You are on page 1of 5

BABAENG NAKAPULA

ni: Valerie Faith O. Baello

“Tatay, nandito na naman po yung babaeng nakasuot ng pulang damit.” sigaw ng batang
lalaki.

“Pa-kiss nga” ika ng babae sa bata ng makarating siya sa harap ng pintuan. Kaagad namang
tumakbo papalyo ang bata sabay hablot ng supot na may lamang pagkain na hawak-hawak ng
nakapulang babae.

“Malapit na pala kaarawan ni Jelmar, nako maglalabing limang taong gulang na pala siya,
parang kailan lang e nagpapa-amoy pa siya ng pototoy niya sakin, ngayon parang ayaw na
niyang lumapit.” ika ng babae habang naglalakad papalapit sa ama ng bata.

“Oo Maris, binata na talaga yang anak ko” sambit ng ama ng bata. Dumungaw sa bintana si
Maris at pinagmamasdan si Jelmar na naglalaro ng basketball.

“Napakakisig na bata at ang tangkad pa” ika ni Maris. “Aba mana mana lang iyan” sabi ng
ama.

“Oh sya, aalis na ako kasi maaga kaming pinarereport ni boss, ang dami raw kasing kliyente
eh” ika ni Maris, “Paalam Jelmar, pagka uwi ko, bibilhan ulit kita ng masarap na pagkain”
dagdag pa niya.

“Talaga masarap?” sagot ni Jelmar sa kaniya at pumasok siya kaagad sa bahay. Sumapit ang
gabi, “anak matulog ka na, may pasok ka pa bukas” “opo, itay” sagot ni Jelmar.

Tinignan ni Jelmar ang kaniyang relo at sumilip sa kwarto ng kaniyang ama. Kaagad siyang
tumayo sa kaniyang kina-uupuan at ndumiretso sa kaniyang kwarto. Kinuha niya ang kaniyang
itim na jacket, itim na pantalon at sapatos at dahan dahan niya itong isinuot. Pinatay niya ang
ilaw at lumabas siya sa kaniyang kwarto. Lumakad siya ng napakadahan palabas ng bahay. Ilang
metro na ang layo ni Jelmar sa kanilang bahay at patuloy parin itong naglalakad. Tingin sa
kanan, tingin sa kaliwa at saka lalakad ng mabilis. Nakarating siya sa kaniyang paroroonan, at
tila ba siya ay may hinahanap.

“Ayun” sabi niya. Nakatayo siya sa tapat ng isang hindi ganoong kalakihang gusali. Maya-
maya pa ay lumakad sa papunta roon. Akmang papasok na sana siya ng pigilan siya ng isang
lalaki. Isang malaking lalaki, nakasuot rin ng itim na jacket at itim na pantalon.

Hindi siya kinausap ng lalaki ngunit tinignan lamang siya mula ulo hanggang paa. “Sige
pasok ka” ika ng lalaki kay Jelmar. Habang naglalakad papasok si Jelmar ay lumingon siya sa
likod.
Napansin niyang ibang lalaki na ang nagbabantay sa labas ng gusali. Tinatanaw niya bawat
bintana na kaniyang madaanan. Iba’t ibang tunog ang kaniyang naririnig, iba’t ibang klaseng
amoy ang bumubungad sa kaniya. Nakakuha ng pansin niya ang isang usok ng sigarilyo na
nanggaling sa isang sulok.

“Oh ikaw na pala iyan” ika ng isang babaeng napakapula ng labi, may nakasipit sa kaniyang
kamay na sigarilyo, nakasuot ng pulang spaghetti strap, at napakaikli ng short.

“Namiss kaagad kita, buti na lang hindi ako tinanong ng bouncer kung ilang taon na ako at
parang bagohan yun ah.” sagot ni Jelmar. “Oo bago yun dito, pinaalis na kasi si Robert” sambit
ng babae.

Papasok na sana sa loob ng isang kwarto ang babae ngunit hinawakan ni Jelmar ang
kaniyang kamay sabay sabing, “Aalis na ako, babalikan ulit kita dito bukas”.

Napagtanto ang kanilang mga mata at ngumiti sa isa’t isa. Gabi gabi ay iyan ang gawain ni
Jelmar simula noong makilala niya ang babaeng tumulong sa kaniya sa bingit ng kamatayan.
Kung babalikan ang araw ng mga puso, Pebrero 14, 2009 ay may isang aksidenteng nangyari na
muntik na ikamatay ni Jelmar. Nasa Igbaras, Iloilo ang pamilya nina Jelmar para doon muna
manatili at dahil nayon ang lugar, napapalibutan ito ng mga puno. Napasarap ang lakad ni Jelmar
sa likoran ng bahay at tila siya ay napaligaw. Napadaan siya sa isang lagusan at hindi na niya
alam ang daan pabalik. Biglang bumuhos ang malakas na ulan at napabilis ang kabog ng
kaniyang dibdib. “Itay, tulungan niyo po ako” sigaw ni Jelmar. Kasabay ng pagpatak ng ulan sa
kaniyang mukha ay ang pagdaloy ng luha mula sa kaniyang mga mata. Naisipan niyang tumakbo
ng mabilis at hindi kalaunan ay bigla siyang nahulog sa isang bangin.

Naiwan ang kaniyang isang pares na sapatos sa itaas ng bangin. Nawalan si Jelmar ng
malay at ilang oras na ang nakalipas ay himdi pa rin siya nagising. Pagsapit ng buwan ay may
isang matandang lalaki ang naglalakad pauwi sa kanilang tirahan. Napansin niya ang isang pares
na sapatos ni Jelmar. Kinuha niya ang kaniyang dala dalang ilaw at nang makita niya si Jelmar
ay nanlaki ang kaniyang mga mata “oh, Diyos ko” ika ng matanda. Dali daling tinawag ng

matanda ang kaniyang anak na babae upang iligtas nila si Jelmar. Gumawa sila ng paraan upang
maiakyat si Jelmar mula sa ilalim ng bangin. Buong pwersang iniakyat ng babae si Jelmar at
inihiga sa Damo.

Naimulat ni Jelmar ang kaniyang mga mata at tila nakatulala lang sa bubong ng bahay.
Kaagad siyang tumayo ngunit pinakalma siya ng matanda. “Kumain ka muna” sabi ng matanda.
Bigla namang pumasok ang babae sa loob ng kwarto. Habang nag-uusap silang tatlo, ang mga
mata ni Jelmar ay nakatitig lamang sa babae.
Tinignan niya ang mahabang buhok ng babae, mapupungay nitong mata at ang
malalambot nitong labi. “Hatid ka na namin sa inyo” ika ng matanda. “Hindi na po ako sasama
itang, luluwas po ako ngayon ng syudad kasi may trabaho ako bukas” sagot ng babae.

“Saan ka nagtatrabaho sa syudad at ano ang trabaho mo roon?” tanong ni Jelmar. “Naku
sa La Paz ako nagtatrabaho. Hindi mo na dapat pang malaman kung ano ang trabaho ko roon”
sagot ng babae.

Ligtas na inihatid ng matanda si Jelmar sa kanilang bahay. Habang nagpapahinga si


Jelmar ay naiisip niya ang itsura ng babae. “Ang ganda niya” pabulong niyang sinabi. Lumipas
ang tatlong taon ay lumuwas ng syudad si Jelmar upang mag-aral. Nang kabisado na niya ang
mga lugar sa syudad ay pilit niyang hinanap ang babae. Dahil malaki ang kaniyang
pangangatawan, ay nakapasok siya sa iba’t ibang bar na dapat ay hindi makakapasok ang mga
minor de edad.

Isang gabi ay naisipan niyang tumakas sa kanilang bahay upang hanapin ang babae.
Isinuot niya ang kaniyang itim na jacket, pantalon at sombrero. Nag ikot siya sa lugar ng La Paz
at habang naglalakad, bigla siyang napahinto at napabilis ang kabog ng kaniyang dibdib.

Namula ang ang kaniyang mukha at nanlaki ang kaniyang mata. Doon ay nadatnan niya
ang babaeng nagligtas sa kaniya. Nakasuot ito ng pulang spaghetti strap at maikling short. Bigla
niya itong nilapitan at tinanong “dito ka pala nagtatrabaho?”. Hindi nakapagsalita ang babae ng
marinig niya ang boses ni Jelmar.

Lumingon siya at sabay sagot “Oo at hinanap mo talaga ako no?”. Ngumiti sa kaniya si
Jelmar at ngumiti rin pabalik ang babae. “Pwede ba pagkatapos mong magtrabaho pumunta ka sa
bahay? Aantayin kita dito” tanong ni Jelmar. “Nako, madaling araw na kasi natatapos yung
trabaho ko, ibigay mo na lang address mo at ako na lang mag-isa ang bibisita sa iyo” sagot ng
babae.

Sumapit ang umaga at nagising si Jelmar sa ingay ng doorbell. Kaagad siyang bumangon
at lumabas ng bahay upang buksan ang gate. “Oh, ikaw na pala iyan. Pumasok ka, wala ang itay
rito” sabi ni Jelmar. Umupo sa sala ang dalawa habang humihigop ng mainit na kape.

“Ilang oras na rin ako dito sa bahay mo, uuwi na ako, bibisita na lang ako dito paminsan-
minsan kapag may oras ako” ika ng babae. Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi binisita ng
babae si Jelmar. Isang araw habang nakahiga sa sala si Jelmar ay biglang tumunog ang doorbell.

Laging gulat niya ng makita niya ang kaniyang ama na may dalang babae papasok sa
kanilang bahay. Nakasuot rin ito ng pulang spaghetti strap at maikling short.

“Bakit magkasama kayo?” pagalit na tanong ni Jelmar. “Maris, ito ang aking ana na si
Jelmar” sabi ng kaniyang ama. “Hello, Jelmar. Nagkta ulit tayo.” sambit ni Maris. Hindi
nakasagot si Jelmar at pumasok na lamang sa kaniyang kwarto. “Huwag mo na lang pansinin
yun” ika ng kaniyang ama kay Maris. “Oo naman, ako kaya ang nag-aalaga sa kaniya noong
isang taong gulang pa lamang siya sa Igbaras” nakangiting sagot ni Maris.

Araw-araw ng pumupunta si Maris sa kanilang bahay at parang hindi matanggap ni


Jelmar na may kinakasamang babae ang kaniyang ama.

Sanggol pa lamang siya ng iniwan siya ng kaniyang ina sa kaniyang ama at ni hindi man
lang niya nakilala ang kaniyang ina at isa iyan sa naging dahilan kung bakit galit siya sa
kaniyang ina

. Ilang araw ang lumipas ay naging maayos naman ang pakikitungo ni Jelmar kay Maris
dahil noong una ay galit siya rito. Isang gabi ay naisipan ni Jelmar na pumunta sa La Paz. Dahan
dahan niyang sinilip ang kwarto ng kaniyang ama kung tulog na ngaba ito. Pumunta siya sa
kaniyang kwarto at isinuot ang kaniyang itim na jacket, pantalon at sapatos.

Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa at saka lalakad siya ng mabilis. Dirediretso siyang
nakapasok sa isang hindi kalakihang gusali. Dumungaw siya sa mga bintana na kaniyang
madaanan.

Iniisa isa niyang tinitingnan ang mga babaeng nakapula na sumasayaw sa ibabaw ng
entablado. Huminto ang kaniyang paglalakad ng makita niya ang babaeng gumigiling sa ibabaw
ng entablado.

Hindi niya inalis ang kaniyang mga mata sa kakatitig roon hanggang sa matapos itong
sumayaw. Nang pababa na ng entablado ang babae ay bigla niya itong nilapitan sabay tanong
“pwede ba kitang maka-usap?”.

Habang naka upo sila sa isang sulok ay may umabot na sigarilyo sa babaeng kinakausap
ni Jelmar.

“Namimiss mo na ba ako?” tanong ng babae kay Jelmar habang bumubuga ng usok.


“Gusto na ata kita” biglaang sabi ni Jelmar. Tinitigan siya ng babae sabay sabing “alam mo
naman na hindi puwede diba? Thirty-eight na ako at fifteen ka pa lang. Baka makasuhan ako ng
child abuse nito.” patawang sagot ng babae.

“Sa ayaw at sa gusto mo, pupuntahan kita dito gabi gabi” seryosong sabi ni Jelmar.
Simula noon ay gabi gabing pumupunta si Jelmar roon. Isang gabi habang papasok si Jelmar sa
gusali ay hinarangan siya ng nagbabantay roon, tinitigan siya mula ulo hanggang paa at
sinabihang “oh sge, pwede ka nang pumasok”.

Habang naglalakad papasok si Jelmar ay lumingon siya sa likod. Napansin niyang ibang
lalaki na ang nagbabantay sa labas ng gusali. Tinatanaw niya bawat bintana na kaniyang
madaanan. Nakakuha ng pansin niya ang isang usok ng sigarilyo na nanggaling sa isang sulok.
“Oh ikaw na pala iyan” ika ng isang babae. “Namiss kaagad kita, buti na lang hindi ako
tinanong ng bouncer kung ilang taon na ako at parang bagohan yun ah.” sagot ni Jelmar.

“Oo bago yun dito, pinaalis na kasi si Robert” sambit ng babae. Papasok na sana sa loob
ng isang kwarto ang babae ngunit hinawakan ni Jelmar ang kaniyang kamay sabay sabing, “Aalis
na ako, babalikan ulit kita dito bukas”.

Napagtanto ang kanilang mga mata at ngumiti sa isa’t isa. Biglang nabitawan ni Maris
ang kaniyang hawak na sigarilyo ng makita niyang hawak hawak ni Jelmar ang kamay ng isang
babaeng lubos niyang kilala. Nanginig ang kaniyang mga tuhod at napahawak siya sa pader.

Napalingon si Jelmar at napagtanto ang mga mata nila ni Maris. “Magkakakilala kayo?”
pagulat na tanong ni Maris sa babaeng kahawak kamay ni Jelmar. “Oo, bakit kilala mo rin ba si
Jelmar?” pabalik na sagot ng babae kay Maris.

“Kailangan ito malaman ng ama mo Jelmar” sambit ni Maris. “Pwede ba, huwag ka ng
makialam sa buhay namin!” pasigaw na sagot ni Jelmar. Biglang tumakbo si Jelmar palabas ng
gusali at kaaagad naman siyang hinabol ni Maris. Hindi na niya ito inabutan sa labas at umuwi si
Maris upang maka usap ang ama ni Jelmar.

Laking gulat ng ama ng maikwento ni Maris sa kaniya ang nangyari. Napaupo siya mula
sa kaniyang kinatatayuan. Kinabukasan ay kinausap si Jelmar ng kaniyang ama.

“Hindi pwedeng maging kayo , tutol ako sa nararamdaman mo para sa kaniya.” paiyak na
sabi ng ama. “Bakit? Dahil isa siyang JRO sa bar at madumi ang kaniyang gawain? Ganoon ba!?
pasigaw na sagot ni Jelmar.

“Mahal ko na siya itay! Nahulog na ang damdamin ko kay Marlie!” dagdag pa nito.
Hinawakan ng ama ang mga kamay ni Jelmar at inihaplos haplos ito.

Labis ang luhang pumapatak mula sa mata ng kaniyang ama. Nagkatitigan ang mag ama
at hinawakan ng ama ang mukha ng kaniyang anak sabay sabing, “ Si Marlie, siya ang ina mo”

You might also like