You are on page 1of 2

KAPE AT PANDESAL

Isinulat ni Aron Paul M. Pangan

Maalikabok ang mga bintana na tila ba isang taon ng walang nakatira sa bahay. Madumi
ang sahig at madami ng mga dahon at kalat ang nakapasok sa bahay. Pinamumugaran na ng
mga peste lalo na ng mga daga ang bahay. Nakatakip ng puting tela ang mga bawat kagamitan
na wari ba’y isang palatandaan ng hindi na ginagamit ang bahay. Umaga, nagwawalis si nestor
sa bahay ng kanyang lolo. Matagal ng patay ang lola ni nestor kaya wala ng nag aalaga sa
kanyang lolo, sakit sa puso ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Naalala pa niya habang nililibot
ang bahay ang mga ala ala ng kanyang kabataan kung saan ito ang kanyang tirahan tuwing
bakasyon. Habang naglilibot si nestor sa bahay nakita nya ang mga samo’t saring mga letrato na
nakalagay sa kahon na nakapangalang Esmeralda. Pangalan ito ng kanyang yumaong lola na
kamakalian lang namatay. Halo halong damdamin ang naramdaman ni nestor habang tinitignan
ang mga larawan sa bahay ng kanilang lola. Habang tinitignan ni nestor ang mga larawan, may
Nakita siyang letrato na pumukaw sa kanyang atensyon at yon ang letrato niya at ang kanyang
lolo at lola. Bigla pa itong ngumisi ng Makita niya ang kanyang itsura dahil ito’y umiiyak. Napilitan
lang kasi itong magpakuha ng letrato at kakatapos lang paluin ng kanyang nanay sa puwetan
dahil ayaw niyang magpakuha ng letrato kasama ang kanyang lolo at lola. Pagkatapos non ay
tinignan niya ang itsura ng kanyang lola na tila bang tuwang tuwa sa kanyang apong si nestor.
Bigla nalang naluha si nestor at nanlambot habang tinititigan ang mukha ng kanyang yumaong
lola. Labis kasi itong inalagaan ng kanyang lola Esmeralda. Habang tumitingin ng letrato si nestor,
nabigla ito ng bumakas ang pinto. Ito pala ang kanyang lolo na si juan ang asawa ni lola
Esmeralda. Napansin niya itong may hawak na tasa at mabagal na naglakad papunta sa labas ng
kanilang bahay. Tinulungan ni nestor ang kanyang lolo hanggang makaupo ito sa labas ng
kanilang bahay. Habang tinitignan ni nestor ang kanyang lolo napansin niya ang tasang walang
laman. Tinanong ni nestor ang kanyang lolo kung gusto ba nito ng kape at tumango na lamang
ang kanyang lolo. Pagkatapos magsangkap ng kape ni nestor, dali dali niya itong ini-abot sa
kanyang lolo at umupo sa tabi niya. Nakatulala at nagmumuni muni lamang ang kanyang lolo
hanggang may dumating na lalaking may hawak ng pandesal, dumiretso agad ito kay lolo juan
at nagmano. Dumukot agad si nestor sa kanyang bulsa ng pera at iniabot sa lalaking nagbebenta
ng pandesal. Tinanggihan ito ng lalaki at ang sabi “huwag na, bigay ko talaga yan kay lolo juan”
pagkatapos ay ngumiti. Kinausap ng lalaki si lolo juan at kinamusta niya ito at si lola Esmeralda.
Nagulat si nestor at dali dali agad itong sumabat ng “namatay na ang…” hindi na naituloy ni
nestor ang kanyang sinasabi ng nagsalita agad ang kanyang lolo ng “Hindi pa nga siya umuuwi,
nanlalamig na yung kape at pandesal”. Sumagot naman ang lalaki habang nakangiti ng “sige ho
lo, pakamusta nalang kay lola kapag umuwi na ha?” sinagot agad ito ni lolo juan ng “dito ka muna
uuwi na din siya.” Tinanggihan ito ng lalaki at pinatungan ng “magtatrabaho pa po ako, bukas
nalang po ulit.” Namaalam agad ang lalaki at naglakad palayo sa bahay. Hindi nakabulad si nestor
sa kanyang mga narinig kaya’t agad itong tumakbo at dali daling hinabol ang lalaking nagbigay
ng pandesal sa kanyang lolo. Tinanong ni nestor kung bakit ganon nalamang ang sagot ng
kanyang lolo sa mga tanong ng lalaki. Sumagot agad ang lalaki at kinwento ang kadahilan sa
mga sinagot ni lolo juan. Sinabi ng lalaki na laging bumubili ng pandesal si lola Esmeralda kaya
araw-araw itong dumadaan sa bahay nila. Naging parte na ng hanap buhay at umaga nito ang
paghahatid ng pandesal sa bahay ni lola Esmeralda kaya’t lagi niyang nakikita ang dalawa sa
labas at naguusap habang humihigop ng mainit nilang kape. Naging parte na ni lolo juan at lola
Esmeralda ang pagkakape at pagkain ng pandesal tuwing umaga kaya’t nakasanayan na ito ni
lolo juan. Nalungkot si nestor sa kanyang mga narinig at tila ba ang bigat ng katawan habang
bumabalik sa bahay ng kanyang lolo. Habang naglalaakd pabalik, nakita niya ang kanyang lolo
na nakatulala at para bang may hinihintay. Umupo si nestor sa tabi nito at napansin ang kape at
pandesal na kinalahati lang ni lolo juan. Nagtaka ito dahil hindi ito ginagalaw ng kanyang lolo,
hanggang sa iwan lang niya ang kape at pandesal sa labas. Kinabukasan, ganoon pa rin ang
senaryo uupo si lolo juan sa labas at hihintayin ang pandesal na ka partner ng kanyang kape.
Umupo si nestor sa tabi ng kanyang lolo at pagka ilang sandal, napansin nyang hindi nanaman
inubos ng kanyang lolo ang kape at pandesal. Napagtanto ni nestor na labis ang pagmamahal ng
kanyang lolo sa kanyang yumaong lola. Na kahit namatay na ito, hindi niya nakakalimutan ang
mga bagay na lagi nilang ginagawa. Nagtitira pa rin ito ng kape at pandesal para sa kanyang
asawa. Naging parte ng pang araw araw ni nestor ang pag antabay sa kanyang lolo tuwing umaga
habang kinukwentuhan ng mga bagay na nangyari sakanya habang tumatanda. Nagtitira parin
ng kape at pandesal si lolo juan kaya’t si nestor nalamang ang umiinom at kumakain.

You might also like