You are on page 1of 3

Baryo Mercedes

Ni: Tricia Marie Manejero BSED Fil 2-A

May isang lugar na kung saan ay may pinaghihinalaang may isang pamilyang
aswang ang nakatira dito. Bantog ang lugar na ito dahil sa may pamilyang aswang na
nakatira dito at maraming mga hayop ang natatagpuang patay na hayop na labas ang
mga laban nito. Ang baryong ito ay may malapad na bukirin at napakaraming mga puno
kung kaya’t ang pangunahing hanapbuhay rito ay pagsasaka at pagkokopra. Ito ay ang
Baryo Mercedes.

May liblib na lugar sa bukid ng baryong ito nakatira ang pamilya ng mga aswang.
Malayo ang bahay ng mga ito sa sentro ng baryo, nasa mataas na bahagi ng bukid ito
at may lagusan pang dadaanan bago makababa sa paanan ng bukid. Ang matanda sa
pamilyang ito ang laging nakikita kapag may mga pista o okasyon sa sentro ng baryo o
tinatawag nilang “proper”. Siya ay si Lola Salud, matanda na ito sa mga 64 anyos na
ang edad nito. Bantog siyang aswang sa baryo dahil minsan sa bukid nakita siya ng
isang magsasaka na kumakain ng manok at punong puno ng dugo ang kanyang damit.

Isang araw, pista sa baryo Mercedes maraming mga tao ang pumunta rito kahit
na malakas ang ulan at maputik ang daan dahil hindi pa sementado ang daan dito.
Gulat na gulat ang mga tao dahil nakita nila si Lola Salud na gumagala gala sa proper.
Napaisip ang mga ito dahil sobrang maputik ang daan at madulas rin ang mga damo na
kanyang madadaanan pababa ng bukid at kung sa normal na tao lang hindi na ito kaya
ng isang matanda na bumaba pa ng bukid.

“Ano naman kaya ang binabalak ng matandang iyan?” tanong ni Nestor sa


pinsan nito.
“ Hindi ko rin alam, Insan. Siguro may masamang binabalak ito lalo’t na
maraming tao ngayon. Sundan natin siya insan” sagot ni Peter sa pinsan nito.

Malayo layo na rin ang narating ng dalawa sa pagsunod sa matanda at nagbabanta na


rin ang dilim. Wala ng mga kabahayan at wala na rin silang nakikitang mga tao. Ilang
sandali, napansin ng matanda na sinusundan siya ng dalawa kaya hinarap niya ang
mga ito ng may matalas na tingin.

“Insan mukhang napansin yata ni Lola Salud na sinusundan natin siya.”


Natatakot na sabi ni Peter.
“Kaya nga Insan, bumalik na tayo.” Kinakabahang sagot rin ni Nestor.

Habang tinatahak nilang dalawa ang daan pabalik sa proper ay may napansin
silang kakaiba at parang may kung ano-anu silang tunog na naririnig. Madalim na rin
ang paligid at tanging ang liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw ng dalawa.
Sa di kalayuan ay may nakikita silang isang anino na hindi pamilyar sa kanilang dalawa.
“ Aso ba iyan,Insan? Bakit sobrang laki naman yata iyan sa normal na aso?”
pinagpapawisan na saad ni Nestor.
“Mukhang inaaswang tayo insan.” takot na sabat naman ni Peter.

Nanginginig na hinubad ng dalawa ang kanilang mga sapatos at mabilis na


tumakbo.

“ Baka si Lola Salud iyon. Nagalit siguro dahil sinundan natin siya.” hingal na
saad ni Nestor. “ Teka, diba si Lola Salud iyan? Paanong . . . ?” nagugulohang na
tanong ni Peter.

Habang palapit ng palapit sa kinatatayuan ng matanda kinakabahan at natatakot


ang dalawa. Naguguluhan rin ang mga ito kung paano napunta ang matanda sa
kinatatayuan niya ngayon. Nagtatayuan ang balahibo ng dalawa sa takot.

“Huwag niyo kung sinusubukan dahil hindi niyo kilala ang kinakalaban niyo.”
Saad ng matanda at ngumingisi na parang nahihibang.

Lakad-takbo ang ginawa ni Peter at Nestor sa sobrang takot. Hingal na hingal


ang dalawa ng makarating sa bahay ng kanilang Lolo Gimo.

“ Anong nangyari sa inyong dalawa? Ayos lang ba kayo?” tanong ni Lolo Gimo sa
kanyang mga apo.

“ Lo, sinundan po namin si Lola Salud. Habang pauwi na po kami ay may


sumalubong sa amin na malaking aso at sa di kalayuan inabangan kami ni Lola Salud at
binantaan niya po kami.” Sagot ni Peter sa kanyang Lolo Gimo.

“Nako! Ano ang ginawa ninyong dalawa? Alam niyo naman na bantog na aswang
ang matandang iyan! Wag niyo na ulitan yan. Magpahinga na kayo.” Pagalit na saad ni
Lolo Gimo sa dalawa.

Lumalalim na ang gabi at nagpahinga na silang lahat. Ilang oras ang lumipas ay
may narinig silang kumakaluskos sa bintana kung saan sila nagpapahinga. Agad naming
ginising ni Peter ang kanilang Lolo Gimo na mahimbing ang pagtulog.

“Lo, gising may kumakaluskos po sa bintana.” Nanginginig na saad ni Peter.

Agad namang bumangon ang Lolo Gimo sa pagtulog at kinuha ang itak at ang
buntot ng pagi na may orasyon laban sa mga masasamang elemento kasama na dito
ang mga aswang. Likas na maalam ang kanilang Lolo Gimo dahil manggagamot ang
kanyang ama noon.
“Peter, ihampas mo ang buntot ng pagi kung sa dingding kung saan may
kumakaluskos. Nestor kunin mo ang itak at samahan mo akong bumaba.” Matapang na
saad ni Lolo Gimo.

Agad naman na sumunod ang dalawa sa utos ng kanilang Lolo. Agad na bumaba
si Lolo Gimo at Nestor. Nagsimula na silang maglibot sa buong bahay ngunit wala silang
nakita. Agad na tiningnan ni Lolo Gimo ang silong ng bahay at kompermadong
nandoon nga ang aswang na nakatingala at titig na titig sa taong nasa loob ng bahay
na parang hayok na hayok sa laman nito. Dahan dahang lumapit si Lolo Gimo dito at
tinaga ito at natamaan niya ito sa braso at paa. Mabilis itong tumakbo palayo sa bahay
ni Lolo Gimo.

“Huwag mong gambalain ang mg apo ko dahil kilala kita!” sigaw ni Lolo Gimo.

Kinaumagahan…

“Lo, narinig ko sa labas kanina na nakita raw nila si Lola Salud na naglalakad at may
sugat sa paa at braso nito.” Saad ni Nestor sa kanyang Lolo.

Dali daling nag-ayos si Lolo Gimo at pinuntahan ang bahay ni Lola Salud. Kahit
mataas na ang sikat ng araw walang pinalampas na oras si Lolo Gimo at pinuntahan
ang bahay ng matanda.

Pagkarating ni Lolo Gimo sa bahay ni Lola Salud. Galit na galit itong sumigaw.

“Salud! Huwag mong ginagambala ang mga apo ko dahil sinisigurado kong mapapahiya
kayo sa baryo. Umalis na kayo rito habang maaga pa! Ayoko ko ng makita ang
pagmumukha ng kahit sino sa pamilya niyo!” galit na sigaw ni Lolo Gimo.

Mabalis rin na umalis si Lolo Gimo pagkatapos niyang komprontahin ang


matanda. Naging usap-usapan sa baryo ang nangyari. Bali-balita rin na nakita raw ng
ibang mga taga baryo ang matanda at kanyang pamilya na bitbit ang kanilang mga
kagamitan paalis sa baryo.

Simula sa araw na iyon naging panatag na ang isip ng mga taga baryo Mercedes.
Naging maayos na ang kanilang mga pamumuhay at nakakalaro na rin ang mga bata
kahit gabi ng walang takot at kaba na nararamdaman.

You might also like