You are on page 1of 1

Diwa ng Pasko

By: Nathalie Tablada

Ihip ng malamig na simoy ng hangin ang siyang sumalubong sa kanyang pqgbubukas ng


bintana. Iba't ibang palamuti ang nakasabit sa mga kabahayan na aiyang nagpapadagdag sa
kulay ng paparating na pasko .Malungkot na pinagmasdan niya ang kapaligiran .Limang arae
mula ngayon ay pasko na .Walang pananabik siyang nadarama gayong alam niyanh
sasalubungjn niya ang malamig na pasko ng nag -iisa. Siya si mang Arcadio, 68 taong gulang at
isang biyudo .Nakatira siya sa isang medyo may kalakihang bahay.Pinagawa ito ng kanayang
mga anak na isang nurse at ihenyero na nakabase sa Estados Unidks ang trabaho.Kasama niys
sa bahay ang katulong na,si Maria. tungkulin nitong ipagluto siya at linisin ang buong
kabahayan .Pagsapit ng alas 6 ay umuuwi ito dahil sa may naiwan itong anak . Naiieang
magisa si Mang Arcadio sa malaki at napakatahimik na bahay tuwing gabi .Ang kanyang
tanging iibangan ay ang makinig sa radyovupang makasagap ng balita.Ito rin ang takbo ng
kanyanh buhay.Kug minsan ay pumpunta siya sa hardin at dinidiligan ang kanyang mga
itinanim ng gulay .Kasiyahan na niys kung may mabahagian siyang kapit bahay sa tuwing
mamumunga nang kanyang mga patola, kalabasa,at sitaw na kanayang itinanim at inialagaan.
Noong nakaraang buwan ay pinuno ng mga bata ang matahimik na bahay ni Mang
Arcadio.Undas noon at usong uso ang trick orctreatvsacmga bata. Naisipan niyang
makipagbahagi ng mga kendi na ikinatuwa naman ng mga ito.Walang reklamo ang mga
kapitbahay niya sa angking kabaitan ng matanda .Ayon kay Mang Arcadioay kasiyahan na
niyacangvpagbibigay .Dagdag pa niya ay ikinagagalak niya sactuwing my dumadalo sa kanyang
bahay. Sa paparsting na pasko ay pinalano niyang masimba at pagkatapos ay mapaghandaan
ng sapat na pagkain kay Maria.Sa nakalipas na tatlong taon ito ang nakasanayan niya.Tatlong
taon na di niya niya rin nakasama ang dalawang anak. Nilipad ang limang araw at pasko na
.Nagsimba siya at pagkauwi ay may nakahanda ng pagkain atvsi Maria ay umuwi ng maaga
uoang makapiling rin ang kanyang pamilya.Habang kumakain ay naisip ni Mang Arcadio ang
namimiss na niyang mga ito at nais niyang makapiling siyang pamilya sa pasko. Naputol ang
kanayang mga iniisip ng may kumatok .Pinagbuksan niyan ng pintuan at laking gulat niya ng
makita ang kanyang mgackapit bahay. " Maligayang Pasko Mang Arcadio" maligayang bati ng
mga ito.Napangiti si mang Arcadio at pinapasok ang mga panauhin .Pansin niya ang mga dala
nitong pagkain ." Naisipan naming samahan kayo ngayong pasko ,ito ang ganti naming sa
kabutingan pinakita niyo sa amin," anang isang kapitbahay niya ng siyay magusisa kung bakit
sumugod ang mga ito sa kanyang bahay .Napaluha na lamang si mang Arcadio at
napagtantong hindi basehan ang dugo upang masabing kayo'y magkapamilya. Ang mga taong
mag aksaya ng kanilang panahonvupang samahan siyavat gawing parte ng pasko ng mga ito ay
sapat na upang maramdaman niyavna siya ay hindi nagiisa sackanyang pagsalubong sa
pasko .Damang dama niys angvpag mamahal at pagbibigayan sacpaskong iyon.Sa nakalipas
nactatlong taon ayvngayon lamangvniya muling naramdaman ang taong diwa ng pasko .

You might also like