You are on page 1of 2

Mt.

Napulak, ang Tinaguriang Sikat


Ni Michaella Ermeje

Kumapit ka sa akin… Kumapit ka sa akin… Hindi kita iiwanan… Kumapit ka lang


dahil konti na lang mararating mo na ang gusto at kinasasabikan mong mapuntahan.
Tuwa at galak ang aking nadama nang marating ko ang tutok ng Mt. Napulak.
Napulak, Napulak, Napulak, isa sa pinakasikat na rurok sa buong bayan ng Igbaras na
binabalik-balikan ng mga turista lalo na ng mga dayuhan.
Ito ay nasa taas na 1239 meters above sea level. Kaya sikat ang Napulak, hindi
lamang sa taglay nitong ganda, sapagkat matatanaw mo dito ang 360-degree view ng
mga bayan gaya ng Tubungan, Guimbal, Miag-ao at maging ang probinsya ng Antique
at ang kamangha-manghang ganda ng Mt. Kanlaon.
Ang Napulak ay sakop ng Brgy. Tigbanaba dito sa bayan ng Igbaras. May
dalawang posibleng ruta paaakyat sa bundok, maari kang dumaan sa Brgy. Bagay,
maaari ring dumaan sa Brgy. Tigbanaba.
May iba pang sikat at kamangha-manghang mga lugar ang bayan ng Igbaras.
Ito ay napapaligiran ng nga bundok gaya ng Mt. Taripis, Mt. Opao, at Mt. Loboc. Pero
dinarayo pa rin sa lahat ang Mt. Napulak.
Mararating mo ang tuktok ng bundok depende sa bilis ng iyong paglalakad.
Sapagkat may kalayuan din naman talaga ito sa sentro ng bayan, marami ang
nakakarating dito sa loob lamang ng apat hanggang limang oras ngunit ang ilan ay
umaabot ng pito hanggang walong oras bago makarating sa tuktok ng bundok.
Maliban sa maganda nitong tanawin ay makakalanghap ka dito ng preskong-
preskong hangin. Isa rin itong magandang lugar para sa mga naghahanap ng hamon at
karanasan. Mayroong hindi gaanong mahirap na daan at mayroon din namang madulas
at pataas na daan kung saan kakailanganin mong kumapit sa mga damo pati na rin sa
mga sanga at puno ng kahoy para lang makaakyat sa bundok.
Kapag nauhaw ka kakalakad at kakaakyat, mayroong mapagkukunan ng malinis
na tubig sa daan na pwedeng inumin. Sa tuktok ng Napulak, walang mapagkukunan ng
tubig kaya kailangan mong magbaon ng maraming tubig paakyat dito.
Ito ay napapaligiran ng maraming puno lalo na ng puno ng kape kung saan
makikita mo ang mga bunga nito maging sa daan paakyat. Isa ito sa mga nagiging
kabuhayan ng mga residente sa lugar sapagkat naibebenta nila ito sa halagang
singkwenta pesos bawat pakete.
Kung gusto mong manatili hanggang umaga, maaari kang magdala ng sarili
mong tent o tulugan at mga angkop na damit upang hindi ka ginawin. Napakalamig sa
lugar lalo na kapag papunta na sa umaga. Masisilayan mo rito ang paglubog at pagsikat
ng araw na isa rin sa kinagigiliwan at kinasasabikang makita ng mga turista.
Sa bundok ng Napulak, matatagpuan ang tinaguriang pinakamalaking bulaklak
sa buong mundo, ang Rafflesia. Makikita mo rin dito ang mga karaniwang bulaklak gaya
ng sunflowers at orchids maging ang mga karaniwang berries. Makakakita ka rin dito ng
mga makukulay na insekto kapag gabi.
Matatagpuan din dito ang Limbaong Falls na isa rin sa mga pinupuntahan
ng mga turista kapag nakaakyat na sila ng bundok.
Kaya kumapit ka sa akin… Kumapit ka sa akin..Dahil hindi kita iiwanan, dahil
malapit na nating marating ang gusto nating mapuntahan, at narating ko na nga ito. Ito
ang Mt. Napulak ng bayan ng Igbaras.

You might also like