You are on page 1of 3

Ang Iloko (o Iluko, maaari ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas.

Ito
ang wikang gamit (lingua franca) ng halos kabuuan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos,
sa Lambak ng Cagayan at sa maraming bahagi ng Abra at Pangasinan. Marami ring mga
nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan sa Mindanao.
Tinatayang may mahigit 9 milyong gumagamit ng wikang Iloko sa Pilipinas.
Maraming bahagi ng mundo, kung saan nadako at namamalagi ang mga Ilokano, ang katatagpuan
din ng malaking bahagdan ng mga nagsasalita ng Iloko katulad sa mga estado
ng Hawaii at California sa Amerika.

Ang wikang Ilocano ngayon, bukod sa gamit nito bilang lingua franca ng Hilagang Luzon, ay
kinikilala rin bilang Heritage Language ng Estado ng Hawaii. Ito ay sa kadahilanang nakararami sa
mga Filipino-Americans ay may dugong Ilocano at sa kadahilanan ding marami sa mga nauna nang
sakada(mga Pilipinong nagpunta sa Amerika noong panahon ng pananakop) ay dugong Ilocano at
hindi nakapagsasalita ng Tagalog. Samakatuwid, mas nakararaming Filipino-Americans ang may
lahing Ilocano at nakapagsasalita ng Ilocano, bagamat ang mga bagong henerasyon ngayon ay
marunong kahit papano sa Tagalog.
Idagdagpa diyan na sa loob ng libu-libong taon ay napayaman pa ang bokabularyo ng wikang ito. Sa
katotohanan, tinatayang ang Iloco ang pinakamatandang wika sa Pilipinas at isa sa mga may
pinakamayamang bokabularyo. Sa katotohanan, sinasabi ng mga eksperto na ang wikang Iloco ay
may kompletong bokabularyo bago pa dumating ang mga Kastila ngunit ito'y nawala dahil sa gahum
ng wikang banyaga.
Tunay na mayaman ang wikang Iloco dahil may mga salita itong panumbas sa ibang dayuhang
salita na hindi naman natutumbasan ng Tagalog, ang kinikilalang lingua franca raw ng Pilipinas. Isa
na diyan ay ang region, na tinatawag na rehiyon ng mga Tagalog, ngunit sa mga Ilocano ay
deppaar.
Sa Honululo ngayon ay may sinimulang layunin ang mga anak at kaapuapuhan ng mga naunang
sagada. Ito ay ang pagpapalawak ng salitang Ilocano at ang paghihikayat sa mga Ilocano sa
Pilipinas na ito ay gamitin at ituro sa mga anak. Nakita nilang nasa panganib ang wika dahil na rin sa
propaganda ng mga Tagalista na naglalayong patayin ang lahat ng wika sa Pilipinas liban sa
Tagalog.
Idagdag pa na ang wika ay itinuturo sa Unibersidad ng Hawaii bilang isang kurso. Wala silang kurso
para sa Tagalog. Ang Ilocano ang tanging Wika sa Pilipinas na kinikilala bilang Heritage Language
sa Hawaii.
Tinataya ring may humigit-kumulang na 20 milyon native speakers ang Ilocano sa buong mundo.

napintas = maganda/napungga/nasantak
naimas = masarap
napudot = mainit/nabara
papanam = saan ka pupunta
manganen = kain na
adayo = malayo
asideg = malapit
naangot = mabaho/naangdod
nabanglo = mabango/naayamuom
natayag = matangkad
naunget = matapang/natured
mano = ilan
agdigos = maligo
tumakder = tumayo
agtugaw = umupo
nalukmeg = mataba
nakuttong = payat/narapis
naguneg = malalim
narabaw = mababaw
nalamin = malamig/nalam-ek
natakneng-maginoo
nataer-gwapo
nalungpo-malusog
maris-kulay
nasudi-mabisa
Tagalog-ilokano
1.ikaw- sika
2.sila - isuda
3.bakit- apay
4.magandang umaga-naimbag nga aldaw
5.san ka pupunta? -papanam?
6.asan ka na? - ayan mon?
7.sandali - aguray
8.ang init- nag pudot
9.tanghali na - aldawen
10. gabi na - rabien
11.san ka matutulog? - pagturugam?
12.aalis na ko- mapanakun
13.tara na- intayon
14.sandali lang - aguray
15.magandang umaga- naimbag nga aldaw
16.maganda-napintas
17.ano pa? - inya pay?
18. madamot- naimot
19.hindi pa-madi pay
20.marami – nagadu

Ampay-bakit
ano nagan mo- ano ang pangalan mo
ano nagan ti inang mo- ano ang pangalan ng nanay mo
ano nagan ti tatang mo - ano ang pangalan ng tatay mo
mano nga taon kan- ilang taon ka na
ampay siak nay-bakit ako
agawid kan-uuwi kana
adayo-malayo
magmagna ka -maglalakad ka
sika-ikaw
siak-ako
isupay-ou nga

You might also like