You are on page 1of 62

Blood (#1)

Disclaimer: This story is a work of fiction. Names, Characters, Places, Businesses,


Events are either the product of Author's Imagination. Any resemblance in my work
are purely coincidence. Do not distribute.
Feel free to vote and comment if you like my story.
Thanks in advance! :)
-MinieMendz
************************************
SIMULA
Nakakapit si francine sa braso ng kanya ina. Habang tinatahak nila ang lupain daw
ng mga Agustin. Wala sya ibang nakikita sa paligid na kahit anong bahay. Kundi, mga
puno lamang at mahabang kalsada na hindi sementado.
"Nay, bakit ba kailangan natin na doon tumira sa sinasabi nyo bahay ng mga
agustin?" naguguluhan nya tanong. Basta nalang kasi sinabi ng nanay nya, na
kailangan daw ito sa mansyon ng agustin. Kaso, hindi naman sya nito maiwan, kaya
isinama na sya nito. Well, kung sya man ay mas gusto na makasama ang nanay nya.
Ayaw nya maiwan mag-isa sa bahay nila. Ang nanay nalang kasi nya ang tangi nya
pamilya. Namatay na ang tatay nya, dahil sa isang aksidente. Tangi pagtitinda
nalang din ang hanap buhay nila. Kaya hindi na sya muling nakatutong pa sa
eskwelahan. Mula ng matapos sya ng second year high school. Doon nagsimulang dumami
ang pagsubok sa buhay nila. Naranasan nila na magpalaboy-laboy at wala halos
makain. Ngunit, dahil narin sa nagsumikap sya, nag pasideline- sideline. Hanggang
sa magkaroon sila ng kaunting puhunan, upang makapagtinda ng gulay sa palengke.
"Kasi anak, pag nagtrabaho tayo sa mga agustin. Tiyak na mas malaki ang kikitain
natin, kesa sa pagtitinda. Kaya nga, nang balitaan ako ni tonyang, na naghahanap
daw ng kasambahay ang pamilyang agustin, ay agaran tayo lumuwas dito." paliwanag ng
kanya ina. Habang tinatahak parin nila ang mahabang kalsada na wala atang katapusan
sa layo.
"Ganun pala. Tingin nyo, pareho ho kaya tayo matanggap?" nag-aalala nya tanong
muli. Nangangamba sya, na baka isa lang ang tanggapin at pauwiin sya. Hindi pa
naman sya sanay na mamasahe pauwi. At hindi nya kaya na mag-isa lamang.
"Tiyak na matatanggap tayo. Marami ata ang kailangan, dahil halos nag-alisan daw
ang mga tauhan."
"Hala! Baka masama ang ugali nila? Kaya nag-alisan ang mga iyon, nay. Wag na kaya
tayo tumuloy, nay?" hindi nya mapalagay na sabi. Hinawakan naman sya nito sa braso,
tila pinapakalma.
"Anu ka ba. Syempre, kailangan muna natin subukan. Pero pag hindi na natin
magustuhan ang pagtrato nila ay maaari naman tayo umalis. Di ba?" napatango at
naunawaan naman niya ang paliwanag ng kanya ina.
"Oo nga po. tama kayo." nakangiti nya tugon.
Nagpahinto naman si gina, sa paglalakad. Kaya nagtataka na huminto din si francine
at tumingin sa nanay nya.
"Bakit, nay?" nagtataka nya tanong sa ina.
"Narito na ata tayo anak. Sabi sa address, pag may bahay na daw tayo nakita, iyon
na daw yun. Tsaka, malaki ang bahay, tignan mo." tumingin naman si francine sa
tinuro ng nanay nya. Pagkamangha ang mababakas sa mukha niya, ngayon lamang sya
nakakita ng ganung kalaki at kagandang bahay. Kung bahay pa bang maitatawag iyon?
"Wow. ang ganda at ang laki ng bahay, nay. Napakayaman nga pala ng agustin."hindi
nya mapigilan na ilabas ang pagkamangha nya. Na kinatawa ng kanya ina.
"Sabi na nga ba at matutuwa ka din. Sa atin kasi, akala na natin. Pag malaki na ang
bahay, ay mayayaman na sa paningin natin. Ngunit, iba pala ang yaman ng agustin.
Kaya nga siguro ay malaki ang kanilang pasahod." natutuwang wika ng nanay nya. Na
lumapit sa bakal na gate.
"Anong gagawin nyo, nay?" nagtataka tanong niya. Nang lumapit ang nanay nya sa
gate.
"Kailangan natin na matawag ang tao sa bahay. Para malaman din natin, kung tama ba
ang pinunta natin." paliwanag nito sa kanya. Habang may pinindot ito na isang
bagay. Tumango na lang siya at hinintay ang paglabas ng tao sa malaking bahay.
Ilang saglit lang ay may isang ginang na lumabas, na nakasuot ng isang uniform ng
kasambahay. Nakakunot noo ito, tila kinikilala kung sino sila.
"Sino ho sila? At anong kailangan nyo?" tanong nito nang makalapit ito sa gate.
Ngunit hindi nito binuksan kundi nakatayo lamang ito.
"Ah, dito po ba yung bahay ng agustin?" mahinahong tanong ng nanay nya.
"Dito nga. Kayo ba ang mag-aapply na bagong kasambahay?" seryoso nitong tanong sa
kanila. Nagkatinginan naman sila, bago tinanguan ang ginang.
"Opo. kami po ang mag-aapply sana." alanganing sabi ng nanay nya. Binuksan naman
agad ng ginang ang gate.
"Halika. Tumuloy kayo." aya nito sa kanila. Agad namang silang pumasok at hinintay
ang ginang na sinasara ang gate.
"Sigurado ba kayo na kaya nyo magtrabaho? Baka maging tulad lang kayo ng ibang nag-
apply, Umalis agad sa kanilang trabaho?" tanong sa kanila ng ginang. Na unang
lumakad patungo sa malaking bahay. Nakasunod lamang sila ng nanay nya.
"Oho, sanay naman po kami sa gawaing bahay." tugon niya. Habang pasimple silang
nagtinginan ng nanay nya, habang nakasunod sila sa ginang na papasok sa loob ng
bahay.
"Kung gano'n ay ipapaalam ko ito sa mga agustin. Ituturo ko ang iyong magiging
silid, at doon muna kayo mamalagi. Dahil ayaw ng mga agustin na pakalat kalat sa
buong kabahayan. Tatawagin ko nalang kayo, pag nasabi ko na sa kanila na gusto nyo
magtrabaho dito. Halika, dito tayo dumaan." paliwanag nito. At lumiko sa isang
hallway, tila palabas din sa bahay. Nalilito pa sya sa mga nilalakaran dahil tila
maliligaw sya.
Huminto ang ginang sa isang pintuang brown at humarap sa kanila.
"Dito ang iyong magiging tulugan. Sige, maiwan ko na kayo." aalis na dapat ito.
Nang pigilan ito ng nanay nya.
"Sandali ho. Maaari po bang itanong ang pangalan nyo? Para may maitawag kami sa
inyo."
"Tawagin nyo nalang akong yolly. Sige." yun lamang ang sinabi nito at iniwan na
sila.
"Weird nya, nanay. Para bang bawat segundo ay may rules sa kinikilos nya."
nagtataka ani nya. Nakibat- balikat lamang ang nanay nya at binuksan ang silid na
tutuluyan nila. Sumunod siya rito at inilibot ang tingin sa buong silid. May
dalawang kama na kasya lamang ay isang tao. Puti ang buong sapin at kahoy ang
higaan, na pinagpapatungan ng kama. Hindi naman sya maarte, kaya ayos narin iyon
para sa kanilang mag-ina.
"Tingin ko ay ayusin muna natin ang gamit natin, bago tayo sumaglit ng pahinga.
Baka mamaya ay agaran tayong utusan." mungkahi ng nanay nya at agad naman sya
sumang-ayon.
"Sige po." sagot niya at binaba na ang hand bag na bitbit nya.
-
Samantala
Mula sa gate ng agustin ay may dumating na tatlong sasakyan. Sakay doon ang mag-
anak na agustin, kung saan ay mga dumalo ito sa isang pagtitipon ng pamilya. Dali-
dali namang lumabas ang dalawang kasambahay, kasunod si yolly na isang mayordoma ng
mga kasambahay.
Pagbukas ng gate ay pumasok na ang mga sasakyan at huminto ang mga ito malapit sa
pinakapinto ng mansyon. Ang unang bumaba ay ang isang dalaga, na halos puro itim
ang suot maging ang lipstick. Wala itong lingon lingon na pumasok sa loob ng
mansyon.
Kasunod namang bumaba ang mag-asawang agustin, na makikitaan mo ang elegante at
nakakaintimidate na awra na bumabalot sa mga ito.
"Magandang pagbabalik, senior at seniora." magalang at sabay-sabay na pagbati ng
mga tauhan.
"Yolly, ipaghanda mo ako ng tsaa. Nabusog ako sa kinain namin." may pagkamahinhin,
ngunit may awtoridad ang boses ng ginang na agustin.
"Masusunod po, seniora." agarang tugon ni yolly. Habang nakayukod parin.
Pumasok na ang mag-asawa at ang huling bumaba sa sasakyan ay ang binatang anak ng
agustin. Si randall agustin.
"Maligayang pagbabalik, seniorito." bati muli ng mga kasambahay. Hindi pinansin ito
ng binata, pumasok lamang ito ng walang tugon. Malapit na sana sya hamba ng pinto,
nang may maamoy sya na mabango sa kanya pang-amoy. Napahinto sya at hinanap ang
maalimuyak na amoy na iyon.
"Sino ang ibang nakapasok sa bahay, yolly?" mapanganib nya anas. At bumaling ng
tingin sa kasambahay na matagal ng naninilbihan sa kanila.
"Mga bagong kasambahay na gusto pong magtrabaho sa inyo." paliwanag agad ni yolly.
Dahil masyadong mainitin ang ulo ng seniorito nila. Ayaw nito na babagal- bagal na
magpaliwanag.
"I see. Sabihin mo sa kanila na tumungo sa library ko. Gusto ko muna na masuri,
bago tanggapin." sabi nito. At inamoy amoy muna saglit ang paligid, bago tumuloy sa
loob.
Nang makaalis na ang señiorito nila ay nakahinga naman ng maluwag ang ibang
kasambahay. Masyado kasi nakakatakot ang awra nito. Para bang laging masama ang
dulot nito.
Naguguluhan naman si yolly, dahil ngayon lamang nagkainterest ang seniorito nila sa
pagbusisi sa mga kinukuhang empleyado. Lagi lamang itong walang pakialam at
magulang lamang nito ang nagdedesisyon, kung magtatanggap ba ng mga tauhan.
Isinawalang bahala na lamang nya iyon at hinarap ang mga kapwa kasambahay.
"Magsibalikan na kayo sa inyong gawain."
Yun lamang ang binili nya at tinungo ang mag-ina.

Kabanata 1 - Assistant
Naalimpungatan si francine ng may kumatok sa pinto nang kanilang silid. Tumingin
sya sa kanyang nanay na mahimbing na natutulog. Alam nya na pagod na pagod ito,
mula sa byahe. Kaya naisipan nya na wag na lamang nya ito gisingin at lumapit na
sya sa pintuan, na hindi parin tumitigil sa pagkatok ang taong nasa labas.
Pagbukas nya ng pinto ay bumungad si yolly sa harap nya. Seryoso itong nakaharap sa
kanya, kaya naman ay nahiya sya ng konti, dahil tila naiinip ito sa tagal nya
pagbuksan ito.
"Pasensya na po at natagalan akong pagbuksan kayo. Nagkaidlip po kasi kami."
nahihiya nya ani.
"Pinapatawag kayo sa library ng seniorito. Kaya sumunod kayo sa akin." sagot lamang
ni yolly na kinabahala niya. Nabahala sya dahil tulog pa ang nanay nya. Pero mas
nabahala sya, dahil haharap na sya sa magiging amo nila.
"Pwede po ba na ako muna po ang humarap sa seniorito? Nakatulog po kasi nanay, kaya
hindi ko na po nagising." pakiusap nya sa ginang.
"Sige, halika na. Baka naiinip na ang seniorito. Ayaw no'n ng pinaghihintay."
Nakahinga naman sya ng maluwag ng payagan sya nito. Okay lang na sya muna ang
humarap, mas gusto nya na maging maaayos ang pagtulog ng nanay nya.
Sinarado nya ang pinto ng silid nila at sumunod kay yolly, na nauna nang maglakad.
Inayos nya ang buhok, na alam nya nagusot mula nang mahiga sya. Hindi nya alam
bakit nababahala sya sa itsura nya. Wala naman sya dapat na pagandahan. Pero, ayaw
lamang nya na hindi komportable humarap sa magiging amo nila.
Habang patuloy sila sa paglalakad papasok ng mansyon ay inilibot nya ang tingin.
Mamahalin ang mga gamit na kanya nakikita. May mga chandellier din na nakasabit. Sa
bawat haligi naman ng pader ay mga naglalaking vase, na may tanim na iba't-ibang
halaman. Napadaan sila sa sala, may sofa doon na tingin nya ay napakalambot na
upuan. May salaming lamesa din na mahahaba, at sa ilalim nito ay may carpet. May
iba't-ibang book at magazine din na nakalagay sa estante. Meron pa na isang 100
inch flat screen t.v na nakakalula sa laki. Halos lumuwa na ang mata nya sa mga
kagamitan palang ng sala. Ano pa kaya ang buong bahay?
Napatingin sya sa napakahabang hagdan at halos hindi nya makita ang nasa itaas.
Tanging carpet at mga paintings na nakasabit sa paligid lamang ang nakikita nya.
"Oo nga pala. Ipapaalala ko lang sayo. Bawal nyo akyatin ang hagdanang iyan.
Hanggang dito lamang tayo sa ibaba maaaring umapak." biglang sambit ni yolly na
kinagulat niya.
Napahawak siya sa dibdib at napabuga ng hangin. Inaamin nya na parang may kakaiba
sya nararamdaman sa buong bahay. Para bang may pwersa na nakabalot dito.
"Sige po." mahina nya tugon. Nang makabawi ng pagkabigla.
Huminto bigla si yolly, kaya naman nagtataka sya kung bakit huminto ito? Tinignan
nya ang pinaghintuan nila. Isang malaking pinto na may nakasabit na maliit na bungo
sa mismong pinto. Kinilabutan sya sa nakita. Sino ba naman kasi ang matinong tao na
magsasabit ng ganun?
"Seniorito, kasama ko na po ang mag-aapply na kasambahay sa inyo." magalang na sabi
ni yolly sa harap ng pinto.
"Papasukin mo. Sya lamang!" sabi ng isang baritong tinig. Hindi nya mapigilan na
mapasinghap, dahil bakit alam nito na mag-isa lamang sya, kasama ni manang yolly?
At kinabahan sya bigla, kahit na boses pa lamang nito ang naririnig nya.
Humarap sa kanya si manang yolly at seryoso sya sinabihan.
"Ikaw na lamang ang pumasok. Ikaw lamang ang gustong makaharap ng seniorito."
kaswal na sabi nito. Napalunok sya at hindi mapakali.
"S-sige po." kinakabahan nya sabi.
Tinalikuran na sya ni manang yolly at iniwan sa harap ng pinto. Pinagsiklop nya ang
kamay at nagdasal muna. Kinakabahan sya at ang lumalakas ng kabog ng dibdib nya.
Halos nauubusan na sya ng hininga sa kakabuga nya ng hangin.
Kinalma nya ang sarili at naghanda sa pagpasok. Dahan-dahan na pinihit nya ang
pinto. Nang tuluyan nang mabuksan ang pinto ay sumilip sya. Ngunit, kadiliman ang
bumungad sa kanya. Tingin nya ay nakasara ang mga kurtina. Dahil maliwanag pa sa
labas, dahil hapon palang naman.
Napagdesisyonan nya na tumuloy nang pumasok. Inilibot nya ang tingin, habang dahan-
dahang sinasara ang pinto. Nagtataka sya dahil hindi nya makita ang baritong boses
ng nagsalita kanina.
Humakbang sya ng kaunti at pilit na hinahagilap ang seniorito.
"S-seniorito." mahina nya tawag. Pilit man nya wag mautal ay hindi rin nangyari.
Natatakot din kasi sya sa dilim.
Napahawak sya sa braso nya ng may humihip na hangin. Lalo sya natakot, dahil bakit
magkakaroon ng hangin? kung sarado lahat ng maaaring pagdaanan ng hangin?
"Mabuti naman at pumasok ka na." napaidtad sya ng may bumulong sa likod nya. Tumama
ang hininga nito, sa tenga nya na kinataas ng balahibo nya. Napaatras sya at
humarap sa taong nasa likod nya.
Kahit madilim ay kita parin nya ang napakagwapong nitong mukha. Na may itim na itim
ang mata, matangos na ilong, at mapupulang labi na may ngisi na nakapaskil. Maputi
din ito parang snow sa puti.
Napaatras sya ng humakbang ito.
"Paumanhin po. Maaari ko po bang matanong, kung bakit nyo po ako pinapatawag?"
pormal nya sabi. Nagpapasalamat sya at hindi sya nautal muli. Malakas talaga ang
kabog ng dibdib nya.
"Easy. Masyado ka naman kinakabahan." pilyo nitong sabi. Napalunok sya, dahil
naramdaman nito na kinakabahan sya.
Umalis ito sa harap nya na pinagpasalamat nya. Mahina sya nabuga ng malalim. Hindi
nya alam na pigil na pigil pala ang paghinga nya. Masyadong nakakakaba ang awra
nito at para bang kada lalapit ito ay hinahatak sya.
"Di ba nag-apply kayo bilang kasambahay? Sino ang kasama mo rito?" tanong nito sa
dalagang mahalimuyak ang amoy. Ito ang kanya naamoy kanina pa. Napakabango at
katakam-takam. Naupo sya sa pulang pula na sofa sa loob ng kanya library, at ininom
ang special wine na gawa pa ng kanya mga kamag-anak. Tingin nya ay kailangan nya
ito, dahil baka ano pang magawa nya sa dalaga. Nasasabik sya na matikman ito,
ngunit hindi nya alam bakit ayaw nya matakot ito sa kanya. Palihim sya napatingin
sa makinis nitong leeg, na kinalaway nya. Lalo't na ng maramdaman nya ang pulso
nito sa leeg.
"N-nanay ko po." maikling sabi sa kanya ng dalaga.
"Kung ganun ay itatalaga ko ang iyong ina rito sa mansyon, ngunit ikaw,"
Napalunok si francine dahil tila tama sya na baka hindi sya matanggap. Jusko, uuwi
ata sya ng wala sa oras.
Lihim namang napahalakhak sa isip si randall, habang binabasa ang nasa isip ng
dalaga. Ang akala pala nito ay hindi sya matatanggap. Palihim nya kinabisa ang
mukha ng dalaga. Maamo ang mukha nito, at ang mga mata nito ay may pagkabilog na
singkit, at may mahahaba na pilik mata. Matangos at maliit ang ilong nito na
bumagay sa labi nitong manipis at mapula. May dimples din ito sa kaliwang pisngi,
na kahit hindi ngumingiti ay lumalabas ng kusa. Kayumanggi ang balat, ngunit
napakakinis. Bumagay din ang buhok nitong itim na itim, na kulot ang pinakadulo.
Unti-unti sya bumaba ng tingin sa leeg nito, at sa collarbones nito na bumagay sa
napakaganda nitong balikat. Nakasuot ito ng isang sando na dilaw at isang kupas
pantalon. Ngunit, tingin nya na maganda din ang hubog ng katawan nito.
"S-saan nyo po ako itatalaga?" nabalik siya sa sarili ng magsalita ang dalaga.
Tumikim sya at umayos ng upo, mula sa pagkadekwatro.
"Dahil ako ang tatanggap sayo, " pabitin nya sabi at tumayo. Napansin nya ang
pasimple nitong pag-atras na kinataas ng sulok ng labi nya, sa pormang pangisi.
Lumapit sya rito, dahil gusto nya itong tuksuhin. Lakad nya, atras ni francine.
Hanggang sa macorner nya ang dalaga, kaya tinukod nya ang makabilang kamay sa
pader. Nagtama ang mata nila na kinakabog ng dibdib nya. Bumilis ito ng bumilis.
Habang unti-unti nya binababa ang mukha ng mapatingin sya sa basa and mapula nito
ng labi. Nagtama na sana ang ilong nila, nang itulak sya bigla ng dalaga. Natauhan
sya at biglang nagbalik sa sarili.
"P-pasensya na po. a-ano po ba yung magiging trabaho ko?" naiilang nitong sabi at
lumayo sa kanya. Gumalaw ang panga nya at nagsalubong kilay. Napahinga sya ng
malalim at umayos ng tayo.
"Gusto ko na ako lamang ang pagsisilbihan mo, assistant to be exact. At ayoko na
sinusuyaw ang mga gusto ko, maliwanag ba?" mariin nya sabi sa dalaga na nakayuko sa
kanya. Nakuyom nya ang kamao at pinigilan ang sarili na hawakan ito.
"O-opo." mahinang sagot ni francine sa kanya.
"Sige, makakaalis ka 'na." arogante nya utos. Maagap naman na lumakad si francine
palapit sa pinto. "Wait!" bubuksan na sana niya ang pinto ng pigilan sya nito.
lumingon sya rito na malalim na nakatitig sa kanya.
"Bakit po?" alangan niya tanong.
"Anong nga pala ang pangalan mo?" tanong nito. Napalunok sya at alangan na sinabi
ang pangalan nya.
"Francine po."
"Sige, makakalabas ka 'na." sabi nito at tinalikuran sya. Agad naman sya humarap sa
pinto at binuksan ito. Paglabas nya ay napasandal muna nya sa pinto at pumikit ng
mariin. Naaalala parin nya ang paglapit ng mukha nila ng seniorito nya. Naamoy nya
ang mabango nito hininga na nanunuyot sa kanyang ilong. Para bang hanggang ngayon
ay naamoy parin nya ang hininga nito. Mabuti at natauhan sya. Kundi, kahihiyan
lamang ang idudulot nya sa kanya ina kung sakali. Kailanman ay wala pang lalaki na
nakakalapit sa kanya ng ganung kalapit. Kaya siguro, kakaiba ang naramdaman nya
rito. Napailing sya at umayos ng tayo, at nilisan ang library. Ngunit, napahinto
rin sya ng maalala ang magiging trabaho nya. Napalaki ang mata nya ng pumasok na sa
isip nya ang lahat.
"Argh. magiging assistant nya ako? Naman oh! Magkalapit nga lang kami, para na
akong nawawala sa sarili. Makasama pa kaya ito araw-araw? Kakayanin ko kaya? Ang
tanga tanga mo talaga, francine."
"Who are you?" napaayos sya ng tayo. At binitawan ang buhok na sinasabunutan nya.
Nahihiya sya, dahil nasaksihan nito ang pagkausap nya sa sarili.
"Ako po si francine. Bagong kasam-- assistant po ni seniorito." magalang nya tugon
sa tanong nito. Palihim nya tinignan ang magandang babae sa harap nya. Halos puro
black ang suot nito at maging ang lipstick sa labi. Mukha itong mataray, base
palang sa pag-angat ng kilay nito.
"What? Why my brother hired the assistant? I smell something bloody." pabulong
lamang ang huli nitong sinabi, kaya hindi nya narinig. Napailing ito at umalis sa
harap nya. Naguguluhan na sinundan nya ito ng tingin. Papunta din ito sa library,
at mukhang sa seniorito din ito papunta.
Nakibat balikat nalang sya at mabilis na nilisan ang lugar. Naka mamaya, may iba pa
na makakita sa kanya.

Kabanata 2 - Rules
Tinungo ni rapha ang nakakatanda nya kapatid na si randall. Maraming umiikot na
katanungan sa isip nya. Kung bakit kinuha ng kanya kapatid ang isang kasambahay,
bilang assistant nito? Alam naman nito na hindi maaari na may makaalam ng kanilang
lihim. At dahil sa ginawa nito, ay maaari na matuklasan na ng iba ang kanilang
tinatago.
Mabilis sya nakapasok sa loob ng library, nang hindi binubuksan ang pinto. Nakita
nya ang kapatid na nakasandal sa lamesa, habang nakatingin sa kawalan. Tila malalim
ang iniisip nito at kaya hindi sya nito napansin man lang.
"Mahal kong kapatid. Maaari mo bang ipaliwanag, kung bakit mo kailangan ng alalay?
Alam mo at alam ko na kailanman ay hindi mo kakailanganin ng isang utusan."
mapanghinala na tanong nya sa kapatid. Hindi ito tumingin sa kanya. Nakatingin
parin ito sa kawalan.
"Wala akong dapat na ipaliwanag sayo, rapha. Kung sino man ang gusto kong kunin na
tauhan, ay wala na kayo pakialam pa. Iwan mo muna ako, gusto ko muna magpahinga."
walang emosyong wika nito sa kanya. Nasaktan sya, dahil sa malamig na pagtrato na
naman ng kanya kapatid. Huminga sya ng malalim at nilisan ang silid nito.
Naiwan namang nakatingin parin sa kawalan si randall. Maya-maya ay may naramdaman
sya awra.
"Lumabas ka. Alam kong ikaw iyan." asik nito sa kawalan.
"Magaling! Magaling! Ang lakas talaga ng pakiramdam mo, mahal kong pinsan." pang-
asar ni warren. Na nakatayo na sa harapan niya. Inungusan niya ito, tiyak na wala
na namang itong magawa, kaya sya ang pinepeste.
"Umalis ka sa harap ko, warren. Wala ako sa mood na makipagbiruan sayo." mariin nya
sabi rito na nginisihan lang sya.
"Tama ba ang narinig ko na kumuha ka ng alalay? Ang isang empre, kailangan ng
katulong? Oh, come on. Kailanman ka pa nakisalamuha sa mababang uri, lalo na sa mga
mortal?"
Tumingin sya ng masama rito at sinakal ito sa leeg.
"Pag sinabi ko na wala akong gana na maharap ka, sumunod ka!" galit at asik nya
rito. Tinaas nito ang dalawang kamay bilang pagsuko. Ngunit, hindi nya mapigilan
ang inis nya rito. Kaya mas dumiin pa ang pagkakasakal nya rito. "Nakalimutan mo
ata na mas mataas ang antas ko sayo, warren? Wag kang umasta na magkalevel tayo,
dahil kailanman ay hindi tayo magkapantay. Hindi porket, pinsan kita ay may
karapatan ka 'na, kung ano man ang gustuhin mo. Kaya kung ayaw mong malagutan ng
hininga, wag mo akong susubukan. Asshole!" pabalibag na binitawan nya ang leeg
nito, kaya napaatras ito. Umubo-ubo si warren at masamang tumingin kay randall.
"Magpakasasa ka sa trono mo randall. Dahil oras na ako naman ang nasa itaas,
pagsisisihan mo ang lahat ng ito. At sisiguraduhin ko na luluhod ka sa paanan ko."
banta nito at naglaho.
Kumuyom ang kamao niya at marahas na binalibag ang mahawakan. Sabi na nga ba at may
tinatago itong masamang budhi. Ramdam nya na may pagnanais ito sa pwesto nya,
bilang susunod na mamumuno ng kanilang lahi. Pero hindi nya hahayaan na mangyari
ito. Dahil sisiguraduhin nya na hindi ito magtatagumpay.
'Empre.' Tinig mula sa hangin.
Napatigil sya sa paghahagis ng gamit ng magsalita si Fei. Isang babaylan sa
hinaharap. Isa lang ibig sabihin ng pagtawag nito sa hangin. May nakikita itong
pangitain.
Pumikit sya at naglaho ng parang bula sa silid aklatan. Ilang segundo lang ay nasa
bulwagan na sya, kung saan lagi itong namamalagi. Nadatnan nya ito nakapikit at
hindi gumagalaw, hudyat na nasa isa itong dimensyon, kung saan ay naglalakbay ang
kaluluwa nito.
"Ano ang iyong nakikita, fei? May babala bang mangyayari sa siti?" kausap nya kay
fei sa isip.
'Masisira ang organisasyon itinatag, dahil sa isang dalagang anak ng kalaban nating
lahi.'
Nang sabihin nito ang bagay na iyon, naguluhan sya. Sino ang tinutukoy nito?
"Sino sya? at imposible na masira ang tinatag nating organisasyon, dahil lamang sa
isang babae." bakas sa tono nya na hindi sya naniniwala. Ngunit kahit anong
pagpapaniwala nya sa sarili. kailanman ay hindi magkakamali ng pangitain si fei.
Hindi na ito sumagot sa katanungan nya. Nanginginig ito at lumutang sa hangin,
hudyat na nagbalik na ito sa sariling katawan.
Bumukas ang mata ni fei na puro puti ang makikita sa mata. Ito ang isang patunay na
isa sya magaling na babaylan.
"Sino sya? Kailangan natin na mapaslang ang babaeng iyon." sabi niya rito.
"Alam mong may limitasyon lang ang aking nakikita, empre" ani nito at tumayo.
Yumukod ito bilang paggalang. Mas nakakataas ang kanya antas rito. Kaya nakagawi na
ang pagbibigay galang. Lalo't sya ang susunod na mamumuno ng kanilang organisasyon,
kapalit ng kanya ama na emprero.
"Paano natin malalaman ang sinasabi na iyong pangitain?" nababahala tanong nya.
"Kung ako sa'yo ay tanungin mo ang mahal na emprero." mungkahi nito na kinatunghay
niya.
"Tama. Si ama nga ang tanging makakapagsabi kung saan matatagpuan ang babaeng anak
ng mga hika." sang-ayon niya "Sige, maiwan na kita." paalam niya rito at naglaho.
-
Muling siya bumalik sa mansyon. Ngunit, unang bumungad sa kanya ang dalagang si
francine.
Naglilinis si francine upang tulungan ang ina niya. Tutal ay wala pa namang inuutos
ang seniorito nya.
Sinusundan lamang ni randall ng tingin ang dalaga, habang patuloy ito sa paglilinis
ng sala. Napakaganda nito sa suot na uniporme ng kasambahay. Lalo sya natatakam.
Dahil lantad na lantad lalo ang makinis nitong leeg, dahil sa pagkakapusod nito.
Lumapit sya kung nasaan ang dalaga. Pinapagpag nito sofa, kaya doon ay pabagsak sya
naupo na kinagulat nito. Seryoso sa gawaing si francine. Napahawak sya sa dibdib,
dahil sa biglang pagsulpot ng seniorito nya.
"Bakit ikaw ang naglilinis? diba sinabi ko na sa akin ka lamang susunod?" maangas
na sabi nito at pinatong ang mga binti sa lamesa. Lumayo siya dahil sa bigla nitong
pagpatong ng binti.
"Tinutulungan ko lamang ho si nanay. Wala pa naman po kayong inuutos." magalang na
tugon nya rito.
"Kung ganun ay imasahe mo ang aking balikat." utos nito at tinapik ang balikat.
Bigla sya nabalisa. Hindi nya matatake na magkalapit sila, mahawakan pa kaya?
Napalunok sya at hindi alam kung susunod ba.
"Dali! Ayoko nang pinaghihintay." maawtoridad na untag ni randall sa dalaga. Bakas
sa mukha nito ang pag-aalangan. Palihim sya napangiti ng dahan-dahan itong lumakad
patungo sa likod ng sofa. Umayos sya ng upo at tinapik ang balikat nya ng
makapwesto na ito sa likod nya.
Huminga ng malalim si francine. Nanginginig ang kanya kamay sa kaba, habang dahan-
dahan nya inilapat ito sa balikat ng binata.
Napapikit ng mata si randall, nang maramdaman ang mainit na mga kamay ng dalaga sa
kanya balikat. Para syang nakukuryente sa init nitong hatid. Napakasarap sa
pakiramdam.
"Matanong ko lang. Ano nga pala ulit ang pangalan mo? " pagkukunwari ni randall.
Gusto nya mawala ang pagkailang nito sa kanya.
"Francine po." magalang na sagot ni francine. Unti-unti namang napanatag ang
kalooban nya, nang basagin ng amo nya ang katahimikan.
"Napakagandang pangakan." puri ni randall na kinapula ng pisngi ni francine. Ito
kasi ang unang lalaking pumuri sa pangalan nya. Hindi naman nya iniisip na
magagandahan ito sa simpleng pangalan nya.
"Hindi naman po." mahina nya tugon. Dahil nahihiya sya.
"Randall." maikli sabi ni randall kay francine na naguguluhan sa sinabi ng binata.
"Po?" nalilito nya sambit. 'Anong randall?' bigkas ng isip ni francine.
"Pangalan ko yun." maikling sabi nito na kinatango niya. Naintindihan na nya.
Sinabi pala nito ang pangalan. Atleast, alam nya ang pangalan nito.
"May boyfriend ka 'na ba?" tanong ni randall sa tonong mapanganib. Ngayon lamang
nya naisip, baka may boyfriend ang dalaga. Iniisip pa lamang nya ay biglang
kumukulo ang dugo nya.
Napahinto si francine sa pagmasahe ng tanungin iyon ng seniorito nya. Ramdam naman
ni randall ang tensyon ng dalaga sa tanong nya. Wag nitong sabihin na may boyfriend
ito?
"M-may manliligaw lang po." mahina sabi ni francine. Marahas naman na tumayo si
randall at hinarap ang dalaga. Bigla ay kinabahan si francine sa kaharap, dahil
galit nitong mukha at gumagalaw pa ang panga.
"Dahil assistant na kita. Meron akong rules." ani ni randall sa mariing boses.
"P-po? Pero--" angal ni francine na pinutol agad iyon ni randall.
"Stop. Ako ang amo dito, kaya dapat kang sumunod. Naiintindihan mo?" maawtoridad na
sabi ni randall. Gusto mang umangal ni francine ay naisip nya na bago pa lamang
sya. Ayaw nya na mapaalis sila ng kanya ina. Walang nagawa si francine kundi
tumango, na kinataas ng sulok ng labi ni randall na pinipigilan ang pag-ngiti.
"Very good. Okay. Una sa lahat, bawal ang magboyfriend. Habang ako ang amo mo, ako
lang dapat ang kasama mo." sabi ni randall na kinatango lang ni francine habang
nakatungo. Lalo namang napangiti ng lihim si randall. "Pangalawa, bawal kang
makialam sa personal kong gawain. Pag tinawag o inutusan lang kita maaring
makialam. And last thing.. don't fall in love with me. you get that?" seryosong
sabi ni randall. Lihim na napasinghap si francine sa sinabi nito. Bakit kasama ang
wag mainlove? As if naman, na magkakagusto sya rito.
"Yes, seniorito." walang pag-alinlangang sagot ni francine.
"Okay, wear decent dress. May pupuntahan tayo." utos ni randall at umalis sa
harapan ng dalaga. Aangal pa sana si francine, dahil wala sya kahit anong dress.
Ngunit nakaalis na ang seniorito nya na hindi nya namamalayan.
Ngayon problemado pa sya sa susuotin. Napaupo sya sa sofa dahil sa pagod.
"Oh, anak. Bakit tila nalugi ka dyan? Nakasambakol pa ang mukha mo." wika ng nanay
nya si gina. Na bigla nalang sumulpot kung saan.
"E, kasi inay. Aalis ang seniorito, kasama ako. Kaso, wala naman po akong matinong
dress." problemadong tugon ni francine sa ina. Tinapik nito ang balikat ng anak,
para pakalmahin.
"Yun lang pala? may dress ako na pinaglumaan ko. Tingin ko kasya na sayo iyon,
dahil lumiit na iyon sa akin." suwesyon nito na kinangiti ni francine.
"Talaga? Naku, salamat po. The best talaga kayo." tuwang tuwa sabi ni francine at
yumakap sa bewang nito. Parang sya nabunutan ng tinik, dahil naresolba na ang
problema nya.
Napapatango si gina at ngumiti sa anak. Natutuwa sya, dahil kahit sa maliit na
bagay ay sumasaya na ang anak nya. Hindi ito maluho at madaling makaintindi sa
bagay bagay.
"Halika na. Para makapag-ayos ka na." aya nito sa anak. Tumango at tumayo naman si
francine, para maghanda na.
"Sige po. Baka nga magalit ang seniorito pag nainip iyon." tugon ni francine at
sabay na nilang tinungo ang kanilang silid.

Kabanata 3 - Too Close


-
Naiilang na pilit binababa ni francine ang kanya dress. Pang 90's pa kasi ang klase
ng dress. Pero nang maisuot nya iyon ay para itong nagmukhang bago. Nakahalf
ponytail din ang buhok nya, na bumagay sa suot nya. Hindi sya sanay sa medyo
maikling dress, kaya hinahatak nya iyon pababa.
"Let's go." napaayos siya ng tayo ng magsalita ang seniorito nya. Hindi nya
namalayan na nadoon na pala sa tabi nya ito.
"Sige po." naiilang nya sabi. Lalo't ng pasadahan sya ng tingin ni randall.
Ang totoo nya ay kanina pa nakatitig si randall kay francine, habang nakatayo ito
sa bungad ng pinto. Napakaganda nito, kahit na may pagkaluma ang suot nito.
Lumalabas lalo ang napakainosente at maamo nitong mukha. Gusto pa sana nya itong
pagmasdan ng matagal, ngunit baka gabihin pa sila. Kaya lumapit na sya rito.
Lulan ng sasakyan ay tahimik lamang na nakaupo si francine sa front seat. Habang
ang driver ay si randall na nakafocus sa daan. Tahimik sila dalawa, kaya mas lalong
naging awkward sa pakiramdam ni francine iyon. Nagfocus na lamang ang kanya mata sa
labas, habang tinatanaw ang kanilang dinaraanan.
"Yung dress, bagay sayo. Lalo ka gumanda." mahinang sabi ni randall. Namula at
pinapakalma naman ni francine ang dibdib nya ng bumilis ito, dahil lamang sa
pagpuri sa kanya ni randall.
"Thank you po." nahihiya tugon ni francine.
Tumingin si randall saglit sa dalaga at binalik ang tingin sa kalsada na nakangiti.
Namumula kasi ang pisngi ng dalaga, kaya naman natuwa sya. she's so cute.
"You blushing." panunukso ni randall. Napalingon si francine sa binata at pilit na
pinatatatag ang loob.
"Hindi, ah. M-may nilagay lang po si nanay na blush on." tanggi ni francine at
umiwas ulit ng tingin. Napahalakhak naman si randall, dahil sa depensa ng dalaga sa
sarili.
"Hahaha.. defensive. Tsaka wag mo na akong i-po, hindi pa naman ako matanda."
magiliw na sabi ni randall at ginilid ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na bar.
Ang totoo ay para sa mga kauri nya lang ang klase ng bar na iyon. Alam din nya na
hindi pwede ang dalaga sa loob. Ngunit, hindi naman nito malalaman na ibang uri ang
nasa loob nito. At sisiguraduhin nya na walang kalahi nya ang makakaalam na mortal
ang kasama nya. Kaya kinuha nya ang kwintas ng persamon.
"Wear this necklace." utos nya sa dalaga na nakatingin sa labas. Lumingon si
francine at bumungad ang isang kwintas na parang medalyon, ngunit medyo maliit.
Nagtataka nya na kinuha ito.
"Bakit nyo po pinasusuot sa akin ito?" naguguluhan nya pagtatanong.
"For costumer passed yan. Bawal pumasok ang hindi member. Kaya isuot muna."
pagsisinungaling ni randall. Agad namang sinuot ito ng dalaga, kaya napangiti si
randall at bumaba upang pagbuksan ng pinto ang ito.
Nagtataka talaga si francine, kung bakit naging mabait ang seniorito nya. Para
namang hindi sya tauhan, kung tratuhin.
Isinawalang bahala na lamang nya iyon at sumunod kay randall na nauna na sa
paglalakad. Ang daming bumabati sa seniorito nya. 'Empre' ang laging banggit ng mga
ito. At ang weird lang sa pakiramdam niya, dahil bakit tila kakaiba ang mga tao sa
bar na pinuntahan nila. Halos maputla o maputi, at puro sila nakablack. Naiilang
din sya, dahil kada daan nya sa mga nagsasayaw or sa mga table man ay napapatingin
ang mga ito sa kanya, tila sinusuri sya. Kaya naman binilisan nya ang pagsunod sa
seniorito nya. Dahil baka may mangyari pang masama.
Dumeretso si randall sa isang VIP room at naupo sa couch. Hinintay nya makalapit
ang dalaga na nililibot ang tingin. Ramdam nya ang kabog ng dibdib nito sa takot,
kaya napahinga sya ng malalim. Hindi nya malaman bakit sinama nya pa ito sa bar.
Basta gusto lamang nya na may makasama.
Sinenyasan nya ito na maupo sa couch. Naupo naman ito na kaharap nya.
Nagtaas sya ng kamay at sinenyasan ang waiter na si eric. Isang mababang uri ng
bampira.
"Give me a bloody mary. And..." sabi nya at lumingon saglit sa dalaga. Naisip nya,
ano nga pala ang ipapainom nya rito? Hindi angkop sa dalaga ang mga iniinom rito.
"Sige, iyon lang." sabi nya kay erik na muli nitong kinatango. Lumingon si eric
saglit sa kasama ng kanilang empre. May nararamdam kasi sya kakaiba sa dalaga.
Hindi normal na pakiramdam.
"Ipagpaumanhin nyo po mahal na empre. Ngunit isa ba sya--"
"SHUT THE FUCK UP! INUTIL!" sigaw na pagpipigil ni randall kay eric at sinamaan ito
ng tingin. Agad naman nagpaumanhin si eric at nilisan ang table nila.
Nagulat si francine sa biglang pagsigaw ni randall sa isang waiter. Natakot sya,
dahil para bang namula ang mata ng seniorito nya. Kaya napakusot pa sya ng mata at
tinignan itong muli. Ngunit namamalikmata lang ata sya, dahil pagtingin nya ay
hindi naman.
Kinalma ni randall ang sarili at tumingin sa dalaga. Hindi nya mapigilan na
magalit. Hindi sa takot, kundi dahil ayaw nya na matuklasan ng dalaga ang lihim
nya.
"Hintayin mo ako saglit. Magc-cr lamang ako." baling nya sa dalaga. Alanganin na
tumango ito bilang tugon. Natatakot kasi si francine na mag-isa. Pero sino ba sya
para pigilan ang amo nya.
Tumayo si randall at mabilis na tinungo ang cr. Nakasunod ng tingin si francine,
hanggang sa mawala na sa paningin nya ito.
*sighs* Huminga sya ng malalim at tumingin sa baba, kung saan ay kita ang mga taong
nagsasayawan sa dance floor.
"Here's the bloody mary." napalundag sya sa gulat. Dahil sa biglang pagsumulpot ng
waiter na pinag-orderan ng seniorito nya. Hinarap nya ito at nagulat sya sa kakaiba
nitong tingin. Para bang ineexamine ang buo nya kaluluwa.
"Salamat." mahina nya sabi.
"Kaano-ano ka ng mahal na empre? Hindi ka pamilyar rito?" mapanghinala tanong ni
eric ay napatingin sa medalyon na suot ng dalaga. 'Isang persamon' ani ng isip nya.
lalo sya nanghinala, kung bakit binigyan ito ng empre ng isang persamon? Isa lamang
ang ibig sabihin ng paggamit ng empre rito. Gusto nya protektahan ang babaeng ito
sa mga kauri nya.
"Assistant nya ako." tugon ni francine.
"Isa ka bang vam-- aacckk." nagulat si francine. Dahil sa biglang pagsulpot ni
randall at lalo nya kinagulat nang sakalin nito ang waiter.
"INUTIL! Di ba pinahiwatigan na kita? Lapastangan ka!" galit na sabi ni randall at
diniinan ang kapit sa leeg ni eric.
Agaran naman na tumayo si francine at pinigilan ang amo nya.
"Seniorito, tama na po! mapapatay nyo sya!" pagpigil ni francine kay randall at
hinawakan ito sa braso para pigilan.
Tila naman nawala ang galit ni randall nang hawakan sya ng dalaga. Tila may mainit
na bagay na nagpakalma sa kanya. Binitawan nya si eric, pabalibag sa sahig.
Dali-dali namang umalis si eric. Huminga ng malalim si randall at humarap sa dalaga
ng tila walang nangyari.
"Pasensya na. Wag kang makikipag-usap doon, masyado lamang iyong madaldal."
nakangiting sabi ni randall na kinatulala ni francine. Ngayon lamang ngumiti ang
seniorito nya sa kanya. Anong himala at tila naiiba ang kinikilos nito?. "Hey! wag
mo akong tignan ng ganyan. Alam ko na gwapo ako pag nakangiti." mahanging ani ni
randall. Dali dali namang nagbalik sa sarili si francine at tumikim, bago nag-iwas
ng tingin.
Naupo muli si francine at tumingin ulit sa baba, kung saan may nagsasayawan. Ngunit
napalingon sya ng tumabi sa kanya si randall at tipong nakaakbay ito sa
sinasandalan nya sofa. Umusod sya na tila nahulaan naman nito. Umusod din ito, kaya
nasiksik sya sa pinakapader.
"A-ah, seniorito. Umusod po kayo ng konti." sabi nya rito at tinulak ang dibdib
nito. Humalakhak ito at pagkaraan ay seryoso na tumitig sa kanya.
"Gusto ko na ganito ako kalapit sayo. Naiintindihan mo?" mahina nitong sabi at
nilapit ang mukha. Tumango sya at inatras nya ang mukha, para iwasan ito.
Napapalunok at kinakabahan sya sa inaasta nito. Bumibilis din ang tibok ng dibdib
nya at feeling nya pinagpapawisan sya, dahil masyado itong malapit. Hinawakan nito
ang panga nya at pinaharap sa mukha nito. Titig na titig ito sa mata nya at bumaba
ito sa labi nya. "Ganitong dapat kalapit. At hindi ka dapat umiiwas. Dahil baka
lalo lang ako dumikit sayo." bulong nito habang nakatitig parin sa labi nya.
Nakahinga sya ng maluwag at napapikit ng dumistansya na ito. Pigil na pigil pala
ang kanya paghinga. Palihim sya humugot ng hangin, dumilat sya. Nakita nya na busy
ito sa pagsalin ng inumin. Pagkaraan ay lumingon ito sa kanya na nakangiti.
"Heto ang inumin mo. Softdrinks lang pwede sayo. Dahil masyadong malakas ang tama
ng alak, pag iyon ang ininom mo." abot nito sa softdrink. Kala nya alak na, dahil
nakalagay pa sa cocktail glass. Kinuha nya ito at nagpasalamat. Ininom nya agad
ito, dahil nanunuyot pa ang lalamunan nya, dahil sa pagkalapit nila. Nilapag nya
ang baso at tumingin dito. Iniinom din nito ang drinks. Ngunit napakakunot noo sya,
dahil bakit tila malapot yung drinks na iniinom nito?
Naramdaman ni randall ang titig ni francin, kaya tumingin sya sa dalaga. Nakatingin
ito sa iniinom nya. 'shit' Palatak nya at inubos agad ito. Pinahid nya agad ang
dugo sa labi ng may tumakas ng kaunti.
"Bago lang itong drinks nila." depensa nya.
"Ah, ganun ba. Akala ko kasi--shit" sabi ni francine. Ngunit naputol ang sasabihin
nya ng hatakin sya patayo ni randall at hinapit sa bewang. inaalis ang kamay nito
sa bewang.
"Let's dance." malambing na sabi ni randall at hinawakan ang dalawang kamay ng
dalaga, at iyon nilagay sa balikat nya.
Kinakabahan na naman si francine at naiilang sa sitwasyon nya. Tila sya nanlamig ng
hawakan sya nito sa bewang.
"H-hindi po ako m-marunong sumayaw." nauutal nya sabi.
"I guide you, don't worry." sabi ni randall at inumpisahan nya gabayan ang dalaga
sa mabagal na sayaw. Tumitig sya sa maamo nitong mukha. Ramdam nya ang ilang nito
at hindi makatingin sa kanya.
"Look at me." bulong nya rito.
Naiilang na tumingin si francine sa mukha ni randall. Bumungad sa kanya ang titig
na titig na itim nitong mata. Ngayon lamang nya napagkatitigan ang mukha ng
seniorito nya. Maputi at makinis ang balat nito. May mahahaba din itong pilik mata,
na bumagay sa medyo bilugan nitong mata. Makapakal ang kilay na bumagay sa mga mata
nito. Matangos din ang ilong nito at ang labi nito na mapula-- daig pa ata sya.
Napalunok sya ng dilaan nito ang labi. Naya napatingin sya sa mata nito.
"Enjoying the view?" pilyo nitong sabi na kinapula nya. Kaya nagbaba sya ng mukha
at tumingin sa paligid.
Lalo sya nitong hinapit, kaya halos wala ng hangin sa pagitan nila. Tingin nya
ramdam na nito ang bilis ng tibok ng puso nya.
"Gustong-gusto kong namumula ka. Lalo kang gumaganda sa paningin ko." bulong nito
sa tenga nya. Para sya kinilabutan sa klase ng pagkabulong nito. Lalo't pinatong pa
nito ang baba sa balikat nya at inamoy nito ang leeg nya-- parang sinisinghot.
Kaya naman tinulak nya ito at dumistansya. Hindi nya alam, ano ba ang pinapakita
nito? Pero sya ang naapektuhan sa ginagawa nito.
"Restroom lang po." mahina nya paalam at tumalikod na. Hindi na nya ito hinintay na
magsalita pa.
Nakahawak sya sa dibdib, dahil sa bilis parin ng tibok nito.
'Hindi sya maaring makaroon ng feelings dito. Lalo't kasama sa rules nito.. na
bawal sya magkagusto dito.'

Kabanata 4 - Nightmare
Masyado nang gabi ng makauwi si francine. Hinatid lamang sya ni randall at
pagkatapos ay umalis ulit ang binata. Hindi nya alam kung saan pa ito pupunta,
hindi na nya ito tinanong pa. Dahil baka isipin nito ay namamakialam pa sya. Halos
mag-umaga na rin, pero gising na gising parin si francine. Nakatingin lamang sya sa
kisame, habang nakahiga sa higaan nya. Tumingin sya sa nanay nya na natutulog na.
Pumikit sya at pinilit matulog, ngunit hindi sya madalaw-dalaw ng antok. Tuwing
pipikit sya ay mukha ni randall ang kanya nakikita.
Hindi nya alam kung bakit rumerehistro ang mukha nito sa kanya isipan. Nagkamot sya
ng ulo at naupo, mula sa pagkakahiga. Naiinis lang sya sa nangyayari sa kanya.
Kasalanan ito ni randall. Kung hindi ito lumapit-lapit sa kanya ay hindi sya
maaapektuhan.
Maingat sya na bumaba mula sa higaan, upang hindi magising ang kanya nanay. Alam
nya na marami itong ginawa, kaya maaga itong nakatulog. Sana, hindi na sana sya
kinuha bilang assistant, para sya na ang gumawa ng mabibigat na bagay, para hindi
agad napapagod ang kanya ina.
Lumabas sya ng silid nila. Gusto nya muna na magpahangin, baka sakaling makatulog
sya, pag nakapahinga ang isip nya.
Madilim ang paligid paglabas nya. Tanging sulo lamang sa bawat pader ang tangi
liwanag na nagbibigay sa kanya, para makakita ng kaunti.
Napayakap sya sa sarili dahil sa lamig ng hangin. Hindi naman ber months, para
lumamig ang klima. Wala din namang bagyo para humangin. Sabagay, paiba-iba na ang
klima sa panahon ngayon.
Nagtungo sya sa garden, kung saan ay may duyan na nakasabit. Nakita nya iyon nung
time na magtatapon sana sya ng basura. Tago ang duyan na pinaglalagyan nito, kaya
naisip nya na maaari sya doon. At tiyak na hindi sya makikita, kung sakali mang may
isa sa may-ari ang lumabas.
Humawak sya sa duyan ng makalapit sya. Naupo sya agad, pagkalapit doon. Hiniga nya
ang katawan at sinimulang i-ugoy ang duyan ng mahina.
Tumingin sya sa langit at natuwa sya, nang makakita ng bituwin. Napakagandang
pagmasdan ang mga ito. Lalo't, bawat isa nito ay may tinatagong kinang. Napamaang
at napamulat sya, nung humugis ang mga bituwin nang isang mukha. Mukha ng seniorito
nya. Kinusot nya ang mata at tumingin muli sa kalangitan. Napabuga sya ng hangin,
nang malaman na nag-iilusyon lang pala sya. Napasabunot sya ng buhok, dahil pati
bituwin ay nakikita nya ang mukha ng binata. Ano bang nangyayari sa kanya? bakit
ganito nalang ang nararamdaman nya?
"Argh. nakakainis na!" impit nya asik sa sarili. Huminga sya ng malalim at inugoy
ang duyan ng medyo malakas. Para mawala ang iniisip nya. Kumanta sya ng isang kanta
na laging kinakanta tatay nya.
[Pangarap na bituin : sharon cuneta]
Sa kanyang pagkanta-kanta ay hindi nya namalayan na dinadalaw na sya ng antok.
Pumikit-pikit ang mata nya, hanggang sa tuluyan ng lamunin ng antok.
~°~
Nagising si francine sa isang kwarto. Inilibot nya ang tingin sa paligid at
napansin na nasa isa syang kwarto na walang kagamitan. Tanging yung kama lang na
hinihigaan nya ang tangi nya nakikita. Kinilabutan sya, dahil hindi sya pamilyar sa
kwarto. Bukod doon, halos pula ang ilaw na tumatanglaw sa paligid. Balak sana nya
na maupo at bumaba, nang hindi sya makatayo. Dahil nakatali ang kanya kamay at paa
sa kama. Lalo sya natakot sa sitwasyon nya, nang mapansin na iba ang suot nya
damit. Isang telang manipis na parang dress, pero napakaikli. Naramdaman din nya na
wala sya suot na bra, tanging panty lang na parang manipis at walang tela sa likod.
Nagpupumiglas sya, baka sakali matanggal ang tali. Pero sino ba ang niloko nya.
Lalo lamang humigpit ang pagkakabuhol no'n. Napatigil sya sa paggalaw ng bumukas
ang pinto. Nilukuban sya ng takot at malakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Napatingin sya sa lalaking pumasok. Ngunit, hindi nya makita ang mukha nito. Malabo
ang mukha nito.
"S-sino ka ha? Anong kailangan mo sa akin at tinali mo ako? Hayop ka! pakawalan mo
ako!" galit na sabi niya at nagpatuloy sa pagpupumiglas. Lumapit ang lalaki na
walang suot na pang-itaas. Tanging pantalon lamang ang suot nito. Pero kahit anong
aninag nya sa mukha nito ay malabo parin, kaya hindi nya makilala.
"W-wag kang lalapit! please! pakawalan mo ako!!" nagmamakaawa nya sabi. Baka sakali
na maawa ito at pakawalan sya.
Hindi nagsalita ang lalaki. Lumapit lang ito at naupo sa kanya gilid. Hinawi nito
ang buhok nya at hinaplos ang kanya mukha.
"Beautiful!" bulong nito. Hindi nya alam, pero parang narinig na nya ang tinig na
iyon. Pero hindi muna nya iniisip iyon. Ang kaylangan nya ay makaalis sa
pagkakatali. Umilag lang sya sa paghaplos nito at pilit na ginagalaw ang kamay.
Tila nagalit ito sa kanya pag-ilag, kaya hinawakan sya nito sa panga at pinaharap.
Madiin at masakit ang pagkakahawak nito. Matalim ang mga kuko nito na bumabaon sa
mukha nya.
"Wag mong subukang umilag. Dahil wala ka nang kawala sa akin." malalim na boses na
sabi nito. Yumuko ito at pilit na hinahalikan sya sa labi, ngunit pursigido sya sa
pag-ilag. Kinagat nito ang labi nya na kinasinghap nya, dahil sa sakit. Sinamantala
ito ng mysteryosong lalaki. Marahas ang pagkakahalik nito at naramdaman nya ang
dila nito. Parang may kakaiba sa dila nito. Parang hinihigop nito ang kanya
katinuan. Nauubusan sya ng hininga at napapaungol sa ginawa nitong paghalik.
Napadiin ang pagkuyom ng kamay at napapaangat ang katawan dahil sa sensasyon na
hatid nito.
Napabagsak sya ng higa at napahugot ng malalim, nang bitiwan na nito ang labi nya
at nagpunta sa leeg nya. Sinipsip nito ang leeg nya sa kaliwa, para bang anestisya
ito sa kanyang pakiramdam. Dahil tila namanhid ang kanya leeg doon. Hindi nya
nahulaan ang ginawa nito, basta ang alam nalang nya ay kagat na nito ang leeg nya,
gamit ang matalas nitong pangil. Nauubusan sya ng hininga at parang umiikot ang
pakiramdam nya. Idiniin nito ang pagkagat, na bumaon sa ugat nya. Napasigaw sya sa
sobrang sakit.
.
.
.
.
.
"AHHHHHH" Sigaw nya at napaupo. Hinihingal at nilibot nya ang tingin. Nasa duyan
parin pala sya. Napahawak sya sa leeg, pero wala naman sya nararamdaman na sakit.
Ibig sabihin, isa lamang panaginip iyon. Isang masamang panaginip.
Nagpapasalamat sya na hindi totoo ang lahat ng iyon. Nagsign of the cross sya at
napabuga ng hangin, hinagod ang buhok dahil sa pagkabalisa. Hindi nya alam, bakit
ganun ang napanaginipan nya. Pero parang feeling nya totoo ang lahat ng iyon. Na
parang nararamdaman nya parin ang pagkagat nito.
Tumayo sya sa duyan at naisipan na pumasok na lamang. Hindi nakakabuti na manatili
sya roon.
Ang akala nya ay giginhawa ang pakiramdam nya, pero hindi pala. Mukhang napasama
pa.
-
Samantala
Mula sa tuktok ng bubong, may isang dalagang nanlilisik ang mata. Nakasunod ito ng
tingin kay francine, na papasok sa loob ng mansyon. Kitang kita nya ang nangyari.
Ang pagmarka sa leeg ng mortal. hHndi maaari na isang mortal lang ang makakaagaw sa
pinakamamahal nya si randall. Hindi!
Kung kailangan nya makipaglapit dito ay gagawin nya. Para sya na mismo ang
papaslang sa mortal. Sa kanya lamang si randall. Dahil mula pagkabata nila ay
ninais nya na maging kabiyak ito. Hindi nya hahayaan na mabaliwala ang
pagsasaktripisyo nya. Hindi.
Pumikit sya at naglaho. Babalik sya..
************************************
Kabanata 5 - Langit at Lupa
Mula sa isang bulwagan ay nagtipon tipon ang pamilya at kalahi ng mga agustin.
Hinihintay nila ang pagdating ng emprero at empre, upang pag-usapan ang nagawang
kamalian ng empre si randall.
Puno ng bulungan ang mga buong bulwagan. May mga nadidismaya at meron din namang
nakikisampatya sa empre. Baka may malaking dahilan ito, kaya nito ginawa ang bagay
na iyon.
Natahimik ang lahat ng lumitaw ang emprero, na makikitaan ng maawtoridad na awra.
Nagsiyukuan sila, nang lumakad ito palapit sa kanya trono.
"Umpisahan na ang diskasyon."
Lumapit ang tagapagsalita at kanang kamay nito na si peter.
"Ayon sa balita, mahal na emprero. May ginawang labag sa ating lahi, ang mahal na
empre." pag-uumpisa nito.
"At ano naman ang nagawa ng aking anak?"
"May mortal po na kanyang minarkahan, mahal na emprero." magalang nitong
pagbubunyag. Nanlisik ang mata ng emprero sa kanyang kanang kamay, na kinatakot
nito.
"Paano mo nasabi na ginawa iyon ng aking anak? Hindi maaari na magawa ni randall
ang ganung bagay, lalo sa mortal." asik nito. Habang nakalabas na ang pangil.
"Pero iyon po ang binalita ni mori, Mahal na emprero."
Handa na sanang sumabat muli ng emprero ng dumating ang sinasabi ni peter na si
mori. Isang bampira na makikitaan nang pagkamaldita at isang ngisi. May angkin din
itong alindog na kinasasabikan ng mga binatang bampira. Ngunit, hindi ang kagaya ni
randall na walang kahit anong katiting na interest sa kanya. Tangi kababata at
kasapi lamang ang turing nito sa kanya.
"Ngayon at nandito ka'na rin lang mori. Ipaliwanag mo ang sinasabi ni peter tungkol
sa aking anak at sa mortal." pagtatanong muli ng emprero. Palihim na ngumiti ang
may balak na masama si mori, bago umamo ang mukha tila isang angel.
"Totoo ang binalita sa inyo ni peter, mahal na emprero. Kita po sa aking mga mata,
kung paano lumabag ang empre sa ating batas." ngumiti sya ng malungkot at
nadidismaya, bago nagpatuloy. "Natutulog ang mortal ng simulan ng empre ang kanya
balak. Kinagat nya ito sa leeg. At pagkatapos nya matikman ang dugo ng mortal ay
naglaho na sya, bago pa man magising ang mortal."
"Totoo ba ang iyong sinabi, mori? Hindi kaya, may hinanakit ka parin sa aking
anak?" nanghihinala na wika ng emprero. Palihim na tumalim ang mata ni mori, ngunit
sandali lang iyon at maamo na muling nagsalita.
"Totoo ang aking sinabi mahal na emprero. Hindi dahil galit lamang ako sa empre,
kaya akala nyo ay gumagawa lamang ako ng kwento. Mali po kayo sa inyo iniisip.
Tunay na kaibigan parin ang aking turing sa mahal na empre. Kaya lamang po ako
nagsalita paungnay sa kanya, ay dahil may katotohanan ang aking mga sinasabi."
mahaba nya lintaya.
Tumayo naman ang emprero at humarap sa kanyang mga nasasakupan.
"Kung ganun ay kailangan kong makausap muna ang aking anak. Bago ako magdesisyon."
habilin nito at naglaho.
Naiwan na puro bulungan ang bulwagan, habang may ngiting tagumpay naman si mori.
Naniningkit ang mata ni peter, habang pinagmamasdan si mori na kahina-hinala.
Lumapit sya rito na agad naman nitong nahulaan.
"Nagsasabi ka ba talaga ng totoo, mori? Dahil oras na nagsisinungaling ka. Tiyak na
kamatayan ang mangyayari sayo, dahil sa paninira mo sa mahal na empre."
Humalakhak si mori at tinignan si peter na may panghahamon na tingin.
"Wala akong pakialam kung maniwala ka man o hindi. Hindi ko na kailangan pang
magpaliwanag pa sa isang katulad mo na hamak na kanang kamay lamang. At wag kang
makialam sa aking ginagawa, dahil oras na pinakialaman mo ako. Tignan natin kung
sino ang mauunang malagutan ng buhay." banta ni mori at lumisan. Napahinga ng
malalim si peter at napailing. Dati pa man ay hindi na nya pinagkakatiwalaan si
mori. Dahil ang lagi lamang dala nito ay gulo. Lalo na pag may babaeng nagiging
malapit sa kanilang empre. Lagi itong gumagawa ng paraan, upang maalis sa landas ni
randall ang mga babae.
-
Mula ng magising si francine ay tila may kakaiba na sa kanya. Sumasakit ang leeg
nya na sa kanya panaginip, ay kinagat ng isang misteryosong lalaki.Tinignan naman
nya iyon sa salamin, ngunit wala sya nakita na ano mang kagat o bakas ng kagat.
Kaya nagtataka sya kung bakit sumasakit iyon?
Ngayon ay nasa hardin sya nagdidilig at tulala na naman, dahil sa hindi malimutang
panaginip.
"Mahal!" tila naman may isang pwersa na tumatawag sa kanya. Inilibot nya ang
tingin, ngunit wala sya makita na tao na tumatawag sa kanya. Napahawak sya muli sa
leeg, na muli na naman itong sumakit. Nabitawan nya ang hose at napangiwi sa sakit
ng kanya leeg. "Oras na matuloy ko ang aking pagmarka. Magiging akin ka, akin!"
Lalo sya napahiyaw sa sakit, dahil sa pagsalita na naman ng boses na iyon.
"Sino ka ba? Tigilan mo ako!" kahit napapangiwi sa sakit ay nagawa nya magsalita.
Halakhak nito ang tanging sinagot sa kanya.
"Francine, anak." napawi ang sakit ng kanya leeg ng hawakan at tawagin sya ng kanya
nanay. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito..
"Ayos ka lang ba, anak? May sakit ka bang dinaramdam?" umiling sya at ngumiti.
Upang ipakita na ayos lamang sya. Ayaw nya itong mag-alala.
"Opo, nay. Ayos lamang ako. Medyo nanakit lang po ang leeg ko."
"Baka sa pagod iyan, anak. Kung gusto mo ay ako na ang tumapos nyan at magpahinga
ka nalang." ambang aagawin na sana ng nanay nya ang hose na hawak nya. Nang maagap
nya na inilayo ito.
"Naku. wag na po, nay. Wala lang po talaga ito. Kayo po ang dapat na magpahinga.
Dahil marami kayong ginawa." napahinga ng malalim ang kanya ina. Pagkaraan ay
malungkot na ngumiti.
"Sabihin mo lang anak, pag pagod ka na. Maaari naman tayo bumalik sa probinsya at
magtinda na lamang muli."
Umiling si francine sa sinabi ng nanay nya at hinawakan ang kamay nito.
"Hindi pa po ako pagod. Hayaan nyo po. Pag nakapag-ipon po tayo, tsaka po tayo
bumalik sa dati nating bahay. Sa ngayon ay kailangan po natin na makapag-ipon
muna." ngumiti sya pagkatapos ito sabihin. Ngumiti din ito at hinaplos ang mukha
nya.
"Halika na po, nay. Baka hinahanap na tayo ni manang yolly. Baka maghahanda na po
sa tanghalian ng mga agustin." aya nya. At pumasok na sila sa loob ng bahay.
Mula naman sa veranda ng kwarto ni randall. Nakatayo doon ang binata at walang
ginawa, kundi titigan lamang ang dalaga at guluhin ang isipan nito. Natutuwa sya sa
epekto sa dalaga nang kanya ginawa. Sa totoo ay hindi pa nya masyado tuluyan
nakukuha ang dalaga. Dahil gusto nya na makuha ito, na ito mismo ay saksi. Ngayon
lamang sya nahumaling sa isang babae. Hindi nya mawari, bakit ganung kabilis na
lamang sya mahulog sa dalaga. Na tipong gusto nya ito maangkin at maging sa kanya
lamang. Iniisip pa lamang nya na sa ibang lalaki ito mapupunta, ay hindi nya
mapigilan na kumulo ang dugo at magtagis ang mga ngipin. Kaya nang maamin sa
sarili, na talagang may pagtatangi sya sa dalagang mortal. Hindi na sya nagsayang
ng oras. Alam nya, hindi maaari ang mortal at ang kagaya nya vampire na maging isa.
Pero itatago nya iyon sa dalaga, hanggang sa mapasakanya ito. Hangga't maaari ay
kikilos sya rito na isang tao at papaibigin.
"Suwail kong anak." natigil sya mula sa malalim na pag-iisip sa dalaga, nang
marinig nya ang boses ng ama sa kanya likod. Galit ang bumabakas sa mata at mukha
nito. Hindi nya napaghanda ang suntok nito, nang lumingon sya sa ama. Bumagsak sya
sa sahig at may lumabas na dugo sa gilid ng kanyang labi.
Nagtataka sya tumingin sa ama, kung bakit nito nagawa saktan sya at kung bakit ito
galit na galit?
"Bakit, ama? Anong nagawa ko?" ayaw man nya isipin. Ngunit may namumuo nang hinala
sa isipan nya.
Lalong bumalasik ang galit sa mukha nito, dahil sa kanya sinabi.
"At talagang nagmamaang-maangan ka pa, randall? Ipaliwanag mo, kung bakit mo
ginalaw ang mortal?" dahil tamang sya sa hinala nya ay napangisi sya at ngumiti sa
ama, bago tumayo.
"Ama. Mali ata ng impormasyon ang inyong nalakap? Hindi ko pa sya nagagalaw nag-
uumpisa palang." nakakaloko nya sabi. Na lalong kinagalit ng kanya ama.
"Tanto! Nagawa mo pang magbiro sa akin. Kung ganon nga. Mula ngayon, ay wag mo nang
uulitin pa iyon. Dahil oras na malaman ko na may binabalak ka na naman, ay
sisiguraduhin ko na hindi mo makikita ang mortal." banta ng kanya ama. Natagis ang
bagang nya at sa unang pagkakataon ay matalim nya tinignan ang ama. Nagsukatan sila
ng tingin at sa huli ay sya ang unang sumuko.
"Masusunod, ama."
Nakahinga ng maluwag ang ama nya at pagkaraan ay huminahon na ito.
"Magaling. Sige, magpahinga ka muna at mamaya ay may bisita tayo darating." bilin
nito. Bago ito naglaho.
Kung akala ng ama niya ay susundin nya ito, ay nagkakamali ito. Dahil, kahit anong
mangyari ay itutuloy nya ang balak. Hindi nya ito hahayaan na ilayo sa kanya ang
dalaga.
-
Naghahanda na sila francine, gina at ibang kasambahay. Maging si yolly din ay busy
sa paghahanda ng kakainin ng mga kanilang amo at bisita. Nagtataka si francine,
kung bakit hilaw na gulay at yung wine na parang dugo ang kulay, ang laging
kinakain ng mga agustin? Inaamin nya nakakasuya tignan ang mga ito. Hindi nya
matake.
Habang busy sya sa pag-aayos ng mga plato at ulam, ay parang may nakatitig sa
kanya. Nilibot nya ang tingin sa buong dining area, hanggang sa mapadako ang kanya
mata sa bungad ng pinto. Nagulat sya ng malaman na ang seniorito nya pala iyon, na
matamang nakatitig sa kanya. Agaran sya nag-iwas ng tingin at pumasok sa kusina.
Pagpasok nya ay hinihingal pa sya, na akala mo ay parang tumakbo ng malayo.
Napahawak sya sa dibdib ng lumakas na naman ang pagtibok ng puso nya.
"Anong nangyari sayo?" muntik na sya mapatalon sa gulat, nang biglang magsalita si
inday. Isang kasambahay din ng mga agustin.
"Ah, wala! wala!" pagkakaila nya rito. Tumango sa kanya si inday. Pero bakas parin
sa mukha nito, na tila hindi pa kumbinsido sa sinabi nya. Inabala nalang nya ang
sarili sa paghalo ng nilulutong sabaw. Hindi nya mapigilan na matulala sa hinahalo,
dahil sa kakaisip sa titig ni randall sa kanya. Marami ang namumuong tanong isipan
nya, kung bakit ito ganung makatitig sa kanya. At bakit ganun nalang ang reaksyon
nya, sa paninitig palang nito. Sa kanya pag-iisip, ay hindi nya alam na wala na ang
ibang kasambahay sa kusina, hanggang sa may maramdaman sya tao sa likod nya.
"Ang bango naman nya'n" bulong ng isang pamilyar na boses. Napaidtad sya sa gulat
ng magsalita si randall, na nasa likod nya. Naramdaman nya ang katawan nito, na
tila pilit sya sinisiksik. Nanlaki ang mata nya ng pumulupot ang braso nito sa
kanya bewang, habang inaamoy nito ang kanya leeg. Binitawan nya agad ang sandok at
inalis ang kamay ni randall na nahinto sa pag-amoy. Lumayo sya sa binata at yumuko,
upang hindi mapansin ang pamumula ng mukha nya.
"A-ano pong ginagawa nyo rito, seniorito?" napakagat sya sa ibabang labi ng mautal
sya. Humalakhak si randall ng kinaangat nya ng tingin.
"Why? hindi na ba ako pwede sa kusina namin?" bakas ang pagkaaliw sa boses ni
randall. Napaatras sya ng bigla itong maglakad palapit sa kanya.
"Francine, handa na b--" napatigil sa pagsasalita si inday ng makita ang seniorito
nila. Agad sya yumuko at bumati. Nakahinga ng maluwag si francine sa biglang
pagdating ni inday. Napansin nya na ngumiti ang seniorito nya, habang nakatingin
ito sa kanya. Pagkaraan ay wala itong imik na lumabas.
Pagkaalis ng kanilang seniorito. Agaran sya nilapitan ni inday at hinatak sa gilid,
malapit sa wash area.
"Anong meron sa inyo ng seniorito? bakit sya nakikipag-ngitian sayo?" nang-uusisa
ni inday sa kanya. Napalunok sya at pinormal ang mukha, upang isipin nito na hindi
sya apektado sa sinabi nito.
"Ano ka ba! wala lang iyon. Sinabi kasi ng seniorito na masarap daw yung sabaw na
niluto mo." pambobola nya. Na agad namang nitong kinatuwa.
"Talaga? ay, sabi na masarap ako magluto. Nakakakilig at napansin din sa wakas ang
luto ko."
Nakahinga sya ng maluwag ng mawala na sa isip nito ang panghihinala. Pero yun ang
akala nya.
Magsasandok na sana sya ng magbitaw ito ng babala.
"Francine " lumingon sya kay inday ng tawagin sya nito at nakita nya na seryoso
ito.
"Bakit?" tanong nya. Muling pinagpatuloy ang paghahalo, habang hinihintay ang
sasabihin nito.
"Payo ko lang sayo. Wag kang masyadong magtitiwala. Dahil baka mahirapan ka nang
makawala pa. Iba siya at iba ka."
Pagkasabi ni inday ng isang babala ay umalis ito sa kusina. Naiwan naman sya
natulala. Mapait sya ngumiti at umiling. Bakit ba masyado sya apektado? Tama naman
ito. Iba ang seniorito nya at iba sya.
Langit ito at sya ay lugmok sa lupa.

Kabanata 6 - Nabuking
-
Sa mahabang lamesa ay nasa gawing kanan ang pamilyang agustin, Habang nasa gitna
ang ama ni randall. Sa kaliwang panig naman ay naroon ang isang kalahi nila, na
mula din sa mataas na antas bilang bampira. Ito ay ang pamilyang oreca. Naguguluhan
man si randall, kung bakit naroon ang pamilyang oreca ay sinawalang bahala na
lamang nya. Panay kasi ang linga ng kanya ulo, upang hanapin si francine.
Pagkatapos kasi ng mga ito ihanda ang kanilang kakainin ay umalis ang mga ito, gaya
ng utos ng kanya ama.
"May problema ba, randall?" mapanghinala sambit ng kanya ama. Tumingin sya rito at
umiling. "Good." sabi nito. Bago binalingan ng tingin ang kanilang bisita. "Nasaan
na nga pala ang iyong anak, mr. and mrs. oreca?"
Nagconcentrate si randall at pinagana nya ang kanya kapangyarihan sa isip. Gusto
nya makita kung nasaan si francine. Pumikit sya at pilit binabasa ang isip. Ngunit,
napadilat sya ng hindi gumana ang kanya kapangyarihan. Hindi nya madetect, kung
nasaan ang dalaga. May ibang kapangyarihan na gumagamit upang hindi nya magamit ang
kanya. At nakakasiguro sya, na isang malakas na bampira lamang ang naisip nya ang
may kaya gumawa no'n.
Tumingin sya sa ama na nakikipag-usap parin sa mga bisita. Napansin siguro nito ang
kanya titig, kaya tumingin ito sa gawi nya. Ngumiti ito at tumingin sa gawing
pinto.
"Sya ang aking anak, mahal na emprero. Si danika." sabi ng ginang na kanilang
bisita. Tumingin sya sa tinitignan ng mga ito. Isang dalaga na may aking ganda at
kaputian. Isang vampres. Nagtama ang kanilang mata ng babae, pagkaraan ay ngumiti
ito ng matamis sa kanya. Pero wala sya nararamdaman special dito. Walang
mahalamuyak na amoy na gaya ni francine. Walang papantay sa aking ganda ng dalaga
kanya kinababaliwan. Napapaisip sya kung para saan ang ginawang pagpupulong na ito?
Wala sya maisip na dahilan.
"Napakaganda nga pala ng inyong anak, mr. and mrs. oreca. Hindi ba't nababagay sila
ng aking anak na si randall. Ang susunod sa aking yapak." matalim ang binigay nya
tingin sa kanya ama, dahil sa sinabi nito. Sabi na nga ba. Hindi basta- basta nag-
iimbita ang kanya ama ng ibang kalahing bampira, kung walang dahilan. Napatayo sya
at ambang aaalis, nang hawakan sya ni rapha sa kamay upang pigilan. Ngunit hinawi
lamang nya iyon at itinuloy ang pag-alis.
"Maupo ka, randall. Igalang mo ang ating bisita. Hindi mo naman siguro gugustuhin
na gumalaw ako." makahulugang wika ng kanya ama na kinatigil nya. Kumuyom ang kamao
nya at nanggagaliiti sa galit na hinarap ang ama.
"Para saan ito? hindi naman siguro ako kailangan dito ngayon?" mariin nya sambit.
Humalakhak ito, habang inaalog-alog ang kopika na hawak.
"Anak! Anak! Mahalagang naririto ka. Dahil tungkol sayo talaga ang pagpupulong na
ito. Maupo ka at makinig." mapang-nukso nitong wika.
"Sabihin nyo na! dahil marami pa akong gagawin." nanlilisik na mata sabi nya.
"Oh, well. Dahil narito naman na ang lahat. Gusto ko lang sabihin ang napag-usapan
namin ni mr. oreca. Dahil nalalapit na ang pag-luklok sayo sa trono, anak.
Kailangan mo ng katuwang sa pamamalakad. Kaya, bilang iyong ama ay naisip ko na
ipakasal ka sa isang mataas na antas na bampira. Si danika. Sya ang mapapangasawa
mo."
Parang sasabog sya sa galit ngayon, dahil sa sinabi ng kanya ama.
"Hindi! hindi ako makakapayag sa gusto nyo, ama. Kung sa magiging katuwang ko ay
ako lamang ang makakapili no'n ama. Hindi ikaw o sino man. Ako lang! Kaya..."
bumaling sya sa mag-anak na oreca at maging kay danika. "Walang pagpupulong na
nangyari. Patawad, pero hindi ako sang-ayon." pagkasabi nya no'n ay agaran sya
lumabas.
Tumakbo sya at hinanap si francine. Kailangan nya isama ang dalaga sa kanya
pagtakas. Dahil nakakatiyak sya na ang dalaga ang pagbabalingan ng ama. Hindi sya
makakapayag na mailayo nila ang dalaga sa kanya. Hindi.
Sinuyod nya ang buong bahay, maging ang silid ng mga ito. Pero hindi nya makita.
Napahinto sya at nag-isip, kung saan maaari magtungo ang dalaga. Nang maisip nya na
may lugar itong tinutunguhan, ay agaran sya tinakbo ang lugar na iyon.
At tama nga sya, naroon ang dalaga. Nakahiga sa mahabang duyan na kawaya, habang
inuugoy. Agaran nya nilapitan ito, kahit na gusto sana nya titigan ito. Ngunit,
hindi iyon ang tamang oras.
Bakas sa maganda nitong mukha ang gulat ng humarap sya sa harap nito.
"Bakit po, seniorito?" may gulat na sabi nito. Hinawakan nya ang pulso nito at
hinatak patayo.
"Samahan mo ako." maikli nya sabi at kinaladkad na ito.
"P-po? teka lang po! Saan po ba tayo pupunta?" pigil nito sa kanya. Ngunit hindi
sya nagpapigil. Dere-deretso sya sa paghatak dito, palapit sa kotse nya. Mas madali
sana kung maglalaho sila. Pero ayaw nya matuklasan iyon ng dalaga.
"Get in!" utos nya rito ng pagbuksan nya ito ng pinto. Nag-alangan pa ito, pero
napangiti sya ng sumakay na ito. Dali-dali nya sinara ang pinto at umikot sa
kabila.
"Randall!!" rinig nya sigaw ni danika. Hindi na nya iyon pinansin pa at sumakay.
Inistart nya ang sasakyan at pagkaraan ay pinaharurot na iyon paalis sa lugar nila.
"Seniorito, saan po ba tayo pupunta? Hindi pa po kasi ako nagpapaalam kay nanay."
putol nito sa katahimikan. Napahinga sya ng malalim at nilingunan ito. Pagkatapos
ay nginitian.
"Wag kang mag-alala. Pinagpaalam na kita sa nanay mo. Pupunta tayo sa bakasyunan
ko. Tagal ko na kasi hindi napupuntahan iyon." pagsisinungaling nya. Pero yung
bakasyunan lang yung totoo. Dahil meron sya tagong bahay malapit sa dagat. Doon nya
balak na dalhin si francine. At ang hindi naman totoo ay yung pinagpaalam nya ito
sa nanay nito. Dahil wala na sya oras pa.
"Ganun po ba. Mabuti naman. Ayaw ko lang po mag-alala si nanay sa akin. Masyado na
sya maraming iniisip." nagui-guilty. Pero mabuti na iyong walang alam ang ina nito.
Baka mapahamak lamang.
"Wag mo na akong i-po. Hindi pa naman ako matanda. Randall na lang." nakangiti nya
sabi sa dalaga.
"Po--este. Amo ko kayo. Kaya po seniorito ang itatawag ko." nahihiya nitong sabi.
Tumawa sya at kinagat ang ibabang labi nya.
"Pagtayong dalawa lang ay ayos lang na randall ang itawag mo sa akin, okay? Gusto
ko na komportable ka sa harap ko." sabi nya. Tumango ito at tumingin na lamang sa
salamin ng kanya bintana. Kahit sa gilid ng mata nya lang nakikita ang dalaga, ay
napansin nya ang pag ngiti nito. Dahan-dahan ay pinagapang nya ang kamay palapit sa
mga kamay nito, na nakapatong sa kandungan nito.
"S-seniorito?" gulat na sabi ni francine. Nagulat sya ng pagsiklopin pa ni randall
ang mga daliri nila. Gulat sya nakatingi sa mukha nito, na nakatingin lang sa
dinaraanan nila habang nakangiti. Inaamin nya kinikilig sya bigla. Iyon ang kauna-
unahan na may lalaking nakipagholding hands sa kanya. Pinisil nito ang kamay nya.
"Sabi ko sayo randall na lang. Kulit mo pala." nakangiti nitong sabi. Umiwas sya ng
tingin at pinipigilan ngumiti. Pilit nya binibitawan ang paghahawak nila ng kamay,
dahil piling nya pawis ang kamay nya. Pero lalo lang nito hinawakan ang kamay nya.
Wala na sya nagawa kundi hayaan, kahit na medyo naiilang pa sya.
Sa buong byahe ay napapanatag na ang loob nya sa binata. Masarap pala itong kausap,
habang nasa byahe sila. Marami itong kwento na kinatutuwa nya pakinggan. Huminhinto
sila minsan sa isang convenient store, upang bumili man lang ng tubig at pagkain
nila. Pero tumanggi sa kanya ang binata at sinabi na sya na lamang ang bumili ng
kakainin nya. Nagtataka man sya ay hinayaan nalang nya. Siguro ay hindi pa talaga
ito nagugutom at nauuhaw.
Nakatulog sya, habang nasa byahe sila. Ginising lamang sya nito at sinabi na naroon
na daw sila. Nagkukusot pa sya ng mata at tumingin sa paligid.
"Nasaan tayo?" nagtataka nya sabi. Malakas ang hangin at malamig. May dagat sya
nakikita sa gilid nya. Sa unahan naman ay may isang kalakihang bahay. Asul ang
kulay no'n, na may veranda sa taas. May nakapaligid din doong halamanan. Kaya naman
agad sya bumaba at nilanghap ang hangin na tumama sa kanya.
"Nagustuhan mo ba dito?" pukaw sa kanya ni randall na matamang nakatitig pala sa
kanya. Ngumiti sya at tumango sa binata. "Kung gano'n ay halika muna sa loob.
Masyadong malamig dito. " aya nito. Habang nakalahad ang kamay sa kanya. Nahihiya
na inabot nya iyon. Hindi nya mawari bakit sa tuwing maglalapat ang kanilang kamay
ay para bang sukat na sukat iyon sa isa't-isa. Ayaw nya mag-assume sa kinikilos ng
binata, dahil baka sya lang ang masaktan. Pero kasi hindi rin nya mapigilan na
makaramdam ng kilig at kasiyahan sa puso, tuwing ngingitian sya nito at hinahawakan
sya sa kanya kamay. Sa tuwing tumititig ito ay para bang matutunaw sya sa malagkit
nitong tingin. Kung wala lang ang lahat ng ito ay para bang may kirot sya
nararamdaman. Masakit at nakakaiyak.
"Hey, what's wrong?" pukaw nito sa malalim nya pag-iisip. Tumingin sya rito na
nakahinto na. Hindi nya napansin na naroon na pala sila sa loob. Hmiling sya at
ngumiti dito, upang hindi na sya nito tanungin pa.
"Wala. May iniisip lang ako." sabi din nya. Tumango ito at humawak sa baba nito.
"Let me guess. Siguro ako ang iniisip mo, ano? Narito na nga ako sa harap mo, pero
iniisip mo parin ako." pinalo nya ito. Dahil sa kalokohan nito. Ngumiti sya at
umiling.
"Hindi ikaw, sira. Iniisip ko lang si nanay. Gusto nya rin kasi sa ganitong lugar,
ayapa at tahimik." pag-iiba nya. Sabagay, tama naman ito na sya ang iniisip nya.
Hindi sya tanga para sabihin iyon. Pero may katotohanan iyong sinabi nya na guto ng
nanay nya ang dagat. Nakwento kasi ang nanay nya na lagi daw ito dinadala ng tatay
nya sa dagat, pag may date ang mga ito. Habang kinekwento nga iyon ay talagang
kinilig sya. Ang sweet pala ng tatay nya, nung nililigawan nito ang nanay nya.
Gusto nya rin ng ganun. Pero mukhang malabo. Dahil wala naman nanliligaw.
"Ganun ba. Hayaan mo minsan ayain natin dito ang nanay mo."
"Talaga? " natutuwang nya sambit. Tumango ito at ngumiti, na kinalundag nya sa
tuwa. Hindi nya alam na may jolens sa sahig na kanya naapakan. Napatili sya at
napapikit, dahil sa inaasahang pagbagsak. May naramdaman sya na matigas na braso at
pumulupot iyon sa bewang nya, habang nakaalay ang kamay nito sa likod nya. Dahan-
dahan sya dumilat at sumalubong ang maitim, ngunit may halong abong mata ni randall
sa kanya. May nakita sya pag-aalala sa mata nito.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalala nitong tanong. Tumango sya at hindi makapagsalita.
Nabigla sya sa pangyayari. Nagkatingian pa sila, bago ito magbaba ng tingin sa labi
nya. Napalunok sya ng makitang dinilaan nito ang labi, habang titig na titig sa
labi nya. Umuwang ang bibig nya, nang dahan-dahan nitong binaba ang mukha.
Napapikit sya at hinintay ang halik nito. Naramdaman na nya ang pagtama ng ilong
nila, nang maatching sya. Para sya nagising sa pananginip at napaayos ng tayo.
Nahihiya sya at hindi makatingin dito. Gosh, malapit na iyon at kung nagkataon,
nakakahiya iyon.
"Maupo ka muna dyan. Titignan ko lang ang room na maaari mong pagpahingahan." sabi
nito.
"Ha? e, wag na. Aalis na din naman tayo dito agad, di ba?" ani nya. kinabahan sya
ng umiling ito.
"Mananatili muna tayo dito ngayong gabi. Malayo ang byahe, kung babalik pa tayo."
agaran sya napailing at nabahala. Dahil hindi iyon alam ng nanay nya.
"Hindi ako pwedeng magtagal. Mag-aalala si nanay. Hindi pa naman ako maayos na
nakakapagpaalam." hindi nya mapakali sa sinabi ng binata.
"Relax. Di ba, sinabi ko na pinagpaalam na kita. Siguro ay maiintintindihan ng
nanay mo iyon, kung hindi ka makakauwi. Tsaka, alam no'n na assistant kita. Kaya
hindi mag-aalala iyon, dahil kasama mo naman ako. Sige, maupo ka muna dyan at
titignan ko lang ang tutulugan mo." sabi nito. Wala sya nagawa kundi tumango at
maupo na lamang. Sinundan nya ito ng tingin ng umakyat ito sa taas. Napabuga sya ng
hangin, dahil kinakabahan sya. Ibig sabihin, sila lamang dalawa ni randall sa bahay
na ito. Napalunok sya at napasapo ng mukha. Bigla ay kumabog ang puso nya sa kaba.
Umiling sya at inalis sa isipan iyon. Bakit ba nag-iisip sya ng iba? wala lang
iyon. wala.
"Handa na ang higaan mo. Magpahinga ka muna doon at ihahanda ko ang makakain mo."
napaangat sya ng tingin at agad na tumayo.
"Naku! Ako na lang. Ikaw ang dapat magpahinga muna, dahil ikaw ang nagmaneho ng
matagal. Nakatulog din naman ako sa byahe." ani nya at inunahan na ito sa kusina.
Tinignan nya ang laman ng ref at napansin na napakaraming stock. Parang
pinaghandaan. Kumuha sya ng baboy at binabaran muna nya iyon sa tubig, upang maalis
ang lamig at pagyeyelo nito. Habang hinihintay na mawala ang lamig sa baboy ay
inihanda muna nya ang rekadong gagamitin. Habang hinihiwa nya ang bawang at sibuyas
ay nabigla sya ng maramdaman nya si randall sa likod nya.
"Anong lulutuin mo?" malambing nitong bulong sa tenga nya. Napaidtad sya at
tinangka lumayo, nang hawakan sya nito sa bewang. "Wag kang malikot. Ipagpatuloy mo
lang." mapang-akit nitong bulong. Napalunok sya at biglang nailang.
"A-ah, seniorito. Hindi po ako makakapagluto ng maayos." naiilang nya sabi at
napakagat ng labi ng manginig ang boses nya.
"Randall lang. Lalo pag tayong dalawa lang." sabi nito at napaatras sya ng amuyin
nito ang leeg nya. Umalis sya at lumayo dito. Humalakhak ito at napailing, bago
naupo sa isang high chair. "Okay. hindi na kita guguluhin. Gusto lang naman kitang
panooring magluto." nakangiti nitong sabi. Nakahinga naman sya ng maluwag at
tahimik na bumalik sa hinihiwa.
"Francine, naniniwala ka ba sa bampira?" napaigik sya ng mahiwa nya ang daliri,
dahil sa biglang tanong ni randall. "Hey, what happen?" nag-aalalang tanong ni
randall. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanya kamay.
"Wala. Konting hiwa lang yan. Lalagyan ko nalang ng bandage" sagot nya at aalisin
na sana ang kamay nya, nang biglang hatakin iyon ni randall at isubo. "Ay, wag!"
pigil nya. Pero naisubo na nito. Hindi nya alam, pero parang feeling nya sinisipsip
nito ang dugo nya. Pinigil nya si randall, dahil parang sagad sa buto ng daliri ang
nahihigop nito. "Ah, tama na. baka maubos mo ang dugo ko." natatawa sya sabi.
Natawa pa sya ng makita ang dugo sa gilid ng labi nito.
"May dugo ka pa sa labi." turo nya sa labi nito. nagulat sya ng ilapit nito ang
nguso habang may sinesenyas. "ha?"
"Punasan mo." sabi nito. Napahinga sya ng malalim at dahan dahan na pinahid iyon
gamit ang kanya kamay. Nabigla sya ng pigilin nito ang kamay nya, kaya napatigil
sya. Tumingin sya rito at napansin ang kakaiba nitong tingin. Hindi nya alam kung
ilang segundo na ba silang nagkatinginan, hanggang sa ibaba nito ang mukha. Halos
one inch nalang ang pagitan ng kanilang labi.
"I want to taste your lips." bulong nito at pinaglapat ang labi nila. Napapikit sya
at dinama ang labi nito. Feeling nya, para sya nakalutang sa ere. Humawak sya sa
dibdib nito, dahil sa binibigay nitong malalim na halik. Hindi sya makatugon, dahil
hindi sya marunong. "Answer my kiss." bulong nito sa kanya sa pagitan ng halikan
nila. At ngayon ay nakahawak pa ito sa bewang nya at hinapit sya palapit sa katawan
nito. Humalik muli ito at sa pagkakaton na iyon ay sumunod sya sa paggalaw ng labi
nito. Mabilis at tila uhaw na uhaw ang binata, habang hinahalikan sya. Isinabit nya
ang braso leeg nito ng buhatin sya nito at iupo sa lababo. Hindi nya alam kung ano
bang itsura niya. Pero hindi nya maisip iyon, dahil lunod na lunod sya sa binibigay
na halik ni randall. Umungol sya ng pumasok ang dila nito sa bibig nya.
Napatigil sila ng makarinig ng kaluskos si randall. Bumitaw sya sa pagkakahalik kay
francine ng maramdaman ang panganib sa paligid. Binaba nya ang dalaga at tumingin
sya sa mukha nito.
"Stay here! Wag kang lalabas hanggang hindi ako bumabalik." bilin nya sa dalaga.
Bakas sa labi nito ang kanya halik. Gusto man nya ituloy, pero nasira iyon dahil sa
mga peste sa paligid. Nagtatagis ang ngipin nya at mabilis na tinungo ang lahat ng
bintana, upang isara. Hindi nya hahayaan may mangyari kay francine.
"Bakit? ano bang meron?" naguguluhan nitong tanong. Nilingon nya ito, habang sya ay
nasa pinto na.
"Basta. Wag mong bubuksan ang pinto, kahit anong mangyari. Pag narinig mo lang
akong nagsalita, doon mo lang buksan." yun lang ang sinabi nya at lumabas.
Sinigurado nya muna na sarado ang pinto, bago nilibot ang tingin sa paligid.
Madilim na ang buong paligid at mabilis na tinakbo nya ang kagubatan, na malapit sa
rest house nya. Doon ay nakita nya ang mga inutusan ang kanya ama. Si zenard at
ibang mga kasamahan nito.
"Anong ginagawa nyo rito?" lumabas ang pangil nya sa galit. Hindi nya alam ang
gagawin, oras na matuklasan ni francine ang pagkatao nya. Kaya habang narito sya ay
uumpisahan nya mapaibig ang dalaga.
"Paumanhin, mahal na empre. Napag-utusan lamang kami ng iyong ama na batayan ka."
kumuyom ang kamao nya sa sinabi nito.
"Hindi nyo na ako kailangan na bantayan. Kaya ko ang sarili ko, kaya makakaalis na
kayo." mariin nya utos at tinalikuran ang mga ito.
"Pero, mahal na empre. Hindi lamang kami ang narito. Maging ang ating kalaban ay
nagmamatyag na sa inyo."
"AHHHHHHHHHH.. RANDALL!!"
May sasabihin sana sya ng marinig ang sigaw ni francine. Dahil sa pag-alala ay
mabilis nya tinakbo ang bahay. Dali-dali sya pumasok sa bahay, para malaman lang na
may nakapasok na mga polario. Mga taga hilaga. Pumula ang mata at lumabas ang
pangil nya. Maging ang kuko sa paa at kamay ay tumulis at humaba.
Sinugod nya ang isang lalaking polario at hinagis sa pader. Hindi pa ito nakakabawi
ng dukutin nya ang puso nito, na kinasawi nito. Nilibot pa nya tingin sa paligid at
pinakiramdaman. Nang wala na sya maramdaman na kalaban ay bumaling sya kay francine
na takot na takot na nakatingin sa kanya. Doon ay natauhan sya at tila natuod sa
sitwasyon.
Shit. Nalaman na nito. Nalaman na nito ang katauhan nya.

Kabanata 7 - Mine
Takot na takot si francine habang hindi makapaniwala na nakatingin kay randall na
bigla na lamang itong nag-ibang anyo. Hindi nya alam kung naduduling lang sya? Pero
hindi maaari na magkamali sya. Kitang kita nya kung paano nito pinatay ang isang
kakaibang nilalang na nakapasok sa bahay. Akala nya kasi si randall iyon, dahil
nagsalita ito at kahawig ng boses ni randall. Kaso, hindi nya inaasahan na sa kanya
pagbukas ay hindi ang seniorito nya ang bumungad. Parang isang halimaw na may
pakpak at may pangil. Pula ang buong katawan habang may nanlilisik na mga mata.
Kaya nang sugurin sya nito ay napasigaw sya sa pangalan ng binata.
Napaatras sya ng mahulaan ang paglapit sana ng binata sa kanya. Nanginginig sya
umaatras habang hindi pa 'rin maproseso sa utak nya ang lahat-lahat.
"W-wag kang lalapit.. "Nauutal nya pigil kay randall na bumalik na sa dating anyo
tao na walang mababakasan ng isang nilalang na bampira.
"Francine, let me explain. I'm not a monster what you--" hindi pa tapos magexplain
si randall ng biglang tumakbo ang dalaga sa pintuan. Sumeryoso sya habang
tinitignan ito na pilit binubuksan ang pinto. Ginamit nya ang kapangyarihan nya
upang isarado ang pintuan kaya hindi nito iyon mabuksan. Lumapit sya rito, pero
agaran itong tumakbo palayo sa kanya. Nagtiim-bagang sya dahil sa pag-iwas nito.
Ngayon na nalaman na nito ang totoo nya pagkatao. Mas lalong hindi nya hahayaan na
lumayo nalang ito bigla sa kanya. Kailanman, hindi sya ganoong kainteresado sa
isang babae. Ngunit.. iba si francine. Nagawa nitong pukawin ang damdamin nya...
Kaya hindi nya hahayaan na hindi nito matanggap kung ano sya. Whether she like it
or not.. kailangan nitong tanggapin kung ano sya.
Sinundan nya ito ng tingin ng magmadali itong umakyat sa taas. Napagtanto siguro ng
dalaga na hindi sya makakalabas sa pintuang iyon. Sinundan nya ito sa itaas. Kahit
ano mang iwas nito sa kanya. hindi nito maitatanggi.. na sila lamang dalawa sa
buong kabahayaan. Napangiti sya sa naisip.
Pag-akyat nya ay napatingin sya sa isang kwarto. Kung saan pumasok si francine
upang magtago. Napailing sya at ngumisi.
Tumapat sya sa pinto upang pihitin ngunit nakalock na ito. Alam na nya gagawin iyon
ng dalaga. Naglaho sya at paglitaw nya ay nasa loob na sya ng kwarto na ginagamit
nya pag narito sya sa bakasyunan. Nakatalikod ang dalaga sa kanya na nakahawak sa
pinto. Siguro, upang tiyakin na hindi sya makakapasok.
Naupo si randall sa kama at pinagmasdan ang dalaga.
"I'm here, Francine." tawag pansin nya rito. Agaran itong tumalikod upang harapin
sya. Takot na humarap ito sa kanya habang pinagsisiksikan ang sarili sa pinto.
"P-paano ka napunta d'yan?" hindi makapaniwala nitong tanong. Pagkaraan ay tumawa
ito ng peke. "Oo nga pala.. Hindi ka tao.. " Nagdilim ang mukha nya na naramdaman
ng dalaga. Ambang tatayo sya ng pigilan sya nito.
"Wag! W-wag kang lalapit.. " nauutal na sabi ni francine. "L-lumayo kaa... hindi ka
t-tao!" pagpapatuloy na bigkas ni francine at pilit na umuusog sa gilid ng pinto.
Malalim ang tingin habang nakangisi na kinumpay ni randall ang kamay habang naupo
sa kama. Tila naman na may pwersa na humahatak kay francine na sya kinatakot nya.
Pilit sya humahawak sa pintuan, upang hindi matanggay. Ngunit, malakas ang pwersang
humahatak sa kanya, kaya napabitaw sya ng kapit sa pinto. At hindi nya namalayan na
nasa tabi na sya ni randall habang nakakandong sya rito. Nang matauhan ay agaran
sana sya tatayo ngunit mahigpit na pinulupot ni randall ang isang braso sa bewang
nya habang mariin itong nakahawak sa panga nya.
"Ngayon na nalaman mo na kung ano ako. Hindi ka 'na maaaring umiwas muli sa akin."
nakakatakot na awra wika ni randall. Nagpupumiglas si francine sa pagkakahawak ng
binata. Ngunit napasinghap sya na may kakaiba sya nararamdaman sa kanya leeg. Unti-
unti sya nanghina hanggang mawalan sya ng malay. Napadila sa labi at masuyong
hinaplos ni randall ang pisngi ng dalaga.
"Mine.. Only mine." ani ni randall. Maingat nya inihiga ang dalaga habang malalim
na tumitig sa mukha nito. "Hindi maaari na iwasan mo ako. Dahil masakit sa akin.
Pasensya na, ngunit kailangan kong gamitan ka ng kapangyarihan. Buburahin ko ang
lahat ng ala-ala mo. Mamumuhay tayo na tayo lamang. Patawad sa iyong ina. Pero
hindi na kita maibabalik sa kanya." sabi nya sa dalaga na walang malay.
Napatingin sya sa labi ng dalaga at hinaplos nya iyon. Pagkaraan ay binaba nya ang
mukha at pinatakan itong hinalikan.
"I'm sorry.." sabi nya iyon sa pagitan ng halik. Bumaba ang labi nya sa leeg nito.
Inilabas nya ang pangil at inilapat ito sa leeg ng dalaga. Sa pamamagitan ng
pagkagat nya rito ay makakalimot ang dalaga. Hindi man nya nais na gawin ito pero
iyon lamang ang tanging naisip nya paraan.
Kinagat nya ito at sinipsip ng pangil nya ang dugo nito. Pagkaraan ay dinilaan nya
ito upang maalis ang bakas ng kagat nya. Napadila sya sa labi habang napangiti ng
maluwag. Tumayo sya at kinumutan ang dalaga.
Kailangan nya maghanda dahil kailangan nila umalis. Hindi ligtas si francine sa
bakasyunan nya. Ngayon palang ay natunton na sila, tiyak na hindi na sila
tatantanan ng kalaban at maging ng kanya ama.
Kumuha sya ng damit para kay francine at para sa kanya. Damit ni Rapha ang
ipapasuot nya sa dalaga. Iyon lamang ang nakita nya sa loob ng closet nya.
Inilagay nya lahat sa isang bag at nang maayos na ay binalingan nya si francine na
nakahiga sa kanya kama. Lumapit sya rito at pagkaraan ay binuhat ang dalaga.
Naglaho sila at ng lumitaw sa harap ng kanya sasakyan. Iniupo nya ang dalaga sa
front seat. Pagkaraan ay binaba nya ang inupuan nito para makahiga ng maayos..
Madali nya isinara ang pinto at bumalik sa loob ng bahay upang kunin ang bag at
isarado ang bahay. Nang ayos na ang lahat ay lumapit na sya muli sa sasakyan.
Pumasok sya at nilagay sa likod ang bag na dadalhin nila.
Hinaplos muna nya ang mukha ang dalaga, bago pinaandar ang sasakyan. Hindi nya alam
kung saan sila pupunta, pero bahala na. Kahit saan basta kasama nya ang dalaga.
-
Inabot na sila ng hapon, siguro ay halos apat na oras silang nagbyahe bago sila
napadpad sa isang liblib na probinsya. Napapatingin pa ang mga tao pag dumadaan ang
kanya sasakyan. Huminto sya sa isang tindahan. Kung saan may kumpulan ng mga tao.
Bumaba sya at nilibot ang paligid. Bago tinungo ang tindahan. Pansin nya ang
tinginan ng mga tao tila kinikilala sya.
"Maaari ba akong magtanong?" sabi nya sa ale na nagtitinda. Tinignan sya nito at
ngumiti.
"Ano ang iyong itatanong, iho?" tugon nito.
"Saan ba maaari na makakuha ng bahay dito?" tanong nya at nilibot ang paningin.
"Naku. Hulog ka ng langit, iho. Tamang-tama.. may bakante akong isang apartment.
Kakaalis lang ng dating umupa. Ikaw lang ba ang titira, iho?"
Napatingin sya sa sasakyan at muling nilingunan ang ale.
"May kasama ako... Asawa ko." sabi nya. Parang may humaplos sa kanya puso ng
banggitin ang salitang asawa. Ang sarap sa pakiramdam.. Lalo sana kung totoo.
"Hay, best. May wifey na pala si papa. Waley na tayo chance." dinig nya sabi ng
bakla sa isang babae. Hindi nalang nya pinansin iyon.
"May asawa ka 'na pala, iho. Kung ganun ay kukunin nyo ba?"
"Oo, kukunin ko." sabi nya.
"Kung ganun ay halika.. Ipasok mo rito ang sasakyan mo, para madali mo mabuhat ang
inyong dala. " Suhesyon nito at binuksan ang katapat na gate.
Pumasok sya muli sa sasakyan at pinaandar para ipasok sa loob. Pagkaraan ay bumaba
sya at lumapit muli sa ale.
"Nasa likod ang magiging bahay nyo. Heto ang susi ng bahay." abot nito sa susi.
Kinuha nya iyon at inabot ang bayad. "Ay, iho. Sobra ang iyong binigay." umiling
sya rito.
"Inyo na yan. Kailangan ko lamang ng isang bahay." sagot nya. Tumango ito at
malapad na ngumiti sa kanya.
"Bueno, maiwan na kita. Wala kasi magbabantay ng tindahan ko." tumango sya at
nilibot ang tingin. Medyo naninibago sya sa uri ng bahay. Para itong pa kubo pero
may kaunti din na dingding na bato.
Binuksan nya ang pinto at pumasok. Malinis at ayos naman ang loob. Kaya lumabas sya
muli upang kunin si francine na tulog pa 'rin.
Binuksan nya ang pinto at yumuko upang buhatin ang dalaga. Sinara nya ang pinto
gamit ang paa, bago humakbang papasok.
Tinungo nya ang nag-iisang kwarto at nilapag ang dalaga sa isang higaan na gawa sa
kahoy. Inayos nya ang higa nito at inalis ang nahulog nitong buhok na tumatakip sa
mukha nito.
"Patawad.. Kung inilayo kita at nawala ang iyong ala-ala. Pero hindi ko
pinagsisihan iyon.. Hinding-hindi." sabi nya sa dalaga. Tumayo sya muli, upang
kunin pa ang gamit nila. Pagpasok nya ay nilock nya ang pinto at dumeretso muli sa
kwarto. Nilapag nalang nya sa gilid ang bag at naupo muli sa higaan. Tinanggal nya
ang sapatos, medyas, maging ang damit. Nilapag lang nya ang damit nya sa upuan na
malapit sa higaan. Pagkaraan ay bumaling sya sa dalaga at napangiti na tumabi sya
ng higa dito. Napagod sya sa byahe kaya iidlip muna sya. Tiyak na masarap ang
magiging tulog nya araw-araw, dahil katabi na nya parati ang dalaga. Yumakap sya
bewang nito at hinapit ito palapit sa kanya. Siniksik nya ang mukha sa leeg nito at
inamoy-amoy.
Ilang saglit lang din ay nakatulog na sya.
-
"Mga walang silbi! Paslangin lang ang mortal na iyon, hindi nyo pa nagawa!" sigaw
ni mori habang nakasakal sa leeg ng isang polario. Habang ang iba nito kasama ay
mga nakaluhod.
"Paumanhin, mori. Pero biglang dumating ang empre, kaya napaslang si koy bago namin
masugod ang mortal. " sabi ni oris na isang polario na nahingkayat ni mori na
maging tauhan nito. Umaasa sila sa sinabi ni mori na magiging empress ito.
"Peste! Ano bang meron sa mortal na yan at masyadong pinoprotektahan ni
randall?! .. " sabi nya at binitawan ang leeg ng isang polario. "Umalis kayo, at
hanapin muli si randall at ang mortal na yun! Wag kayo babalik na walang balitang
napaslang nyo ang mortal!" utos nya sa mga ito. Agaran naman nagsitayo ang mga ito
na sinunod ang utos ni mori.
Hinihimas ni mori ang isang mabalahibong itim na pusa, habang iniisip kung paano
nya makukuha si randall.
"Rika.. Gusto ko hanapin mo 'rin ang empre at ang mortal. Wala akong tiwala sa mga
mahihinang polario." mariin nya utos sa itim na pusa. Bumaba ang pusa at nag-ibang
anyo. Naging itim na uwak ito at pagkaraan ay lumipad na.
'Hindi ako makakapayag na makuha mo sa akin si randall, mortal. Ako ang nararapat
sa kanya, Hindi ikaw! Bata palang, alam ko na may pagtingin na si randall sa akin..
' sabi nya habang inaalala ang pangyayari..
May isang batang babae na may katabaan at kapangitang taglay. Mula sa malayo ay
nakatanaw sya ng tingin sa batang lalaki na seryosong nakikipagtagisan ng lakas sa
kanilang guro. Napakisig at napakalakas ng batang lalaki para sa kanya. Ito lamang
ang dahilan kung bakit sya patuloy na pumapasok ng silid aralan.
Natapos ang pakikipagtagisan ng matulo ang bata. Nakita nya ang pag-iling at
pagtatawan ng kanya mga kamag-aral.
"Wag nyo nga pagtawanan ang empre! Kung ayaw nyo parusahan kayo ng mahal na
emprero!" galit nya sabi sa mga ito.
"Wag mo kami bantaan, Mori. Dapat nga ikaw ang parusahan sa kapangitan mo! Hindi ka
nababagay rito sa Siti." mapanglait na sabi ng isa nya kamag-aral na si heina.
Dahil sa sinabi nito ay nagtawanan ang kanya mga kamag-aral.
"Magsitigil kayo, mga mababang uri!" sigaw ng batang lalaki. Napaharap sya sa
batang lalaki na malamig na nakatingin sa kanila. "Mga walang modo! Hindi nyo alam
na naiistorbo nyo ang aking pagsusulit!" sigaw muli ng batang lalaki sa kanya
kamag-aral. Nagsiyukuan ang lahat kaya tumalikod na ito sa kanila.
Napangiti sya ng maalala ang pangyayaring iyon. Iyon ang unang beses na ipagtanggol
sya ni randall. At alam nya may pakialam ito sa kanya. Kaya naman lalong nahulog
ang loob nya rito.
Kaya hindi sya papayag na sa mortal na iyon lamang ito mapunta. Gagawin nya ang
lahat...
Lahat-lahat... makuha lang si randall.

Kabanata 8 - Pasimple
Napabaling-baling ang ulo ni francine dahil sa malabong senaryo ang nagpaikot-ikot
sa kanya isip. Para sya nasa isang madilim at pulang lugar na wala sya makita na
kahit ano. Nanginginig ang katawan nya, habang pinagpapawisan sya. Dahil hinahabol
sya ng isang nilalang na walang mukha; Puno ng dugo; nakakatakot; at isang
kakaibang uri ng nilalang na humahabol sa kanya.
Naramdaman nya ang isang mainit na kamay na humahawak sa kanya. Hanggang sa mapaupo
sya dahil sa pagyugyog nito sa kanya.
"Ayos ka lang? Nanananiginip ka?"
Napahawak sya sa ulo ng makaramdam ng sakit. Paligi ganun ang nararamdaman nya pag
may biglang sumasagi sa isip nya. Napatingin sya kay randall na ang sabi nito isang
araw ng magising sya ay asawa daw nya ito. Hindi nya nga alam kung nagsasabi ito ng
totoo? Kada magtatanong sya tungkol sa pamilya nya ay umiiwas ito.
"Gusto mo ba dalhin kita sa bayan?" nag-aalala nitong tanong. Umiling sya at
seryoso itong tinignan.
"Randall, Dito ba talaga tayo nakatira?" tanong nya.
Napansin nya ang pagkaintense ng katawan nito at paggalaw ng panga nito. Pero
kalaunan ay sumeryoso ito.
"Hindi. Pero nagdesisyon tayo na dito sa probinsya manirahan pagkatapos ng kasal."
seryoso nitong sabi. Pagkaraan ay tumayo na ito. "Ihahanda ko ang kakainin mo bago
ako umalis. At sana wag mo pilitin ang sarili mo, para lang maka-alala.." pagkasabi
nya no'n ay tumalikod na ito at lumabas.
Napahinga sya ng malalim dahil wala pa 'rin sya makuha na sagot dito. Napagpasyahan
nya na lumabas na 'rin.
Paglabas nya ay nagtungo sya ng kusina at nakita nya si randall na hinahanda ang
kakainin nya. Lagi gano'n ang sitwasyon. Lagi itong naghahanda ng kakainin nya bago
ito umalis, upang pumasok daw sa trabaho. Hindi naman nya alam kung saan ba ang
sinasabi nito trabaho? Naupo sya sa harap ng lamesa at pinanood itong magluto.
Naramdaman siguro nito ang presensya nya kaya lumingon ito at ngumiti.
"Sandali lang, matatapos na ito." ani nito. Napalunok sya habang pinagsiklop ang
mga kamay sa ibabaw ng lamesa.
"Sorry." mahina nya sabi. Hindi ito umimik. Pinatay lang nito ang gasul bago nito
bitbitin ang ulam na niluto. Nilapag nito iyon sa harap nya.
"Sorry saan?" tanong nito. Pagkaraan ay tumalikod ulit ito at kinuha sya ng kanin.
"Dahil parang pabigat lang ako."
Lumakad itong muli at nilapag ang kanin sa harap nya. Pagkaraan naglean ito sa
kanya kaya napaatras sya. Pero hinawakan sya nito sa baba at pinatingin sa mga mata
nito na seryoso nakatitig sa mata nya.
"Hindi ka pabigat.. Dapat nga ako ang humingi sayo ng tawad." naguluhan naman sya
sa sinabi nito.
"Huh? Bakit ikaw ang dapat humingin ng tawad?" ngumiti lang ito.
"Wala. Basta." sabi nito at hinalikan sya sa labi na kinabigla nya. Smack lang iyon
pagkaraan ay binitawan na nito ang labi nya. "Sige, aalis na ako. Ibibilin kita kay
aling josie." sabi nito.
Umalis na ito pero sya natulala habang nakahawak sa labi. Ang bilis ng tibok ng
puso nya habang ramdam parin nya ang labi nito. May nararamdaman nga kaya sya rito?
Pero asawa nya ito.
"Arghh!!" ginulo nya ang buhok at huminga ng malalim. Napatingin sya sa pagkain na
nasa harap nya. Napagdesisyunan na lang na umpisahan ang pagkain kahit na wala sya
gana. Sayang naman iyon kung hindi nya kakainin.
Siguro mga katanghalian na nang maisipan nya lumabas, pagkatapos nya maglinis ng
bahay. Actually, malinis na nga iyon. Pero nilinis na lang nya ulit dahil wala
naman sya magawa.
Nakita nya sa isang bahay ang ilang kababaihan na tingin nya ay mga kaage at medyo
matanda lang sa kanya ng konti. Tila may pinagkaka-abalahan ang mga ito habang
nakaharap sa isang makina na tahian ng damit. Nilalamon man ng kuryosidad pero
hindi naman sya makalapit. Hindi nya kilala ang mga ito.
"Iha, Gusto mo 'rin bang makisali sa kanila?" pukaw ng isang matanda na nasa likod
nya. Napaharap sya rito na may gulat sa mukha. Hindi nya namalayan na matagal pala
sya nakatingin doon. Kaya hindi nya napansin ang matanda.
"P-po? Pwede po ba?" nahihiya nya tanong. Ngumiti ito at tumango.
"Oo naman. Welcome naman kahit sinong gustong matuto. Tsaka, may kikitain ka pa pag
marami kang nagawa." sabi nito na kinatuwa nya. "O, Ano? Tara? Para marami kang
magawa." tumango sya sa sinabi nito. Pinauna nya ito dahil nakakahiya naman kung
sya pa ang mauuna.
Nag-angat ng tingin ang mga kababaihan. Bakas sa mga mukha nito na kinikilala sya.
Nahiya sya nagbaba ng tingin, habang nasa likod ang kamay nya. Para madali nya
napipisil ang mga daliri nya.
"Gusto nya makisali sa inyo. Ibig din nya magtahi." sabi ng ale. Nagtanguan ang mga
ito at nginitian sya.
"Ayos! Magdagdagan na tayo. Marami tiyak tayong magagawa." nakangiti sabi ng
babaeng medyo morena. May katabaan ito na medyo maliit ang height.
"Oo nga pala. Anong pangalan mo iha?" tanong nung ale.
"Francine po." nakangiti nya sabi. Tumango ang mga ito.
"Kung gano'n... kayo yung bagong salta na kapitbahay ni josie? Yung may kagwapo-
gwapong lalaki. Kaano-ano mo yun?" pag-uusisa ulit nito.
"Opo. Kami nga po. Tsaka... Ano.. Asawa ko po ung lalaki sinasabi nyo." nag-alangan
pa sya sabihin ung asawa. Dahil parang hindi sya sanay.
"Talaga? Asawa mo yun? waaahh ang swerte mo naman. Yummy no'n. Lalo na nung lumabas
iyon ng nakahubad para mag-igib." kinikilig na sabi nung katabi ng mataba.
Napakunot-noo naman sya.
"Talaga? Lumabas iyon ng nakahubad?" halos pabulong na lang ang huli nya sinabi.
Para kasi naiinis sya bigla.
"Oo. Grabe, napadaan lang talaga kami. Kaso nagtataka kami, bakit ang daming girls
sa bakod ni aleng josie. Ayun pala. Ung asawa mo, nagpapatakam ng abs. hihihi."
kinikilig nitong sabi. Bigla ay parang nawalan sya gana na tila napansin naman nito
iyon. "Ano.. wag kang magalit sa akin. Hindi ko aagawin sayo iyon. Ganun lang
talaga rito. Ngayon lang kasi nakakita ng gwapo na at may abs pa. Tsaka ilan dito
sa atin ay may mga asawa at boyfriend na. Kaya wag kang mag-alala.." tumango naman
sya at alanganin na ngumiti. Ibig nya sabunutan ang sarili dahil halata ang
pagkaselosa nya.
"Wala yun. Hindi naman ako galit." sabi nya rito.
"Buti naman. Kinabahan ako do'n... Oo nga pala! Ako si ditas, sya si yeyeng, at ito
naman si pilar ung katabi nya si rose. Tapos ang mabait na may ari nito ay aling
chonchin." Kinabisado naman nya ang mga pangalan nito at nginitian isa-isa.
"Oh Sya, Sya. Ituro nyo sa kanya paano manahi. Para marami tayo magawa." sabi ni
aling chonchin na sabi ni ditas sa pangalan nito.
"Halika, francine. Dito ka! Para madali kong maituro sayo." turo ni ditas sa tabi
nito. Ngumiti sya at lumapit dito. Mabubuti at masayahin pala ang mga ito na
kasama. Kaya madali sya natuto.
"Magandang hapon, aling chonchin. Nariyan ba si francine?" napaangat sya ng tingin
ng marinig nya ang boses ni randall. Hindi nya namalayan na inabot na pala sya ng
hapon. .
"Uy, sinusundo ka 'na ng asawa mo. Nakakakilig naman kayo." tukso ni ditas. Hindi
nya alam kung namumula ang pisngi nya. Pero ramdam nya nag-init iyon.
"Hindi naman." seryoso nya sabi para pagtakpan ang pamumula nya.
"Uy, Pakipot ka pa." tukso nito muli. Umiling na lang sya at tumayo. Napatingin sya
sa pinto ng makita na naroon na pala si randall na seryoso nakatingin sa kanya.
Bumaling sya kela ditas na nakangiti sa kanya.
"Sige, mauna na ako." paalam nya. Tumango ang mga ito kaya lumakad na sya palapit
kay randall. Naguluhan sya ng talikuran sya nito at naunang maglakad. Naguguluhan
man ay sumunod sya rito palabas. Nakita nya si aling cochin na may kausap.
"Aling Conchin, mauna na po ako." paalam nya rito. Bumaling ito sa kanya at
lumapit.
"Sige. Heto nga pala ang parte mo. Mababa lang ito dahil hindi mo natapos.."
tumango sya rito at tinanggap ang perang inabot nito.
"Ayos lang po. Babalik na lang po ako... Sige po, mauna na ako." tumango ito at
bumaling sa kausap nito kanina.
Lumakad na sya habang patungo sa bahay nila. Hindi na nya nakita si randall kaya
napatungo sya lumakad. Naguguluhan sya sa inaakto nito. Para itong inis na
pinipigilan lang.
Pagpasok nya ay nakita nya ito nakaupo sa upuang kahoy. Hinihilot nito ang noo
habang nakatungo. Alangan man ay lumapit sya rito at naupo sa katapat nitong upuan.
Nag-angat ito ng tingin habang seryoso sya nitong tinignan.
"Anong ginagawa mo doon? Hindi mo ba alam na kanina pa kita hinanap sa buong bahay
pag-uwi ko." galit nitong sabi. Nainis man sya rito ay nagtimpi sya.
"Ano bang masama kung nagpunta ako doon? Tsaka, malapit lang naman ang pinuntahan
ko." sabi nya rito kahit na gusto nya na magalit din dito.
"Anong masama?! Paano kung may manakit sa'yo do'n? Tapos hindi mo man lang naisip
na kumain!" naiinis nitong sabi. Bigla naman kumulo ang dugo nya. Kaysa patulan ito
ay tumayo sya. Pero hinatak sya nito muli paupo. "Wag kang umiwas. Hindi pa ako
tapos magsalita." mariin nito sabi.
"Anong gusto mo, maburo lang ako dito? Ha? Tsaka napakajudge mental mo naman! Bakit
naman nila ako sasaktan? kung nagtatrabaho lang naman ang mga iyon!" galit nya sabi
kay randall. At binawi ang nya kamay sa pagkakahawak nito. Tumayo sya at
tinalikuran ito. Sa pagkakataon na iyon ay hindi sya nito pinigil. Tila natauhan na
ito. Hindi nya maunawaan bakit napakaparanoid nito bigla?
Pumasok sya sa kwarto nila at kumuha ng damit upang maligo. Napili nya na magligo
muna dahil naglalagkit na din sya. Lumabas sya kahit na hindi nya gusto na makita
ito. Nakita nya nakaupo pa 'rin ito sa upuan habang malalim ang iniisip. Napatingin
ito sa kanya pero hindi nya pinansun. Dumeretso sya sa banyo at sinara iyon.
Napahinga sya ng malalim at sinimulan maligo. Habang nagsasabon sya ay iniisip nya
kung bakit gano'n na lang ito magalit ng malaman na umalis sya ng bahay?
Pagkatapos nya maligo at magbihis ay dumeretso sya papunta muli sa kwarto. Nagulat
pa sya ng makita si randall na nakahiga habang nakasandal sa headboard ng higaan.
Umayos ito at naupo habang may pagsisisi na nakatingin sa kanya. Hindi nya ito
pinansin at nilagay sa marumi ang kanya damit na pinaghubaran. Pagkaraan ay lumapit
sya sa harap ng salamin para magsuklay at magpulbos man lang.
"I'm sorry.. Nag-alala lang talaga ako ng maabutan ko wala ka sa bahay. Tapos hindi
ka pa kumain." sabi nito na puno ng pagsusumamo. Napahinga ng malalim at tumayo
bago ito hinarap.
"Sorry din kung pinag-alala kita. Hindi ko kasi talaga namalayan na hapon na pala."
hingi din nya ng paumanhin dito. Napangiti naman na ito at tumayo sa higaan.
Lumapit ito sa kanya at kinuha ang kanya kamay.
Pinaghahalikan nito iyon kaya natawa sya.
Tinulak nya ito ng mahina habang natatawa. Hinatak naman sya nito na kinagulat nya
dahil napalakas, kaya napasubsob sya sa dibdib nito. Nakapirmi ang kamay nito sa
bewang nya, kaya napaangat sya ng tingin dito. Mataman nakatingin ito sa kanya,
kaya napalunok sya dahil kinakabahan sya sa binibigay nitong tingin. Feeling nya ay
namumula ang mukha nya.
Nagkatitigan sila ng mata habang palapit ang mukha nito sa kanya. Nagdikit ang
kanilang ilong kaya halos maduling sya sa pakipagtitigan dito. Kumakabog ang dibdib
nya at ramdam din nya ang lakas ng kabog nito. Hinapit pa sya nito palapit sa
katawan nito.
"Napakaganda mo... Asawa ko." bulong nito kaya naamoy nya hininga nito na amoy
mint. Namula sya sa sinabi nito. Napangiti ito at sinunggaban ang kanya labi.
Napapikit sya sa kakaibang sensasyon na hatid ng halik nito. Sumabay sya sa halik
nito na lalo nito kina-intense nito. Umatras ito kaya napasabay sya rito, habang
patuloy sila sa mainit na halik. Huminto ito at dahan dahan ito naupo sa higaan.
Ginaya nito ang binti nya para makaupo sya sa kandungan nito. Napahawak sya sa
balikat nito ng makaupo sya. Naramdaman nya ang paghawak muli nito sa bewang nya.
Ngumiti ito at muli sinakop ang labi nya. Napayakap sya sa leeg nito habang patuloy
din sya sa pagtugon sa halik nito.
Tumayo ito habang nakakapit sa pang-upo nya bilang suporta. Hindi nya alam kung
saan sila patungo dahil halos hindi sya makapag- concentrate dahil sa halik nito.
Naupo ito muli at bumitaw sa pagsakop ng kanya labi. Napahinga sya ng malalim at
idinilat ang mata. Nakita nya may pilyo ito ngiti habang hinihingal din.
"Kailangan mo muna kumain bago kita kainin, asawa ko." pilyo sabi nito. Napadukdok
naman ang mukha nya sa balikat nito dahil feeling nya namula ito dahil sa sinabi
nito. Humalakhak ito dahil sa naging reaksyon nya. Bababa sana sya sa kandungan
nito ng pigilan sya nito.
"Dito ka lang. Susubuan kita." nakangiti nito sabi at humarap sa pagkain na nasa
likod nya..
"Wag na. Mahihirapan ka lang." pigil nya rito.
"Hindi mahirap basta ikaw ang susubuan ko. At nag-eenjoy ako sa pwesto mo." kinurot
nya ito sa pisngi dahil sa kapilyuhan. Kung ganito naman pala ang asawa nya,
naniniwala na sya.
"Pasimple ka ha." natatawa nya sabi. Ngumisi ito at kinuha nito ang kutsara't
tinidor para subuan sya. Hindi nya napansin ito kanina nung dumaan sya. Dahil
siguro malalim ang kanya iniisip. Napakamaalaga pala nito at feeling nya ang swerte
nya.

Kabanata 9 - Epekto
"Francine! Francine!"
Tinigil nya ang pagwawalis sa harap ng bahay nila dahil sa pagtawag ni ditas.
Kasunod nito sila yeyeng, pilar at marie. Naging kaibigan na rin nya ang mga ito.
Kaya nga hindi sya masyado naiinip pag nasa bahay lang, dahil na rin sa apat na
ito. Ngumiti sya at hinatay na makalapit ang mga ito.
"Oh anong sadya natin?" tanong nya at itinabi ang walis tingting na hawak. Tapos na
rin naman sya. Naupo sya sa upuang kawayan sa labas ng bahay nila.
"May handaan kasi na gaganapin sa bahay ng anak ni aling conchin. Itatanong sana
namin kung gusto mo rin na tumulong sa pagluluto. Kung wala ka naman ginagawa."
sabi nito. Napaisip naman sya sa sinabi nito. Hindi naman kasi nya alam kung
marunong nga ba sya? Nakakalungkot tuloy isipin na pati ang ganun bagay hindi nya
alam kung kaya ba nya gawin. Pero bahala na! Baka marunong naman sya kung susubukan
nya di ba?
"Sige, sandali lang. Magpapalit lang ako, nakakahiya na nakaduster lang ako." sabi
nya sa mga ito. Tumango naman ang mga ito kaya tumayo na sya. Nagsiupo naman ang
mga ito sa upuan na inupuan nya kanina.
-
"Oo nga pala, francine. Alam mo ba kung saan nagtatrabaho ang asawa mo?" bigla
tanong ni pilar. Kaya napatingin sila dito, habang naglalakad patungo sa bahay ng
anak ni aling chonchin. Medyo malayo lang konti pero ayos lang, para naman makalayo
naman sya ng konti na napuntahan bahay.
"Hindi ko alam, hindi ko kasi naitatanong sa kanya. Nahihiya din naman ako." wika
nya.
"Dapat inaalam mo iyon dahil asawa mo naman sya. Malay mo iba pala
pinagkakaabalahan no'n, sige ka." babala nito sa kanya.
"Ano ka ba, pilar! Pag-aawayin mo pa ang mag-asawa. Naku, wag ka makinig dito kay
pilar. Etchusera frog lang yan." sita ni ditas kay pilar na kinatawa ni april at
marie. Napangiti naman sya dahil sa pagbabangayan ng dalawa. Pero napaisip din sya
sa sinabi ni pilar. Maging sya ay nahihiwagahan kung ano ba ang trabaho ni randall?
"Naku sinasabi ko lang ang mga posible mangyari. Lalo na doon kay tricia na malandi
babae na iyon. Sa pangit ng asawa ko nagawa pa pumatol, ang landi talaga. Kaya
dapat wag mo hahayaan lumapit doon ang asawa mo. Gwapo at makisig pa naman, baka
matangay ng malandi iyon." inis na lintaya ni pilar na alam mo galit na galit.
Inaamin nya na nakaramdam sya ng pangamba, pero umiling sya.
"Kung maakit man si randall doon ay bahala sya. Tutal, hindi ko rin naman alam ang
tunay ko nararamdaman sa kanya." komento nya. Napatanga nakatingin sa kanya ang
apat.
"Bakit wala ka ba nararamdaman sa kanya? Ano yun, nagpakasal ka na hindi mo mahal
ang tao?" naguguluhan ani ni ditas.
"Nawalan kasi ako ng amnesia. Kaya hindi ko alam kung totoo ba mag-asawa kami. Kasi
parang hindi ako sanay na may asawa ako." nahihirap nya sabi. Para may kumirot sa
puso nya dahil sa sinabi nya.
"Ay gaga! Iuntog kaya kita para bumalik ang ala-ala mo. Syempre malay mo nagsasabi
ng totoo iyon, tapos hahayaan mo kapitan ng linta tricia na iyon. Sige ka baka
magsisi ka." pangaral sa kanya ni pilar.
"Bahala na." yun na lang ang nasabi nya. Napailing naman ang apat sa kanya at
lumakad na.
-
Marami kababaihan din sila na katulong sa pagluluto. Naghihiwa na lamang sya ng
gulay, dahil ayaw na nya makialam pa. Baka mamaya masayang lang pag nagluto sya.
"Aw sakit. Peste nahiwa pa ako." napatingin sya kay april na nahiwa ata ang daliri.
Nakita nya ang umaagos nito dugo. Para naman bigla naglaway ang panga nya. Para
nanginginig din sya dahil para gusto nya ubusin ang dugo nito. Nabitawan nya ang
kutsilyo dahil sa panginginig ng kamay nya. Binaba nya sa ilalim ng lames ang
pareho nya kamay at inipit nya sa pagitan ng hita nya. Hindi nya makontrol ang
sarili. Para may gusto lumabas sa katawan nya. Pinagpapawisan na rin sya at parang
nagkulay pula ang paningin nya. Puro dugo na lalo nagpatakam sa kanya.
"Francine, ayos ka lang?" nagbalik sya sa sarili, dahil sa boses ni ditas at
paghawak nito sa balikat nya. Napahawak sya sa dibdib dahil para sya mauubusan ng
hininga. "May sakit ka ba? Namumutla ka?" nag-aalala nito tanong. Umiling sya at
tinuro ang kamay ni april habang nakaiwas ang tingin.
"M-may sugat si april. Takot kasi ako sa dugo." palusot nya. ...
"Huh, ganun ba? Naku april, hugasan mo agad yang sugat mo. Takot pala si francine
sa dugo." sabi ni ditas. Tumayo naman si april tila hinugasan na ang daliri. Doon
lamang sya nakahinga ng maluwag ng mawala na ang malansa amoy ng dugo.
Naguguluhan sya bakit ganun ang naramdaman nya? Para gusto nya sipsipin lahat ng
dugo ni april.
"Ayos ka lang ba, francine?" pukaw muli ni ditas sa kanya. Tumango sya rito. "Pero
ano ito? Bakit bumabakas ang mga ugat mo sa balat?" nawi-weirduhang pagpapatuloy ni
ditas.
Napatingin sya sa kanya braso at kamay. Tama nga ito! Naglalabasan ang ugat nya at
kita nya ang daloy ng dugo, pero pawala na sya.
Napatayo sya dahil maging sya ay naguguluhan.
"A-ah.. Ditas, mauna na ako. Masama kasi ang pakiramdam ko." nagmamadali nya sabi.
"Ganun ba. Tara, samahan na kita--" alok niyo na pinutol nya agad.
Umiling sya. "Naku, wag na! Sige, alis na ako." tanggi nya at nagpaalam na sya.
Tumango ito kahit na naguguluhan sa kinikilos nya.
Agad sya tumalikod at nagmamadali lumabas ng bakod ng bahay. Habang nilalakad nya
ang kahabaan ng mabatong daan ay napapatingin sya sa kanya balat. Wala na ang
kanina dugo bumabakas sa balat nya, pero bakas parin ang ugat na pawala na rin.
'Uwak.. Uwak.. Uwak.. Uwak..'
Napaangat sya ng tingin sa taas ng may marinig sya tunog ng huni ng isang ibon.
May nakita sya uwak na itim na nakatingin sa kanya. Hindi nya alam bakit sya bigla
natakot. Pula ang mata ng uwak habang nakatitig sa kanya.
Lumipad ito patungo sa gawi nya, kaya agad sya tumakbo. Binilisan nya ang takbo at
hindi nya pinansin kung saan sya dumadaan. Basta ang alam nya ay nakapasok sya sa
isang liblib na gubat. Napatingin sya sa likod at napansin na sinusundan parin sya
ng itim na uwak. Hinahawi nya ang matatalas na tuyot na kawayan, upang makaraan
sya.
'Uwak.. Uwak.. Uwak..'
Napatingin sya sa likod ng mahulaan na malapit na ang huni ng uwak sa kanya.
Napatakip sya ng mukha ng sugurin na sya nito.
Pilit nya hinahawi ito ng kamay para tigilan sya tukain. Pero nagkakasugat na sya
dahil sa talas ng tula nito, pero hindi parin ito tumitigil.
Napaatras upang lumayo rito, pero napasinghap sya ng mawalan sya ng balanse. Hindi
nya namalayan na nasa bangin na pala sya nitong gubat. Hindi sya gumalaw para hindi
sya tuluyan na mahulog, habang nakatakip parin ang braso nya sa mukha para hindi
sya masugatan doon.
"Masamang nilalang! Lumayas ka!" nakarinig sya ng isa matapang na tinig, kaya
napasilip sya sa pagitan ng kanya braso.
Isang tila mangangaso na may hawak ng isang kahoy. Binubugay nito ang uwak na agad
naman umalis.
Humarap ito sa kanya at nakita nya ang mukha nito. Isang makisig na lalaki na may
seryoso mukha na mababakas.
"Dapat ay hindi ka lumalabas ng iyong bahay, binibini." seryoso parin nito sabi
tila sinusumbatan pa sya. Hinatak nito ang kamay nya para makalayo sya sa bangin,
na kinahinga nya ng maluwag. "Ihahatid na kita sa bungad ng gubat." sabi nito at
tumalikod na sa kanya.
Napakaantipatiko pala ng lalaki iyon. Hindi man lang sya hinayaan na magpahinga,
mula sa nakakatakot na nangyari sa kanya.
Napabuga sya ng hangin at nagmadali sumunod sa lalaki. Naguguluhan sya bakit ang
bilis nito maglakad. At lalo sya naguluhan na mabilis pala sya tumakbo? Nasa bungad
na agad sya ng gubat, na parang kanina ay tila napakalayo ng kanya tinakbo.
Huminto ang lalaki at sinuksok ang hawak nito patpat sa likod nito.
"Maraming salamat sayo, mister. Kung hindi ka dumating baka napahamak na ako."
pasasalamat nya rito.
"Wag ka magpasalamat, ginawa ko lang ang nararapat. Kung ako sayo ay wag ka
maglalabas. At dapat ay bumalik ka na sa iyong ina.." babala nito at tumalikod na.
Magsasalita pa sana nya pero hindi na natuloy. Napahinga sya ng malalim at humarap
na sa daan. Naguguluhan sya sa sinasabi nito? Bumalik na daw sya sa ina nya? Pero
ang alam nya wala na sya magulang?
"Fuck! Saan ka ba nagpunta?" napaidtad sya ng marinig nya ang galit na sigaw ni
randall. Hindi nya namalayan na nasa harap na pala sya ng tindahan ni aling josie.
Nakatayo doon si randall at may katabi na isang babae. At nakita nya rin na meron
din tao sa tindahan ni aling josie. Napatingin sya sa kamay ng babae na nakahawak
sa braso ni randall, tila pinapakalma nito si randall. Napansin din nya ang suot
nito na napakaiksi. May kung ano-ano din burloloy sa katawan nito. Makapal ang
make-up sa mukha na tila may pupuntahan. Nakangisi ito, habang tinitignan sya mula
ulo hanggang paa. Pagkaraan ay bumaling kay randall.
Bigla sya nahiya dahil nakatingin sa kanila ang halos tao sa tindahan ni aling
josie. At hindi nya alam pero parang gusto nya sabunutan ang babae na nakahawak sa
braso ni randall, pero pinigilan nya ang sarili.
"Sino sya, randall?" tanong nung babae habang nakangiti. Tinanggal ni randall ang
kamay nito sa braso nito.
Lumapit sa kanya si randall at humawak sa bewang nya.
"Asawa ko." sabi nito sa babae. Nagkatinginan naman ang mga ito, at napatingin sya
sa babae na lalo ngumisi sa kanya.
"May asawa ka na pala, pre. Hindi mo man lang sinabi." komento ng isa lalake sa may
tindahan. "Oo nga pala, may handaan sa amin. Punta kayo." alok pa nito.
"Sige, mauna na kami." tugon ni randall at hinigit na sya. Nagpatanggay na lang sya
dahil wala naman sya gana na pumalag pa.
Pagdating nila sa bahay ay nauna sya pumasok at dumeretso sa kusina para uminom.
Naramdaman nya ang pagpasok ni randall, pero hindi na nya iyon pinansin.
"Saan ka galing? Akala ko ba hanggang kay ka chonchin ka lang?" usisa agad nito.
"Nagpunta lang ako sa bahay ng anak ni aling chonchin. Kasama sila ditas, tumulong
lang kami sa pagluluto." sabi nya rito at nilapag sa lababo ang baso.
Humarap sya sa gawi nito at nahuli nya nakatingin ito sa braso nya na may sugat.
Kaya agad nya itinago iyon sa likod nya.
"Ano yan? Bakit ka may sugat?" tiim- bagang nito tanong at lumapit sa gawi nya.
Umiling sya rito. "Wala lang ito." sabi nya. Pero hindi ito naniwala sa kanya.
Hinawakan nito ang kanang braso nya at sinuri. Napatingin din sya at napamaang sya
sa nakita.
Unti-unti gumagaling ang sugat nya. Hindi nya maintindihan paano nangyayari iyon?
"B-bakit?" nahihirapan sya magsalita. Hindi nya maiexplain. Hinawakan sya ni
balikat pero kinalas nya iyon at tinignan ang sugat nya na wala na. "Anong
nangyayari? Bakit gumagaling agad ang sugat ko?" naguguluhan nya tanong tila sa
sarili sinasabi.
"Kalma, Francine! Nag-iilusyon ka lang!" sabi ni randall.
"Hindi! Totoo ang nakita ko!" nagwawala nya sabi. Iniisip nya na baka may lahi sya
maligno kaya gumagaling agad ang sugat nya? Hindi nya alam kung ano ba talaga sya?
Wala sya maalala!
Dahan-dahan sya napapikit ng makaramdam sya ng panghihina. Hanggang sa tuluyan na
sya lamunin ng dilim.
Binuhat ni randall ang dalaga ng patulugin nya ito. Kailangan nya alisin ang
natuklasan nito sa epekto na nangyayari sa katawan nito.
Alam nya na oras na markahan nya ito ay maging ang dugo nya bampira ay maihahalo
dito. Hindi nya akalain na lalabas na ang epekto ng kanya ginawa.
Tiyak na uulit na naman ang pangyayari iyon. Kung kailangan nya bantayan na ito ay
gagawin nya. Kaya lamang sya lagi wala sa tabi nito ay humahanap at gumawa sya ng
bahay na malayo sa mga tao. Hindi sila maaari magtagal na malapit sa mga tao. Dahil
natitiyak nya na oras na matuklasan ng mga tao kung ano sya at kung ano ngayon si
francine, tiyak na sasaktan nila ang dalaga. Na hindi nya hahayaan na mangyari.
Inihiga nya ang dalaga sa higaan nila at hinawi nya ang buhok nito, na tumatakip sa
maamo at maganda nitong mukha.
Bakas sa mukha nito ang pagod, kaya hinaplos nya iyon at maging ang sugat nito na
gumaling.
Iniisip nya kung sino ang maaari gumawa no'n sa dalaga? Alam nya na hindi agad
matutuklasan ng kanya ama ang pinagtataguan nila. Dahil naglagay sya ng proteksyon
sa buong bahay, kung sakali iiwan nya mag-isa ang dalaga. Pero hindi no'n sakop ang
malayo lugar, kung kaya't hindi sya nakakatiyak kung sino ang maari nakatuklas ng
kanila pinagtataguan.
Hinaplos nya ang buhok nito ng may makapa sya isa balahibo. Kinuha nya iyon at
pinagmasdan.
Isang balahibo ng ibon na isang masama hayop. Inamoy nya iyon upang malaman kung
anong hayop ang nanakit sa dalaga.
Nagtagis ang kanya ngipin ng malaman kung ano hayop iyon. Isang reka! Reka na
nagbabago ng anyo.
Pero sino ang nag-utos sa reka? Tila inutusan ito na hanapin sila. Dahil nag-anyo
ibon ito.
Tumayo sya at kinuha ang bag na paglalagyan nya ng gamit nila.
Kailangan na nila lisanin ang lugar na iyon. Tutal ay ayos na ang bahay na ginawa
nya ng ilang linggo. Kaya maaari na iyon tirahan.
Nang ayos na ang lahat ay inuna muna nya ilabas ang bag at ikarga sa sasakyan.
Pagkaraan ay agad nya binalikan ang dalaga. Binuhat nya ito at isinakay sa kotse.
"Oh, iho? Saan kayo patungo?" bigla sulpot ni aling josie.
Sinara nya ang pinto at hinarap nya ang ginang.
"Ito na ho ang huli araw namin." sabi nya at kumuha sya ng pera sa bulsa. "Ito ang
karagdagan bayad sa upa. Sige ho, aalis na kami." sabi nya pagkaabot ng pera.
Umikot na sya sa kabilang side at sumakay ng sasakyan. Agaran nya binuhay at
pinaandar iyon.
Habang bumabyahe sila ay napatingin sya kay francine. Kinuha nya ang kamay nito at
pinagsiklop sa kanya kamay, habang nakapatong sa kanya kandungan.
Hindi nya hahayaan na mawala sa kanya ang dalaga. Gagawin nya ang lahat para
manatili ito sa tabi nya.

Kabanata 10 - Paalala
Kulog at malakas ang kidlat na nanggagaling sa kalangitan. Madilim ang buong
kalangitan na naglalakbay si gina ang ina ni francine. Patungo sya ng Hika upang
humingi ng tulong sa hari ng mga Hikaros.
Kahit na puno ng pangamba ay naglakas loob sya, dahil ito na lamang ang
makakatulong sa kanya upang tulungan sya hanapin ang kanya anak.
Hindi nya inaakala na isang bampira lahi pala ang mga Agustin. Mali-mali na pinag-
ubaya nya ang anak sa kinasusuklaman nya lahi. Pero tila tadhana talaga ang
naglalapit sa kanya anak sa mga kakaibang nilalang.
Pero hindi nya maaari hayaan na lang na malapit ang kanya anak sa lalaki hindi pa
nya lubusan kilala.
"Mahal na reyna." bati ng isang bampira nagbabantay sa bungad ng palasyo ni
uriko. ....
"Nasaan ang inyong hari? Gusto ko sya makausap." matapang na boses na pagkakasabi
nya.
"Nasa kanya balkonahe, mahal na reyna." tugon nito.
Tumuloy sya pumasok ng pagbuksan sya nito na de bakal na tarangkahan.
Marami mga Hikaros ang yumuyukod sa kanya na kinailang nya.
"Mahal na reyna, nagbalik kayo.. Tiyak na matutuwa ang mahal na hari uriko pag
nakita kayo." bati ng isang matanda tagapaglingkod ni uriko.
Ngumiti sya rito at hinawakan ang kamay nito na hindi pa kumukulubot. Pero alam mo
sa itsura nya ay isa na sya matanda.
"Kinagagalak ko na makita ka muli, salli. Ngunit kailangan ko na agad ng tulong ni
uriko. Maaari mo ba ako samahan kung nasaan sya." pakiusap nya rito. Yuyukod sana
ito na pinigil nya. "Wag na! Hindi ako narito para igalang nyo salli. Hindi na ako
reyna dito." sabi nya rito. Napahinga ito ng malalim at naunawaan ang kanya
sinasabi.
"Sumunod ka sa akin, Gaina." sabi nito. Gaina talaga ang tunay na pangalan nya.
Iniba lang nya dahil gusto nya wala makakilala sa kanya.
Sinundan nya ito na tumungo sa isang pasilyo. Bawat haligi ay may gasera na
tumatanglaw sa kanila dinaraanan.
Hinawi ni salli ang isang tela humaharang sa pinto ng balkonahe.
Sa kanya pagpasok ay naririnig na nya ang bawat tunog ng pagkikiskisan ng mga
espada.
Nilibot nya ang tingin ng sila ay makapasok na. Nakita nya marami ang nag-e-ensayo
na mga Hikaros na mandirigma.
Meron din ilan ay nakikita nya ine-ensayo ang kanila kakayahan na ilabas ang kanila
kapangyarihan.
Nakita nya si uriko na nakaupo sa isang ginto upuan na tanggi hari lamang ang
maaari maupo. Pinapanood nito ang mga kasapi nito ngunit nababakas nya sa mata nito
ang lungkot.
Lumakad sila kaya napukaw nila ang atensyon ng mga ito. Nasa likod sya ni salli,
kaya tiyak na hindi pa sya nakikita ni uriko, lalo't sa haba ng puting buhok ni
salli natatakpan sya.
"Mahal na hari." bati ni salli.
"Anong ginagawa mo rito, salli? Bawal ang isa tulad mo sa lugar na ito." dinig nya
maawtoridad nito boses. Inaamin nya namiss nya ang tinig nito. Pero hindi nya
kailangan unahin ang dinadamdam nya.
"Paumanhin kung nangahas ako, mahal na hari. May nais na makipag-usap sa inyo."
wika ni salli.
"At sino naman iyon?" tanong nito kaya lumabas sya sa likod ni salli.
"Ako, Uriko!" seryoso nya sabi. Kita nya ang pagtayo nito at gulat sa mukha.
"Gaina? Reyna ko." sabi nito at nagmadali bumaba sa trono nito. Akma yayakap na ito
ay pinigil nya ito.
"Hindi ka pwede yumakap hangga't hindi mo ako natutulungan." seryoso nya sabi dito.
Kinuha nito ang kamay nya sa na pumigil sa dibdib nito at hinalikan ang kanya
kamay.
"Ano ang maipaglilingkod ko, aking reyna." sabi nito.
Inagaw nya ang kanya kamay at tumingin sa mga Hikaros na natigil sa kanila
ginagawa. Tila nahulaan ni Uriko ang nais nya. Sapagkat pinaalis muna nito ang mga
ito at maging si salli ay iniwan sila.
"Ngayon sabihin mo ang iyong nais, Mahal ko." sabi nito ng maiwan sila dalawa.
"Gusto ko hanapin mo si francine, Uriko." sabi nya rito.
Nakita nya ang pagkalito sa mukha nito.
"Sino si francine na iyong tinutukoy?" tanong nito.
Huminga sya ng malalim at tumalikod dito.
"Si francine na aking isinilang ng umalis ako sa iyong palasyo, Uriko." pagbubunyag
nya.
"Ano? Ang ibig mong sabihin sya ang aking--" hindi nya na pinatapos pa ito. Humarap
sya rito na may nakokonsensya mukha.
"Oo, Uriko. Anak mo." pag-aamin nya rito.
"Pero bakit mo itinago sa akin ang aking anak, Gaina?! Ngayon nasa panganib sya
tsaka mo lamang ipapaalam." bakas sa boses nito ang sakit at pangungulila na lalo
kinapait ng kanya nararamdaman.
"Hindi ko sinabi sayo na may anak tayo, dahil ayoko makamulatan ng aking anak na
isa sya Hikaros. Gusto ko sa tahimik na lugar lang sya kung saan, walang mananakit
sa kanya." paliwanag nya. Nag-angat sya ng tingin kay Uriko na may galit parin sa
mukha. "Ngunit nagkamali ako. Kung sana ay hindi ko na lang inisip na maghanap ng
trabaho, edi sana hindi kami mapapadpad sa kuta ng mga Sitirian." sabi nya. Bigla
ay nag-iba ang mukha nito. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Kung gano'n, nasa Sitirian ang ating anak?" hindi makapaniwala nito sabi.
"Oo, kaya nga humihingi ako ng tulong upang hanapin mo kung saan dinala ng anak ng
emprero ng sitirian ang ating anak. Tiyak na si francine ang pagbabalingan ng mga
ito, dahil nalaman ko lumabag ang tagapagmana ng mga ito dahil sa ating anak." wika
nya.
"Kung gano'n ay kailangan natin mabawi ang anak natin. Kailanman ay hindi ako
makakapayag na mapunta ito sa kamay ng mga sitirian." sabi nito na kinahinga nya ng
maluwag kahit papaano. "Ngunit.. may hiling ako, mahal ko." ani pa nito.
"Ano yun?" sabi nya rito.
"Ipangako mo hindi na kayo aalis sa palasyo ko. Nagkakaintindihan ba tayo?" mariing
sabi nito.
"Kung dito ay magiging ligtas ang aking anak. Pumapayag ako." sang-ayon nya.
Ngumiti ito at niyakap sya na agad naman nya tinugon.
"Halika, samahan mo ako kay vera. Madali natin matutunton kung ipapahanap natin sa
kanya ang ating anak." pag-uunlak nito.
Lumakad sila palabas ng balkonahe upang puntahan si vera, ang babaylan ng mga
hikaros.
-
Masakit ang ulo ng imulat ni francine ang kanya mata. Inilibot nya ang tingin kung
nasaan ba sya? Wala sya maalala kung ano ba nangyayari sa kanya.
Napatingin sya sa braso at binti nakapulupot sa kanya katawan. Kaya lumingon sya
kung sino ba iyon?
Si randall. Bigla ay nagflashback sa isip nya kung ano ba nya ito. Ang huli nya
natatandaan ay sinubuan sya nito at masaya sila dalawa. Asawa nya ito pero bakit
wala sya maalala na ikinasal sila?
Gumalaw ito at lalo humigpit ang pagkakayakap nito. Ramdam nya ang init ng yakap
nito, lalo't hubad ang pang-itaas nito damit. At tangi boxer short lamang ang suot
nito pang-ibaba.
Dahan-dahan nya inalis ang braso nito na nakapulupot sa bewang nya. Nahirapan pa
sya dahil napakabigat ng braso nito. Sinunod nya tinanggal ang binti nito. Napabuga
sya ng hangin ng matanggal na nya.
Dahan-dahan sya tumayo at nilibot ang mata kung nasaan ba sila. Gawa sa bato ang
bawat dingding at yero ang bubungan.
Lumabas sya ng kwarto at nalito kung bakit naiba ang kanila bahay? Tanda nya ay de
kahoy ang mga ding-ding at upuan. Bakit magaganda bagay na ang kanya nakikita?
Naisipan nya lumabas upang makita ang labas.
Sa kanya paglabas ay tangi madilim na kagubatan ang sumalubong sa kanya. Wala sya
nakita na kahit ano bahay o tao sa paligid.
Naguguluhan sya kung nasaan sila?
Napalingon sya sa loob ng bahay ng makarinig sya ng kalabog. At ilang sandali lang
ay nakita nya si randall na hindi mapakali nilibot ang paningin sa buong bahay.
Nang mahuli nito ang tingin nya ay para ito nakahinga ng maluwag.
"Akala ko ay nawala ka na." sabi nito na kinataka nya.
"Huh?"
"Wala. Halika na sa loob. Maghahanda ako ng makakain mo." sabi nito at hinawakan
sya sa braso para akayin.
"Pero nasaan ba tayo? Bakit wala tayo sa bahay ni aling josie?" huminto ito ng
hindi sya sumunod.
"Hindi na tayo maaari doon. Dito na tayo titira kung saan malayo sa mga tao." sabi
nito at pilit sya inaakay pero lalo sya hindi napatinag dahil naguguluhan sya sa
pinagsasabi nito.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit naman kailangan pa malayo sa ibang tao? Bakit hindi
ba tayo tao?"
"Wag na marami tanong, francine. Halika na sa loob." mariin nito sabi at mahigpit
na ito humawak sa kamay nya at hinatak na sya papasok sa loob.
Bigla kasi sya kinabahan sa tono nito at para bang may nagtutulak sa kanya na lagi
sumunod dito.
Pagpasok nila ay agad nito nilock ang pinto. Humarap ito sa kanya at inakay sya sa
kusina.
"Hindi ka lalabas ng bahay francine, hangga't hindi ako ang kasama mo." sabi nito
at inupo sya sa isang malaki lamesa.
"Pero hindi na ba tayo babalik doon? May kaibigan na ako sa lugar nila ka josie."
komento nya..
"Hindi na. Wag ka na magtanong, francine. Hindi mo sila kailangan, Maliwanag ba?"
sabi nito at tinignan sya sa mata. Kaya wala sa sarili na tumango sya na kinangiti
nito. "Good. Dahil habang buhay, ako lang ang kailangan mo. Tayo dalawa lang para
sa isa't-isa, mahal ko." sabi nito at hinaplos ang kanya mukha.
Tumango sya muli at tumatak sa isip nya ang mga kataga sinabi nito.
Sinubuan sya nito na kinahiya nya. Gusto nya rin sana subuan ito dahil hindi man
lang ito kumakain. Lagi sinasabi nito ay busog ito at sya na lamang daw ang kumain.
Kaya hindi na nya pinilit pa ito.
Nang matapos ay sya na ang naghugas dahil wala naman sya ginagawa.
Nagtungo ito ng banyo at maliligo lang daw. Gabing gabi na at naisipan pa nito
maligo.
Nagpunas sya ng kamay ng matapos sya. Lalabas na sana sya ng kusina ng mapahawak
sya sa ulo nya.
'Anak, ang iyong ama ito.' isang malalim na boses na kumakausap sa kanya isip.
'Anong ama? Wala na ako magulang.' tugon nya rito habang nakapikit ang mga mata.
'Nagkakamali ka lamang sa iyong nalalaman, anak. Buhay pa kami ng iyong ina.' sabi
nito
'Paano nangyari iyon? Sabi sa akin ni randall ay wala na akong magulang.' sabi nya
rito.
'Nililinlan ka lamang nya, anak. Itinakas ka lamang nya mula sa iyo ina.' sabi pa
nito.
'Hindi ko kayo maintindihan? Bakit naman ako lolokohin ng asawa ko?' naguguluhan
nya ani.
Hinintay nya ang sasabihin nito ngunit hindi na nya ito narinig. Dumilat sya ng
hindi na nya nararamdaman ang sakit.
Sa kanya pagdilat ay bumungad sa kanya ang seryoso si randall. Nakatapis pa ito ng
tuwalya kaya lantad na lantad sa kanya ang hubad nito katawan.
"Sino ang kumakausap sayo, mahal?" seryoso nito sabi habang nakasandal parin sa
hamba ng pinto.
"Huh? H-hindi ko kilala.." sabi lang nya kahit na kinakabahan sya sa pagseryoso
nito.
Tila nakahinga naman ito ng maluwag at tumango sa kanya.
"Wag na wag ka maniniwala sa kanila sasabihin. Ako lamang ang paniniwalaan mo,
mahal ko." sabi nito at lumapit sa kanya.
Nagbaba sya ng tingin at napatingin sa kamay na kinukurot nya.
Nasa harap na nya ito at inaangat ang kanya mukha mula sa pagkakahawak sa kanya
baba.
"Ako lang ang paniniwalaan mo, mahal." sabi nito sa kanya. Bumilis ang tibok ng
puso nya ng matitigan nya ang mata nito na abo na naging kulay pula.
"Oo, ikaw lang ang paniniwalaan ko." nasabi na lang nya.
Ngumiti ito ng maluwag sa naging sagot nya.
"Halika, matulog na tayo." aya nito at ginabayan sya palabas ng kusina.
Habang si randall ay napupuyos sa galit kung sino pangahas ang kumakausap kay
francine. Kung hindi pa nya narinig ang tinig ni francine ay tiyak na nasabi na
nito ang lahat kay francine. Ang lahat na tiyak na makakasira sa kanila dalawa.
Sa buong buhay nya ngayon lamang sya nakaramdam ng takot. Takot na may magtangka na
ilayo sa kanya ang dalaga.
Kaya kung kailangan nya gamitan ng kapangyarihan si francine, para sa kanya lamang
ito makinig, ay gagawin nya.
At kung sino man ang magtangka na kunin ang dalaga sa kanya ay kailangan muna
dumaan sa kanya mga kamay.
'Fei..' kausap nya sa babaylan.
'Ano ang maipaglilingkod ko mahal na empre?' tugon nito sa kanya.
Nakatanaw sya sa bintana ng kanila kwarto ni francine. Tulog na ang dalaga kaya
naisipan nya tawagin ang babaylan.
'Maaari mo ba kami ikasal ni francine?' pakiusap nya.
'Paumanhin.. ngunit mali ang inyo nais, mahal na empre. Lalo't hindi kayo maaari
ikasal.' sabi nito.
'Anong ibig mong sabihin?' galit nya ani sa isip. Kumuyom ang kamao nya sa sinabi
nito.
'Mas maganda na ikaw na mismo makatuklas, mahal na empre. Kung ako sayo...
pakawalan muna ang mortal. Dahil malaki gulo ang inyo ginawa.' paalala nito.
Bubulyawan na sana nya ito, dahil hindi nya nagustuhan ang sinabi nito. Ngunit
tinapos na nito ang kanila pag-uusap.
"Mga walang silbi!" galit nya ani habang kumuyom ang kanya mga kamay.
Kabanata 11 - Akin
Hawak ni randall ang kanya kamay. Meron sila tinatakbuhan. Nasa kagubatan sila ng
harangin sila ng kakaibang nilalang. Kanina pa sya tanong-tanong kay randall kung
ano ang mga iyon. Ngunit lagi lamang nito sinasabi na mga masasama nilalang daw
iyon na namamahay sa kagubatan.
Natakot sya dahil baka abutan sila at kainin.
"Randall, bumalik na lang tayo kela aling josie. Marami ata kakaibang nilalang sa
gubat na ito." sabi nya sa binata.
Hindi ito nagsalita. Hinatak sya nito palapit sa bahay nila. Pagpasok nila ay agad
nito nilock ang pinto.
"Dito lang tayo. Hindi na tayo matutunton pa ng mga nilalang na iyon." hinihingal
nito sabi.
"Pero bakit ba tayo hinahabol ng mga iyon?" naguguluhan nya tanong.
Humarap ito sa kanya at lumapit. Hinawakan nito ang kanya mukha at pinakatitigan.
"Wag mo na sila isipin, mahal ko. Hindi ko sila hahayaan na kunin ka sa akin."
makahulugan nito sabi. Tumango sya kahit na naguguluhan sya sa mga nangyayari.
Niyakap sya nito ng mahigpit kaya sinuklian nya.
-
Gabi na ng lumabas ng bahay si randall. Tulog na ang dalaga ng umalis sya ng bahay.
Kailangan nya harapin ang mga tauhan na pinadala ng kanya ama. Hindi nya akalain na
matutunton sila nito. Pero hindi nya hahayaan na kunin sa kanya ang kaligayahan
nya. Kahit pa ama nya at mga kalahi nya ang makaharap nya.
"Lumabas kayo! Alam ko nandyan parin kayo!" galit nya sigaw.
May narinig sya kaluskos hanggang sa humangin na. Pinakiramdaman nya ang hangin at
humarap sya kung saan lumitaw ang mga sitirian na kawal.
"Mahal na empre, umuwi na daw kayo. Mali ang iyong landas na tatawirin." wika ng
pinakapinuno ng kawal ng sitirian na Rigo.
"Pag hindi nyo ako nilubayan.. Mapipilitan ako saktan kayo." mariin nya banta.
"Mahal na empre, hindi kami ang kalaban nyo. Meron na ibang nakapasok na hikaros
dito."
Naguguluhan sya sa sinabi nito.
"Hikaros? At anong kailangan nila para guluhin kami?" nagbabaga nya tanong.
"Dahil galit na ang hari ng hikaros dahil sa pagkuha mo sa kanila anak. At sa mga
oras na ito... tiyak na nakuha na nila ang anak nila."
Dahil sa sinabi nito ay nilukuban sya ng takot. Humarap sya kung saan ang direksyon
pauwi kay francine. Ngunit sumalubong sa kanya ang ilang daan na kawal ng hikaros.
Pinalibutan sila ng mga ito. Pero wala sya oras na makipaglaban sa mga ito. Tama
nga si rigo. Mga hikaros ito.
Hindi nya akalain na isang anak ng hikaros si francine. Pero hindi sya makakapayag
na kunin sa kanya ang dalaga. Sinugod nya ang mga ito para makalagpas sya.
Kailangan nya magmadali, kundi baka tuluyan na makuha sa kanya ang dalaga.
Hinihingal sya na nilibot ang tingin. Puro bagsak na ang hikaros, kaya tumakbo na
sya ng mabilis sa abot ng makakaya nya.
Lumabas ang pangil nya at maging ang ugat sa kanya katawan ay lumabas dahil sa
tensyon na nangyayari sa katawan nya.
Pagdating nya sa bahay ay agad sya pumasok. Tinungo nya ang kwarto nila kung saan
nya iniwanan si francine. Nakita nya na gulo higaan ang naabutan nya. Para sya
masisiraan ng ulo na inilibot ang buong kabahayan. Ngunit wala sya francine na
naabutan.
Nagsisigaw sya habang walang humpay na pinagsusuntok ang pader. Nagcrack iyon dahil
sa tindi ng pwersa ng pagsuntok nya.
Huminto sya at pumikit. Tumulo ang dugo sa kanya kamay pero sandali lang din at
iyon ay naghilom.
Dumilat sya at sa puntong iyon ay mapula na ang kanya mata. Maitim na awra ang
bumabalot sa kanya habang lumabas sya ng bahay. Kung kailangan nya hanapin ang
palasyo ng hikaros, gagawin nya. Babawiin nya si francine. Hindi nya kaya mawala
ang dalaga.
'Mahal ko, nasaan ka?' pilit nya kinakausap sa isip. Pero wala sya sagot na nakuha.
Mahigpit ang pagkuyom ng kamao nya dahil talaga wala na si francine sa gubat.
"Mahal na empre."
"Uuwi na ako." malamig nya sabi. Nagkatinginan naman sila rigo sa bigla pagpayag ng
empre nila. Sumunod sila dito na nauna na maglakad. Ramdam nila ang itim na pwersa
na pumapalibot dito. Ibig sabihin lang no'n ay may galit na lumulukob dito.
-
'Asamon este ilo tiamo. Asamon este olo tiamo. Asamon este ilo tiamo.' ang lingwahe
binibigkas ni verna sa natutulog na dalaga si francine.
Habang si francine ay pinagpapawisan habang mabilis na nagpalipat-lipat ang mga
scenario sa kanya isip. Nagpabaling-baling ang ulo nya dahil sa sakit ng hatid ng
kanya ulo. Unti-unti luminaw ang ala-ala sa kanya isipan. Ang alaala kung paano
sila namuhay ng kanya ina. Ang ala-ala kung paano sila napunta sa pamilya agustin.
Ang alaala paano sya naging assistant ni randall. Ang alaala sa bar na pinuntahan
nila. Ang alaala nang isama sya ni randall sa bahay bakasyunan nito. At ang alaala
kung paano nya natuklasan ang tunay na pagkatao nito. Tumulo ang luha nya dahil
isang pagkukunwari lang pala ang lahat ng nangyari ng wala sya maalala. Nilinlan
sya ni randall at pinaniwala na asawa nya ito.
Dahan-dahan sya dinilat nya ang mata, pero agad din na napapikit. Nang maramdaman
nya ayos na. Dahan-dahan nya muli idinilat ang mata. Bumungad sa kanya ang mga
nakatunghay sa kanya na mukha. Una ay isang babae na may itim na lipstick sa labi
habang may palibot sa ulo nito na mga brilyante gawa sa kwintas. Lumipat ang tingin
nya sa kanya nanay. Napangiti sya ng makita ito. Lumipat naman ang tingin nya sa
lalake katabi ng kanya nanay. Naguguluhan sya tumingin sa kanya nanay..
"Nay, nasan po tayo?" malat pa nya sabi. Naupo sya ng dahan-dahan dahil tila
nanghihina pa sya.
"Dahan-dahan, anak." nag-aalala sabi ni gina. Naupo sya sa higaan ng anak at
hinaplos nya ang mukha nito. Napahinga sya ng malalim at tumingin kay Uriko. Nakita
nya na kinakabahan ito kaya napangiti sya. Humarap sya sa anak na may naguguluhan
mababakas sa mukha.
"Anak, narito ka sa palasyo ng iyong tunay na ama." pag-aamin nya.
"P-po? Tunay na ama? Anong ibig nyo sabihin?"
Napahinga sya muli ng malalim at kinuha ang kamay ni uriko para ilapit sa kanila
anak.
"Anak, sya ang iyong ama. Si uriko. Patawad kung inilihim ko ito. Gusto ko lamang
na malayo ka sa mundo na kakaiba." pagpapatuloy nya.
"Hindi ko maintindihan? Anong mundong kakaiba? Nasaan ba tayo?" hindi maintindihan
nito ani.
"Anak, isa ka lahi ng bampira. Si uriko ay isang hari ng bampira. Habang ako ay
isang tao na nakatakda sa kanya. Buntis palang ako sayo ng lumayo ako sa iyong
ama.. kay uriko. Dahil ayoko maranasan mo ang magulong mundo ng mga nag-aalitang
angkan ng sitirian at hikaros. Kaya lumaki ka na isang tao." mahaba nya paliwanag.
Napaisip naman ng malalim si francine. Hindi nya alam kung ano na ba ang nangyayari
sa paligid nya. Akala nya ay si randall lang ang halimaw, ngunit pati pala sya.
At bata palang ay may dumadaloy na palang bampira sa dugo nya. Kaya pala nung bata
sya ay ang bilis nya lumaki. Pati ang kakaiba bilis ng pagtakbo ay hindi nya
maipaliwanag. Ngayon alam na nya.
Nag-angat sya ng tingin at tumingin sa nanay nya, bago sa sinasabi nito na tunay na
ama daw nya.
Nangingilid ang luha nya dahil bakit nagawa magsinungaling ng kanya ina.
"A-anak.." nag-aalala bigkas ng kanya ina.
"Nagsinungaling kayo.. Pinaniwala nyo ako na ung lalake namatay ang ama ko. Yun
pala ay isang halimaw pala ang ama ko. Pati ako halimaw pala." hinanakit nya.
"A-anak, patawarin mo ako. Ginawa ko lang iyon para sa kabutihan mo. At hindi ka
halimaw--"
"Kung hindi ako halimaw, anong gusto nyo sabihin na mabuting nilalang ang mga
bampira? Ganon? Di ba halimaw ang kakaibang nilalang na tulad nya, tulad nyo, at
tulad ko."
Pumaling ang pisngi ko ng sampalin ako ng babaeng maitim ang lipstick.
"Verna!" galit na sigaw ni gaina at uriko.
"Wag mong pagsalitaan ang mahal na hari at mahal na reyna ng ganyan. Kahit ano pang
iyak at paghuhusga mo, hindi mo maitatanggi na isa kang dugong bampira."
giit nito.
Umalis sya sa hinihigaan nya. Tumakbo sya palabas ng silid na iyon. Narinig pa nya
ang tawag ng kanya ina, pero hindi nya pinansin.
Lumuluha na tumakbo sya sa isang mahabang pasilyo. Habang paulit-ulit na nauukit sa
kanya isipan ang sinabi ng babae.
Huminto sya ng makarating sya sa dulo ng pasilyo. Nasa mataas na palapag pala sya.
Napapalibutan ng ng ulap ang bahagi ng kaharian sinasabi ng kanya ina. Natigil sya
sa pag-iyak ng masilayan iyon.
"Bakit ka umiiyak, mahal na prinsesa." napukaw sya ng may magsalita sa kanya
likuran. Humarap sya rito at napansin nya na nakasuot ito ng isang pulang kapa.
Binaba nito iyon kaya nasilayan nya ang isang makisig na lalake. Nakasuot ito ng
isang tila isang pandigma kasuotan.
"Sino ka?" tanong nya habang pinapahid ang luha.
"Ako si cyrus. Isa sa tapat na kawal ng mahal na hari." nakangiti nito sabi.
Tumango sya dahil hindi na nya alam kung ano ang sasabihin nya rito.
"Gusto mo ba mamasyal dito sa palasyo ng hikaros? Para mawala ang iyong sakit na
dinadamdam?" nakangiti nito pang-anyaya.
Nag-aalangan sya dahil hindi pa nya ito lubusan na kilala. Tila nahulaan naman nito
ang pag-alinlangan nya.
"Wag ka mag-alala.. Kaibigan ako, hindi kaaway. At tiyak na malalagot ako sa mahal
na hari, pag sinaktan ko ang kanya anak na matagal na nya hindi nakakasama."
nakangiti parin nito sabi.
"Sumunod ka sa akin, kung ibig mong gumaan ang iyong loob." pagpapatuloy nito at
tumalikod na.
Nag-aalalangan pa sya pero natagpuan na lang nya ang sarili na humahakbang pasunod
rito.
Naiilang sya sa mga nakakasalubong nila. Pag nakikita sya agad na yumuyukod ang mga
ito, na kinailang nya.
Dali-dali sya sumunod kay cyrus, dahil nahuhuli na sya. Nasisilaw sya ng lumabas
sila sa isang pinto na gawa sa tela. Nagtakip sya ng mata upang hindi masilaw.
Nang makaadjust na ang paningin nya ay dahan-dahan nya inalis ang kamay sa
pagkakatakip.
Nang maialis na nya ay bumungad sa kanya ang isang lupain na punong-puno ng
bulaklak at may mga nagliliparan na paru-paro sa buong paligid.
Namamangha sya habang nakangiti inilibot ang mata. Lumakad sya habang binubusog ang
mata sa tanawin na kanya nakikita.
Tumingin sya kay cyrus na nakangiti nakatingin sa kanya. Ngumiti sya at tumingin
muli sa paligid. Lumapit sya sa mga bulaklak at pumitas ng isa. Inamoy nya iyon at
pumikit sya upang lasapin ang bango nito.
"Gumaan na ba ang iyong nararamdaman, mahal na prinsesa?" tanong ni cyrus.
Dumilat sya at lumingon dito.
"Oo. Salamat, Cyrus." nakangiti nya pasasalamat. Gumaang kahit papaano ang
nararamdaman nya.
"Walang anuman.. Pag nalulungkot ka, dito ka lang pumunta." sabi nito.
"Bakit mo naman naisipan na dito mo ako dalhin? Bakit ito din ba ang pinupuntahan
mo pag nalulungkot?" naiintriga nya tanong.
Umiling ito at naupo sa isang malaki bato.
"Hindi ako ang nagtutungo palagi dito. Kundi ang isang hari na nalulungkot sa
pagkawala ng kanyang reyna." makahulugang sabi nito. At kahit hindi nya itanong ay
naiintindihan na nya. Ang sinasabi ang amang hari nya lang naman ang nag-iisang
hari lang dito.
Bigla ay inusig sya ng konsensya dahil sa kanya binitawang salita.
"Matagal na panahon nangulila ang iyong ama sa iyong ina; Ang mahal na reyna. Saksi
ako sa kalungkot ng hari sa araw-araw na nagdaan. Dinadaan nya lang iyon sa
panonood ng mga pagsasanay ng mga kapwa ko mandirigma hikaros, upang maibsan ang
lungkot at pangungulila." napahinga ng malalim si cyrus at tumingin sa kanya mula
sa pagkakatungo. "Kung ano man ang kasalanan ng magulang mo.. Tiyak na may dahilan
sila sa lahat ng iyon." payo nito sa kanya.
Para sya naliwanagan sa sinabi nito. May maganda dulot din pala ang pagsama nya
rito.
Lumapit sya rito at hinawakan ang kamay nito. Halata sa mukha ni cyrus ang
pagkagulat, pero hindi na nya pinansin pa.
"Maraming salamat.." buong puso nya sabi at binitawan ang kamay nito. "Sige, pasok
na ako. Gusto ko pa manghingi ng patawad sa mga magulang ko." nakangiti nya sabi at
tumalikod na.
-
Nakaupo ang emprero sa kanya trono. Nasa kanya harapan ang mga mandirigma ng
sitirian na natalo ng mandirigma hikaros.
"Mga walang silbi! Paanong natalo pa kayo ng hikaros?" galit na lintaya ng emprero.
"Patawad, mahal na emprero. Subalit hindi namin alam na kasama mismo ang hari ng
hikaros. Ginamitan nya kami ng kapangyarihan, kung kaya kami ay nakatulog."
nakaluhod na sabi ng isang mandirigma sitirian.
'Si Uriko..' ani ni emprero. Bumaling sya ng tingin sa pinto ng bulwagan. Ar naroon
ang anak nya si randall na kasunod ang mga kawal na pinadala nya upang pauwiin ang
kanya anak.
"Anak, mabuti't sumama ka na at iniwan na ang mortal." bungad nya.
"Hindi ba't ililipat nyo na sa akin ang kapangyarihan bilang hari. Ngayon ibigay
nyo na." mariin nitong wika. Ramdam nya ang itim na bumabalot rito. Simbolo na may
galit itong nararamdaman. Palihim na napangiti sya. Dahil madali nya mapapasunod
ito kung may galit itong nadarama.
Humalakhak sya dahil sa sinabi nito.
"Anak ko, hindi mo makakamit ang kapangyarihan na isang hari kung hindi mo
papakasalan ang anak ng mag-asawa oreca. Ibibigay ko lamang iyon.. kung kasal ka
na." wika nya.
Kumuyom ang kamao ni randall dahil sa sinabi ng kanya ama. Hindi sya magpapakasal
kahit kanino. Isa lang ang gusto nya maging reyna.
"Hindi ako magpapakasal. Sa ibang paraan maaari ko makuha ang pagiging hari.. pero
hindi sa gusto nyo." malamig nya sabi at tumalikod na.
Nakita nya ang babaeng gusto ipakasal ng kanya ama. Nilagpasan nya ito dahil baka
masaktan lang nya ito.
Nagpunta sya kung nasaan ang babaylan. Kailangan nya makita kung saan si francine.
Sandali oras pa lamang nya hindi nakikita ang dalaga ay namimiss na nya ito.
Pagdating sa lungga ng babaylan ay tinawag nya ito.
"Fei! Magpakita ka!" tawag nya.
Mamaya lang ay may umilaw na at lumabas ang babaylan na si fei.
"Maligaya pagbabalik, empre. Anong maipaglilingkod ko?" ani nito.
"Gusto ko makita ang kinaroroonan ni francine. Maaari mo bang ipakita sa akin."
utos nya.
"Halika, sumunod kayo." aya nito at lumapit sa kumukulo tubig sa isang fountain.
Lumapit sya at tinignan ang tubig. Hinintay nya ang ipapakita ng mahiwaga tubig.
"Tingin ko ay nasa maayos na sya." ani ni fei pero hindi nya pinansin.
Napangiti sya ng makita ang dalaga na nakatayo sa isang pasilyo. Pero ang ngiti nya
ay napalitan ng pag tiim-bagang nya.
Ipinapakita ng tubig ang isang lalake na lumapit kay francine. Nabahala sya dahil
sa pagsunod ng dalaga rito.
Ang sumunod na pinakita ay nung nasa isang malawak na lupain na may mga magagandang
bulaklak at may nagliliparang paru-paro.
Nakita nya ang pagngiti ng dalaga sa lalake na kinainis nya. At lalong nag-alab ang
kanya pakiramdam ng hawakan ng dalaga ang kamay nung lalake.
Sinuntok nya ang tubig dahil sa nakita. Lumabas ang pangil at mga ugat nya sa
katawan.
Napupuyos sya ng galit dahil nagseselos sya.
"Yun lang ang maaari ko ipakita, empre. Kung ako sayo ay wag muna ilapit ang iyong
loob sa anak ng hikaros. Dahil isa silang kaaway. Hindi kayo itinadhana para sa
isa't-isa." payo ni fei.
Hindi nya pinansin iyon.. Lumabas sya paalis sa lugar ni fei.
Kailangan nya makuha ang dalaga. Lalo't hindi sya mapapanatag na may lalaki
umaaligid sa kanya mahal.
Sa kanya lang ito. Hindi sya papayag na makuha ito ng iba.
"Akin ka lang, mahal ko. Hintayin mo ako at magsasama tayo muli." bigkas nya at
nakapagdesisyon na sya.

Kabanata 12 - Bulaklak
Hindi alam ni francine pero hindi sya makatulog. Lalo't hindi sya sana'y sa mundo
inaapakan nya ngayon. Bumangon sya sa higaan at naisip na maglakad-lakad muna.
Nagtungo sya sa pinakadulo ng pasilyo at naisipan nya tanawin ang bituin sa langit.
Bilog ang buwan at tila may pinapahiwatig ito.
"Tila may pinagdiriwang ngayon sa mga sitirian."
Napalingon sya sa gilid nya at hindi nya namalayan na nasa tabi na nya si cyrus.
"Anong ibig mong sabihin?" kuryosidad nya tanong.
Tumalikod ito para isandal ang likod sa pasimano ng dulo ng harang ng pasilyo.
"Pag ang buwan ay bilog na bilog at napapalibutan ng pulang ulap. Hudyat iyon na
may pares na bampira na nasa mataas na antas ang mag-iisang dibdib ngayon."
paliwanag nito.
"Sitirian? Ano yun?" natanong nya dahil hindi sya pamilyar sa salita iyon.
"Sitirian na lahi ng kalaban natin bampira. Ang lahi ng lalaki kumuha sayo mula
sayong ina." sabi nito.
"Ibig sabihin na may ikakasal sa lahi nila randall?"
"Sino ba ang mataas na antas sa pamilya nila? Sino ba ang itinakda hahawak ng trono
ng ama ng pamilya nila?"
Dahil sa sinabi nito ay naintindihan na nya. Ibig sabihin si randall ang ikakasal?
Pagak sya natawa at tumalikod kay cyrus para punasan saglit ang tumulo luha nya.
"Si randall pala ang ikakasal. Mabuti naman at nakakita sya ng babae papakasalan
nya." pinasigla nya boses para hindi ito maghinala na may kirot sya naramdaman
dahil sa kanya nalaman.
"Kahit na hindi sya maghanap. Meron parin nakatadhana sa kanya. Pag oras na ikasal
na sya sa babae napili ng hari nila para sa kanya, yun din ang oras na ipapasa na
sa kanya ang korona bilang hari." pagkukwento pa ni cyrus. Tumango sya at pinakita
dito na intersado sya.
"Ganun pala. Edi ibig sabihin din no'n. Pag nakahanap na si ama ng aking
mapapangasawa ay magiging bago na rin ang hari?" tanong nya rito at humarap na muli
sa tanawin.
"Hindi katulad ng sa sitirian. Hindi pinipilit ang pag-iisang dibdib ng mga nasa
mataas na antas sa atin. Kung sino man ang maibigang mapangasawa ng susunod na
uupo, ay tinatanggap iyon ng lahi natin. Gaya ng sabi ng iyong ama.. Aanhin mo ang
trono kung hindi ka naman masaya sa magiging kapalit nito." nakangiti nito sabi
tila tumatak talaga sa isip nito ang salita sinabi ng kanya ama.
"Tila kilalang-kilala mo ang aking ama. Parang lahat ng kanya sinasabi ay tinatatak
mo sa iyong isipan." nakangiti nya ani.
"Bata palang ay hinahanga ko na ang iyong ama. Sya ang dahilan kung bakit ako
nailigtas mula sa gyera noon ng hikaros at sitirian. Dalawa ang kanya pagpipilian
noon.. Sagipin ang nasusunog na palasyo o ako na hinulog mula sa mataas na bangin."
hanga-hanga nito pagkukwento. "Hindi ko inaasahan noon na mas sasagipin ng iyong
ama ang katulad ko na wala naman halaga kumpara sa palasyo. Nasagip nya ako pero
ang palasyo ay tuluyan ng nilamon ng apoy. Kaya naman ang lahi ng hikaros ay walang
matirahan at sa gubat ang naging kampo. Naaawa kami noon sa mahal na hari, dahil
ang alaala ng kanya magulang ay nawala na. Kahit na may ngiti at matapang sya
humaharap sa amin, ramdam namin ang kalungkutan sa kanya mata. Kaya nga nung isang
araw na may bitbit na isang binibini ang hari; ang iyong ama. Sugatan ito at walang
malay. Hindi namin noon maunawaan kung bakit dinala ng iyong ama iyon sa kuta.
Dahil alam namin na isang mortal ang binibini. Pero hindi na kami nagkomento pa.
Lalo't nang makita namin ang pag-aalalaga ng iyong ama sa binibini. Noon lang namin
sya nakita ngumiti habang pinagmamasdan ang isang binibini. Wala pa noon babae na
nakapagpaibig sa iyong ama. Ngunit ng dahil sa binibini ay parang nagkaroon muli ng
kulay ang buhay ang aming hari."
"Ibig sabihin si nanay ang binibini na iyong tinuturo?" paniniguro nya.
"Oo. Sya nga. Hindi na inibig pang umuwi ng iyong ina sa pamilya nya. Sa kadahilan
ay pinaslang ng sitirian ang kanya magulang ng sila ay naghahanap ng kahoy sa
kagubatan. Kaya sya noon may sugat dahil sa pagkalupit na sinapit nya sa mga
sitirian."
Napakuyom sya ng kamay dahil talaga pala mga ganid ang lahi nila randall. Kaya
hindi sya magtataka kung pati ito ay nahawa sa ugali ng kalahi nito.
"Cyrus.." tawag nya rito habang nakatingin sa buwan na pawala na.
"Ano yun, mahal na prinsesa?" baling nito.
"Maaari mo ba ako turuan na makipaglaban?" buong loob nya pakiusap rito.
"Ngunit baka hindi pa kayanin ng iyong katawan. Lalo't kakarating mo lang din
dito." alanganin nito sabi.
"Kaya ko. Pakiusap.. Tulungan mo ako maging magaling sa pakikipaglaban. Ayoko
dumating ang araw na isakripisyo muli ng aking ama ang palasyo pag ako naman ang
nasa panganib. Gusto ko ipagtanggol din ang ating lahi. Kaya nakikiusap ako."
nagmamakaawa nya pakiusap rito.
Humugot ito ng malalim na hininga at pagkaraan ay ngumiti. "Kung iyan ang iyong
nais, tutulungan kita. Pero pag hindi muna kaya ay maaari ka ng tumigil. Dahil
narito naman ako at ibang kasapi na handang ipagtanggol kayo." bilin nito.
Ngumiti sya at hindi nya mapigilan na mayakap ito sa tuwa. Napansin nya na para
nanigas ito sa kinatatayuan kaya bumitaw sya ng may marealize.
"Patawad.. Masyado lang ako natuwa sa sinabi mo." nahihiya nya sabi.
Napatikim ito at pagkaraan ay ngumiti din agad. "Walang anuman. Bukas bago
magpakita si haring araw. Dapat ay gising ka na. Upang ang katawan mo ay magising
din at hindi maging malata." bilin pa muli nito.
"Oo. Susundin ko. Sige, magpapahinga na ako." sabi nya rito.
Tumango ito kaya tumalikod na sya.
-
Maaga palang ay sinikap nya magising tulad ng kanila napag-usapan ni cyrus.
Nagpahanda sya sa isang tagasilbi ng kanya susuotin pang ehersisyo. Isang tela
madulas na gawa pa sa dahon ng mia. Isang dahon na matibay at maaari gawin kasuotan
pag binababad sa tubig at araw at tsaka tatahiin. Kulay itim iyon na kanya
nagustuhan. Maging ang kanya sapin sa paa ay gawa sa matibay na tela na bumabalot
sa kanya paa.
Ang kanya buhok ay nakatarintas na pagapang para hindi maging sagabal sa kanya
pang-eensayo.
Lumabas na sya ng kanya silid para lumabas ng palasyo at magtungo sa kalsero, kung
saan naroon ang lugar kung saan nag-eensayo ang mga mataas na antas ng hikaros.
Nahihiya sya sa binibigay na paggalang ng mga hikaros sa kanya. Lahat ng madaraan
nya ay yumuyukod pag dumadaan sya.
Lumapit sya kay cyrus na nakasuot na rin ng pang ensayo kasuotan. Kulay puti iyon
kaya para talaga silang magkalaban.
"Magandang araw, mahal na prinsesa." pagbigay galang nito at yumukod.
"Naku! Wag ka ng gumalang. Nakakahiya." pigil nya rito.
"Hindi maaari ang iyong gusto. Sapagkat iyon talaga ang patakaran dito," sabi nito.
"Halika at tayo'y magsimula na," aya nito at kumuha ito ng dalawa parang arnis.
Lumapit muli ito at inabot iyon sa kanya na agad nya inabot. "Doon muna tayo kung
paano mo ipapalo yang hawak mong kahoy sa kalaban. Dapat ay maging maliksi ka at
maagap ang iyong mata. Maging ang iyong pandinig upang mahulaan mo kung saan
patungo ang ipapalo sayo ng kalaban." pagtuturo nito.
Lahat ng sinasabi nito ay tinatatak nya sa isipan. Ayaw nya baliwalain ang oras na
ginugol nito para turuan lang sya.
"Ibuhos mo ang lahat ng pwersa mo ngunit wag mo ubusin ang lakas mo. Isipin mo ang
mga bagay na nagbibigay sayo ng galit. Isipin mo sya ang kaharap mo ngayon."
Gaya ng sabi nito ay inisip nya ang tao nagbibigay sa kanya ng galit sa puso nya
ngayon. At hindi sya nabigo. Sapagkat nakikita nya ang mukha ni randall. Nagseryoso
sya at galit na pinalo rito ang kanya armas.
"Ahhhh!!!" sigaw nya pagkapalo nya. Nakikipagtagisan sya ng palo at gumamit din sya
ng paa para sipain ito. Pinalo nya ang tiyan nito kaya napaluhod ito. Nahuli nya
ang sandata nito at hinagis sa malayo. Tinapat nya ang arnis sa leeg nito habang
hinihingal na matapos sila.
"Magaling! Magaling! Aking anak!"
Napatingin sila sa kanya ama na kasama ang kanya ina na nakangiti sa kanila.
"Magaling ka talaga magturo, cyrus." papuri ng kanya ama kay cyrus. Tumayo ito at
yumukod bilang paggalang.
"Ginawa ko lamang po ang aking tungkulin, mahal na hari." magalang na tugon ni
cyrus.
"Kahit pa.. Natutuwa ako at tinulungan mo ang aking anak. Madali sya natuto agad."
sabi muli ng kanya ama.
"Ginabayan ko lamang sya at sya mismo ang nagkusa paano nya tuturuan ang sarili,
Mahal na hari."
"Hahaha.. Ayaw mo talaga na pinupuri kita, cyrus." natutuwa sabi ng kanya ama.
Natigil ang katuwaan nila ng lumapit si sari.
"Mahal na hari at reyna, nagpadala ang kaharian ng mga lobo para sa isang
paligsahan. Lahat ay imbitado at lahat ay hinihikayat na maghanda ng kalahok na
isasali." balita ni sari.
"Gano'n ba. Kung gano'n ay kailangan pala natin i-ensayo ang ating mga sasali sa
paligsahan." sabi ng kanya ama.
"Bakit po kailangan pa natin sila sundin? Tsaka kailangan ba talaga dumalo?"
naguguluhan nya tanong sa mga ito.
"Kasi ang mga lobo ang hindi tumitingin ng kaaway sa mga bampira. Pag nangailangan
tayo ng tulong sa kanila, ay agad sila darating para sumaklolo. Sa ganito bagay ay
kahit paano makiisa tayo sa kanilang gawain pag sumasapit ang buwan ng pagpapalit
nila ng anyo." paliwanag ng kanya ama. Tumango sya dahil naintindihan na nya.
Pagkatapos ng pag-uusap nila na iyon ay naisipan nya maglakad-lakad.
"Gusto mo ba makita ang lawa sa dulo ng bangin?" tanong ni cyrus na hindi nya
napansin na nakasunod pala.
"Meron pala lawa dito. Sige, saan? Para kahit papaano ay malaman ko ang pasikot-
sikot sa lupain ito." nakangiti nya pag sang-ayon.
"Hintayin mo lang ako saglit at kukunin ko ang kabayo." sabi nito kaya tumango sya.
Naupo sya sa isang bato sa harap ng tarangkahan. Nakapalumbaba sya ng bigla may
isang ibon na dumapo sa hita nya. May bulaklak itong nilapag, pagkaraan ay lumipad
na. Naguguluhan sya bakit nito sya binigyan ng bulaklak.
"Ho! Ho! Ho!"
Napalingon sya kay cyrus ng marinig ang boses nito at yapak ng kabayo. Tumayo sya
at hinintay itong makalapit.
"Halika, mahal na prinsesa." aya nito at naglahad ng kamay..
"Pero hindi ako marunong sumakay ng kabayo. Baka mahulog ako." natatakot nya sabi
rito...
"Hindi kita hahayaan mahulog. Tiyak na malalagot ako sa iyong ama pag nangyari
iyon." nakangiti nito sabi kaya napangiti sya.
Inabot nya ang kamay nito kaya hinatak sya nito paakyat. Napahawak sya sa damit
nito dahil baka mahulog sya.
"Kumapit ka, mahal na prinsesa. Paliliparin ko na si wayo."
"Paliliparin? Anong ibig-- AHHH!!" hindi na nya natatapos ang sasabihin ng bigla
lumipad ang kabayo. Akala nya ay tatakbo ito. Ngunit ng maalala nya na hindi nga
pala ordinaryo ang mundo kinatatayuan nya.
Nakapikit sya habang kapit na kapit kay cyrus. Ang lakas ng kaba nya dahil parang
lumulutang ang kanya kaluluwa.
"Dumilat ka at pagmasdan mo ang ganda ng lupain ng hikaros, mahal na prinsesa."
wika ni cyrus.
Kaya dahan-dahan nya idinilat ang kanya mata. Hanggang sa makita nya ang sinasabi
nito. Napamaang sya sa ganda ng lupain ng hikaros. Hugis korona ang palasyo at
napapaligiran pala ng bulaklak ang paikot ng palasyo.
"Wow! Ang ganda nga." namamangha nya pagsang-ayon.
"Mas maganda pa pag nasa lawa na tayo." sabi nito kaya lalo sya naaatat.
-
Kabilang banda ay may isang lalaki napupuyos sa selos at galit. Nilapag ng inutusan
nya ibon ang bulaklak na pinabibigay nya kay francine. Nabitawan iyon ni francine
dahil sa lalaki umagaw ng atensyon nito.
"Halika na, rigo." aya nya sa kanya kawal. "Sa susunod na pagtungo ko rito.. Hindi
ko kakalimutang balikan ang umagaw ng atensyon ng mahal ko." banta nya.
Tumalikod na sya at naglaho.

Kabanata 13 - Pagtutuos
Sa palasyo ng mga lobo ay nagdatingan na ang mga inaasahan bisita. Madami dumalo na
iba't-ibang lahi ng nilalang. Kasama na ang mga pambato ng sitirian at ang nasa una
ay ang bagong hari ng sitirian na si randall. Katabi nya ang ipinakasal sa kanya si
danika na wala naman sya pakialam. Kapangyarihan lang ang hinangad nya upang makuha
si francine. Nasa tabi din nya ama, ina at kapatid nya si rapha.
Sinalubong sila ng pinuno ng mga lobo na si harrison. Nagbigay sila ng alay para sa
mamaya seremonya.
Hindi nila alam na sabay din nilang dumating ang mga hikaros. Sa pamumuno ni Uriko
at katabi nito ang mag-ina nya; si gaina at francine.
At sa tabi ni francine ay si cyrus..
Nagtagpo ang dalawa grupo at nabigla si francine na si randall pala iyon. Nakasuot
ito ng pormal suit ngunit gaya ng sa ama nya na makikita mo ang pagkahari nito.
Napatingin sya sa babae katabi ni randall na tingin nya ay ito ang napangasawa
nito. Maganda at tila mahinhin. Ito ung babae na bisita noon ng agustin na
pinagluto pa nila. Humawak ito sa braso ni randall kaya nag-iwas sya ng tingin.
Habang si randall naman ay agad na tinignan ang mga hikaros. Una nya tinignan ang
lalaki sa gitna na tila hari ng hikaros. Seryoso ang mukha nito at makikita mo ang
pagkaawtoridad sa awra nito. Ito na siguro ang sinasabi ama ni francine. Tumingin
sya sa kanan nito na ina ni francine na may galit sa mukha na nakatingin sa kanila.
Hinanap nya si francine ngunit ang nakita nya ung lalaki lagi nakadikit kay
francine. Napakuyom sya ng kamao sa pagnanais na mapaslang ito. Pero kinontrol nya
ang emosyon at tumingin sa katabi nito na tingin nya ay isang babae, base sa
postura nito. Nakasuot ito ng itim na kamiseta at buong katawan ay balot at pati
ang mukha nito ay may tela nakatabing para takpan ang ilang bahagi ng mukha nito.
Ang tangi kita lamang ay ang mga mata nito na kilalang-kilala nya.
Humakbang sya ngunit pinigilan sya ng kanya ama.
"Wag mo ituloy, anak. May asawa ka na." pagpigil at pag-aalalanan nito sa kanya.
Hinawi nya ang kamay nito at seryoso nya ito tinignan.
"Wala ako pakialam. Ako na ang hari dito at gagawin ko kung anong gusto ko." mariin
nya sabi.
"Tingin mo hahayaan ka nila makalapit sa anak nila. Nagkakamali ka. Dahil malaki
ang alitan ng ating lahi sa lahi nila, kaya hindi nila hahayaan makalapit ka. Lalo
na dahil anak pala ni uriko ang babae iyon. Tiyak na mas ninanais nila matungo ang
anak nila sa kapwa nila hikaros."
Lalo nagalit ang loob ni randall dahil sa sinabi ng ama. Napatingin sya kay
francine at nagdilim ang mukha nya ng makita ang paghawak ng lalaki katabi nito sa
dalaga. Hindi sya nakatiis kaya lumapit sya sa mga ito. Dinig nya ang pagtawag sa
kanya ng ama nya at ni danika, pero hindi nya pinakinggan.
Agad naman kumilos ang mga hikaros upang harangan si randall. Nagulat si francine
sa bigla paglapit ng binata. Inilagay sya ni cyrus sa likod nito upang protektahan
laban kay randall.
"Anong dahilan mo at naglakas loob ka lumapit, hari ng sitirian." sarkisto sabi ni
uriko.
Hindi nagpatinag si randall at tumingin kay cyrus ng masama bago nya balingan ang
babaeng mahal nya na nagtatago sa likod nito.
"Hindi ko gusto makipag-away sayo.. Nais ko lang makita ang anak nyo." sabi nya.
"Wala sya dito, kaya umalis ka sa harapin namin." seryoso sabi ni uriko sa lalaki
alam nya may pagsinta sa kanya anak.
"Alam ko sya ito. Kahit magtakip pa sya ng mukha, alam ko." nakangisi nya sabi.
"Wala kami pakialam sa sinasabi mo. Dahil kahit kailan hindi namin nais mapunta sa
isang sitirian ang aming anak." singit ni gaina. Kumukulo na ang dugo nya sa
kaalaman na isa itong sitirian at hari na pala. Sila ang dahilan kung bakit namatay
ang kanya magulang.
"Halika na. Ayoko masira ang ating lahi sa pinuno ng mga lobo." singit ni uriko at
pinigil na ang asawa.
Lumakad na ang mga hikaros at nilagpasan si randall na nakasunod ng tingin kay
francine.
"Randall, ano bang iniisip mo at nagawa mo pa lapitan ang mga hikaros?" sabi ng
kanya ama na lumapit sa kanya.
"Sabihin nyo nga, may ginawa ba kayo kung bakit ganun ang galit ng hikaros sa
atin?" seryoso nya tanong sa ama, habang nakatalikod parin sa kanya ama.
"Wala. Sila ang nag-umpisa ng pagkakaroon ng alitan ng ating lahi sa kanila."
tanggi ng kanya ama.
Napahinga ng malalim si randall at nauna na pumasok sa loob. Sumunod sa kanya ang
ama at kalahi nila.
-
Sa kanang bahagi kung saan ang pwesto ng mga hikaros. Habang sa kaliwa ang mga
sitirian na kakaupo lang. At sa gitna bahagi naman ay ang iba pang bisita nilalang.
Hindi naman mapakali si francine dahil kanina pa nya ramdam ang tingin ni randall
sa kanya. Nagtakip na sya ng mukha, nakakilala parin sya nito.
"Cyrus, wag mo hahayaan iwanan ang anak ko sa ano mang oras. Natitiyak ko may
binabalak ang hari ng mga sitirian sa akin anak." bilin ni uriko kay cyrus na
katabi nya.
"Masusunod, mahal na hari. Sisiguraduhin ko na hindi nito malalapitan ang
prinsesa." tugon ni cyrus.
Kanina pa kasi nya napapansin ang pagtingin nito sa kanya anak. Natitiyak nya may
binabalak ito at iyon ay hindi nya hahayaan mangyari.
"Ikinagagalak namin ang inyo pagdalo. Kaya naman ay mayroon kami mahiwagang inumin
na pampalakas ng katawan bago magsimula ang pagtutungali." wika ni harrison at
tinaas ang isang uri ng inumin na sinasabi nito.
Nagtaas ang lahat ng kanilang inumin at sabay-sabay na ininom. Ngunit hindi si
francine na tinitignan kung masarap ba iyon? Tinikman nya ngunit napangiwi sya sa
lasa. Parang abdo kaya hindi na nya tinuloy ang nakakadiri inumin.
"Ngayon ay maaari na natin umpisahan ang pagtutunggali ng bawat partido. Magpunta
dito sa aking tabi ang sasabak sa archery." wika ni harrison.
Tumayo ang pambato ng sitirian, hikaros at iba pang partido. Labanan ng palayuan
makapana ang tema. Ang una sumabak ay ang sitirian. Sa unang tama ay nakakuha ito
ng pula flag. Ibig sabihin ay hindi umabot sa yellow flag na mismo batayan ng
pinakamalayo. Sumunod ay sa ibang partido na kalahok. Nakakuha ng puti ito, ibig
sabihin ay mababa pa sa pula. Ang sumunod naman ay ang hikaros na partido nila
francine. Napadasal tuloy si francine na sana ay manalo sila. Dahil ang mananalo ay
magkakaroon ng karagdagang armas na sabi ng kanya ama ay kinakailangan ng lahi
nila.
Tumira na si owi na isa sa pinakamagaling sa pagpapana sa lahi nila. Kaya malaki
ang tiwala ni uriko dito.
Pumana na ito at lahat sila tinignan ang iaanunsyo. Nagtaas ng dilaw na flag kaya
halos mapatayo si francine sa tuwa. Napayakap sya kay cyrus dahil sa tuwa.
Napabitaw din sya ng parang may pwersa nagpahiwalay sa kanila. Nagtataka sya
napatingin kay cyrus na nagtataka din.
Napatingin sya sa katapat nya si randall na masama nakatingin sa kanila. Tila alam
na nya kung sino ang may kagagawan. Hindi nalang nya ito pinansin at sa naglalaban
nalang sya tumingin.
Natapos ang laban ng manalo ang lahi nila. Kaya masayang-masaya ang lahi nila dahil
may karagdagan na armas na sila.
"Sino ang gusto sumabak ng lakas laban sa lakas. Ang mananalo ay maaari humiling ng
kapalit sa akin. At kung ano man ang nais ay dapat na tuparin, at walang maaaring
pumigil." nakangiti sabi ni harrison.
Napasinghap ang lahat maging si francine nang si randall ang tumayo. Umakyat ito sa
taas at tumingin sa lahat ng manonood.
"Bagong hari ng mga sitirian. Nakakagulat na tila gusto mo ng kapalit? Subalit hari
ka na at natitiyak ko kaya mo makuha ang nais mo." wika ni harrison.
"Hindi lahat. Kaya kailangan ko itong paligsagan mo, hari harrison." sabi ni
randall.
"Babae ang natitiyak ko." makahulugan bulong ni harrison.
Ngumisi lang si randall at tumingin sa gawi ni francine. Titiyakin nya mananalo sya
at isa lang ang gusto nya kapalit.
"Sino ang gusto mo maging kalaban?" tanong muli ni harrison.
"Sya. Ang pinuno kawal ng mga hikaros." turo ni randall kay cyrus na katabi ni
francine.
"Tinatanggap mo ba ang hamon ng hari ng mga sitirian?" tanong ni harrison.
Matapang na tumayo si cyrus at sinagot ang pinuno ng mga lobo.
"Malugod ko tinatanggap."
"Kung gano'n ay halina, upang maumpisahan ang iyon laban. Natitiyak ko pareho kayo
may pinanghuhugutan." sabi ni harrison.
Maglalakad sana si cyrus ng pigilan sya ni uriko.
"Cyrus." ani ni uriko. "Galingan mo. Dahil alam ko na may pinaplano ang hari ng
sitirian." bilin nito.
"Masusunod, mahal na hari." tugon ni cyrus at umakyat na sa taas.
Kinuha nya ang espada sa likod nya habang nakatingin kay randall na nakahanda na
rin. Nag-ikutan sila habang hindi pa sinasabi ang hudyat na maaari na sila
magsimula.
"Magsimula na!" anunsyo ni harrison na nakaupo na sa kanya trono.
Agad na nagtamaan ng espada ang dalawa. Gumamit din sila ng kanya-kanya martial art
technique sa pagsipa.
Nag-gigitgitan sila ng espada at humagis ang espada ni cyrus ng hindi nya nakayanan
ang lakas ni randall.
Ngumisi si randall dahil tila mahina pala ang kaharap nya. Pero nabigla sya ng
sipain sya nito sa tiyan na kinaatras nya. Sinuksok nya ang espada at nagmano-mano
sila.
Sumuntok ito kaya umiwas sya at hinawakan ang braso nito at binuluktot sa likod
nito.
"Mahina ka pala, malayo pa ang kakainin mo." sabi ni randall..
"Malakas ka nga, pero aanhin mo naman kung hindi ka naman makakalapit sa prinsesa
namin? At kailanman ay hindi mo makakamit." pambawi ni cyrus at yumuko sya para
maalis sa pagkakapulupot ni randall sa braso nya.
Nagtagis ang bagang ni randall sa sinabi nito. Sinutok nya ito sa mukha pero
binawian sya.
Pero hindi nya uurungan ito. Dahil tanging ito lang ang paraan ang tangi nya hawak.
Sinutok nya ito sa sikmura at pinalo sa batok na kinahimatay nito. Napangiti sya ng
tagumpay dahil napatumba ito.
"Cyrus!" napalingon sya kay francine na umakyat ng entablado at lumapit sa walang
malay na kawal.
Niyugyog nito iyon ngunit tulog na ito. Lumapit sya kay francine at hinawakan sa
balikat. Ngunit hinawi nito iyon at tumayo bago humarap sa kanya. Tanggi mata lang
nito ang nakikita nya.
"Hindi ako papayag na matalo kami, hari ng sitirian." mariin nito sabi at sinutok
sya ng kinabigla nya. Napahiga sya at napapahid sya sa labi ng may malasahan sya
dugo. Hindi nya akalain na marunong na pala ito sa pakikipaglaban.
Aapakan sana sya ni francine sa tiyan ng umilag sya. Lihim sya napangiti dahil tila
maganda laban ito.
Sumuntok ito pero iniwasan nya. Kinuha nya ang braso nito at mahigpit na hinawakan.
Humawak sya sa bewang nito at hinapit. Hinalikan nya ito sa pisngi na kinapiglas
nito. Inapakan sya nito sa paa kaya nakawala ito sa kamay nya. Masakit ang pag-apak
nito pero binaliwala nya. Nakangiti parin sya at mas lalo naexcite.
Sisipain sa sya nito ng hawakan nya ang binti nito at hinatak muli palapit sa
kanya. Hinawakan nya muli ang bewang nito at tinignan ito sa mata.
"Wala ka kawala." nakangiti nya sabi rito.
Nagpupumiglas ito pero hindi nya na hahayaan makatakas ito. Yumuko sya at binuhat
ito ng parang sako ng bigas.
Tumingin sya sa hari ng lobo na nakangiti tumayo.
"Ano ang iyong kahilingan, hari randall?" nakangiti nito sabi.
"Sya ang aking kahilingan." nakangiti nya sabi at mahigpit na humawak sa binti ni
francine na nagwawala.
"Hindi maaari ang iyong kahilingan. Anak ko sya at hindi bagay." galit na wika ni
uriko at umakyat na rin ng entablado.
"Pero iyon ang kahilingan ng nanalo, uriko. Batas ay batas sa lupain ko." wika ni
harrison.
Napakuyom naman ng kamao si uriko, dahil hindi sya maaari pumutol ng batas ng mga
lobo.
"Tay! Tulungon nyo ako!" sigaw ni francine na nagpupumiglas parin.
"Anong kahilingan ang nais mo, hari ng sitirian?" mariin na tanong ni uriko.
"Gusto ko sya maging asawa." seryoso sabi ni randall.
"Hindi pwede iyon. May asawa ka na at may iba ako nais na mapangasawa ng aking
anak." galit na sabi ni uriko.
"Anong sinasabi mo, randall? Bago ka palang sa iyong asawa si danika." singit ng
ama nya.
"Ako ang masusunod rito, ama. Ako na ang hari at ang kagustuhan ko ang masusunod."
seryoso nya sabi.
"Iyon na ang nais ng nanalo. Dahil dito ka nanalo, dito mo lang maaari mabasbasan
ang iyong hiling, hari randall." wika ni harrison para matigil ang diskusyon sa
pagdiriwang nila.
Agad na napangiti si randall sa sinabi ni harrison. Tila napakaganda ng pangyayari
ito. Madali lang sa kanya makuha muli si francine.
"Mga kesya! Bihisan ang babae hikaros. Para maumpisahan na ang seremonya." utos ni
harrison sa kanya mga kesya tapaglingkod.
Agad na binaba ni randall si francine. Ngunit hindi nya inaasahan ang ginawa nito
pagsuntok sa tiyan nya.
"Hindi ako magpapakasal sayo!" galit nito sabi at magtutungo sana si francine sa
ama nya ng hawakan sya ng dalawang babae kesya.
Nagpumiglas sya at tumingin sa ama upang manghingi ng tulong.
"Anak, hindi maaari mabali ang nais ng hari ng lobo. Dahil pag-uumpisahan iyon ng
pag-aaway ng lahi natin sa lahi ng mga lobo.." paliwanag ng ama nya.
Nagpupumiglas na humarap sya kay randall.
"Bawiin mo ang kahilingan mo. Iba nalang." pakiusap ni francine kay randall.
"Hindi ko babawiin." seryoso sabi ni randall.
"Napakasama mo talaga! Ayoko! Ayoko na sayo!" galit na pagsusumigaw ni francine.
"Sige na. Bihisan nyo na sya." seryoso utos ni randall.
Gaya ng sabi nya ay dinala na si francine ng mga kesya..
"Randall, isang kamalian ang nagawa mo." galit na sabi ng kanya ama.
"Hindi nyo na ako madidiktahan. Dahil ako na ang hari. At ako ang makakapagsabi
kung tama o mali ang nangyayari." seryoso nya sabi at humarap sya kay harrison.
"Salamat sa pagtupad ng kahilingan ko." pagpapasalamat nya rito.
"Batas dito sa lupain ko ang masusunod. Pero pag-alis nyo rito ay wala na kami
kinalaman sa maaari kahantungan ng nais mo." pahayag ni harrison.
"Oo. Pangako, hindi kayo madadawit sa ginawa ko. Dahil kung ano man mangyayari sa
araw na ito ay hindi ko pagsisisihan." sagot ni randall.

Kabanata 14 - Propesiya
Busangot ang mukha ni francine habang inaayusan sya ng mga kababaihan. Dinala sya
ng mga ito sa isang silid na puro pampaganda at mga damit ng babae ang makikita.
May malaking salamin sa harap nya habang nilalagyan sya ng mga palamuti sa mukha at
buhok.
Kinakabahan din sya sa mangyayari. Hindi nya alam kung ano ba ang plano ni randall
at nais pa syang pakasalan nito kung may asawa na ito. Nais nya na tumakas pero ang
lalakas ng babaeng nakapalibot sa kanya. Para bang mga bakal ang mga kamay.
Nagbalik sya sa sarili ng may humawak sa balikat nya.
"Tapos na kaming ayusan ang iyong mukha. Tumayo ka binibini para maisuot mo itong
kasuotan na sinusuot ng aming lahi." sabi ng babaeng tila pinakalider ng grupong
babae. Tumayo sya dahil baka mainis ito sa kanya. Mga seryoso lamang ang mababakas
sa mga mukha nito kaya kinakabahan din sya baka sapakin sya bigla ng mga ito, pag
hindi sya sumunod.
Pinasuot sya ng isang parang gown pero mahaba ang mga manggas at halos matakpan ang
kamay nya. Kulay red ito na parang mga suot ng mga koreana na nakikita sya sa T.V.
Para tuloy syang gesha sa ayos nya. Mapula ang labi at marosas ang makabilang
pisngi. Habang ang buhok nya ay pinusod habang tinarintas ang dulo.
Nilagyan din sya ng kolorete sa buhok na mga pearl na tumatakip sa noo nya habang
nakaikot iyon sa ulo nya.
"Handa na ba ang binibini?" biglang sabi ng isang lalaki na nagbabantay sa labas.
"Magsisimula na ang seremonya." sabi pa nito.
"Handa na." sabi ng pinakaleader ng babaeng kesya.
Napalunok si francine dahil bigla syang nanlamig. Napasiklop sya sa kanyang kamay
ng manlamig iyon sa kaba. Gusto nya batukan ang sarili dahil para syang naeexcite
na kinakabahan. Pinaalalanan nya ang isip na wala lang iyon at isa lamang na kasal-
kasalan ang magaganap. Parang laro lang. Kaya wag dapat syang umasa.
Habang sa lugar kung saan gaganapin ang seremonya ng kasal. Ay hindi mapigilan ni
randall na pakali. Kung sa kasal nila ni danika ay bagot na bagot sya, pero ngayon
ay ibang-iba. Para syang kinakabahan at gustong hilain ng oras sa tagpong kasal na
sila ni francine.
"Randall, umatras ka sa plano mo. Hindi maganda sa propesiya sa lahi natin ang nais
mo. Tiyak na magagalit ang ating mga kalahi na naiwan sa palasyo pag nalaman ang
pagpapakasal mo sa isang hikaros." pagpigil ng kanyang ama.
"Kahit ano pang sabihin nyo, hindi ko pagsisisihan ang plano ko. Pagbigyan nyo lang
ako kahit dito. At pagkatapos nito ay titiyakin ko ang kasaganahan ng ating lahi."
sabi ni randall sa ama.
"Oras na pakasalan mo ang anak ng hari ng hikaros. Hindi mo na mapipigilan kung ano
man ang maaaring mangyari. Tiyak na mamalasin ang ating lahi. Makukuha mo ang nais
mo pero tiyak na hindi ka matatahimik sa gagawin mo." paalalanan sa kanya ng
kanyang ama.
Hindi nya pinansin iyon dahil nakita nya ang pagpasok ni francine. Napangiti sya sa
ayos nito. Lalo syang nabibighani sa kagandahan nitong taglay. Kahit na busangot
ang mukha nito ay hindi maaalis ang ganda nito.
Nakasuot sya ng puting tuxedo at may pulang kapa sa likod, bilang senyales ng
pagiging hari nya. Nakagloves na puti ang kanya kamay. At may gintong korona na
panghari din na nakapatong sa kanyang ulo.
Hindi tumitingin sa kanya si francine bagkus sa sahig lamang nakapokus ang paningin
nito. Nang makalapit ito ay naglahad sya ng kamay ngunit hindi nito iyon kinuha.
Ngumiti sya at sapilitan nya kinuha ang kamay nito na kinaangat ng tingin nito.
Ngumiti sya pero sinamaan sya ng tingin nito.
Kahit ano pang ang gawin nito ay walang ibang makakapawi ng saya ng kanyang
nararamdaman. Dahil sa oras na ikasal na sila ay isasama na nya ito pauwi sa
kanyang palasyo.
Pilit inaalis ni francine ang kamay mula sa pagkakahawak kay randall. Pero ayaw sya
nitong bitawan. Nagsisimula na ang seremonya at hindi nya alam kung ano ang
gagawin.
Napatingin sya sa magulang nya na nahahabag na nakatingin sa kanya. Alam nya na mga
walang magawa ang mga ito. Dahil ayaw din ng mga ito na masakripisyo ang mga kalahi
ng dahil sa kanya. Ramdam nya na malaki ang paggalang ng kanyang magulang sa mga
lobo. Ngunit hindi nya alam kung ano ang nagawa ng mga lobo sa mga lahing bampira.
"Narito ako bilang hari ng mga lobo, upang basbasan ang dalawang taong ito sa aking
harapan na sa magkaibang lahi ng bampira. Ang kaganapan na ito ay para tuparin ang
hiling ng haring nanalo sa aking ginawang paligsahan. Kaya bilang ako ang
pinakamataas na antas sa lobo man at sa lahi ng bampira, ang kasal na ito ay hindi
maaaring hadlangan ng sino man.. Dahil oras na may tumutol ay parang hindi na din
ako ginalang bilang nakakataas. Kaya magpunta sa harap ang may pagtutol." mahabang
lintaya ni harrison.
Marami ang hindi nakaalam na ang isang harrison ang ginagalang ng lahi ng mapalobo
man o bampira. Dahil sya ang isa sa hinihingan ng tulong pag nagkaroon ng krisis sa
ano mang panig. Kaya malaki ang utang na loob ng mga bampira rito. Lalo na si
uriko. Dahil ng malagay noon sa panganib ang buhay ng kanyang nasasakupan ay dito
sya humingin ng tulong.. Tulong na mabuhay ang kanya nasasakupan mula sa krisis
nung panahon na wala na ang kanyang magulang at naiwan sya na hindi pa alam kung
paano pamumunuan ang kanilang lahi. Kaya ng sabihin nito ang batas laban sa
pagpapakasal sa kanyang anak ay wala sya magawa. Pero pag alis nila dito ay gagawa
sya ng paraan para maitakas ang anak. Hindi sya makakapayag na madala ang anak nya
sa lugar ng mga sitirian. Dahil tiyak na mapapanganib lang ang buhay roon ni
francine.
Walang nagtangkang humadlang sa sinabi ni harrison kaya pinagpatuloy na ang
seremonya.
Nagulat si francine ng hawakan ng mga kesya ang kamay nya. At ang lalo nya
kinagulat ng itapat sa pulso nya ang isang kutsilyong ginto. Nagpumiglas sya pero
napahiyaw sya sa sakit ng hiwain na ang kanya pulso. Sinalok ng isang kopikang
gintong baso ang dugo umagos mula sa pulso nya.
Kinuha ni randall ang kamay ni francine na nanghihina dahil hindi makayanan ang
sakit. Dinilaan ni randall ang pulso ni francine para mawala ang sugat nito.
"Inumin nyo ito upang ipagbuklod kayo sa isa't-isa. Kung nasaan ang isa ay
kailanman ay hindi mawawalay sa isa. Ito ang kumakatawan sa inyong dalawa." sabi ni
harrison na nilahad ang inuming pinaghalong dugo nila na may basbas. Kinuha ni
randall iyon at ininom. Pagkaraan ay humarap sya kay francine na hanggang ngayon ay
nanghihina at hindi na nasundan ang pangyayari. Tinanguan ni randall ang mga kesya
na bitawan na si francine. Sinalo nya ang dalaga at inuma ang baso sa bibig nito.
"Inumin mo ito para magkalakas ka." bulong nya rito. Napangiti sya ng inumin nito
iyon.
"At bilang pagtatapos ng pag-iisang dibdib ng dalawang ito. Maaari mo na syang
markahan bilang iyong asawa." pagtatapos ni harrison sa seremonya.
Tumingin si randall kay francine at hinaplos nya ang mukha nito. Unti-unti nang
bumabalik ang lakas ni francine. Humaplos ang daliri ni randall mula sa pisngi
pababa sa leeg nito. Kinapa nya ang pulso nito sa leeg at napatingin doon. Dahan-
dahan nya binaba ang mukha at inamoy ang mabango nitong amoy na una palang ay
nagpabaling na ng atensyon nya. Nilabas nya ang pangil at nilapat sa leeg nito.
Bumaon ang pangil nya sa ugat nito. Hinigop ng pangil nya ang nakapalibot na dugo
doon. Nang maubos nya ang dugo nito sa parteng iyon ay agad nyang pinalitan ng
kanya dugo iyon para lagyan ito ng marka.
Dinilaan nya ang labi ng matapos sya. Nangingiting hinaplos nya ang mukha ni
francine na sa wakas ay nakuha na nya.
Dumilat ito at sa pagbukas ng mata nito ay ang itim nitong mata ay naging pula.
Pero agad din na nawala dahil bumalik na ito sa sarili.
Umayos ng tayo si francine at agad na lumayo kay randall.
'Anong nangyari?' tanong sa isip nya.
'Asawa na kita' sagot ng pamilyar na tinig. Tumingin sya kay randall na nakangiti
yumukod kay harrison.
"Maaari bang hilingin na umalis na kami sa inyong kaarawan, harrison?" sabi ni
randall. Ngumiti at tinapik ni harrison ang balikat ni randall.
"Hindi ko kayo pipigilan. Hanggang sa muli." sabi nito.
Ngumiti si randall at lumapit kay francine na naguguluhan sa pinag-uusapan nila.
Hinawakan ni randall ang kamay ni francine at sabay silang naglaho.
Napatakbo si uriko at ang ama ni randall na si severeno ng biglang naglaho ang
dalawa.
"Harrison, bakit mo hinayaan ang anak ko sa lalakeng iyon? Pumayag ako sa kasal
dahil sa batas mo. Pero hindi ang dalhin ng lalakeng iyon ang anak ko." galit na
sabi ni uriko.
"Hindi ko na sagutin kung saan man nais dalhin ni haring randall ang iyong anak
haring uriko." tugon ni harrison at naupo sa kanyang trono.
Nagkatinginan si uriko at severeno. Nagpalitan sila ng masamang tingin sa isa't-
isa.
"Tama na ang alitan nyo. Dahil kahit anong gawin nyo ay binuklod na sila ng
tadhana. At alam ko na alam nyo ang nasa propesiya." sabi ni harrison para matigil
ang masamang tinginan ni uriko at severeno.
Hindi nakaimik ang dalawa sa sinabi ni harrison.
Nung isinilang si randall at francine ay doon lumitaw ang napakalaking buwan.
Nangamba ang iba't-ibang lahi ng bampira dahil tiyak na may lalabas na propesiya sa
taon na iyon. Lahat ay nagtipon-tipon.
Ang lahi ng mga sitirian ay agad na nagtipon sa bulwagan at hinintay ang babaylan
na syang nakakakita ng mga mangyayari sa hinaharap.
At ilang saglit nga ay nagpakita na si fei na dalaga palang sa edad at pumalit sa
namayapang inang babaylan.
"Ano ang sinasabi ng iyong propesiya, fei." tanong ni haring severeno.
Ang kulay puting mata ni fei ay dumako sa sanggol na si randall.
"Isang sanggol ang isisilang na magbibigay ng takot sa buong sitirian at sa iba
pang panig ng mga lahi ng bampira. Sa mata na dapat na walang makakakita. Dahil
oras na ito ay titigan mo... maglalaho ka sa mundo na walang makakaalam." wika ni
fei.
"Anong ibig mong sabihin? Ang anak ko ba ang tinutukoy mo?" naguguluhang tanong ni
vina ang ina ni randall.
Sa kabilang banda ay agad din na nagtipon-tipon ang lahi ng mga hikaros.
"Isang sanggol ang isisilang na may kakaibang mata. Walang nais na makakita dahil
ang kapalit no'n ay ang pagkawala ng parang bula." sabi ni verna sa lahat ng
hikaros at sa haring si uriko na walang gana na nakaupo sa trono.
"Ano dapat nating ipangamba? Wala naman sanggol sa hikaros na isinilang ngayon."
sabi ni uriko.
"Ngunit mahal na hari, hindi ba ngayon isinilang ang anak ng mga sitirian?" sabi ng
isang kalahi nila.
Napaisip naman si uriko sa sinabi nito. Ngayon nga pala magsisilang ang reyna ng
mga sitirian.
"At maaaring gamitin nila ang anak nila sa atin." sabi pa ng isa.
"Kung gano'n man ay kailangan natin paghandaan. Magpapagawa ako sa ating mga
bastaro (gumagawa ng sandata ng lahi nila) ng panangga sa mata." sabi ni uriko.
"Hindi kaya ng ano mang sandatang panangga ang mata ng nasa propesiya. Dahil ang
mata nya ay tatagos sa kaibuturan ng iyong kaluluwa." sabi ni verna.
"Kung gano'n ano ang gagawin natin sa anak ng kalaban? Kung hindi pala tayo
mapoproteksyunan ng gagawing sandata?" sabi ng isang mataas sa konseho.
"Hindi ang anak ng ating kalaban ang sinasabi ng aking propesiya." sabi ni verna.
"Hindi ang inyong anak ang sinasabi ng aking propesiya, mahal na reyna." sabi naman
ni fei.
"Kung gano'n, sino?" sabay na tanong ni uriko at severeno sa magkabilang panig.
"Ang magiging apo nyo sa inyong anak." sabay na sabi ni fei at verna.
Napatayo si uriko sa sinabi ni verna.
"Pero paano ako magkakaanak kung wala ang aking asawang si gaina?" naguguluhang
sabi ni uriko.
"Iyon ay hindi na sakop ng aking nakikita, mahal na hari." paumanhin ni verna.
"Kung gano'n, sino ang babaeng mapapangasawa ng aking anak? Para mapigil ko agad at
ibahin ang sinasabi ng propesiya." tanong ni severeno.
"Hindi ko na sakop ang kaalaman na iyon, mahal na emprero. At hindi ko alam kung
mapipigil nyo man ang sinasabi ng propesiya. Dahil alam ko na alam nyo na kahit
anong gawin ay walang makakapigil sa dinidikta ng tadhana." sabi ni fei at yumukod
bago naglaho.
Kung gano'n ay susubukan ni severeno ang lahat upang mapigil iyon. Dahil ayaw nya
na matuloy ang pinangangambahan ng lahat na magdudulot ng takot sa kanyang
nasasakupan.
Dahil sa alaalang iyon ay parehong nagkatinginan si uriko at severeno bago humarap
kay harrison.
"Kung gano'n, bakit mo hinayaan na mangyari ang isang masamang propesiya,
harrison?" sabi ni uriko.
Ngumiti si harrison dahil kita nya ang pagkabahala sa mukha ng dalawang nakakataas
na bampira.
"Dahil gusto kong malaman kung totoo ba ang pangitain. At kahit na anong pigil
nyo... matutuloy parin ang sinasabi ng propesiya. Walang ibang makakahadlang."
nakangiting sabi ni harrison na kinasinghal ni uriko at severeno.
-
Samantala
Dinala ni randall si francine sa isang lugar kung saan walang makakaalam kung
nasaan sila. Dahil iyon ang bagong tuklas nya na lugar ng maipasa sa kanya ang
kapangyarihan bilang hari.
"Saan mo ako dinala? Ibalik mo ako sa magulang ko!" galit na sabi ni francine at
lumayo mula sa pagkakahawak ni randall. Lumakad sya upang maghanap ng daan. Pero
puro salamin lang ang nakikita nya.
"Asawa na kita, mahal ko. Kakakasal lang natin at alam mo kung ano ang kasunod."
pilyong sabi ni randall na naupo sa kamang pula.
Agad na napaharap si francine kay randall dahil sa sinabi nito.
"Hindi ko nais na makasal sayo, randall. Lalo pa na may asawa kang una. Hindi ko
gusto ang mga laro mo. Dahil hindi nakakatuwa." mariing sabi ni francine.
Tumayo naman si randall na nagseryoso ang mukha. Lumapit sya kay francine na
napaatras dahil sa kaba.
"Hindi ako naglalaro, mahal ko. Dahil una palang ikaw na ang gusto kong
mapangasawa. Ginawa ko lang iyon para maging makapangyarihan at makuha kang muli.
At hindi ako nabigo, dahil ngayon ay akin na akin ka na." sabi ni randall na titig
na titig sa mata ni francine. Napasandal sa pader na salamin si francine at kumabog
ang dibdib nya. Dahil magkalapit na sila ni randall at kinulong sya nito.
"Naiintindihan mo ba na pagmamay-ari na kita, mahal ko." sabi ni randall na
talagang binabaon nya sa isip ni francine ang katagang iyon. Bigla ay uminit ang
parteng leeg ni francine kung saan ang marka ni randall sa kanya.
Pumikit si francine at lumakas ang kabog ng dibdib nya. Dumilat syang muli at
nakita ang lalaking iniibig nya. Lahat ng galit nya ay nawala sa hindi malamang
dahilan. Ang kaninang galit sa mukha ay napalitan ng ngiti sa labi.
"Naiintindihan ko." sabi nya na kinangiti ni randall. Humawak si randall sa
magkabilang nya bewang at hinapit sya palapit sa katawan nito. Kusa namang yumakap
ang mga kamay nya sa leeg ng binata. Ang mga mata nila na puno ng pag-iibigan ay
nagkatitigan. Hanggang sa unti-unting paglapit ng kanilang mukha. Lumapat na ang
kanilang labi sa isa't-isa. Puno ng pagmamahal ang palitan nila ng halik sa isa't-
isa. Tila walang makakapigil na paghiwalayin ang paglalapat ng kanilang mga labi.
Habang nagpapalitan ng halik ay sinimulang hubaran ni randall si francine. At nang
mahubad lahat ay bumitaw ng halik si randall at tinignan ang alindog ni francine na
sa unang pagkakataon ay nasilayan na nya ang matagal na nya pinagpapantasyahan.
Nahiya si francine at nagtakip ng kaselangan na kinangiti ni randall. Tinanggal din
ni randall ang lahat ng suot nya hanggang sa walang tinira.
Hindi makatingin si francine dahil punong-puno ng kaba ang dibdib nya dahil ngayon
lamang nya nakita ang hubad na katawan ni randall. Pero hindi din sya nakatiis at
sinilip ang katawan nito. Napalunok sya dahil para itong adonis sa tikas ng
katawan. May walong abs na galit na galit, ang dibdib na halatang matigas, ang
braso na matigas at malaki na sakto lang ang laki. Maputi si randall na napakalinis
tignan ng katawan. Humalakhak ito ng kinaiwas nya ng tingin.
"Wag ka mag-alala. Dahil kahit ilang araw tayo dito, iyong-iyon ang katawan ko."
mapang-akit nitong bulong ng lumapit muli ito sa kanya.
Kinuha nito ang kamay nya at sinabit muli sa leeg nito. Hinalikan sya nitong muli
na agad nyang tinugon. Mas uminit ang paligid nila dahil pareho silang nadadarang
sa pag-iisa ng kanilang halik. Hinawakan ni randall ang pareho nyang binti at
pinapulupot iyon sa bewang nito na agad nyang sinunod. Pisil-pisil ni randall ang
pang-upo nya habang lumalakad ito palapit sa kama.
Naupo si randall habang nakakandong si francine. Bumaba ang halik ni randall mula
sa panga pagapang sa leeg ng asawa. Napatingala si francine at pumikit. Mahina
syang napaungol dahil parang hinihigop ng halik ni randall ang balat nya. Napakapit
sya sa balikat ng binata ng bumaba ang labi nito sa dibdib nya. Napaliyad sya sa
binibigay nitong halik sa dibdib nya. Tumingin sya rito na nakatitig pala sa kanya
habang pinapaligaya ang kanya dibdib. Tumigil ito at gumapang ang halik nito
paakyat muli sa leeg nya hanggang bumalik sa labi. Tumayo itong muli at humarap sa
kama. Inihiga sya at dumagan ito sa kanya.
"Mahal mo ba ako, mahal ko." paos na bulong ni randall sa pagitan ng halik nila.
"Oo..hmm" ungol na sagot ni francine habang tumutugon sa halik ni randall.
Napangiti sa kaalaman na iyon si randall. Kinuha ni randall ang kumot na pula na
gawa pa sa balat ng tupa na syang kinumot nya sa kalahating bahagi ng kanilang
katawan.
Kinuha ni randall ang kamay ni francine at pinagsiklop iyon sa mga kamay nya.
Habang inaangkin nya ang labi ng dalaga ay gumagalaw ang ibabang bahagi ng katawan
nya upang ipadama rito ang kanya kahandaan. Dahil sa mabilis na ritmo ay unti-unti
din nya natagpuan ang hinahanap.
"Patawarin mo ako sa sakit na idudulot ko, mahal." paalalahanan na nya. Hindi
sumagot si francine dahil kinakabahan ito. Mapang-akin na tumitig si randall sa
asawa nya at dahan-dahan na sinira ang pagkabirhen nito.
"O-ouch!" nasasaktan na sabi ni francine. At para mabawasan ang sakit at gusto na
ni randall na tuluyang mabasag ang pagkabirhen nito ay nilabas nya ang pangil at
tinapat sa leeg na may marka nya. Kasabay na pag-ulos nya ng tuluyan ay syang
pagkagat nya sa leeg ng dalaga.
Sa pagbasag ni randall sa pagkabirhen nya ay walang naramdaman si francine kundi
isang sensation. Nakatulong ang pagkagat nito sa leeg nya.
Bumitaw sa leeg ni francine si randall at tumingin sa asawa.
"Ang sikip mo." sabi ni randall na kinatakip ni francine ng bibig ni randall.
"Nakakahiya ka." mahinang sabi ni francine.
Tinanggal ni randall ang kamay nito na naalis sa pagkakahawak nya. Muli nya
hinawakan ng mahigpit ang kamay nito mula sa ulunan nito.
"Wag ka nang mahiya. Dahil mag-asawa na tayo. At talaga para tayo sa isa't-isa..
Dahil kayang-kaya mo ang akin." nakangiti sabi ni randall at hindi na pinagsalita
si francine dahil sinakop nya ang labi nito.
Nagsimula na sa ritmo si randall na kinaungol nilang parehas. Dahil sa lakas ng
pwersa ni randall ay nagsisimula ng maglutangan ang ilang gamit sa silid nang tore
kung nasaan sila ngayon.
Umiinit ang kanilang pagtatalik dahil sa sarap ng hatid ng kanilang pag-iisa.
Nagsimula na rin na mabasag ang ilang babasagin sa paligid nila pag napapasigaw sa
ungol si randall. Halos mawasak ang kama na pinaghihigaan nila sa tindi ng paggalaw
ni randall sa ibabaw ni francine na pagod na pagod at pawis na pero tila si randall
ay marami pang enerhiya sa katawan. Makailang ulit na narating ni francine ang
tuktok ng langit pero si randall ay hindi pa.
Habang patuloy sa pag aangkin ni randall sa asawa ay binitawan nya ang kamay nito
at hinawakan nya ang parehong dibdib nito. Dahil sa katulad nya makapangyarihan ay
matagal bago sya matapos. Kita nya ang papikit na mata ni francine na kinangiti
nya. Tila hindi makatagal ang asawa nya.
Aangkinin nya ito ng magdamag. Lalong sumaya ang puso nya ng maisip na araw-araw na
nya itong makakapiling. At gusto nya na magbunga ang pag-iisa nila para lalong
hindi ito makawala sa kanya.
Mas lalo syang nagigil sa paggalaw ng maramdaman na malapit na sya. Sinakop nya
muli ang labi nito na kinaaadikan nya.. Habang gigil na gigil na lamukos nya ang
mapagpala nitong dibdib.
Dumilat si francine habang tumutugon sa halik ni randall. Napayakap sya sa likod
nito habang nakakamot nya iyon dahil hindi nya makayanan ang sarap na hatid ni
randall sa kanya.
Napatingin sya sa taas na salamin din ang kisame. Kitang-kita ang likod ni randall
at mukha nya na lasing na lasing sa sensasyon na nararamdaman. Nalinis ang kumot
nila kaya kitang-kita nya pang-upo ni randall na kinakagat nya ng labi. Habang
hindi nya alam na mas may ibubuka pa pala ang kanya mga binti.
Kitang-kita nya ang pagsayaw ng katawan nila at ang kama na sumasabay sa paggalaw
ni randall sa ibabaw nya. Bumitaw sila ng halik habang sya ay napayakap ng mahigpit
sa katawan nito. At maging ang binti nya ay niyakap nya sa binti nito.
Pang walong beses na nya narating ang tutok ng sarap pero si randall hindi pa tapos
...
"H-hindi ka pa ahh tapos?" umuungol nya na tanong rito.
"Malapit naa!!" gigil na sigaw nito at mas bumilis pa ang galaw nito.
Siguro ilang sandali lang ng sabihin nito iyon ay naramdaman na nya ang pagrating
nito sa langit na sinabayan nya. Kagat nito ang leeg nya habang binubuhos sa
sinapupunan nya ang nilabas nito.
Hingal na hingal sila nang parehong narating ang langit.
Sa hatid na pag-iisa ng kanilang katawan at ang paglabas ng binhi ni randall sa
sinapupunan ni francine ay doon magsisimula ang pagbuo ng isang sanggol na nakita
sa propesiya.
Na walang alam ang dalawa sa maaaring kahantungan ng pag-iisa nila.

Kabanata 15 - Ang sinasabi ng propesiya


Nakatayo habang nakatingin si francine sa kabilugan ng buwan. Tatlong araw na ang
lumipas ng manatili lamang sila ni randall sa isang tore na hindi naman nya alam
kung saan iyon nakatayo. Basta mula doon ay kitang-kita ang buong lupain ng
kaharian ng sitirian at hikaros.
Napaidtad sya ng yumakap sa kanya mula sa likod si randall. Dala nito ang kumot na
nakayakap sa katawan nito. At dahil nakayakap ito ay napayakap din sa kanya ang
kumot. Nakahubad ito kaya ramdam nya ang init ng katawan nito. Lalo't isang manipis
na bestida lang ang suot nya.
"Anong iniisip mo, mahal ko?" bulong na tanong nito.
Napahinga sya ng malalim at napahawak sa braso nito na nakapalibot sa bewang nya.
"Tingin ko ay mali ang ginawa natin. May napanaginipan ako na isang nakakatakot na
pangyayari." nababahala nyang sabi.
"Masyado ka lang nag-iisip. Walang mali sa ginawa natin dahil mag-asawa na tayo. At
oras na makabalik tayo sa palasyo ko ay puputulin ko na ang bisa ng kasal namin ni
danika." sabi ni randall at inamoy-amoy ang leeg ni francine.
Napahinga ng malalim si francine dahil talagang nababahala sya. Hindi nya alam kung
anong ibig sabihin ng sanggol na may kakaibang mata na nakita nya. Basta bigla
syang natakot sa mata nito na parang hinuhukay ang kaluluwa nya.
Hinarap sya ni randall paharap rito. Kaya humawak sya sa leeg nito habang ito ay
nakahawak sa bewang nya. Pinatakan sya ng halik sa labi ni randall habang
nakatitigan sila ng kanilang mata.
"Wag ka ng mag-isip ng mag-isip hmm." sabi ni randall habang gumagapang ang halik
nito sa panga ni francine. "Tila kailangan ko ulit na pagurin ka para hindi ka nag-
iisip ng iba. Habang naririto tayo ay dapat na ako lamang ang iniisip mo mahal ko,"
mapanuksong sabi ni randall at binuhat si francine na kinatili nito.
Hindi naman napigilan ni francine ang lalake dahil napakabilis nito. Natagpuan
nalang ang sarili na nadadarang sa binibigay nitong ligaya sa katawan nya.
-
Habang sa isang bahagi naman ng kagubatan ay lumuluha si Danika. Hindi nya
matanggap na kakasal palang nila ni randall ay may pinalit na agad ito sa kanya.
"Ang asawa ng hari na umiiyak dahil agad-agad na pinalitan. Kung ako sayo ay gagawa
ako ng paraan upang mapatay ang babaeng iyon Danika," sabi ni mori na nasa likod na
ni Danika.
Napatayo si danika mula sa pagkakaupo sa isang matandang puno. Hinarap nya si mori
na ngayon lamang nya nakita.
"Sino ka? At ano bang pinagsasabi mo? At bakit mo ako kilala?" garalgal na boses na
tanong ni danika kay mori na ngumingisi na tila may binabalak.
"Hindi mo na kailangan pang malaman. Gusto ko lang sabihin sayo na wag kang papayag
na dalawa kayong maging reyna ni randall. Dahil ikakasakit lalo ng damdamin mo kung
makikita mo na mas higit na reyna ang turing ni randall sa babaeng iyon kesa sayo."
Napaisip si danika sa sinabi nito. Tama ito. Kung hahayaan nya ang babaeng iyon na
alam nya na may pagtingin ang kanyang hari ay sya lamang ang magiging kawawa. Nag-
angat sya ng tingin upang magpasalamat ngunit wala na pala ang babaeng bigla nalang
sumulpot at bigla nalang din na nawala.
-
Puno ng kaba ang dibdib ni francine habang nakatingin sa bungad ng kaharian ng
sitirian. Hawak ni randall ang kanya kamay na pinisil-pisil nito kaya napatingin
sya rito.
"Wag kang mag-alala, mahal. Dahil hindi ko hahayaan na mapahamak ka sa sarili kong
kaharian." pagpapagaang nito sa kabang nadarama nya. Tumango sya at tumingin muli
sa napakalaking palasyo. Naglaho sila dahil na rin sa kapangyarihang taglay ni
randall. Hindi nya alam kung meron din kaya syang ganung kapangyarihan. Dahil hindi
pa nya nasusubukan ang epekto ng pagmamarka ni randall sa kanya.
Sa kanilang paglitaw ay doon sya dinala ni randall sa isang bulwagan. Nang makita
sila ng mga kasapi ng sitirian ay agad na nagbulungan ang mga ito habang mapanuri
syang tinitignan. Napayuko sya dahil bigla syang nahiya sa klase ng tingin na
binibigay ng mga sitirian.
"Mahal na hari, bakit nyo kasama ang hikaros na iyan? Tiyak na magagalit ang ating
mga kasapi oras na malaman nila ito." sabi ni onad na isang alalay ni randall mula
nang sya ay maging hari.
"Tigil! Igalang mo ang aking reyna." natatagis ang bagang na sabi ni randall rito
na kinayuko nito.
Tumingin si randall sa bungad ng bulwagan kung saan ay nagdatingan ang kanyang ama,
ina, si rapha, danika at magulang nito. Maging ang opisyal ng kataas-taasan ng lahi
ng sitirian ay dumating kasabay ng iba pa na nasa mababang uri na.
"Anong ibig sabihin nito, haring randall? Bakit mo kasama at kahawakan ng kamay ang
isang kalaban. At tila nakakabastos naman iyan sa iyong asawa." sabi ng ina ni
danika.
"Dahil asawa ko sya. At sya na ang magiging reyna ko dahil nais kong putulin ang
bisa ng kasal namin ni danika." seryosong pahayag ni randall sa lahat na
napasinghap sa kanyang sinabi.
"Kapalastangan! Hindi kami papayag na ganun-ganunin mo lang aming anak. Sya na ang
reyna ngayon ng sitirian kaya isang mang-aagaw lamang ang maaaring itawag sa
babaeng iyan!" galit na wika ng ama ni danika habang nakaduro ang kamay kay
francine na natatakot na sa mangyayari.
Binalot naman ng galit si randall sa paraan ng pagkakasabi ng ama ni danika kay
francine.
"Kung hindi nyo gagalangin ang aking pasya at sinabi, makakaalis na kayo ng
palasyo. Sa iyong pag-uugali palang mr. oreca ay tila nawalan ka ng respeto sa akin
bilang hari. Tandaan nyo na ako na ang hari at hindi si ama. Kaya kung sino man ang
tutol sa aking pasya ay maaari nyo nang lisanin ngayon palang ang kaharian."
maawtoridad na wika ni randall kay mr. oreca at sa lahat ng sitirian na nasa
bulwagan.
Nagkatinginan ang lahat at hindi nakahuma sa sinabi ng kanilang hari.
"Ama, wag na po natin suwayin ang nais ni randall." si danika ang pumutol ng
katahimikan. Hindi naman makapaniwala si mr. oreca sa sinabi ng kanyang anak.
"Anak, nasisiraan ka na ba ng ulo? Isang pagtataksil ang ginawa sayo, pero nais mo
parin na sang-ayunan ang gusto ni randall?"
Hindi naman sumagot si danika sa sinabi ng kanyang ama. Bagkus ay lumapit sya kela
randall at francine.
"Randall, ayos lamang sa akin na dalawa kaming reyna mo. Basta wag mo lang alisin
ang basbas ng ating pag-iisang dibdib." pakiusap nya kay randall na hindi
makapaniwala sa nais ni danika.. Hindi nya alam na imbes na magwala at magalit ito
ay mas sinang-ayunan pa ang pasya nya wag lang mawala ang bisa ng kanilang kasal.
Napatingin sya kay francine nang bumitaw sa pagkakahawak nya sa kamay nito.
"Pasensya na sa dinala kong gulo sa kaharian nyo.. Ako na lamang ang aalis." sabi
ni francine na kinasikip ng dibdib ni randall. Umatras si francine kaya agad sana
nyang hahawakan ng bigla itong naglaho na kinagulat nya. Hindi nya alam na
natuklasan na nito ang kakayanan nito na maglaho.
Naglaho sya upang sundan ito. Sa isang sapa siya natungo. Nakita nya ito na nakaupo
sa isang batong malaki habang nakaharap sa tubig na tumatapon mula sa itaas ng
bundok.
Napahinga sya ng malalim at nilapitan ito. Nagtungo sya sa harap nito at lumuhod
dito upang magkaharap sila. Umiiyak ito kaya agad nya pinahid ang luha nito.
"Mahal, bakit naman iyon ang sinabi mo?" tanong nya rito.
"Dahil ayoko naman ng dahil sa akin ay magkasira ang inyong lahi. Kaya mabuti
siguro na kela ama nalang ako. Maaari mo naman--" hindi na natapos magsalita si
francine ng sakupin ni randall ang labi nya. Saglit lang iyon pero agad syang
napatahimik nito.
"Ayoko. Sa kaharian ko ikaw titira. Wag munang isipan pa ang sasabihin ng iba.
Dahil kung hindi nila gusto ang pasya ko ay hindi ko na problema iyon. Umalis sila
pero hindi ka aalis sa tabi ko." seryosong sabi ni randall kay francine. "Mangako
ka na hindi na muli aalis sa tabi ko. Mangako ka." pagpapatuloy nya.. Tumango si
francine habang pinupunasan ang sariling luha.
Napangiting tumayo na si randall mula sa pagkakaluhod at naglahad ng kamay rito.
Humawak naman ito kaya tinayo nya si francine mula sa pagkakaupo sa bato.
"Marunong ka na palang maglaho, mahal. Mukhang hindi ko gusto na natuklasan mo
iyon." nakangising sabi ni randall. Tinulak sya nito ng mahina na kinahalakhak nya.
"Mabuti nga at natuklasan ko. Para maaari akong makalaho pag galit ako sayo."
nakangusong sabi ni francine.
"Kung gano'n ay hindi kita gagalitin, mahal." nakangiting sabi ni randall. "Halika
na. Bumalik na tayo at baka pagod ka na." aya nya sa babae at muling hinawakan ang
kamay nito at naglaho sila. Sa kwarto nya dinala si francine. At bilang hari ay
napapaligiran ng gintong kulay ang buong silid ni randall. Habang ang higaan ay
animo'y parang dugo sa pagkapula.
Nilibot ni francine ang tingin sa buong silid ni randall. Malaki, malinis at pang
hari talaga ang itsura ng silid nito. May simbolo din ng sitirian ang bandanang
nakasabit. May nakita syang nakaukit na parang dragon sa isang pader. Lumapit sya
roon at hinawakan. Pero nabigla sya ng biglang manginig ito kaya napaatras sya.
Bumukas ito na parang isang sikretong silid.
"Mahal." tawag ni randall. May kinuha kasi ito saglit sa isang silid kaya naiwan si
francine sa loob ng silid ni randall.
Hindi malaman ni francine kung paano ba isasara iyon? At dahil sa pagkakataranta ay
agad nyang hinawakan muli ang ukit na dragon.. Nagsara ito na kinahinga nya ng
maluwag. Hindi nya alam ngunit parang ayaw nya malaman ni randall na may natuklasan
sya sa silid nito. Para tuloy syang kriminal na nakagawa ng krimen.
"Narito ka lang pala, mahal." napaidtad pa sya sa gulat ng bumulong sa bandang
tenga nya si randall. Humarap sya rito at pinilit na ngumiti upang mawala ang gulat
sa kanyang mukha. "Ayos ka lang?" takang tanong nito.
"Oo. Nagulat lang ako ng bumulong ka." tugon nya. Tumango-tango naman ito tila
naniniwala.
"Ganun ba." sabi nito at tumingin sa hawak nitong silkang robang na pantulog. "Ito
nga pala. Isuot mo para makatulog ka na. Lalabas lang ako saglit para tapusin ang
naputol na usapan kanina." sabi pa muli nito.
Kinuha iyon ni francine at tumango.
"Kaya mo ba muna rito? Pangako saglit lang ako." tanong nito.
"Oo. Wala naman sigurong nakakapasok na iba rito bukod sayo, di ba?" tugon nya.
"Oo... Sige, lalabas na ako para makabalik agad sayo." paalam nito kaya tumango
sya. Tumalikod na ito at lumabas. Sinara nito ang pinto kaya napahinga sya ng
malalim.
Tumingin sya muli doon sa sekretong pinto. Parang may lihim na nakatago doon. At
oras na makatyempo sya ay papasukin nya iyon. Parang may nagtutulak sa kanya na
alamin ang laman ng silid na iyon.
Nagpalit sya ng roba at humiga na sa higaan. Saglit pa lamang syang nahiga ng
dapuan na sya ng antok.
Sa kanyang pagkakatulog ay dinalaw sya ng isang panaginip.
Nagtataka sya kung saan sya? Madilim at wala syang makita.
'Ungaaa!!! Ungaaa!!! Ungaaa!!!'
Napalingon-lingon sya ng makarinig ng umiiyak na sanggol. Napatingin sya sa paligid
ng unti-unting nagliwanag ang paligid. Umiiyak parin ang sanggol kaya nilibot nya
ang paningin sa paligid na tanging puro puti lamang ang nakikita nya.
May nakita syang sanggol na nakabalot sa gintong tela. Malakas ang kabog ng dibdib
nya sa hindi malamang dahilan. Unti-unti syang lumapit rito hanggang sa masilayan
ito. Pikit ang mata nito habang umiiyak. Parang hinaplos ang puso nya ng masilayan
ito. Para bang may koneksyon sya rito.
Lumuhod sya at binuhat ito. Pinagmamasdan nya ito habang tumatayo sya. Inayos nya
ang pagkakakilik na nakakapagtaka na marunong syang humawak ng bata.
Pinahid nya ang luha nito habang tinitignan ang napakaganda at napakaamong mukha
nito. Tingin nya ay isa itong babae.
"Tahan na. Narito ako." sabi nya rito. Huminto ito na kinangiti nya.
Sa paghinto ng luha nito ay syang pagdilat ng mata nito. Ganun nalang ang gulat nya
ng masilayan ang mata nito. Nagkulay pusha ang mata nito na parang mabibighani at
para kang dinadala sa alipaap. Pero bigla syang hindi makahinga ng titigan sya nito
sa mata.
Nanghihina sya at unti-unting napaluhod. Binaba nya ito at napahawak sa leeg nya ng
hindi sya makahagilap ng hangin.
"Mahal! Gising! Mahal!" yugyog ni randall kay francine na nagpabaling-baling ng
higa habang nakahawak sa leeg nito. Akala nya ay payapa itong natutulog ngunit sa
kanyang pagpasok sa kanyang silid ay nakita nya na nahihirapan itong huminga.
Napaupo si francine habang pawis na pawis at habol ang hininga. Hanggang ngayon ay
tila ramdam nya ang hirap ng paghinga.
"Mahal, tila masama ang iyong napanaginipan. Heto uminom ka muna ng tubig para
mahimasmasan ka muna." sabi ni randall habang hinagod ang likod ni francine na
iniinom ang binigay nyang inumin. "Ano ba ang napanaginipan mo?" tanong nya rito ng
ihiga nya ito muli sa kama. Tumabi sya rito kaya yumakap ito sa kanya. Hinaplos nya
ang ulo nito habang hinihintay ang pagsagot nito sa tanong nya.
"Wala. Nahirapan lang akong huminga." sabi nito habang nakasubsob ang mukha sa
dibdib nya. Napahinga sya ng malalim dahil alam nya na hindi ito nagsasabi ng
totoo. Pero hahayaan nya dahil baka gusto lamang nito na kipkip nalang sa sarili
ang napanaginipan nito.
"Ouch!" daing nito kaya agad syang napatingin dito. Nakahawak ito sa pulso nito
habang nasasaktan. Kinuha nya ang kamay nito at tinignan upang makita kung bakit
ito nasasaktan.
Umiilaw ang palad nito habang may lumitaw na parang isang hugis nang halamang
dahon.
"Ano ito?" naguguluhan nyang tanong sa sarili.
"Randall, ang sakit! Tulungan mo ako!" naghuhumiyaw sa sakit na sabi ni francine na
kinataranta nya. Umalis sya sa kama at tinawag sa isip si rama ang taga-gamot ng
may sakit sa kanila.
'Rama, matungo ka ngayon din sa aking silid. Kailangan ko ng tulong mo.' wika nya.
Pagkatapos nya itong tawagan ay agad nyang dinaluan si francine upang pakalmahin
habang hindi pa dumadating si rama. "Ano ang iyong nasuri sa kanyang lagay?" tanong
ni randall matapos lapatan ni rama ang sakit na nararamdaman ni francine. Nakatulog
itong muli dahil sa pagod siguro dahil sa pag-iyak nito sa sakit.
"Isa lamang ang pinapahiwatig ng nakasaad sa kanyang palad, mahal na hari. May bata
nang lumalaki sa kanyang sinapupunan." sabi ni rama na parang kinabingi nya.
"I-Ibig mong sabihin ay magkakaanak kami ng aking reyna?" nangingiti at hindi
mapaglagay ang labis na tuwa sa kanyang tono sa kanyang nalaman.
"Oo, mahal na hari. Kaya sumasakit ang kanya palad ay dahil malapit na ang kanyang
pagsilang." sabi muli ni rama.
Napangiti na humawak sa palad ni francine si randall at hinalikan iyon ng maraming
beses.
"Isang magandang balita iyan, Rama. Magkakaroon na kami agad ng supling. At labis
ang aking galak sa kanyang paglabas." sabi ni randall.
"Pero mahal na hari, tila may masamang hatid ang nasa sinapupunan nya." sabi ni
Rama na kinasama nya ng tingin rito.
"Wag na wag mong sasabihin na masama ang aming magiging supling. Makakaalis ka na.
Tatawagan nalang kita muli pag may masakit muling naramdaman ang reyna ko." malamig
ang boses na sabi ni randall.
Yumukod si rama at umalis ng silid ng hari. Pero sa kanyang paglabas ay bumungad
ang emprero at ang asawa nitong inang reyna na ngayon.
Yumukod sya bilang paggalang.
"Magandang gabi, mahal na kataas-taasan." bati nya sa mga ito at nag-angat ng
tingin.
"Ano ang nangyari at pinatawag ka ng aming anak?" tanong ng ina ni randall na suot
pa ang pantulog nito.
"Pinasuri sa akin ng mahal na hari ang mahal na reyna." sabi nya sa mga ito.
"At ano ang nasuri mo?" tanong ni severeno.
"May dinadalang sanggol na sa sinapupunan ng mahal na reyna." sabi nya sa mga ito
na napasinghap sa kanyang sinabi.
Nagkatinginan si severeno at kanyang asawa na si miha.. Puno ng pangamba na ang
kanilang nadarama. Nagkatotoo na ang sinasabi ng propesiya. Parating na ang
magdudulot ng gulo sa lahat.

Kabanata 16 - Sekretong Silid


Hinahaplos ni francine ang kanyang tiyan.. Nasabi na sa kanya ni randall na may
sanggol na nga sa sinapupunan nya. Ngayon nya lang nalaman na napakabilis palang
magbuntis ang kagaya nya. Ilang araw lang silang nagtalik ay may nabuo na. Iniisip
nya na baka ang napanaginipan nya na sanggol ay ang kanyang magiging anak. Pero
bakit naman sya sasakalin ng anak nya?
"Mahal na reyna, pinagdala namin kayo ng agahan gaya ng utos ng hari." sabi ng mga
tagasilbing sitirian. Napaayos ng upo si francine dahil tamang-tama ay nagugutom na
sya.
Nilapag sa kanyang harap ang pagkain na mga dala nito. Isang malaking tinapay,
gatas, at isang uri ng karne na hindi nya alam kung anong hayop. Pero sumubo na sya
dahil nagugutom talaga sya.
"Anong uri ito ng hayop? Napakasarap nya at malasa." tanong nya sa dalawang babaeng
taga-silbi habang nginunguya ang karneng iyon.
"Isang tupa na nahuli sa kagubatan." sabi ng mga ito kaya tumango sya. Ang mga
pagkain sa gaya nyang bampira ay mga hindi luto. Sariwa na hinahain. Kaya may dugo
pa. Sana'y na sya kumain ng may dugo. Lalo pa't minsan ay nauuhaw sya sa dugo. Pero
dahil laging si randall ang laging nagpapasipsip upang hindi sya mauhaw. Kaya naman
ay madalang na syang maghanap ng dugo.
Napatingin naman ang mga taga-silbi sa gawing pinto ng biglang pumasok si danika..
Nagsiyukuan ang dalawa dahil ito din ay isang reyna. Sinenyasan ni danika na umalis
ang dalawa. Nag-alangan man ang dalawang ay napilitin silang umalis. Hindi napansin
ni francine iyon na okupado ang paningin sa kinakain. Lumakad si danika na may
kakaibang ngiti sa labi. Habang ang dalawa nyang kamay ay nasa likod nya kung saan
ay hawak nya ang isang matalim na panaksak.
"Tila nag-eenjoy ka sa pagiging reyna mo, mang-aagaw." napaangat ng tingin si
francine kay danika. "Sabagay, masarap maging reyna.. Pero masaya ba ang maging
reyna kung alam mong pangalawa ka lang?" nakangising sabi ni danika at lumapit sa
paanang ng kama.
"Ayoko ng away, Danika. Akala ko ba ay ayos lamang sayo na narito ako?" mahinahong
sabi ni francine habang napahawak sya sa kanyang tiyan.
Napatingin doon si danika na alam na din na nagdadalang bampira ito. Kailangan
nyang mapaslang si francine at ang nasa sinapupunan nito. Dahil kung hahayaan nya
na lumabas ito sa mundo ay tiyak na hindi lamang si francine ang magiging kaagaw
nya sa atensyon ni randall kundi ang hindi katanggap-tanggap na sanggol na nasa
sinapupunan nito.
"Sinabi ko lamang iyon upang hindi ipawalang bisa ni randall ang aming kasal. At
kung ayaw mo ng away ay umalis ka sa buhay ni randall. Kung hindi--"
"Kung hindi ano, Danika?" biglang sulpot ni randall na may malamig na boses.
Kitang-kita nya ang patalim na nasa likod ni danika. Balak pa ata nitong paslangin
ang mag-ina nya.
Nahigit ni Danika ang hininga dahil sa biglang pagsulpot ni randall. Gulat na gulat
na nilingon nya ito habang nanginginig ang kamay na may hawak na patalim.
"R-Randall.." nauutal nyang sabi.
Malamig ang mukha na agad na nakalapit si randall. Kinuha nya ang patalim sa kamay
nito at sinakal nya ito. "Isa kang makakasakit sa mga mahal ko. Pinagbigyan kita sa
gusto mong maging reyna ko pa. Pero ang pagtangkaan ang buhay ng mag-ina ko ay
hindi ko hahayaan na mangyari." malalim ang boses ni randall na nakakatakot habang
bumabaon ang mga kuko sa leeg ni danika na hirap na hirap ng makahinga. Tumutulo na
rin ang dugo mula doon.
"Randall, bakit mo sya sinasaktan?" natatarantang sabi ni francine habang tumatayo
sa higaan.
"Magpahinga ka na lamang dyan, mahal. May tuturuan lamang ako ng leksyon." pigil ni
randall kay francine at naglaho sya kasama si danika.
Nabitin ang pagtayo ni francine ng biglang naglaho sila randall. Hindi nya narinig
ang bulong ni randall kay danika at hindi nya alam kung bakit nito iyon sinakal?
Tumayo sya sa higaan dahil hindi sya mapakali kung anong gagawin ni Randall kay
Danika.. Galit ang awra nito tila may ginawang kasalanan si Danika.
Sa kanyang pabalik-balik na paglalakad ay napatingin sya sa dragon na nakaukit sa
dingding na alam nya ay isang silid. Lumapit sya doon at tumingin muna sa paligid
baka may makakita sa kanya. Nang wala syang makita ay agad syang humarap sa
dingding at hinawakan ang ukit na dragon. Nanginig iyon at bumukas.
Dahan-dahan syang pumasok habang umaapak sa hagdan na pababa. Madilim ang unang
bumungad pero sa kanyang paghakbang ay may mga sulo na sa bawat gilid ng hagdan.
Malamig ang klima ng loob ng silid. Napahaplos sya sa kanyang braso ng makaramdam
sya ng kakaibang enerhiya sa silid na ito. Tila nagkakaroon sya ng lakas sa
pagdampi ng lamig sa kanyang balat.
Nang makababa sya ay doon lamang nagkaroon ng liwanag sa buong silid. Nagtataasang
lagyanan ng mga libro na halos napakarami no'n. Tumingin sya sa mga aklat habang
hinahaplos ng kanyang daliri ang bawat isa. Ngunit napahinto sya sa isang aklat na
ginto. Kakaiba ito sa lahat. Kaya kinuha nya iyon at binasa ang pamagat ng aklat.
"Ang propesiya" sabi nya sa pamagat. Binuklat nya iyon ngunit napatakip sya sa
kanyang mata ng bigla itong magliwanag. Nang makayanan nya ang liwanag ay dahan-
dahan syang tumingin sa aklat.
Unang bumungad sa ay isang blanko ng pahina ng aklat ngunit unti-unti iyong
nagkaroon ng mga titik ng bawat salita.
"Sa pagsapit ng pulang buwan, magkakagulo ang lahat. Mawawasak ang bawat palasyo ng
silangan-timog at hilaga't kanlura. Dahil sa isang sanggol na ipapanganak oras na
sumapit ang araw na iyon." basa nya sa unang pahina. Bigla syang kinabahan sa
kaalaman na ang anak nya ata ang tinutukoy sa aklat. Bakit ang anak nya ang
magiging dahilan kung bakit magkakagulo sa bawat kaharian ng mga bampira?
'Mahal ko, nasaan ka?' tinig na galing kay randall na tumatawag sa kanya mula sa
isip nya.
Agad nyang sinara ang libro at binalik sa pinaglalagyan nito. Tumingin pa sya doon
ng ilang saglit bago sya nagmamadaling lumisan ng silid na iyon. Naglaho sya at
lumitaw sa silid ni randall. Wala ito sa silid kaya agad syang bumalik sa higaan.
Ilang saglit lang ay narito na ito sa silid.
"Mahal, saan ka nagtungo?" nag-aalala nitong tanong. Ngumiti sya kahit na nasa
lihim na silid parin ang kanyang isip.
"Nagpalamig lamang ako." sabi nya rito. Naupo ito sa tabi nya at niyakap sya.
"Nag-aalala ako na makita kang wala sa silid. Hinanap kita sa buong palasyo ngunit
wala ka." sabi nito habang hinahaplos ang kanyang buhok. Pabalik na yumakap sya ng
mahigpit dito.
"Siguro ay nagkasalisi lamang tayo." sabi nya rito upang hindi ito manghinala.
"Siguro nga. Sa susunod ay wag kang aalis na hindi nagpapaalam sa akin. Ikakamatay
ko pag oras na mawala ka sa akin." sabi nito. Napangiti sya dahil talagang mahal na
mahal sya nito. Hindi talaga nagkakamali ang tadhana na paglapitin noon ang landas
nila. Dahil kahit una nya palang pagmamahal iyon ay alam nya na tama pala ang taong
inibig nya. Kahi na sinubok sila ng tadhana ay ang pagmamahal parin nila ang
nanalo. Pero tila may nakatadhana din ng dahil sa pagmamahal nila ay magkakaroon ng
gulo. Hindi pa sya sigurado pero ramdam ng kaba sa kanyang puso na ang magiging
anak nila ang magiging dahilan kung bakit masasaad ang nasa propesiya. Natatakot
sya para sa anak nya. Gusto nya na mamuhay ito ng payapa ngunit paano?
"Randall, maaari ba tayong magtungo kela ama at ina ngayon?" pakiusap nya rito.
Bumitaw ito ng yakap sa kanya at tinignan sya na nagtataka.
"Bakit mo naisipan na pumunta doon? Ayaw muna ba dito?" natawa sya sa kabang
nababakas sa boses nito. Ngumiti sya at hinawakan ang mukha nito.
"Wag kang mag-alala. Dahil kahit ano mang mangyari, ipapangako ko sayo na sa iyo
parin ako babalik." nakangiti nyang sabi rito at hinalikan ang labi nito na
kinangiti na nito.
Hinawakan nito ang kamay nyang nakahawak sa mukha nito at pinagsabit sa balikat
nito. Napatili sya ng ihiga sya nito at daganan sya ngunit hiindi mariin dahil tila
iniingatan ang kanilang anak na nasa sinapupunan nya.
"Kung ipagpatuloy nalang kaya natin ang ating pag-iisa rito. Bigyan nating basbas
ang aking silid, mahal. At ating anak." mapang-akit na ani ni randall sa kanya.
Pinisil nya ang pisngi nito dahil sa kapilyuhan.
"Hindi pwede. Pupunta tayo sa aking magulang." sabi nya rito at inalis ito sa
ibabaw nya. Umupo sya at hinawakan ang damit nito upang itayo.
"Tumayo ka na. Magtungo na tayo kela nanay." aya nya rito. Pero hinatak lang sya
nito at inihiga sa tabi nito. Niyakap sya nito.
"Tsaka na. Ipagpabukas nalang natin, mahal." sabi nito habang inaamoy-amoy ang leeg
nya.
"Natatakot ka lang ata sa aking ama at ina." sabi nya rito na kinatingin nito sa
kanya.
"Hindi ako natatakot. Bakit ako matatakot kung ako ay isang hari na?" tapang-
tapangan nitong sabi na kinangiti nya.
"Sabihin mo nalang kasi na natatakot ka kay ama. Hindi ka kasi nagpaalam sa kanila.
Tsaka ayaw mo ba na maging maayos ka sa kanila? Gusto mo ba na hindi sila magkaroon
ng tiwala sayo na ipagkatiwala ako?" sabi nya rito. Napahinga ito ng malalim at
niyakap sya ng mahigpit.
"Baka kasi ilayo ka nila sa akin." sabi nito tila natatakot na mangyari iyon.
"Hindi sila ganun. Kailangan lang natin silang kausapin ng masinsinan at magkaroon
sila ng tiwala sayo. Alam ko na nag-aalala lamang sila kaya ganon nila ako
protektahan."
Naupo syang muli at tumingin dito. "Tara na kasi." aya nya muli. Naupo ito at
hinagod ang buhok. Tumayo ito at inalalayan syang tumayo.
"Sandali lang tayo at kailangan mong magpahinga agad ha?" sabi nito kaya
nakangiting tumango sya.
"Opo." sagot nya rito at yumakap rito.
-
Nasa harap na sila ng palasyo ng kanyang magulang nang papasukin sya ng mga bantay
ngunit hindi si randall. Tinutukan ito ng matatalim na sandata na kinabahala nya.
"Ibaba nyo iyan. Kasama ko syang papasok sa loob." utos nya sa mga ito.
"Ngunit ang utos sa amin ng mahal na hari ay wag papasukin ang hari ng sitirian na
ito." sabi ng isang bantay na kawal.
"Ibaba nyo ba yan o gusto nyong maglaban pa tayo." sabi nya sa mga ito.
Nagkatinginan ang mga ito tila nag-iisip kung susundin ba sya.
"Hindi mo maaaring papasukin sa aking palasyo ang lalaking iyan, anak." sabi ng
kanyang ama na kasunod ang kanyang ina habang lumalapit sa kanila.
"Ama, pakiusap po. Hindi po kami nandito upang manggulo. Nais ko lamang kayo
makausap. Namin." sabi nya sa kanyang magulang.
Napapikit si uriko dahil hindi naman nya kayang tiisin ang anak. Nangungulila sya
rito ng halos tatlong araw at nag-aalala ngunit ng makita nya na ayos ang kalagayan
nito ay nakahinga sya ng maluwag.
"Tumuloy kayo." sabi nya sa mga ito at tumingin kay gaina. Tumango sya rito upang
hayaan ang pasya nya. Tumango ito at naunang maglakad papasok.
Tumingin sya sa kanyang anak at nakita nya ang pagmamahal na tingin na binibigay
nito sa lalake. Tumalikod na rin sya at pumasok.
Naglakad na rin si Francine at Randall papasok. Magkahawak kamay silang tinutungo
ang bulwagan ng kanyang ama.
Sa kanilang pagpasok ay naglabasan ang kanyang mga kalahi. Pero iniiwan ng mga ito
ng tingin si Randall bago ang mga ito magsilisan.
Humarap sila sa kanyang magulang upang magbigay galang.
"Sabihin mo lalake kung bakit ka napadpad dito? Mabuti at binalik mo ang aming
anak." sabi ng kanyang ina.
"Narito ako upang humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sa inyo. Alam ko na
hindi madali na mapatawad nyo. Pero mahal ko po ang anak nyo. Kaya po kahit na
subukin man kami ng ano mang pagsubok hindi ko po hahayaan na malayo sa akin si
francine. Kung gusto nyo po ay alilain nyo ako upang makaganti at pagdusahan ang
nagawa ko ay gagawin ko po. Basta po hayaan nyo na po sa aking kamay ang inyong
anak."
Ibig maiyak ni francine sa lahat ng binigkas ni Randall. Bawat salitang binibigkas
nito upang patunayan lamang na walang kapantay ang pagmamahal nito sa kanya. Na
kaya nitong gawin kahit ano upang wag lamang silang magkalayo.
Tumingin si Uriko sa kanyang reyna na si Gaina. Kita nya na nahihirapan itong
magpatawad sa isang sitirian na kagaya ni Randall. Nasasaktan parin ito sa
pagkawala ng mga magulang nito. Hinawakan nya ang kamay nito na kinatingin nito.
"Para sa ating anak. Patawarin mo si Randall. Hindi naman nya kasalanan ang
nangyari sa magulang mo. Nakita ko din ang buong tapang nya sa pagsasabi kung gaano
nya kamahal ang anak natin sa mismong harap natin." sabi nya rito. Pinisil nya ang
kamay nito upang kumbisihin.
Tumayo ito kaya binitawan nya ang kamay nito. Bumaba ito ng trono nila at lumapit
sa kanilang anak.
Napatingin si Francine sa kanyang ina nang bumaba ito ng trono. Seryoso ang mukha
nito kaya nabahala sya na baka hindi nito mapatawad si Randall.
Tumingin ito kay Randall na may determinasyon sa mukha.
"Papatawarin kita." panimula ng kanyang ina na kinangiti nya. "Ngunit oras na
masaktan ang anak ko ay sisiguraduhin kong hindi mo na sya makikita pa. At
sisiguraduhin ko din na hindi matatapos ang alitan sa lahi natin oras na saktan mo
ang aming anak. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Lalo sya natuwa sa sinabi ng kanyang ina. Tumingin sya kay Randall na nakangiti na
rin. "Pinapangako ko, mahal na ina." sabi ni randall.
"Salamat, Ina. Hindi nyo alam kung gaano ako kasaya." nakangiting sabi ni Francine
at niyakap ang kanyang ina. Ngumiti at yumakap din si gaina sa anak na talagang
nangulila sya rito.
"Alam mo naman na gusto ko lang sayo ay isang masaya at malayang buhay para sayo.
Kaya bakit ko pa hahadlang iyon kung sa kanya ka masaya." tugon ni Gaina. Bumitaw
si Francine ng yakap at humawak sa kamay ng kanyang ina.
Tumingin din sya kay Randall bago sa kanyang ama.
"Ama, may nais po kaming ibalita sa inyo. Tiyak ko na matutuwa kayo." sabi ni
Francine na kinataka ni Gaina at Uriko.
Tumayo si Uriko sa trono at lumapit sa mag-ina nya.
"Ano ang iyong sasabihin, Anak?" tanong ni Uriko ng makalapit sa mag-ina nya.
"Nay, Ama, magkakaanak na po kami ni randall. Magkakaroon na kayo ng apo."
nakangiting balita ni Francine na tumingin kay Randall na pinagsiklop ang kanilang
kamay at tumingin sa kanyang magulang.
Para namang hindi nakahuma si Gaina at Uriko sa binalita ng kanilang anak. Ang
pinangangambahan nila ay nagkatotoo na.
Nagtaka naman si Francine sa naging reaksyon ng kanyang magulang. Tila namutla ang
mga ito sa kanyang binalita.
"Bakit po tila hindi nyo nagustuhan ang binalita ko? May problema po ba?" takang
tanong ni Francine.
"Francine anak, maaari ka ba naming makausap ng ikaw lang. Paumanhin Randall,
ngunit sana ay maunawaan mo." sabi ni gaina.
Tumango si Randall at ginalang ang sinabi nito. Lumabas sya upang hintayin na
lamang sa labas si Francine.
"Nay, ano po ang nais nyong pag-usapan natin?" tanong ni Francine ng makaalis si
Randall.
"Anak," nahihirapang ani ni gaina at hinawakan ang kamay ng anak. "Isang masamang
balita ang iyong sinabi." sabi pa nya.
"Anong ibig nyong sabihin?"
"Nasa propesiya ang anak mo. Ang anak mo ang sinasabi ng propesiya na sisira sa
buong lahi ng bampira. Isa syang malas na darating oras na isilang mo sya." sabi ng
kanyang ina.
Napailing sya at bumitaw sa pagkakahawak ng kanyang ina sa kanyang kamay.
"Kung gano'n anong gusto nyong gawin sa anak ko? Patayin? Hindi ako papayag.
Magkakagalit tayo ina oras na ipagawa nyo sa akin iyon." iiling-iling nyang sabi na
may hihinakit ang boses.
"Pero anak, oras na isilang mo ang bata ay hindi lang ikaw, kami ng ama mo at si
randall ang mamatay. Maging ang ating lahi at lahi nila randall. Masisira at
magkakagulo ang lahat." pagpipilit nito sa kanya.
"Hindi. Alam ko hindi magagawa ng anak ko iyon. Hindi." umiiyak na sabi ni Francine
at tumakbo palabas.
"Mahal, anong nangyari at umiiyak ka?" nag-aalang tanong ni randall ng makitang
tumatakbo palabas na umiiyak si Francine. Yumakap ito sa kanya kaya agad nyang
tinugon at hinagod ang likod nito.
"Umalis na tayo rito." pakiusap nito sa kanya kaya tumango sya kahit na gusto nyang
tanungin pa ito kung bakit ito umiiyak. Pero tila hindi ito magsasabi ngayon.
Naglaho sila upang bumalik sa palasyo nya.
Pagdating sa loob ng kanilang silid ay agad itong natungo ng higaan at nahiga.
Tumalikod ito sa kanya kaya napahinga sya ng malalim at tumabi rito.
"Magpahinga ka na at bukas na lamang kita tatanungin." bulong nya rito at yumakap
mula sa likod nito.
Habang si francine naman ay tahimik na umiiyak dahil kahit anong tanggi nya pa ay
alam nya na ang anak nga nya ang tinutukoy ng Propesiya.
Hindi pa nga nya isinisilang ang anak nila ay salot na ang tingin ng mga taong
nakapaligid rito. Para sa kanya ay isa itong biyaya ng maykapal. Kaya hindi nya
hahayaan na may makapanakit sa kanyang anak.
Hinaplos nya ang tiyan upang ipadama sa anak na narito lang sya sa tabi nito.
Kung magkatotoo nga ang nasa propesiya kailangan nyang mag-isip ng paraan upang
hindi matuloy iyon nang hindi sasaktan ang anak nya.
Kailangan nyang muli makapasok sa sekretong silid na iyon upang mabasa muli kung
ano pa ang nilalaman ng propesiya.

Kabanata 17 - Ang pagsilang


Habang payapang natutulog si Randall sa kanyang tabi ay agad syang bumangon ng
dahan-dahan. Tinignan muna nya saglit si randall bago nya tinungo ang sekretong
silid. Hinawakan nya ang dragon na ukit at nanginginig ito at bumukas. Tinignan nya
si Randall na tulog parin na kinahinga nya ng maluwag. Pumasok sya at kusang
nagsara ang pinto.
Agad nyang tinungo ang aklatan at hinanap ang aklat ng propesiya. Nakita nya iyon
at muling binuklat. Nagliwanag ulit iyon kaya napatakip sya ng mata. Nang ayos na
ay tinignan nya ang pahina. Nilipat nya sa pangalawang pahina ng libro. At unti-
unti din nagkaroon ng titik ang bawat sa salita.
"May katangian ang batang nasa propesiya. Ang mata ng sanggol na isisilang ay
nagkukulay pusya na rosas na pag tinignan mo ay tiyak na mauubusan ka ng hininga.
Ang kanyang boses ay parang isang angel pag ito ay umawit at magsalita ngunit oras
na ito ay umiyak tiyak na mayayanig ang buong kalupaan na sakop ng mga bampira.
Mamatay sa pagguho ang mga bampira oras na ito ay umiyak." basa nya sa pangalawang
pahina. Nilipat nya muli dahil kailangan nyang mabasa agad ang ilang importante
bago pa manghinala si Randall kung nasaan sya. "Kaya tangging buhay lamang ng
sanggol ang kailangan mawala upang magbago ang nakasaad sa propesiya." naihulog nya
ang aklat sa kanyang huling nabasa. Napaiyak sya dahil hindi nya alam kung ano ang
dapat gawin. Tanging kamatayan ng anak nya ang kapalit upang hindi ito matuloy.
Ngunit hindi sya papayag. Anak nya ito.
Napatalikod sya at napaupo. Sumandal sya sa lagyanan ng libro habang lumuluha na
nag-iisip ng paraan upang malayo sa propesiya ang anak.
Hindi napansin ni Francine ang pang-apat na pahina kung saan ay nakasulat doon.
' At Oras na may lalaking umibig rito ay magiging sanhi ng pagkamatay nito.'
Tulalang nag-iisip si Francine kung paano nga ba? Ang tanging paraan lamang na nasa
isip nya ay umalis.
"Tama! Hindi sinabi sa propesiya na kasama ang mundo ng tao na kasamang guguho.
Tangging mga bampira lamang ang nabanggit" sabi nya sa sarili ng makaisip ng
paraan. Agad syang tumayo upang sabihan si Randall. Kailangan nyang sabihin rito
dahil ayaw nyang maglihim rito.
Binalik nya ang aklat at agad na umakyat ng hagdan upang lisanin iyon. Lumabas sya
at muling sinara ang pinto ng silid na iyon.
Sa kanyang paglabas ay isang hindi mapakali na si Randall ang nakita nya. Gising na
pala ito. Napatingin ito sa kanya at sa silid na pinanggalingan nya. Agad itong
lumapit sa kanya at niyakap sya.
"Narito ka lang pala, Mahal. Labis ang pag-aalala ko na baka may nangyari na sayo."
"Bakit tila balisa ka? At anong sigaw iyong naririnig ko?" tanong nya rito ng
makarinig sya ng sigaw sa labas ng kanilang silid.
"Kailangan na nating lumisan rito. Papatayin nila ang ating anak. Gusto nila ama na
mawala ang ating anak dahil sa propesiya." sabi nito sa kanya.
"Alam mo din ang nakasaad sa propesiya?" gulat nyang tanong.
"Oo. Kahit na hindi mo sabihin ay nabasa ko ang isip mo ng tayo ay mahiga kanina.
Labis ang aking pag-aalala dahil sa iyong pag-iyak. Kaya patawad kung binasa ko ang
nasa isip mo." sabi ni randall.
"Hindi na importante iyon. Nakaisip na ako ng paraan upang hindi matuloy ang
propesiya." sabi nya rito.
"Ano?"
"Mamuhay tayo bilang tao. Dahil pag nandito tayo ay tiyak na hindi din tayo
matatahimik lalo pa't sumugod na ang mga kalahi mo at iba pang lahi. Ayokong
mamatay ang anak natin. Gusto ko syang makaranas ng naging buhay ko noon. Pag doon
tayo sa mundo natin dati ay wala nang masasaktan na mga kalahi natin. At alam ko
iyan ang dahilan mo kung kaya hindi mo sila hinarap dahil ayaw mong masaktan sila.
Ayaw mong dumanak ang dugo sa palasyong ito at sa buong lupain ng bampira."
pagpapatuloy nya.
"Mukhang tama ka. Kung iyan lang ang paraan ay handa kong lisanin at iwan ang
pagiging hari ko para sa anak natin." nakangiting sabi ni randall at hinalikan ang
noo ni Francine. Tumingin sya sa kapang nakasabit at kinuha nya iyon. Binigay nya
ang isang maroon na kapa kay Francine at sa kanya ay itim. "Isuot mo na ito dahil
sa malayo tayo tutungo. Malayo sa mundong ito." sabi nya rito. Tumango si Francine
at kinuha ang kapa. Sinuot nya iyon at tinali sa leeg. Hinawakan sya sa kamay ni
Randall at pinagsiklop ang kanilang kamay. Sinuot nila sa ulo ang kapa sa pang-ulo
upang walang makapansin sa kanila na tumatakas.
Naglaho sila at nagtungo sa dulo ng nasasakupang lugar upang sila ay lumabas sa
lagusan. May mahiwagang nakabalot sa lupain ng mga bampira upang hindi malaman ng
tao na may namumuhay na kagaya nila. Isang panangga upang malinlang ang tao na
isang kagubatan lang iyon ngunit ang totoo ay nakatayo ang bawat palasyo ng
bampira.
Lumitaw sila sa pinakadulo ng lagusan ngunit nagkatinginan sila ng makita na
maraming nakaabang sa lagusan tila sinisiguro na hindi sila makakatakas.
"Paano tayo makakalabas kung nakaabang sila?" nababahalang sabi ni Francine...
"May isa pang lagusan na walang ibang nakakaalam." sabi ni Randall.
"Saan?" tanong ni Francine. Hinawakan muli ni Randall ang kamay ni Francine at
naglaho sila. Nagtungo sila sa sekretong silid. "Dito? Ngunit tangging mga libro
lamang ang nakikita ko dito. Pumasok na ako rito pero wala naman akong nakitang
lagusan." sabi pa ni Francine.
"Meron. Dahil ako ang may gawa ng lagusang iyon. Hindi alam nila ama ito kaya
maaari tayong makatungo sa mundo ng tao na hindi nakikipaglaban." sagot ni Randall
at lumapit sa Book shelf ng aklatan. Tinulak nya iyon paggilid upang mabuksan ang
lagusan. Sa kanyang pagbukas ay liwanag agad ang bumungad sa kanila.
"Ahhh!! Nasusunog ang balat ko." nasasaktang sabi ni Francine. Simula ng maging
bampira sya ng lubusan ay nawala na ang kakayahan nyang makayanan ang araw na
dumadampi noon sa balat nya.
"Heto mahal, inumin mo upang makayanan mo ang init ng araw." sabi ni Randall at
inabot ang isang inumin na ginamit nila noon ng mamuhay sila bilang tao. Agad na
ininom iyon ni francine at sa kanyang pag-inom ay agad-agad na tumalab sa balat
nya. Hindi na sya nasasaktan at nasusunog ang balat sa araw. "Tara na. Bago pa nila
matuklasan ito." aya ni randall kaya lumabas na sila. Inutusan nya na magsara ito
at ibalik sa dati ang book shelf. Nang magsarado na ng tuluyan ay para silang
nakahinga ng maluwag.
Ngumiti sila sa isa't-isa at magkahawak kamay na lilisan. Ngunit hindi pa sila
nakakailang hakbang ng may humarang sa kanilang daan. Inilagay ni Randall si
francine sa likod nito habang binibigyan nya ng matalim na tingin ang mga humarang
sa kanila.
"Tila tumatakas kayo sa suliranin na nangyayari sa palasyo mo, Randall. Naging Hari
ka na nga, iiwan mo pa." may pang-asar sa labi na sabi ni Warren ang pinsan sa ama
ni Randall na may lihim din na pagnanais sa Trono ng hari.
"Umalis ka sa harap namin, kung ayaw nyong masaktan." mariin na sabi ni randall kay
warren at sa mga kasama nito na tingin nya ay ito yung mga makasalanang bampira na
pinatapon sa bundok.
Humalakhak si Warren sa sinabi nya. "Bakit ko naman hahayaan na makatakas kayo?
Ngayon pa na maaari kitang paslangin upang mapasakamay ko na ang trono."
nakangising sabi ni warren na kinadilim ng anyo ni Randall.
"Randall, wag mo silang labanan. Umalis na tayo." sabi ni Francine kay Randall
habang nakakapit sa kapa ni Randall mula sa likod nito.
"Tumakbo ka na, Mahal. Iligtas mo ang sarili mo at ang anak natin." utos ni Randall
na kinailing ni Francine.
"Hindi! Ayoko! Hindi ako aalis sa tabi mo. Sabay natin lilisanin ang lugar na ito.
Tara na! Gamitin mo na ang kapangyarihan mo. Maglaho na tayo." hindi pagpayag ni
francine habang umiiling-iling. Nabigla sya ng alisin ni Randall ang kamay nya mula
sa pagkakapit sa likod nito. Hinarap sya nito na may pagsusumamo.
"Pakiusap, Mahal. Mauna na kayong umalis. Pangako, susunod ako." pakiusap ni
randall. Hindi mapigilan mapaiyak ni Francine dahil nangangamba sya.
"Ayoko. Paano mo kami masusundan kung hindi mo naman alam kung saan kami pupunta.
Baka-Baka--"
"Shh.. Mahal, kahit saan kayo magpunta ay mahahanap ko kayo. Di ba nga iisa na
tayo. Kaya maamoy lang kita, alam ko na kung nasaan ka. Kaya pakiusap, iwan mo na
ako dito. Kailangan ko lang patahimikin ang mga ito para wala nang manggulo sa
atin." pagputol ni Randall sa sasabihin sana ni Francine at pinahid ang luha nito.
Yumakap si Francine ng mahigpit. "Ipangako mo na mabubuhay ka. Ipangako mo na
hahanapin mo kami." umiiyak na pagsuko ni francine sa gusto nito. Niyakap din
pabalik ni Randall si Francine.
"Pangako. Mabubuhay ako dahil gusto ko pang makita ang anak natin at gusto pa
kitang makasama, Mahal. At pangako na hahanapin ko kayo."
"Tama na ang pagpapaalam. Dahil mamatay din naman kayong dalawa." pagsingit ni
Warren na may hawak na ng malaking espada.
"Umalis ka na dali." mariin na utos ni Randall at bumitaw na kay francine ng yakap.
Hinalikan nya ang noo nito at tinignan.
Kahit na labag sa loob ni Francine ay agad syang tumakbo.
Habang si Randall ay agad na kinalaban ang nagtakang humabol kay Francine.
Pinagsasaksak nya ang mga ito. May isa na nasugatan sya sa braso mula sa likod kaya
inuma nya ang espada na galing sa mga namatay na alalay ni Warren. Ang iba ay
ginamitan nya ng kapangyarihan.
"Ako naman ang harapin mo, Randall!" sigaw ni Warren at balak sanang itama ang
hawak nitong sandata ng makailag si Randall at ginamit ang hawak na espada upang
ilayo sa kanya ang espada nito. "Ren, Sundan nyo ang babae at patayin." nakangisi
nitong utos sa isang alagad nito habang nakatingin sa kanya na ginagalit sya.
Nang makita nya ang paghakbang ng alagad na inutusan nito. Kaya agad nyang sinugod
iyon na balak na sundan si Francine.
Itatarak na sana nya ang espada rito ng may sumaksak sa kanya mula sa likod.
Napatingin sya sa tiyan nya at nakita nya ang pag-agos ng dugo doon.
"Randall!!!" umiiyak na sigaw ni Francine. Nakatago sya sa isang puno dahil hindi
sya makaalis. Ayaw nyang iwan ito. Nakita nya ang pagsaksak ni Warren rito. Umalis
sya mula sa pagtatago mula sa puno.
'Wag Mahal! Ayos lang ako. Umalis na kayo. Magagalit ako sayo pag hindi mo pa
nilisan ang lugar na ito.' kausap sa kanya ni Randall mula sa isip.
'May sugat ka! Hindi ako makakaalis lalo pa't may sugat ka.' giit nya rito habang
tinitignan ito na nakikipaglaban parin kahit na may sugat.
'Pakiusap. Pakinggan mo ako. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na may
mangyari sa inyo ng anak natin. Kaya ko ito. Ako ang hari ng Sitirian. Kaya kahit
anong mangyari, makakaya ko ito. Sige na. Parating na ang isang alagad ni warren
upang sundan ka." pakiusap muli ni Randall dito.
Nahihirapan man na umalis si Francine ay tumalikod na sya at tumakbo. Hawak-hawak
nya ang tiyan habang tumatakbong lumuluha.
"Pakiusap iligtas nyo po si Randall. Alam ko na kakaibang nilalang kami, pero
nangangailangan din kami ng tulong mula sayo. Hindi ko po kakayanin pag oras na may
mangyari sa kanya." humihiling nya sabi habang nakatingin sa langit.
Nakalabas na sya ng gubat at isang highway ang bumungad sa kanya. May nakita syang
isang truck ng prutas tila idedeliver sa ibang lugar. Tumingin sya sa likod ng
makaramdam na may parating. Kaya agad syang tumawid ng kalsada at tinungo ang
truck. Maingat syang umakyat at nagsumiksik sa mga kahon-kahon na mga prutas.
Doon ay bumuhos ang luha nya at napahagulgol. Nag-aalala sya sa kalagayan ni
Randall. Iniisip nya kung napano na ba ito? Sana ay makasunod ito sa kanya agad-
agad. Dahil hindi nya alam ang iisipin oras na matagal ito na hindi pa sya
nahahanap.
Umandar ang truck palayo sa lugar at palayo kay Randall. Hinaplos nya ang tiyan ng
makaramdam ng paggalaw nito. Napatingin sya sa tiyan nya at nagulat ng makita na
umuumbok na ang tiyan nya.
"Anak, wag ka munang lalabas hanggang wala ang ama mo. Gusto ko na pareho namin na
makita kang lumabas. Hintayin natin sya, ha?" kausap nya sa tiyan nya habang
hinahaplos iyon.
Sumandal sya at pumikit.
'Randall?' tawag nya kay Randall sa isip. Hindi ito sumagot kaya tinawag nya muli.
Ngunit kahit anong tawag nya ay hindi ito sumagot.
'Randall! Pakiusap sumagot ka! Sabihin mong ayos ka lang!' umiiyak habang pilit
parin na kinakausap ito sa isip.
'Ayos lang ako. Wag kang mag-aalala. Matatagalan siguro bago kita masundan, Mahal.
Ingatan mo ang sarili mo at ang anak natin. Pangako, magkakasama din tayo ng
tahimik.' sa wakas ay sumagot na ito.
'Sabi mo susundan mo agad kami? Bakit ka matatagalan?' nag-aalala nyang tanong
rito.
'Kailangan ko lang na masiguro na wala nang magtatangka sa buhay nyo. Basta susunod
ako. Ingatan mo ang sarili mo at ang anak natin. Mahal na mahal kita at ganun din
sa ating anak.' sabi nito at naputol na ang pag-uusap nila.
"Mahal na mahal din kita." bulong nya.
-
"Ahhhhh!!" ire ni Francine habang nakahawak sa tiyan nya. Nasa isang tagong
kagubatan ang bahay na tinutuluyan nya. Napadpad sya sa isang probinsya, sa San
benitez. May nakita syang kubo na abandonado. Kaya napakapalad nya dahil may
matitirahan na sya.
Pang pitong araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin dumadating si Randall. Ngayon
pa na tila lalabas na ang anak nya. Wala syang mahihingan ng tulong dahil malayo
ang kubo sa ibang bahay. At wala syang kilala. Dahil natatakot sya na matuklasan ng
mga tao kung anong uri sya. Kaya nagtatago na lamang sya sa kubo.
Humilab na ang tiyan nya na napakabilis ng paglaki ng tiyan nya. Nagtatagis na ang
ngipin nya habang bumabaon ang kuko nya sa unan. Habang ang isang kamay ay
nakahawak sa tiyan nya.
"Ahhhh!!" ire pa nya ulit at napapikit. Napahinga sya ng malalim ng maramdaman na
nailabas na nya. Pawis na pawis sya at napadilat ng hindi nya marinig ang pag-iyak
ng kanyang anak.
Dahan-dahan syang naupo at napatingin sa pagitan ng hita nya na may dugo sa hita
nya.
Kinuha nya ang anak sa pag-aakala na may masamang nangyari rito. Pero nang unti-
unting dumilat ang pikit nitong mata ay napaiwas sya ng tingin dahil baka mangyari
ang nasa panaginip nya.
Naglikot ito kaya dahan-dahan syang lumingon. Nakita nya ito na nakatingin sa kanya
habang pumapalakpak ang kamay. Gaya ng nabasa nya sa propesiya. Kulay pusyang rosas
ang mga mata nito. Hindi katulad sa panaginip nya ay para syang pinapatay sa sakal
sa binibigay na tingin nito. Mali pala sya.
Ngumiti sya at hinalikan ang noo nito na may dugo pa nya. Napaiyak sya sa sobrang
sarap ng pakiramdam na mahawakan at makita na ang mukha ng anak nila.
Tumingin sya muli rito at ngumiti.
"Napakaganda mo, Anak. Parang pag titignan kita ay nauubusan ako ng hininga sa
paghanga. Iba pala ang pinapahiwatig ng panaginip ko, anak. Ang iyong ganda pala
ang tila nakakaubos ng hininga." sabi nya rito. "Kaya tiyak ko na bagay na bagay
sayo ang pangalang Abella. Ibig sabihin ay hininga. Ikaw ang tanging magiging
hihinga ko habang wala pa ang iyong ama. Kaya hindi ko kakayanin kung may mangyari
sayo na masama."
Umamba ang kamay nito tila gustong hawakan ang kanyang mukha.
"Hihintayin natin ang pagdating ng iyong ama. Para masabi din nya kung gaano namin
ikaw kamahal, Anak." sabi nya rito at hinalikan muli ito sa noo.

ANG PAGTATAPOS NG UNANG LIBRO.

Sa lahat ng nagtatanong ay ipagpapatuloy ko po ang pangalawang aklat katugdong ng


kwento ng kanilang anak na si Abella.
Maraming Salamat Po!
M I N I E * M E N D Z

You might also like