na anyo. Kinakailangan kung gayon ang mga pag-
uugnay-ugnay sa mga salita upang makuha ang akmang tono ng teksto o ng oral na
pahayag.

Halimbawa:
Dumating na ang Pangulo.
Dumating na ang Pangulo?

Ako.
Ako?
Halimbawa
a. TUbo vs tuBO
b. PIto vs piTO
c. SAya vs saYA
d. MagsaSAka vs magsasaKA
• Ang pagtaas at
pagbaba ng pantig ng
isang salita upang higit
na naging epektibo ang
komunikasyon. Ang
paraan ng pagbigkas
nito ay maaaring
mabilis, mahina,
malambing, pagalit at
iba pa.
• Sa unang halimbawa,
ang pagsasalita ay
nagdududa,
samantalang sa
ikalawa nama’y
nagsasalaysay. Ang
normal na pagsasalita
ay nagsisimula sa lebel
2, aabot ito sa lebel 3
kapag ang pahayag ay
nagtatanong at sa lebel
1.
Halimbawa:

a. kanina - ka (2) na (3) (nagtatanong o nagtataka)


ni (1)

b. kanina - ni (3) (nagsasalaysay)


ka (2) na (1)
• Sa wikang Filipino, naiiba
rin ang tono batay sa iba’t
ibang damdamin o layunin
ng nagsasalita. Tunghayan
ang mga pangungusap batay
sa ipinahahayag na
damdamin o emosyon:
ANTALA/ HINTO
(JUNCTURE)
• Maaaring mahaba o bahagyang paghinto sa mga pahayag. Mahalaga ang mga paghinto
sapagkat nabibigyang-pagkakataon ang nakikinig o nagbabasa na mas maunawaan ang
pahayag, samantalang mas nabibigyang oras naman ang nagsasalita na pag-isipan ang
kanyang mga sinasabi kung may mga bahagyang paghinto sa proseso ng komunikasyon.
Maliban dito, nakapagpapabago din ng kahulugan ang mga paghinto kung kaya’t dapat
maging maingat sa pagsasagawa nito.
Halimbawa:
Hindi ako ang pumatay! (pahayag ito ng pagtanggi ng isang akusado sa korte)
Hindi, ako ang pumatay! (pahayag din ito ng isang akusado sa korte ngunit
nangangahulugang pag-amin)
• Pansinin na walang pagkakaiba ang dalawa maliban sa bahagyang paghinto pagkatapos ng
salitang hindi sa ikalawang pahayag na nirerepresenta ng isang kuwit. Dahil sa paghintong
ito, nabaligtad ang unang kahulugan ng pahayag. Ipinahihiwatig ng halimbawang ito na
crucial ang mga ponemang suprasegmental gaya na lamang ng hinto.
• Ito ay saglit na
pagtigil sa
pagsasalita upang
lalong maging tiyak
sa paghahatid ng
mensahe.
Halimbawa:

a. Hindi puti #
b. Hindi # puti #
c. Si Mark Anthony # at ako #
d. Si Mark # Anthony # at ako #
e. Hindi # ako ang may kasalanan #
f. Hindi ako # ang may kasalanan #
g. Doc # Jun Roman # ang aking pangalan #
h. Doc Jun # Roman # ang aking pangalan #
i. Doc Jun Roman # ang aking pangalan #
Antalang pasulat:
Walang antala ---- Hindi pula. (It’s not red.)
May antala ---- Hindi, pula. (No, it’s red.)

Antalang pasalita:
Don/ Pepe/ ang boss ko//
Don Pepe/ ang boss ko//
Si Don Pepe ang boss ko//
• Sa pasalitang pakikipag-ugnayan, ang kakayahang maisatunog nang
maayos ang mga salita at gayon din ang kakayahang maulinigan nang
tama ang mga ito ay makatutulong upang mas maging mahusay na
kabahagi ng naturang komunikasyong kinasasangkutan. Dahil posibleng
magkamali sa kahulugang ibinabahagi ng tagapagsalita o inuunawang
tagapakinig, mahalaga kung gayon, ang masteri sa tunog ng wikang
ginagamit bilang midyum ng komunikasyon.
Mga Sanggunian:
De Guzman, N.C., Montera, G.G., at Avita A.P. 2013. Komunikasyon sa
Akademikong Filipino. Cebu City: Likha Publications.
Bernales, R.A., Pascual, M.A., Ravina, M.B., Soriano, J.N., Abenilla, G.G.,
Gonzales, A.M. 2016. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City:
Mutya Publishing House, Inc.
Bernales, R.A. 2009. Akademikong Filipino Para sa Kolehiyo sa Kompetetibong
Pilipino. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Zamora, N.L., Liwanag, L.B., at Padernal, A.P. 2013. Interaktibong Modyul sa
Filipino I. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Montera, G.G at Plasencia, N.R. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kultura: Talamban Campus, Cebu City: USC Press.
Montera, G.G. at Perez, A.A. 2010. 2010. Komunikasyon sa Akademikong
Filipino. Quezon City: ALPS Publications.
Dinglasan, R.D. 2007. Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Filipino 1).
Quezon City. Rex Book Store, Inc.

You might also like