You are on page 1of 12

(KWENTO NG KATUTUBONG KULAY)

Impeng Negro
Rogelio Sikat

Sa giray na batalan ay naghuhugas ang maglalabing-anim na


taong gulang na si Impeng ay natigilan nang dahil sa pangangaral ng nanay niya
sa kanya.Baka mapaaway na naman siya.Sa apat na magkakapatid ay tanging si
Impeng lamang ang maputi sapagkat sina Kano,Boyet at DingDing ay mapuputi
lalo na si Kano.Pag-alis niya ay isinuot niya ang kamisetang dati ay masikip ngayo'y
maluwag na.

Parating sinasabi ng kanyang ina na huwag na lamang pansinin


si Ogor dahil ito ay basagulero talaga sa kanilang lugar.Laging tinatandaan ni
Impeng ang sinabe ng kanyang ngunit hindi niya
matagalan ang panlalait nito sa kanya.Si Ogor ay hindi itinuring na kaibigan si
Impeng.Siya ang malakas na agwador sa kanilang lugar.Di nagtagal ay tinanggap
niya na lamang dahil yun naman talaga ang totoo.
Pagkadating sa niya sa may gripo ay agad siyang pumila.Sa
paglipas ng oras, ay nakaipob na agad siya ng sisenta sentimos at may isa pang
nagpapa- igib sa kanya.Kahit naiinitan siya ay hindi nalang siya sumilong sapagkat
sina Ogor at iba pa nitong kasama.Nang si Ogor naman ang iigib ay biglang siyang
sumingit,dahilan iyan upang umuwi na lamang ngunit bigla siyang pinatid
nito.Dahil dyan ay dumugo ang pisngi ni Impeng.
Pagkatapos ay sinipa siya at gumulong siya sa mga
balde.Nagtawanan ang mga tao.Sinipa ulit siya at sa akmang sisipa ay kinagat ni
Impeng ang paa kaya't pumailalim si Ogor at si Impeng ang nasa
ibabaw.Pinaulanan niya ito ng mga suntok dahilan upang humina at
sumuko.Tumayo at tinignan ang mga tao, ang mga ito ay nahihiya na sa
kanya.Dahil dito ay natuklasan niya ang kakaibang lakas na taglay at nadama ang
tibay,katatagan at kapangyarihan.Sa gitna ng sikat ng araw, siya'y naging
sugatang mandirigma na ang tangning hiling ay ang kapayapaan kahit na siya ay
iba sa lahat.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/874862#readmore

(KWENTO NG MADULANG PANGYAYARI)


Biag ni Lam-ang

Noong unang panahon, may mag-asawang nag ngangalang Juan at Namongan. Ang mag asawa
ay nakatira sa baryo ng Nalbuan.

Noong magbuntis si Namongan ay umalis ang asawang si Juan upang parusahan ang isang grupo
ng igorot.

Habang wala si Juan ay isinilang ni Namongan ang kanilang anak na lalake. Lubos na kahanga
hanga ang sanggol sapagkat pagkapanganak pa lamang ay marunong na itong magsalita.

Ang pangalang "Lam-ang" ay sya mismo ang pumili. Maging ang mga ninong at ninang ay sya
ring nagtalaga.

Isang araw, nagtanong si Lam-ang kung nasaan ang kanyang ama.

"Nasa bundok ito upang parusahan ang mga igorot" na saad naman ng ina.

Nalungkot si Lam-ang sapagkat matagal na nyang di nakikita ang ama buhat ng sya ay isilang.

Isang araw ay nanaginip si Lam-ang na ang kanyang ama ay pinatay ng mga igorot. Sa galit nito
ay nagpunta sya sa kabundukan at pinatay lahat ng igorot doon.

Ang batang si Lam-ang ay syam na taong gulang pa lamang noon.


Sa kanyang paguwi sa kanilang lugar sa Nalbuan ay napadaan si Lam-ang sa ilog ng Amburayan.
Doon ay pinaliguan sya ng mga kabigang babae. Ang mga dumi at dugo sa katawan ni Lam-ang
ay naging tila lason na pumatay sa mga isdang nasa ilog.

Nang nasa wastong gulang na si Lam-ang ay nakilala nya si Ines Kannoyan. Sya ay umibig dito.

Nagpasyang manligaw si Lam-ang sa magandang si Ines. Dala ang kanyang tandang at


paboritong aso.

Lubos na nainis si Lam-ang nang makitang maraming nakapalibot na manliligaw sa bahay ni


Ines kaya't inutusan nya ang kanyang tandang na tumilaok. Sa tinalok ng manok ay agad na
nasira ang bahay ni Ines at namatay ang lahat ng manliligaw.

Agad namang inutusan ni Lam-ang na kumahol ang aso at tumahol nga ito. Sa tahol naman ng
kanyang aso ay tila himalang bumalik sa dati ang gumuhong bahay ni Ines.

Lumabas si Ines at ang magulang nito upang harapin si Lam-ang.

Hiningi ni Lam-ang ang kamay ni Ines upang pakasalan. Hindi naman tumanggi ang mga
magulang ni Ines sa isang kondisyon.

Tapatan lamang ang kanilang kayamanan. Hindi naman ito naging hadlang kay Lam-ang.
Umuwi si Lam-ang at bumalik na may dalang bangka na puno ng ginto. At kalaunay ikinasal din
sila ni Ines.

Lumipas ang maraming taon ay dumating ang pagkakataon upang manghuli si Lam-ang ng
isdang "Rarang". Isang obligasyon sa mga lalaking may asawa ang humuli nito.

Ngunit may pangitain na si Lam-ang na mapapatay sya ng isdang "Berkahan". Ito ay isang isda
na kalahi ng mga pating.

Sa kabila nito ay di pa rin nagbago ang isip ni Lam-ang na hulihin ang isdang Rarang.

Ngunit nangyari nga ang pangitain ni Lam-ang at sya ay napatay ng Berkahan.

Lubhang nagtangis si Ines at agad na umupa ng mga maninisid upang makuha ang mga buto ni
Lam-ang.

Agad namang nakuha ang mga buto ni Lam-ang.

Kasama ni Ines ang tandang at aso ni Lam-ang, kanilang dinasalan gabi-gabi ang mga buto ng
asawa.

Hanggang sa isang araw, si Lam-ang ay muling nabuhay.

Mula noon ay namuhay sila ng masaya.


(KWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN)

PANGARAP AT TAGUMPAY
ni Emmar C. Flojo

Kahirapan ang nagbibigay pasakit kay Mabel na dati-rati’y wala silang inaalalang
suliranin. Maayos sana ang buhay nila noon, nakahit anong hilingin niya ay agad-agad
masususnod. Subalit dumating ang pagkakataong nagkasakit ng malalang karamdaman
ang kanyang ama na ngayo’y paralitiko dahil sa ‘di agad naagapan karamdaman. Isa pa
roon ay pagkasara ng pinapasukan ng kanyang inay. Wala silang magawa ng kanyang
kapatid kundi ang tumigil na lamang sa kanilang pag-aaral. Bitbit sana na niya ang
diplomang dapat sanay mukukuha na niya ng kasalukuyang taon. Gunita niya ang mga
masasayang araw na gusto niyang maging abugasiya ngunit ang sisidlang pangarap ay
napunta sa paghihintay. Panganay siya sa dalawa niyang kapatid na mula ng magkasakit
ang kanyang tatay ay siya na ang kumakalinga rito dahil wala ng panahon ang kanyang
nanay sa pag-aasikaso rito. Simula noon ay tumutulong pa siya sa pagtitinda ngkakanin
sa lansangan. “Inay makakapagtapos pa kaya ako?” tanong niya sa kanyang inay. “Anak
hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito tayo, may awa rin ang Diyos basta’t maniwala
lang tayo sa kanya, Dahil ang bawat pagsubok ay may kaakibat na kaginhawaan kung itoy
iyong malalagpasan,” tugon ng kanyang Inay sa kanya. “Ano na lang kaya kung
mamasukan na lang ako bilang katulong? Para naman makatulong ako sa gastusin dito
sa bahay at sa pambili ng gamot ni Itay.”“Salamat anak! Pero bata ka pa para magbanat
ng buto, hayaan mo na lamang ako magpuno ng pangangailangan natin.”

Isang araw, “Inay… Inay si itay!” Pabulyaw at humahagulgol na sabi. Hikbi ni


Mabel habang nakaratay ang kanyang Itay na wala ng buhay. Iyon na marahil ang
pinakamabigat na nangyari sa buhay ng kanyang Pamilya—ang mawalan ng Padre de
Pamelia sa kanilang bahay. Tulala at wari malayo ang kanyang iniisip habang nagsisipag-
iyakan ang kanyang dalawang kapatid. Isang linggong nagluksa ang Pamilya Dela Cruz,
pagkatapos ng pagluluksang yaon ay kasunod ng pagbabago sa estado ng kanilang
pamumuhay. Kung dati-rati’y naglalako siya ng kakanin sa lansangan ay namasukan siya
bilang kasambahay. Samantalang ang dati niyang ginagawa ay pinagpatuloy ng kanyang
kapatid. Simula noon ay nahirapan siyang makibagay sa takbo ng kapalaran. Natuto
siyang makipamuhay sa mura niyang gulang at doon niya naranasan ang hirap ng
kanyang napasukan. Minsan na rin siyang inalok upang sumayaw sa lilim ng ilaw ngunit
inisip niya ang nararapat na hindi niya gagawin ang bagay na iyon.

Ang pagkakataong makapag-aral ay minsan na rin sumagi sa kanyang isipan na


sa kanyang pagtatrabaho’y inalok ng kanyang amo.
“Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?” tanong nito sa dalaga.
Biglang napatingin si Mabel sa kanyang amo subalit ang bagay na iyon ay parang napaka-
imposible sa katayuan niya. Iniisip niya na mahirap pagsabayin ang pag-aaral at
pagtatrabaho. “Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?” ulit nitong sambit.
Ngunit sa pagkakataong yaon, hindi na niya pinalagpas ang pagkakataong uli’y makapag-
aral siya. Tumangon na lamang siya “Oho…!” tugon niya dito. “Simula bukas pupunta ako
sa eskuwelahang papasukan mo, gabe ka na lang pumasok para naman ‘di maantala ang
pagtatrabaho mo,” usisa ng kanyang amo. “Maraming Salamat po.”

Sa kanyang kinikita sa kanyang sweldo ay doon niya kinukuha ang panggastos


niya sa pagpapaaral sa kanyang mga kapatid.

Isang gabi tinanong niya ang amo niya kung bakit ganito na lamang ang
ipinapakita sa kanya nito. At doon na niya nalaman na may anak na pala ang kanyang
amo. Na dapat sanay katulad nang gulang niya pero sadyang binawian ito ng buhay sa
murang edad dahil sa aksidenting yaon. Nakikita ni Don Pedro sa kanya ang buhay ng
namayapang anak kaya maganda ang pakikitungo nito kay Mabel. Tinuturing ni Don
Pedro si Mabel na parang tunay niyang anak.. “Eh Sir asan po si Maam?”tanong niya
rito. “Simula nong namatay ang aming anak, sinisisi niya ang lahat sa akin, lumayas siya
na wala man lang paalam.” “Diko nga mabatid kung bakit iniwan niya ako, siguro tama
nga ang maam mo na dapat ako managot sa lahat.”

Pagkatapos ng usapang iyon doon niya nalaman ang lahat ng mga bagay na
waring itinatanong sa kanyang sarili na kung bakit ganun na lamang ang pakikitungo ng
kanyang amo. Ganun pa man, kahit mahirap hatiin ang oras bilang katulong ay umaasa
pa rin siyang mapagtapos niya ang kanyang mgakapatid at makakuha siya ng titulo sa
kolehiyo.

Lumipas nga ang mga panahonng natakda niyang kapalaran ay natupad niya ang
mga bagay na matagal na niyang pangarap sa buhay. Sa pagkakataong iyon ay inaalay
niya ang deploma’t medalyong nataggap sa kanyang minamahal—sa kanyang inay at mga
kapatid at sa mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Dahil sa pagsubok na
dumating sa kanilang pamilya ay nakamit niya ang matagal na niyang inaasam-asam. Ang
makapagtapos sa pag-aaral. Nabago ang lahat dahil sa mga bagay na di niya inaasahan.
Ang pagkamatay ng kanyang itay ay natuto siyang kumilos para lamang mabuhay ang
kanyang pamilya.

(KWENTO NG KABABALAGHAN)
Sumama Ka Na
Hindi maintindihan ni Rosa ang kanyang nararamdaman. Nanlamig at parang kinikilabutan siya
habang naglalakad sa kalsada ng gabing iyon. Naglalakad na lamang siya dahil hindi siya sinundo
ng kanilang driver. Sa sobrang inis niya ay nilakad na lamang niya ang patungo sa bahay nila.
Naiinis siya dahil sa sobra niyang paghihintay, ni hindi man lang siya sinabihan na hindi siya
masusundo. Kung kaya sa sobra niyang inis ay nakaya niyang lakarin ang kalagitnaan ng gabi.
Malapit na niyang marating ang bahay nila ay napansin niyang parang mas lumala pa ang
kanyang nararamdaman. Tumatayo ang kanyang mga balahibo at biglang lumakas ang hangin
sa pagdaan niya sa isang malkaing puno ng mangga, kung kaya’y binilisan niya ang paglakad
hanggang nakarating siya sa kanilang bahay.
“Oh, bakit nagmamadali ka? At bakit kaw lang mag-isang umuwi? Pinasundo kita sa daddy mo,
nasaan na siya? Ang tanong ng kanyang ina.
Dahil nga galit siya na hindi siya nasundo ay hindi niya pinansin ang tanog ng kanyang ina at
dali-daling umakyat sa taas.
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Rosa sa kakaisip sa nangyari sa kanyang paglalakad
kanina. Sa tanang buhay niya ay hindi pa naranasan ang ganoong pangyayari, ngayon lang.
Napabangon siya sa kanyang pagkakahiga nang biglang may tumawag ng kanyang pangalan.
Tiningnan niya ang paligid ng kanyang silid baka tinig lamang iyon ng kanyang mommy. Ngunit
sa paghahanap niya ay wala siyang makita. Tumigil siya at naupo sa kanyang higaan. Tinawag na
naman ulit ang kanyang pangalan ng makatatlong beses. At doon ay nagsimula na siyang
kinabahan, malakas ang kaba ng kanyang dibdib at kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang
isipan. Matagal siyang nakatulog ng gabing iyon dahil sa mga di kanais-nais niyang napapansin.
Dahil sa kanyang takot ay hindi na siya nagpatay pa ng ilaw hanggang sa makatulog na.
At kinaumagahan ay matagal siyang nakagising at hindi na lamang siya pumasok sa kanyang
klase dahil masyado na siyang late. Kung kaya’y nagtataka ang kanyang ina kung bakit hindi
pumasok. Nagdahilan na lamang siya na masama ang kanyang pakiramdam.
Nang mga sumunod pang mga araw ay ganoon parin ang napapansin niya. Parang may palaging
sumusunod sa kanya, palaging nakatingin at nagmamasid sa bawat gagawin niya. Ngunit hindi
niya malaman at maintindihan kung ano ang di kanais-nais na pangyayaring iyon. At ni minsan
ay hindi niya ito piagtapat sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay mas lalo pang
lumala ang kanyang nakakakilabot na nararamdamn. Hindi na niya kinaya pang itago ito sa
kanyang mga magulang kaya’t ipinagtapat na niya ito. Mula noon ay takot narin ang kanyang
mag magulang sa maaaring mangyari sa kanilang anak.
Biyernes iyon ng gabi ng galing pa sa paaralan ay pagod na pagod si Rosa kaya maagang
nagpahinga at humiga sa kanyang higaan nang biglang may narinig niya ang isang boses.
“Rosa, Rosa…” tinig na nanggagaling sa loob mismo ng kanyang silid.
Bumangon siya at tinatagan ang sarili na hindi siya matatakot. Hindi niya pinahalata na takot
siya sa tinig na kanyang narinig.
“Sino yan? Anong kailangan mo sa’kin? Bakit ka nakapasok? Takot na tanong ni Rosa sa boses.
Bigla itong nagpakita kay Rosa.
“Halika Rosa, lumapit ka. Sumama ka sa akin”
Sumigaw siya at narinig naman ito ng kanyang ina. Pagpasok ni Aling Condring sa silid ng anak
ay bigla na lamang nawala ang lalaki.
“Bakit anak? Anong nangyari sayo? At bakit ka sumisigaw?”
Ang akala ni Aling Condring ay may napanaginipan lamang ng masama ang anak kaya ito
napasigaw.
Pinagtapat ni Rosa ang lahat sa kanyang ina na may nagpapakita sa kanyang isang lalaki na
nakasuot ng itim ngunit maamo ang mukha nito, at gusto siyang isama. Sa kwento ng anak ay
natatakot si Aling Condring dahil ilang araw na palang ganito ang mga pangyayaring naganap sa
kanyang anak. Malaki ang kanyang paniniwala na ang kanyang anak ay sinusundan ng isang
masamang nilalang. Hinala niya na baka nagkakagusto ito sa kanyang anak dahil marami na rin
siyang narinig na mga ganitong kwento. Kaya kinabukasan ay pumunta sila sa isang
manggagamot para malaman kung sino ang taong may gusting kunin si Rosa. Pinatingin na rin
nila ang anak dahil palagi itong nawawalan ng malay. Minsan na rin nila itong pinakunsulta sa
doctor ngunit wala paring pagbabagong nagaganap. Sa pagpapatingin nila sa isang
manggagamot ay hindi nga nagkamali si Aling Condring sa kanyang hinala, na ang kanyang anak
ay nagustuhan ng isang masamang espiritu kaya siya gustong isama nito. At iyon nga ang hula
ng isang manggagamot na may isang maitim na lalaking nagkakagusto sa kanya. Isang nilalang
na tulad sa’tin.
Matagal din nilang pinagagamot si Rosa sa manggagamot ngunit pabalik-balik pa rin ito.
Isang umaga ay gumagawa si Rosa ng kanyang asaynment nang biglang lumitaw ang lalaki sa
kanyang harapan mismo. Gulat na gulat at takot na takot siya dahil hinawakan nito ang kanyang
kamay sabay sabi na sumama na daw ito sa kanya. Doon sa kahariang sinabi niya. Nagtataka si
Rosa dahil ang lalaking dati niyang nakita ay maamo ang mukha, ngunit ang nakita niya ngayon
ay isang pangit at namumula ang mga mata. Parang gusto na talaga siyang dalhin ng lalaking
nagkakagusto sa kanya. Naalala ni Rosa ang sinabi ng manggagamot na kapag nagpatalo siya at
sumama sa lalaki ay tuluyang mamatay si Rosa, kaya pilit niyang nilabanan ang mga ginagawa
ng lalaki. Nagdasal siya ng nagdasal sa mahal na Panginoon. Sa pakikipaglaban niya ay
hinimatay sila.
Sa umagang iyon, nadatnan na lamang ni Aling Condring na nakahandusay sa sahig at walang
malay si Rosa. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa anak.
Mula noon ay hindi parin sila tumigil sa pagpapaggamot kay Rosa. Binasbasan si Rosa sa
manggagamot at patuloy parin si Rosa sa pakikipaglaban sa lalaking nagpapakita sa kanya. Wala
rin silang magawa kundi ang sabayan din ng pagdarasal na sanay lubayan na si Rosa at huwag
nang gambalain pa.
‘Di nagtagal, dininig naman ang diyos ang dasal niya. Hindi na muling nagpakita ang lalaki at si
Rosa ay namumuhay na ulit ng normal tulad ng dati.

(KWENTO NG TAUHAN)
KABULUHAN NG BUHAY
ni Emmar C. Flojo
Labis ang pagsisisi ni Jose habang kumakain sa hapag ng agahan. “Bakit! Bakit
pa ba ako isinilang—kung ganito lamang ako sanay namatay na lang ako,” sambit nito sa
kanyang sarili habang pilit na isinusubo ang kaning may ilang butil ng asin sa kanyang
plato. Mariing pinagmamasdan ng kanyang inay na kararating pa lang upang kunin ang
paglalabhan sa kabilang bahay.

“Ano ba naman ‘yan Jose, ang kanin matatapon! Umayos ka, nagpapakahirap na
nga ako sa paglalabada’y pinaglalaruan mo lamang ang kaning ‘yan. Tandaan mo anak,
ang bawat grasyang nakahain diyan sa hapag ay galing sa aking pawis. Sanay maawa ka
naman,” pagpapaliwanag ng kanyang magulang.

Magkailang linggo na ring naririnig ang pangaral ng kanyang inay simula nang
namatay ang asawa nito. “Ano ba naman ‘yan inay, sawa na ako sa buhay na ito. Sanay
namatay na lamang ako ng pinanganak mo ‘ko, Boyset na buhay to oh!”

“At ganun...! Pagkatapos kitang palakihin ganito pa ang isusumbat mo sa akin,


wala ka talagang kwentang anak.”

“Mas mabuti pa ang aking mga kaibigan naiintindihan ako, eh ikaw nay, neh
wala ka ngang oras para sa akin. Basta lang mapakain mo lang ang iyong anak ay tama na
yon sayo ‘yon.” Tumayo si Jose at kinuha nito ang bag sabay nilisan nito ang bahay
papuntang eskwelahan.

Labing-anim na taon na si Jose, nag-iisang anak ni Aling Lumen sa asawa


nitong kamamatay pa lamang kamakailan lamang. Mag-isa na lang kumakayod siya
kaya’t sa pagpapaaral nito sa kaisa-isa niyang anak sa kolehiyo ay masyadong
napakahirap. Wala siyang maaasahan kundi ang sarili nyang pagpupunyagi sa buhay.

Sa bukanan pa lamang ng eskuwelahan ay nakasalubong ni Jose sina Brando


at mga kaibigan nito. “Hali kana pare, sumama ka na sa amin” wika ni Brando. Walang
pag-aalinlangan tumugon siya sa paanyaya nito dahil sa nangyaring pagtatalo nito sa
kanyang inay. Gusto niyang makalasap ng ibang ihip ng hangin na magdadala sa kanya
ng pagkalimot sa nangyari sa kanilang mag-ina. “Teka, Saan ba tayo tutungo?” ika niya.
“Basta sumunod ka na lang sa amin!” tugon ni Brando.

Isang madilim at lumang establisyemento ang pinuntahan nila, nakita ni Jose


ang mga nagsisipaghintay na mga lalaking nagsisipagkwentuhan. Madilim ito at malayo
sa mga tao, sulung-sulo walang makaririnig sayo kundi ang mga taong naroroon lamang.

“Brod! Nandito na pala ang ating hinihintay” wika ng isang kasamahan ni Brando.
“Tamang-tama ‘yan, mabibinat na naman ang bisig ko” sambit ng isa pa. Nagulat na
lamang siyang binigyang galang ng isa nilang kasamahan ang taong naroroon.
“Master Magandang Umaga po” sabay yuko ng ulo nito.
“Oh bakit ‘di ka nagbibigay-galang Jose kina Master”
“Sino bang Master ang sinasabi mo?’’aniya.
“Bakit, sino ba sila? Hindi naman sila mga magulang ko para bigyan ko ng
galang.”
“Ah ganun ba! Ganun…”sabay suntok sa kanyang katawan.Napadapa ng tuwiran
si Jose sa pagkakasuntok ng lalaking yaon. “Sige pahubarin na ninyo ang mga iyan.”Agad
itong sinunod ng kasamahan ni Brando. Hinubad nito ang short at ang tira’y kanilang
panloob na pananamit.
“Pahubarin na rin ang isang ‘yan Brod!” “Oh bakit ganyan ang isang ‘yan, ‘di pa
nga nagsisimula nahimatay na agad, pambihira! Tawanan ang mga kasamahan nito.
“Sige pahubarin na ‘yan.” Piniringan ang mga mata ni Jose at saglit pa’y
naramdaman na niya ang pagdampi ng matigas na bagay sa kanyang katawan. Paulit-ulit
niya itong naramdaman hanggang humantong ito sa kanyang paghihina. Narinig niya ang
mga kasamahan ni Brando nanagkikisay sa sakit na dulot ng paghagupit ng bagay na iyon.

Doon siya natutuhan sa pagkakataong iyon, ang mga agam-agam at hinanakit


niya sa buhay. “Masarap pa ring mabuhay kahit minsay naghihirap ka.” Iyan marahil ang
pumasok sa kanyang isipan buhat ng maranasan niya ang sakit na idinulot ng pagsuway
niya sa kanyang magulang. Naisip din niya ang mga bagay na mula noon na doon na
naunawaan ang tunay na kabuluhan ng buhay. Ang paulit-ulit na panambitan ng kanyang
isipan sa pagkakatayo na tinatahak niya ang daan tungo sa kamatayan.

(KWENTO NG SIKOLOHIKO)

TATA SELO
ni Rogelio R. Sikat
Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga
tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-
ari
ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit
naisanla niya at naembargo.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa
kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na
malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng
Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang
propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng
istaked
na pawang mga kilala ng Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y
nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito
makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan
nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa,
pinatawag
si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi
nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan
upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng
bata, hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang
lahat".
MSF 110
ISINUMITE NI:
LARA U. GERONIMO
BSE-III

ISINUMITE KAY:
MRS. EMILY CRUZ

You might also like